"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."
Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba pa ng doctor ang batang nasa sinapupunan niya. Hawak ang medyo nahahalata pa lang ang umbok na puson ay tulala itong nakatingin sa kawalan. Bukod daw sa maraming dugo ang nawala sa kanya ay tanging raspa na lang din ang choice na mayroon sila ngayon."Misis?"Muling kuha ng atensyon ng doctor sa kanya. Nang wala pa 'ring reaction mula kay Alyson ay tinapik na siya nito sa isa niyang balikat, dahilan para mag-angat na siya ng tingin sa doctor."Uulitin ko po, kailangan natin ng pirma ng iyong asawa bago natin isagawa sa'yo ang operasyon."Kanina pa gustong humagulhol ng iyak ni Alyson pero dahil nasa publikong lugar at maraming tao ang makakakita ay hindi niya iyon magawa. Gulong-gulo siya. Ligaw na ligaw ang isipan sa mga nangyari. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali para parusahan ng ganito. Pinigilan niya ang sarili na magpakita ng emosyon kahit na sobrang sakit na ngayon ng kalooban niya."Doc, pu-pwede bang ako na lang ang pumirma?" naging malikot ang kanyang mga mata. "Ano kasi, hindi ko maabala ngayon ang asawa ko..." may nginig ang boses na patuloy na wika ni Alyson.Nagbabakasakali lang naman siyang papayag ito. Ayaw niyang makausap ngayon ang kanyang asawa na lingid sa kanyang kaalaman ay kasama lang ang kerida at nagpla-plano na ng pamilya. Masaya ito at walang kamalay-malay sa kung anong masamang nangyayari sa kanya."Kung pwede lang naman sana, Doc."Mula sa papel na masusing binabasa ay napaangat ang tingin ng doctor. Ilang minuto niyang pinag-aralan ang mukha ng kaharap na pasyente. Mababakas dito ang lungkot at takot. Hindi rin maitatago ang labis na pag-aalala na hindi niya alam kung saan galing. Batid niya na maraming kaso ng mga single mom sa bansa pero ayon sa detalye ng pasyente sa papel na sinulatan nito ay mayroon siyang asawa. Walang ibang magawa ang doctor kung hindi ang papirmahan ang papel na hawak-hawak niya."Naku, hindi po maaari na pagbigyan ang gusto niyo, Misis. Pirma po talaga ng Mister niyo ang kailangan namin. Hindi pwedeng ikaw lang. Nasa batas iyon ng hospital. Lisensya ng mga doctor at ang reputasyon ng hospital ang nakasalalay dito."Isang buwan na ang nakakalipas mula nang hamunin si Alyson ng hiwalayan ng asawa sa legal na paraan. Ayaw niyang pumayag. Kaya naman napaka-weird lang na bigla siyang tatawag ngayon para humingi lang ng pirma nito? Anong sasabihin niya? Buntis siya at nakunan? Isang kahibangan iyon para kay Alyson. Paniguradong sisisihin pa siya nito sa nangyari."Hindi ba talaga pwede, Doc?""Pasensiya na Misis, hindi po talaga pwede. Huwag niyo na pong ipilit at hindi ka rin mapagbibigyan."Hindi na sumagot para magpumilit sa gusto si Alyson. Umayos siya ng higa at tumagilid paharap sa bintana ng silid. Umaambon noon sa labas. Namasa ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Napakalinaw pa sa isipan niya ang mga pangyayari. Hindi niya ito makakalimutan. Nalugso ang negosyo ng pamilya nila dahil sa hindi mapigilang pagsusugal at bisyo ng kanyang ama. Hindi iyon nakaya ng konsensiya ng padre de pamilya at pinili na lang nitong wakasan ang buhay niya. Sa trauma ng ina ni Alyson sa mga nangyari ay na-depress ito at kinailangan na dalhin din sa hospital upang magamot agad.Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Alyson ng araw na iyon kaya minabuti niya na pumunta sa opisina ng asawa upang humingi ng karampot na comfort. Sa sobrang pagkatuliro pa nga ay hindi na niya napansin ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya mukha siyang basang sisiw nang makarating. Bago pa makapasok ng lobby ng building ay agad siyang natigilan. Nakita niya lang naman ang asawa niya sa ibaba, may kasamang babae.‘Ang kapal ng mukha niya!’ sa loob-loob ni Alyson, ngunit hindi magawang isatinig ngayong nauna nang mahilam ng luha ang mga mata.Kitang-kita ng dalawa niyang mata kung paano haplusin ng asawa ang bahagyang nakaumbok na tiyan ng babaeng iyon. Masuyo, puno ng pag-iingat at pagmamahal. Agad na umahon ang matinding inggit at galit na nakatago lang sa puso ni Alyson.Tatlong taon na silang kasal ni Geoffrey Carreon, at ni minsan sa tatlong taong iyon ay hindi man lang siya nito nagawang asikasuhin at alagaan. Hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. Ngayong nakita mismo ng dalawang mata niya ang pag-aalaga nito sa ibang babae, parang pinupunit ang kanyang puso hanggang sa tuluyan itong magkapira-piraso.Ilang minuto pang napako ang mga mata ni Alyson sa mukha ng babae. Maganda ito. Hindi iyon maikakaila. Halatang galing din sa maykayang pamilya na kagaya niya. Makinis at halatang alaga ang kanyang sarili. Iyong tipong kahit na buntis ito ay maganda pa rin ang hitsura. Naisip ni Alyson na marahil dahil sa maayos na pag-aalaga iyon ng kanyang asawa. Sa panahong ito ay nagdadalang-tao na rin siya.Naikuyom na ni Alyson ang kanyang mga kamao. Tumindi pa ang poot na nararamdaman niya habang nakikita silang masaya. Samantalang siya ay ayon sobra-sobrang nahihirapan. Alam niyang siya ang original na asawa at may karapatan siyang magalit, ngunit wala siyang magawa na para bang wala siyang karapatan.Makailang beses rin niyang sinubukan na humingi ng tulong sa asawa na baka pwedeng tulungan ang negosyo ng pamilya niyang unti-unti pa lang ang pagkalugi noon. Kahit kasal na sila ay hindi close ang pamilya niya sa asawa. Hindi rin alam ni Geoff ang mga nangyayari sa kanilang negosyo.Sa loob ng tatlong taong kasal sila, hindi niya mapigilan si Geoff na palaging gamitin ang katawan niya tuwing nasa impluwensya ito ng alak. Inakala niya noon na dahil dala-dala niya ang anak nila ay matutulungan siya nito. Akala lang pala niya ang lahat ng iyon.Mabigat ang mga paang lumapit na siya. Tumigil siya sa harapan ng dalawa. Hindi na nagulat ang asawa sa presensiya niya, kahit sa hitsura niya. Pigil na pigil na niya ang emosyong sumabog."Let's file an annulment!"Ito ang nakuhang sagot ni Alyson mula sa asawa sa halip na damayan siya at isalba ang kanilang negosyo."Simula't sapul ay wala namang patutunguhan ang kasal natin."Naburo ang mga mata ni Alyson sa kerida ng asawa. Hindi pinansin ang sinabi ni Geoff. Nanuot pa ang galit sa buto niya nang ngumisi na ito."Bakit hindi ka makasagot?"Ilang beses na napalunok ng laway si Alyson. Ngayon ay naging malinaw na ang lahat sa kanya. Kung bakit bigla na lang siyang hinamon ng hiwalayan ng asawa. Kung bakit bigla na lang siyang iniwan. Iyon ay dahil sa kabit nito. Mali. Nang dahil sa first love ni Geoff na hindi makalimutan."Pumayag ka na, Alyson. Wala ka rin namang magagawa na para ayusin ang relasyong niyong nasira na." eksena ni Loraine, ang kabit ni Geoff.Umiigting ang panga at walang imik na tinalikuran ni Alyson ang dalawa. Nang araw 'ding iyon ay umalis ng kanilang bahay si Geoff at hindi na siya ulit ito nakita pa ni Alyson. Hindi na niya nagawa pang banggitin dito na buntis siya. Para saan pa? May iba na itong mahal.Ayos na sana ang lahat. Handa na siyang harapin ang buhay ng wala ito. Ngunit sa huling araw ng burol ng kanyang ama ay may hindi kilalang mga tao ang sumugod doon at nanggulo. Noong una ay hindi niya alam ang dahilan, pero naisip niya na baka isa sila sa pinagkakautangan ng ama. Sinubukan niya silang awatin at sawayin, pero anong laban niya sa dami nila? Naitulak siya ng mga ito at sumubsob sa sahig. Iyon ang naging dahilan upang duguin siya.MASUSING tinitigan ni Alyson ang papel na iniwan ng doctor sa kanya upang pirmahan ng asawa. Humugot na siya nang malalim na hininga, saka bumangon. Dinampot na ang cellphone. Wala na siyang choice kung hindi ang tawagan si Geoff at makiusap para lamang matapos na ang lahat ng iyon. Ilang beses lang iyong nag-ring at sinagot nito agad."Ano Alyson? Pumapayag ka na ba na pirmahan ang annulment natin?"Iyon agad ang bungad ni Geoff.Gusto niyang bulyawan ito at sabihin na nasa bingit na siya ng kamatayan pero ang paghihiwalay pa rin nila ang nasa utak nito. Ngunit hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob. Ilang beses niyang sinubukang ibuka ang bibig upang magsalita sana, pero wala ni isang salitang lumabas doon nang subukan niya."S-Sige, pumapayag na ako."HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lang din ay luhuran siya nito sa pakiusap. Kung kaya naman palaisipan sa kanya ano ang nakain ng asawa at pumayag na ito sa kagustuhan niya after a month. "Aasahan ko iyan, Alyson. Wala ng bawian. Mag-set tayo ng araw para parehong pumirma sa mga papeles. Sa isang araw, pumunta ka ha?"Ilang minuto ang hinintay ni Geoff para sa sagot ni Alyson pero agad na nakuha ang atensyon niya ng monitor ng ultrasound kung saan malinaw na makikita ang imahe ng magiging anak nila ni Loraine. Kasalukuyan sila ngayong nasa clinic ng OB-Gyne nito upang magpa-ultrasound. "Geoff, tingnan mo ang hitsura ng magiging anak natin. Kamukha mo di ba?" masiglang boses iyon ni Loraine. HINDI ito nakaligtas sa pandinig
Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan. "Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment." Pinagtaasan siya ni Geoff ng kilay nang marinig iyon. Hindi mahulaan ni Alyson kung galit ba siya o hindi dahil hindi siya familiar sa emosyon ni Geoff. "Totoo ba iyang sinasabi mo? Baka nasasabi mo lang iyan ngayon tapos hindi mo naman kayang panindigan sa huli? Kainin mo lang?"Batid ni Geoff na madalas labanan ni Alyson at salungatin ang anumang gusto niya. At ngayon na pumapayag ito, napuno ng pagdududa ang isipan niya. Kakaiba iyon. Napaka-imposible rin. "Hindi mo kailangang magpanggap, Alyson. Okay lang na ipakita mo kung sino ka talaga."Pilit na ang naging ngiti ni Alyson. Kung pwede lang isumbat niya rito ang mga ginawa niya para maging mabuting asawa ay ginawa niya na sana. Sobrang laki
Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon kasalukuyang nakatira ang ina niya na gumaling na sa sakit. May problema man ang katawan niya ngayon alam niyang hindi magtatagal ay magagawan niya ng paraan lahat. Kailangan niyang magtrabaho para sustentuhan at buhayin ang ina niya na sa kanya na lang ngayon umaasa. "Nakita rin kita!"Kinabukasan noon pagkagising ay kulang na lang ay mapatalon sa saya si Alyson nang mahanap ang business card ng kaibigang may kompanya. Ka-close niya ito at kung sakali na humingi siya dito ng tulong, sure siya na hindi rin siya nito matatanggihan. Noong huling nakita niya ito ay inabot nito ang business card, habang nagbitaw ng salita na pwede niya itong malapitan. "Hello?"Kinagat ni Alyson ang labi na
Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang pagbebenta ng pekeng mga damit ay pinasok mo na?"Natigil sa ginagawa ang staff at agad nandilat ang mga mata ni Alyson. Bakit hindi? Hinablot lang naman ni Loraine ang damit na binibinta niya at itinapon sa maruming sahig ng shop."Loraine?!" Malakas pa itong humalakhak."Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na peke ang mga gamit mo?""Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Mahiya ka nga! Magkaroon ka naman ng kaunting delikadesa. Huwag kang magbenta ng mga—" "Anong sinasabi mong peke, Loraine? Alam mo sa sarili mong tunay sila!""Paano mo iyon papatunayan sa ganyan mong hitsura ha, Alyson?"Gusto na niyang sabunutan ang babae at tanggalin ang lahat ng buhok nito sa ulo pero pinigilan n
Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gamot. Idagdag pa na galing lang siya sa sobrang pagdurugo. Sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay hindi niya matandaan ang nangyari."Kasalanan niya ito, B-Babe. Gusto niyang mawala ang baby natin dahil naiinggit siya na di kayo magkaanak."Napasinghap ang mga nakarinig dito. Naniwala kaagad sa akusasyon na walang basehan. Ginulo na ni Alyson ang buhok dahil hindi siya makapaniwalang magagawang sabihin iyon ng babaeng ito na parang aspalto sa kalsada ang kapal ng pagmumukha. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Loraine! Kasalanan ko ang nangyari sa'yo? Ako talaga?" hindi na nakapagtimpi ay turo ni Alyson sa sarili na saglit nakalimutan ang sakit ng kalamnan. "Sigurado kang ako ang may gawa?"Walang
Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa gilid. Ito lang ang kanyang naabutan pagdilat ng mga mata. Base sa mga kurtinang naghahati sa mga kama ay nalaman niyang nasa ER pa siya."G-Gaano kataas, nurse?"Sinubukan niyang muling bumangon. Inalalayan siya ng nurse na maupo."Umabot po ng 39 ang temperature niyo kanina, medyo nagchi-chill rin po kayo ng dumating dito sa ER."Hindi na tinanong ni Alyson kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital. Ang unang sumilid sa isipan niya matapos tingnan ang swero sa kamay ay ang usapan nila ni Geoff ng araw na iyon na magkikita sa RTC."N-Nasaan ang bag ko, nurse?" sapo ang ulo ay bahagya pa siyang napapikit. Alam niyang may mali sa katawan ngunit hindi niya naman pwedeng i-balewala ang appo
PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay na siya ng kotse. Pinaharurot iyon patungo ng company nila dahil may trabaho pa siya ngayon. Isiningit lang niya sa schedule ang pagpunta sa RTC para sa pirmahan. Wala naman palang mapapala. Malamang una pa lang ay plano na ni Alyson na hindi pumunta para magatasan pa siya nito ng pera. "Inilalabas na niya ngayon ang tunay na kulay. Samantalang dati naman ay wala siyang ibang naging reklamo."Niluwagan ni Geoff ang suot na necktie dahil parang masasakal siya nito. Kinalma niya ang sarili bago bumaba ng kotse. Ilang minuto na siya sa parking ng building ng company nila, pero hindi pa siya bumaba dahil paniguradong mabubuntunan niya ng galit ang sinuman sa mga tauhan niya sa loob. "Sir Geof
HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa presensiya ng lalake. Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang bumulong sa katabi at manghampas. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit sa kanya habang iginagala niya ang mata sa kabuohan ng ER kung saan naroon si Alyson. Hawak pa rin ng lalake ang kurtina na tumatakip sa kamang hinihigaan ni Alyson na nagawa ng makabangon. "Totoo ngang nasa hospital ka."Walang pasubaling binunot ni Alyson ang karayom na nakabaon sa kamay. Dumugo iyon pero hindi niya alintana. Napamulagat na ang mata ni Geoff ng gawin iyon ni Alyson sa harapan. "Nawawala ka na ba sa tamang katinuan, Geoff? Bakit ka narito?!"Hinawakan na siya ni Alyson nang mahigpit sa isang braso at hinila palayo ng kama. May ilang nu