MALAKAS PANG UMATUNGAL ng iyak si Alyson sa narinig niyang sinabi ng kapatid. Ipinadyak-padyak ang mga paa sa sahig ng sasakyan. Sinapo na ang mukha niyang puno ng pagluluksa na patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Hindi pansin at alintana ang mga lingon ni Oliver na sobrang awang-awa na sa kan
LINGID SA KAALAMAN ni Xandria ay alam na ng mga magulang niya na may anak na triplets sina Geoff at Alyson. Hindi man sila naniniwala nang hindi nakikita ng kanilang mga mata, basta ang mahalaga ay alam na nila ang tungkol doon. Hindi na rin nakatiis ang matandang Don at sinabi niya na iyon habang t
TILA NAWAWALA SA sariling naglakad na si Alyson palabas ng area. Doon sana siya pupunta sa malapit lang sa pinaghihintayan nilang banyo, ngunit ang haba ng pila. May bagong lapag kasing eroplano at ang ilan sa mga pasahero ay doon halos dumeretso. Minabuti niyang bumaba sa ground floor at kahit na m
NAHIGIT NI GEOFF ang hininga nang marinig ang sinabing iyon ni Alyson habang humihikbi at bumabaha pa rin ang kanyang mga luha. Halos hindi niya malunok ang laway sa sobrang pagkabigla. Kumibot-kibot ang kanyang bibig, nanginig na iyon sa nabasa niyang takot sa mga mata ng dating asawa habang sinasa
SA MGA SANDALING iyon, sa villa nina Alyson ay kasalukuyang pinahihirapan ng triplets ang kanilang mga yaya sa loob ng kanilang silid. Panay ang dabog at iyak ng mga ito na para bang mayroong kaaway. Ipinagbabato nila ang mga laruan, ikinalat sa buong silid ang mga ibinato nilang laruan pagpasok pa
NAUNANG BUMABA SI Alyson ng sasakyan pagkaparada noon sa garahe ng kanyang villa, ni hindi pa napapatay ang makina nito ni Oliver ay nagawa na niyang bumaba. Nagkukumahog na sumunod sa kanya si Geoff na animo ay ayaw siyang mawala sa paningin kahit na isang saglit, nakilulan lang sa sasakyan nila ng
“Masusunod po, Madam Alyson. Maghahanda na po kami.” “Thank you at pasensya na kung hindi ko nabanggit agad sa inyo.” Hindi rin naman sukat akalain ni Alyson na makikita niya si Geoff doon, at lalong hindi niya inaasahan na magiging bisita ang mga dati niyang in-laws nang wala sa oras at hindi niy
HINDI NA SIYA pinansin ni Oliver na dumiretso na ng kusina upang tingnan ang mga maid na naghahanda ng medyo late nilang dinner. Tumayo si Alia at sinundan na rin si Oliver na pumunta ng kusina. Sinundan ito ng tingin ni Xandria na napuno ng panghihinayang.“Kuya Geoff, nagsuntukan kayo ni Mr. Gadaz
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton
NAUMID NA ANG dila ni Loraine sa mahabang litanya ng anak sa pasigaw na paraan na hindi niya inaasahan. Hindi niya suka’t-akalain na magagawa siya nitong sigawan upang ipagtanggol lang ang kaartehan ng kanyang manugang na halatang ginagawa lang iyon upang pagkasirain silang mag-ina. Pinagtaasan na n
NAPAAWANG ANG BIBIG at naibaba na ni Landon ang hawak niyang baso nang marinig ang sinabi ng ina. Gulat na gulat ang kanyang mga mata sa narinig na reklamo nito. Ni isa ay wala siyang narinig sa asawa lalo na pagdating sa mga bagay na ipinapaubaya nito sa kanyang ina at salungat iyon ng gustong gawi
PARANG ARTISTANG ON cue na mabilis na nagpalit ang emosyon ni Loraine nang lumingon ang anak na si Landon sa kanya upang ipakita na ayos lang sa kanya ang lahat ng sinabi ni Addison at sang-ayon siya dito.“Oo, Landon…” talunang tugon nito kahit pa gusto na niyang ipakita ang sungay niya sa manugang
SA KABILANG BANDA ay ganun na lang ang lapad ng ngiti ni Loraine pagkaalis na pagkaalis ng kanyang anak ng sarili niyang silid sa hospital. Aliw na aliw siya na nasa kanya ang focus nito at buong atensyon at wala sa kanyang asawa nang mga nakaraang araw. Ibig lang sabihin noon ay siya ang top prior