NAUMID NA ANG dila ni Alyson. Saglit siyang na-blangko na parang naubusan ng sasabihin ngayon dahil malamang feeling talaga ng mga anak nila ay inaagaw ng batang biglang na lang sumulpot mula sa kung saan ang kanilang ama. Si Uno pa ba? May pagka-mind reader na bata. At kahit na itanggi niya iyon, h
MAINGAY ANG NAGING tunog ng basong iyon na humalik ang puwet sa babasaging lamesa sa kusina ng bahay ni Loraine. Buong pwersa ba namang ibagsak iyon ng babae nang dahil sa pinaghalong galit at gulat niya. Mabuti na lang at hindi iyon nabasag dahil kung hindi ay paniguradong wasak na at duguan ang ka
SA NARINIG AY nilakasan pa ni Landon ang kanyang pag-iyak. Dagnas na ang pawis nito sa buong katawan. Nanlilimahid na sa pinaghalong mga uhog, laway at luha ang kanyang mukhang pulang-pula na. Makailang beses pa siyang gumulong-gulong ang katawan. Pinabayaan lang siya ni Loraine. Matalim ang mga mat
SAMANTALA SA LOOB ng bahay ni Geoff, paglabas ng lalaki kanina na karga si Landon ay hinimok agad ni Alyson ang triplets na aalis na sila. Maliksi ang mga katawan ng tatlong batang kumilos. Ni isa sa kanila ay hindi nagtanong kung bakit uuwi na sila. Naghahabulan pa silang tinungo na ang sasakyan na
KUNG ANONG INGAY nang dahil sa excitement ng kanilang pamilya kanina patungo sa bahay ni Geoff ay siya namang tahimik nilang lahat ngayong pauwi na sila. Panaka-naka ang palitan ng mga tingin nina Geoff at Alyson gamit ang rearview mirror. Bakas pa rin ang sama ng loob ni Alyson habang si Geoff nama
NILUNOK MUNA NI Alyson ang pagkaing nasa kanyang bibig matapos nguyain bago igalaw ang kanyang magkabilang balikat bilang tugon. Hindi pa rin siya nagbigay ng opinyon kahit na ang dami niyang gustong sabihin sa mga anak. Malay din niya naman kasi kung ano ang plano ni Geoff sa buhay at kailangan pa
TUMAMBAY LANG SI Dos sa sala matapos na lumabas ng kusina, panay ang sulyap ng pares ng inaantok na nitong mga mata sa may pintuan at umaasang maya-maya lang ay darating na ang hinihintay niyang ama. Katabi niya ang Yaya niyang kabadong palinga-linga sa paligid. Tinitingnan kung magagawi ba doon ang
NANG HINDI PA rin mapakali si Alyson pagkaraan ng ilang sandali ay minabuti na lang niyang tawagan na ang mismong landline ng bahay ni Geoff upang mapanatag na ang kalooban niya. Nang walang sumasagot doon ay napilitan na siyang tawagan ang cellphone ng mayordoma ni Geoff. Ang inaantok na boses ni M
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton
NAUMID NA ANG dila ni Loraine sa mahabang litanya ng anak sa pasigaw na paraan na hindi niya inaasahan. Hindi niya suka’t-akalain na magagawa siya nitong sigawan upang ipagtanggol lang ang kaartehan ng kanyang manugang na halatang ginagawa lang iyon upang pagkasirain silang mag-ina. Pinagtaasan na n