Share

CHAPTER 102.1

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2025-06-30 22:19:00

Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean.

Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina?

Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo.

Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya.

Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean.

Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila.

Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
khikay
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 110.1

    Siya si Geo, ay isa sa mga taong pinahahalagahan ni Andrei. Mas malalim ang koneksyon nilang dalawa kumpara kina Joshua at Lyca. Maaaring sabihin na ang posisyon ni Geo ay kapantay sa mga senior executive. May bahagi rin siyang pagmamay-ari sa kumpanya dahilan upang lalo pang lumakas ang impluwensya niya. Sa mga nagdaang taon dahil sa presensya nina Lyca at Joshua ay madalas na nasa labas ng bansa si Geo upang makipag-negosasyon. Kaya naman ay bihira lang siyang makita sa opisina. Tulad ni Andrei ay malamig ang kanyang ugali. Ang tanging mahalaga sa kanya ay kakayahan at interes yun lang at wala nang iba pa. Noong unang pumasok si Lyca bilang sekretarya ay hindi niya ito pinapansin. Ni hindi nga niya nito tinatrato bilang bahagi ng kumpanya. Hanggang sa makipag-negosayon si Lyca sa isang kasunduan sa ibang bansa—naging matagumpay ito at doon pa lamang ito natanggap ni Geo. Sa katunayan ay siya mismo ang nagrekomenda kay Lyca na maging punong sekretarya ni Andrei. Sa paglipas ng pa

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 109.2

    Samantala sa apartment ni Andrei ay tahimik siyang nakaupo sa loob ng kanyang silid habang hawak niya ang kanyang cellphone. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa screen nito. Paulit-ulit nya na pinapanood ang video at tila ba nais niyang saulohin ang bawat sandali. Sa gitna kasi ng madilim na gabi ay nakita niya kung paanong hindi natinag ang mga mata ni Lyca na para bang wala itong takot at walang pag-aalinlangan sa ginagawa. Kitang-kita nya rin ang ngiting gumuhit sa labi nito habang linilipad ng hangin ang buhok nito. Nakita ni Andrei kung paano nito pinaglalaruan ang buhay ng isang tao na para bang isa lamang itong laruan. Pakiramdam nga ni Andrei ay nakatitig siya sa isang estranghero. Ibang-iba talaga ngayon si Lyca, dahil ang dating si Lyca ay banayad, mabait at puno ng pag-aalaga pero ngayon ay parang hindi na talaga nya ito kilala. ****** Sa likod ng malumanay nitong kilos ay nagkukubli ang isang mabangis na nilalang na para bang isang hayop na handang umatake sa kahit na

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 109.1

    Ginawa ni Dean ang lahat para lamang matupad ang kanyang hangarin. Subalit ang kanyang assistant na si Zen ay hindi pa rin talaga makapaniwala. Pakiramdam nito ay hindi naman niya dapat ginawa iyon. At tingin nito kay Lyca ay wala ring awa. “Mr. Dean, gusto mo ba na makita kung ano ang ginawa ni Manager Lyca ngayong gabi?” tanong sa kanya ni Zen. Mukhang nagpipigil pa itong magsalita pero sa huli ay nais din nitong ipaalam sa kanya ang ginawa ni Lyca sa runway. Hindi pa kasi talaga napapanood ni Dean ang video nito kaya naman nagkaroon siya ng interes. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang ginawa ni Lyca ngayong gabi. Ipinadala naman kaagad ni Zen ang video kay Dean at agad itong pinanood ni Dean. Sa screen ay bumungad sa kanya ang imahe ni Lyca at ang maitim nitong buhok na sumasayaw sa hangin. Kahit bahagyang malabo ang mukha nito sa dilim ay hindi natatakpan ang likas nitong kagandahan. "Ang ganda niya, hindi ba?" tanong ni Dean kay Zen. Hindi naman sumagot si Zen, pero

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 108.2

    Marahan na pinunasan ni Lyca ang luha sa sulok ng kanyang mata."Ayos lang ako kuya. Huwag mo na akong alalahanin pa. Medyo malungkot lang talaga ako ngayon," sabi ni Lyca, saka sya bumuntong hininga. "Simula ngayon, ay wala na akong kahit anumang kaugnayan kay Andrei. Pinili ko na si Dean, at siya lang ang pipiliin ko sa hinaharap,” saad pa ni Lyca kay Kyrie.Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya naman agad niya itong kinuha at nakita niyang si Dean pala ang tumatawag sa kanya."Nasa bahay ka na ba?" tanong ni Dean mula sa kabilang linya sa medyo paos na boses.“Nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay,” sagot ni Lyca.Bahagya naman na natawa si Dean.“Yca, gusto kong lang marinig ulit. Ako talaga ang pinili mo, tama ba?”Hindi na siya nagkunwari ngayon. Malinaw niyang sinabi kay Lyca na may tao siyang inilagay sa paligid nito para magbantay rito, dahil kung wala….paano niya malalaman na umalis na si Andrei.**************“Hindi pa ba sinabi sa’yo ng mga tauhan mo na nasa paligid

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 108.1

    “Ang tanging lalaki siyang mahal ko at kinikilala ng puso ko na siyang alam ng lahat ay walang iba kunsi si Dean,” wika ni Lyca ng harap-harapan kay Andrei. Laming pasalamat niyang hindi siya pumiyok sa mga salitang binitawan niya. Kakaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa kasal nina Lyca at Andrei. Tanging ang pamilya Sandoval lang at ang ilang pamilya mula sa mataas na lipunan ang nakakaalam ng kasal na iyon. Simple at hindi magarbo ang ginanap na kasal nilang dalawa ni Andrei. At ang kanilang wedding photo ay karaniwang larawan lamang ni Andrei habang nakasuot ito ng pang araw-araw na suit. Walang pakialam ang iba sa relasyon nilang dalawa. Wala rin naman kasing pakialam si Andrei sa kasal nila noon, kaya marahil na wala ring pakialam ang iba. Kaya sa loob ng tatlong taon ng pagiging kasal kay Andrei, ni minsan ay walang tumawag sa kanya bilang Mrs. Sandoval. Para sa lahat ay isa lang siyang sekretarya ng asawa niya. Tinitigan niya ni Lyca si Andrei. Tahimik lang din ang dat

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 107.2

    At si Antonio?Dahil naglakas-loob ito na tanggapin ang utos ni Arthur, ay nararapat lang na magbayad ito.At ito ang dahilan kung bakit pinalitan ni Lyca ang manuscript ng peke sa huling sandali. Dahil kung si Dean ay umaarte, kaya niya rin itong sabayan.Pareho silang tuso na dalawa. Pareho nilang alam ang kahinaan ng isa’t isa. Ngunit sa halip na magbanggan ay tahimik nilang itinulak ang lahat ng kasalanan kay Arthur at Antonio.Kung hindi kasi dahil sa kasakiman at kalupitan ni Arthur, ay hindi naman na kailangan pang gawin ni Dean ang bagay na iyon. Hindi sana ito nasasaktan ngayon sa tinamong aksidente.“Lyca, palaging nagsisinungaling si Dean, hindi mo siya matatalo sa bagay na iyan,” may diing wika ni Andrei.Tumaas ang isang kilay ni Lyca sa narinig. “Ang importante sa akin ay hindi ako sinasaktan ni Dean. At kung sino ang tunay na naglalaro ay makikita na lamang natin sa huli, “ sagot ni Lyca. Pagkatapos ay hinawi ang buhok sa kanyang balikat gamit ang mahahabang daliri. “A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status