"Huwag ka ng magbiro, pumasok na tayo. Tara na,” sabi ni Lyca. Iniabot ni Dean ang kamay niya kay Lyca. Tumingin si Lyca sa kamay ni Dean na nakalahad sa harapan niya, at sa pagakakataong ito, hindi na niya tinanggihan ang alok ng binata. Hiwalay na siya kay Andrei, at ngayon ay kailangan niya ng taong masasandalan at susuporta sa kanya. Minsan tahimik at minsan ay madalas magbiro si Dean, isa pa rin siyang gentleman na may prinsipyo. Kung usapang yaman lang din naman ay hindi rin naman papahuli ang pamilya ni Dean kaya hindi ito nalalayo sa pamilya ni Andrei. Ngayon na kasama ni Lyca si Dean, dapat lang na maunawaan ng daddy niya na hindi siya basta-bastang babae ngayon. Kahit na wala sa tabi niya ang dating asawa, mayroon pa rin siyang isang tao na masasandalan niya. Kaya hanggat hindi pa siya na makapangyarihan ay kailangan niyang siguraduhin na walang ibang maiisip na masama si Robert laban sa kanya. Maganda at maayos ang birthday party ni Robert. Halis lahat ng mga
Hindi na kayang manatiling kalmado ni Lyca sa mga oras na iyon. Kahit bata pa siya noon, naaalala pa rin niya ang mommy niya—simple ngunit maganda ang mukha. Mahilig sa magaganda na damit ang mommy niya. Kahit nga noong bago ito pumanaw, gumawa pa ito ng espesyal na damit iyon upang maipamalas ang galing nito sa pag disenyo ng damit. Ito ang huling alaala na iniwan sa kanya ng mommy niya ang damit na sarili mga kamay nito mismo ang siyang gumawa. Hindi siya isang taong basta-basta na lang pwedeng lapastanganin ng isang gaya ni Trixie—isang taong nararapat lang mamuhay sa putikan! "Hubarin mo 'yan,” mariing utos ni Lyca at hinawakan sa leeg si Trixie, halos ibuhos na niya ang buong lakas niya. "Hubarin mo 'yan!" ulit niya sa unang sinabi. Nanggigigil talaga siya sa sa babaeng ‘to. Pulang-pula at ang talim ng kanyang mga mata. At habang tinitignan niya ang babaeng nasa harapan niya ay matinding galit ang nararamadaman niya. "Kahit gaano ka pa katanga, alam ko na alam mo kung ga
Tumayo si Lyca habang nakahawak ang kanang kamay sa kanyang puson. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ni Trixie. Patuloy pa rin na tumutulo ang dugo mula sa kanyang mga kamay at nagkalat na ang bawat patak nito sa sahig. "Ngayon, hubarin mo ang damit ‘yan," mariing utos niya kay Trixie. Tinaas ni Lyca ang kanyang kamay upang punasan ang mga luhang namamalisbis sa kanyang mukha, ngunit nagkalat lamang ang dugo sa pisngi niya, dahilan upang magmukhang nakakatakot ang hitsura niya. Pero sa kabila nito ay kitang-kita pa rin ang kanyang maputlang mukha na animoy tinakasan ng lakas, ngunit nababakas pa rin ang tapang at katatagan sa kanya. Taas baba niyang tinitigan si Trixie gamit ang matalim na titig saka muling nagsalita sa harapan ng babae. "Trixie, hubarin mo na ang damit na ‘yan,” ulit ni Lyca sa katigasan ng ulo ng babaeng kaharap niya. Akmang tatakbo na sana si Trixie nang mabilis na nahablot ni Lyca ang braso nito gamit ang isa niyang kamay na walang sugat
"Alam mo ba kung ano ang sinabi ni daddy noong panahong iyon?” tanong ni Trixie kay Lyca na may ngiti sa labi. “Simple lang naman ang sinabi ni Dad sa mommy mo, “Talagang malas,” anito at mahinang tumawa. “Sinabi rin ni daddy na ang una niyang asawa ay talagang walang alam. Sinabi ni dad na kung bakit nito napili na magpakamatay sa mismong kaarawan niya. Dapat daw sana ay namatay na lang ito sa ibang araw,” tatawa-tawang sabi pa ni Trixie. Alam ni Lyca na sinasadya ni Trixie na mas inisin siya sa sandaling ito. Naiintindihan niya ito, pero hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang galit na unti-unting namamahay sa dibdib niya. Tinitigan niya si Trixie, na may nakakalokong ngiti mga labi. Habang si Trixie naman ay may nakapaskil na mapanuksong ngiti. Hinubad nito ang suot na dress at biglang inihagis sa kanya. "Sa tingin mo ba magugustuhan ko ng damit ng isang taong patay na?" matalim na salitang binitawan ni Trixie. Kinuha ng babae ang isang bagong labas na mamahaling damit mula s
Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Lyca. “What he has done….” usal niya sa sarili. Ang mga alaala ng nakaraan ay nagsimulang bumalik sa isipan niya. Alaala ng nakaraang tatlong taon. "Andrei, my mother’s death anniversary is in three days. Maaari mo ba akong samahan na dalawin siya sa sementeryo at mag-alay ng dasal sa kanya at…” Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Lyca nang bigla itong putulin ni Andrei. "Kailangan kong umalis patungong ibang bansa para sa isang business meeting. Bumili ka na lang ng anumang kailangan mo,” aniya at iniabot kay Lyca ang kanyang black card at nagmamadaling umalis. Pansin niya ang pag kunot-noo ni Lyca, ngunit may maliit na ngiti pa rin sa sulok ng mga labi nito. Ang totoo palagi siyang niyaya ng dating asawa na pumunta sa sementeryo tuwing death anniversary ng mommy Helen nito. Pero palagi niya rin itong tinatanggihan. Palagi niyang idinadahilan sa dating asawa na may trabaho siya, may mga meeting na importante at may mga laka
Sa mga nakakakilala kay Lyca siya ay isang anak ng pamilya Lopez. Na nagtapos sa unibersidad sa lungsod, maituturing na isa siyang henyo na may perpektong marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa likod ng lahat ay siya ang utak sa likod nang mabilis na pag-usbong ng negosyo. Hindi alam ni Dean ang tunay na pagkakakilanlan ni Lyca noong una. Siguro kung nalaman niya lang sana nang mas maaga, mas binigyang-halaga niya ito. "Bakit Harmony Group ang pangalan sa kumpanya na iyon?" interesadong tanong ni Dean. “Harmony ay sumisimbolo sa pagkakaisa at pagkakasundo,” kalmang sagot ni Lyca sa binata. “At umaasa ako na sa pagkakaisa at pagkakasundo ay mas lalong uunlad ang kumpanya,” dagdag pa niya. Napatango-tango naman si Dean sa isinagot ni Lyca. Marahil hindi nito inaasahan na maiisip niya ang pangalang iyon para sa kumpanya. "Kaya naman pala, tila itinadhana talaga tayo para sa isa’t-isa. Dahil para sa akin gusto ko rin ng ganun ang pagkakaisa at pagkakasundo,” nakangiting sabi ni D
“You are too cruel, Andrei," hindi napigilang komento ni Paolo sa kaibigan nilang si Andrei. "Maaari mong iwan saglit ang trabaho mo para samahan si Lyca na dalawin ang mommy niya sa puntod nito, ay hindi mo magawa. Pero dumalo ka sa kaarawan ni Mr. Robert Lopez ngayon. Para mo na ring sinaksak ng kutsilyo ang puso niya sa ginawa mo,” pahayag ni Paolo. Halatang naiinis si Paolo sa kanya. Napatingin rin si Marco sa kanya at napabuntong-hininga muna ito bago nagsalita. “Kung maghahangad ako, kamumuhian kita. Alam mo naman na niloko ng Robert na iyon si tita Helen di ba? Tapos nagkaroon pa siya ng anak sa labas na si Trixie, habang kasal pa siya kay tita. Hindi ko alam kung bakit namatay si Tita Helen at sa mismong kaarawan pa ng asawa niyang manloloko. Pero ikaw, hindi mo lang hiniwalayan si Lyca para sa kay Trixie na anak sa labas, kundi dumalo ka pa sa birthday celebration ni Robert. Hindi mo naisip na mismong anibersaryo ng pagkamatay iyon ng mommy ni Lyca,” galit na sabi ni Marco.
Noon umaasa pa si Lyca na laging nasa tabi ni Andrei. Pero ngayon, ang pagiging konektado sa dating asawa ay nagdudulot lamang ng sakit sa puso niya. Tuwing nakikita niya kasi si Andrei, hindi niya mapigilang maalala ang nangyari ngayong araw. Ayaw niya… at hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng ito dahil sariwa pa sa puso at isip niya ang nangyari. Tao lang din naman siya marunong tumawa, malungkot, makaramdam at masaktan. Matapos siyang tratuhin nang ganoon ni Andrei, paano niya magagawa ang pagpanggap sa harapan nito na tila wala lang. "Marco, hindi ba ako pwedeng maging makasarili kahit minsan lang? tanong sa kausap sa phone bago siya mapait na ngumiti. Ramdan ni Lyca na natahimik si Marco nang marinig ang sinabi niya. Maaring isinaalang-alang din ng lalaki ang mga sinabi niya kaya natahimik ito. Hiwalay na sila ni Andrei, kaya bakit kailangan pa niyang yumuko sa lalaking nanakit sa damdamin niya? "Lyca, pwede kang maging makasarili kung gusto mo, pero si Drei, lasing siy
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lyca nang tila ba parang naramdaman nya ang malamig na titig ni Andrei sa kanya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya at saka sya tumayo. “Aakyat na muna ako para magpalit ng damit,” sambit ni Lyca. “Sasama ka ba?” tanong niya kay Dean habang mahinang tinapik ang braso nito. May mga ekstrang damit sa bahay ng pamilya Lopez na tiyak na kasya kay Dean. Ilang araw din kasi na tumira roon si Andrei dati kaya may naiwan siyang mga damit doon na halos kasya naman kay Dean. “Dito ka na lamang para matapos natin ang video na ito,” malamig na sabi ni Andrei kay Dean at hindi na nya talaga napigilan ang sarili na sumabat nang marinig nya ang sinabi ni Lyca. Dahil maraming sikreto ang nakalagay sa cellphone ni Dean ay hindi niya pwedeng basta-basta na lamang iwan ang kanyang cellphone sa pamilya Lopez para kumuha ng litrato o video. Kaya naman ngumiti na lamang si Dean kay Lyca, saka sya kumaway rito. Agad naman na nakuha ni Lyca a
Hindi nagpakita ng awa si Dean nang takpan niya ang bibig ni Trixie gamit ang tape. Kaya pati ang mahabang buhok nito ay dumikit na rin sa tape na iyon. Nang tanggalin nila ang tape ay kasamang nahila ang buhok ni Trixie kaya naman hindi nito napigilan ang kanyang sarili na napasigaw dahil sa sakit. "Tanga ka ba? Alam mo ba ang ginagawa mo? Lumayas ka nga diyan!” galit na bulyaw ni Trixie sa kasambahay at itinulak ito palayo. Hindi magawang tanggalin ni Trixie ang tape sa kanyang buhok at nanginginig na lang siyang tumayo. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang tingnan sila Lyca at Dean. Takot siyang baka hindi niya makontrol ang sarili at maipakita ang galit sa mga mata niya. Nanginginig ang mga kamay niya habang kinukuha ang dokumento at nagsalita nang nakayuko ang ulo. "Mr. Dean, ito ang authorization letter na natanggap ko kanina. Pinili ako ng Ocampo’s bilang kanilang ahente. Ang mga kumpanyang lokal na nais makipag-partner sa kanila ay kailangang dumaan sa akin. May i
"Dean alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" kunot-noo na tanong ni Trixie kay Dean at ang kanyang boses ay puno ng galit at sama ng loob. Pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan at parang sasabog ang kanyang dibdib. Ang sakit sa kanyang puso ay umabot na sa sukdulan. Akala niya ay walang tunay na pagmamahal sa pagitan nina Dean at Lyca. Akala niya ay magagalit si Dean kapag nalaman niya ang lahat. Inakala niya na si Lyca ang pagbubuntunan ng galit nito! Pero nagkamali pala siya. Ipinakita ni Dean sa kanya ang lahat. At lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Lahat ng ito ay isang palabas lamang. "Bakit?" bulong ni Trixie sa kanyang sarili. "Bakit nagkakaroon ng ganoon kagaling na lalaki si Lyca nang hindi man lang gumagawa ng kahit ano?" dagdag pa nya at naikuyom na lamang nya ang kanyang kamao sa galit. Hindi matanggap ni Trixie ang lahat ng ito! "Nagpakasal na siya noon. At ang lalaki niya noon ay si Andrei!" sigaw ni Trixie na halata mong galit na galit na. "Ano ang
Nanatili lamang na kalmado si Lyca , sa kabila nang nakikita niyang galit sa mukha ng kanyang ama. Isang banayad na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi at tahimik na nakatingin sa kanyang ama na si Robert. Makikita naman sa isang tabi si Trixie na bahagya ring nakangiti at nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatingin kay Lyca at Dean. Hinihintay marahil ng babae kung kailan magagalit si Dean at iiwan si Lyca roon. Aliw na aliw si Trixie na tila ba nanonood siya ng isang magandang palabas at naghihintay ng isang nakaka-excite na eksena. Tumagilid si Dean at seryosong tumingin sa gawi ni Lyca. "Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa kanila kahit na kaunti?" tanong ni Dean na nakangiti, pero ang isang ngiti na malamig at walang sigla. Bahagyangn napayuko naman si Trixie dahil sa sinabi ni Dean kay Lyca at palihim na ngumiti. Iniisip na nagtatagumpay na ang plano niya. "Mr. Dean, mabuti pa siguro kung umuwi ka na muna,” malamig na saad ni Robert. "Ako na ang bahala sa anak k
Unti-unti na dumilim ang mga mata ni Andrei na halos namumula na habang hindi niya mapigilan ang sarili na magpadala ng mensahe kay Lyca sa messenger. [Lyca, talaga bang wala ka ng pakialam pa kay Lolo?] Habang itinatype ito ni Andrei ay naramdaman niyang napakababa iyon para sa kanyang sarili at nakakahiyang gawain. Para bang ginagamit niya ang kanyang Lolo para pigilan si Lyca. Pero alam niya na matapos nilang magkaroon ng relasyon ay hindi na tama ang ganitong klase ng mensahe para sa dating asawa. Ibinalik ni Andrei ang tingin sa mga salitang iyon sa kanyang cellphone. Matapos ang mahabang pag-aalinlangan ay dahan-dahan din niyang binura ang mga ito. ******* BIGLA namang tumigil na ang malakas na ulan na iyon. Habang si Lyca ay nakatanaw mula sa malalaking bintana ng Grand Hilton Presidential Suite. Sa totoo lang ay may kaba siyang nararamdaman hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at nakita niya na tumatawag ang kanyang ama na si Robert
Nakabalik na pala sa kumpanya ni Andrei ang half sister niya. At bakas sa mukha nito ngayon ang saya at pagmamayabang. Ang paraan ng mga tingin nito kay Lyca ngayon ay parang tumitingin siya sa isang asong ligaw. Malamig naman na tinitigan ni Lyca si Trixie na walang bahid ng anumang emosyon. Mapang-uyam na ngumiti si Trixie pabalik, ngiting may halong pang-aasar. Para bang siguradong-sigurado siyang natanggal na si Lyca sa trabaho pagkatapos ng meeting with all the shareholders and CEO. Kalmado naman na mahinang tinapik-tapik ni Lyca ang mesa gamit ang kanyang mga daliri bago dinial ang numero ni Andrei. Walang makikitang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Mabilis naman na sumagot si Andrei sa tawag. Ramdam ang lamig sa kanyang boses. "Anong kailangan mo?" bungad na tanong ni Andrei mula sa kabilang linya. "Hindi ba’t sinabi mong papalitan mo ang pinto ng opisina ko?" direktang tanong ni Lyca kay Andrei. Kung hindi lang talaga kinakailangan ay ayaw na niyang banggitin pa
Nananatiling nakatitig ang mga mata ni Andrei kay Lyca na tila ba hinihintay niya ang sagot nito. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lyca bago ito nagsalita. “Kung gusto mo, syempre walang problema. Pero kung gusto mo talaga ng ganung klase ng pen ay kailangan mong maghintay nang kaunti pa,” ani Lyca kay Dean. “Basta’t makakatanggap ako ng regalo na gawa mo, handa akong maghintay kahit gaano pa katagal,” nakangiting sagot ni Dean at hinawakan ang kamay ni Lyca. Hindi naman pinansin ni Andrei ang dalawa, hindi rin siya nagsalita. Tahimik lang niyang kinuha ang naiwan na cellphone at saka umalis doon. Nang makapasok siya sa elevator ay bigla na nga lamang siyang napahinto saka sumandal sa metal na dingding at huminga nang malalim na para bang pinapakalma nya ang kanyang sarili. Sumunod naman sa kanya ang ilang shareholders na kanina pa naghihintay. Pinalibutan siya ng mga ito at hindi tumitigil sa pagsasalita tungkol sa kung gaano kalaking kita ang maibibigay ng pakikipag-ug
SAMANTALA, nakahinga naman nang maluwag si Lyca sa kanyang kinauupuan nang umalis si Andrei at ang mga board members. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" tamad na tanong ni Lyca kay Dean, na para bang wala itong pakialam sa kanyang suspensyon. "Tara magbakasyon muna tayo. May bagong hot spring hotel sa East District. Gusto mo bang magbabad muna tayo sa hot spring?" tanong ni Dean at hinawakan ang kamay ng kanyang bagong nobya. Sa pagkakataong ito ay hindi naman umiwas pa si Lyca. "Magbababad sa hot spring ngayong tag-init?" nakataas ang isang kilay na sagot ni Lyca, halatang may binabalak na naman si Dean. "Tomorrow is my birthday. Anong regalo ang ibibigay mo sa akin?" pilyong tanong ni Dean habang maingat na hinahaplos ng kanyang mga daliri ang makinis na bahagi ng pulso ni Lyca, may bahid ng pananabik sa kanyang boses. Tumingin si Lyca kay Dean. Bahagya siyang ngumiti sa binata. Hinawakan din naman ni Lyca ang kamay ni Dean "Dean sandali lang, gusto mo ba talagang mag hot sp
Bakit nga ba si Dean agad ang pinili niya pagkatapos ng kanilang divorce? Bakit gano’n siya kabilis na bumitaw sa kanya? Paano kung ito ang pagmamahal ni Lyca sa kanya? Bakit ganun kababaw ang pag-ibig niya? Mga katanungan na nasa isip ni Andrei ang siyang gumugulo. "Ano?" balik-tanong ni Lyca kay Andrei. Hindi niya maintindihan ang tanong nito na tila ba may nais pang iparating. Ngunit si Dean ay naiintindihan naman ito. Lumapad pa ang pagkakangisi nito at pumalakpak habang tumatawa ng marahan. "Dahil magkapareho kami, ganun lang kasimple," sagot ni Dean nang malinaw upang klaro na marinig ni Andrei. Ang totoo nyan ay kaya nagawa ni Lyca na aminin ang ganitong relasyon ay dahil na rin sa patibong ni Dean. Kaya inilatag na niya ang kanyang alas. Sa sitwasyong ito ay siya ang pinakamainam na pagpipilian ni Lyca. Walang dahilan para hindi siya piliin. At higit sa lahat ang bawat hakbang na ito ay sinadya at maingat na plinano ni Dean. Tinitigan naman ni Lyca si Andrei. Kitang-