Share

CHAPTER 63.

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2025-02-28 23:08:00

Pansin ni Lyca ang mariing pagtitig ni Gabriel sa mukha niya. Seryoso na tila ba may inaalala mula sa nakaraan.

"Alam mo ba sa totoo lang nakita na kita noong bata ka pa," anito at naka cross ang mga braso sa dibdib. "Hawak-hawak ka ni Robert noon sa mga bisig niya, sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa 'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," ani Gabriel na hindi na ata nakatiis at nagtanong na.

Tila ba ramdam naman ni Lyca na para bang iniinsulto siya ng kaharap. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Madrigal, ang tunay na pagkatao ni Robert. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Ang ama ko ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin lang ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Lyca sa lalaki.

Natigilan naman si Gabriel sa sinabi niya at hindi ata nito akalain na ganun na lang siya kung magsalita.

"Talaga pala na ibang-iba ka na ngayon," na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 104.2

    “Ms. Lyca ito po ba ang bagong sasakyan na dinivelop nyo?” tanong ng assistant ni Dean kay Lyca at hindi nito napigilan ang sarili na pumalakpak. Bakas ang paghanga sa anyo nito. "Ang sasakyan na ito ay dinevelop lamang upang subukan ang performance nito. Kakailanganin pa itong i-optimize nang maraming beses sa hinaharap," sagot ni Lyca rito. Naglakad siyapalapit sa sasakyan na halos mawasak na. “Anton, ano’ng pakiramdam mo ngayon?” tanong ni Lyca habang tinitingnan nga niya si Anton na may umaagos na dugo mula sa noo nito. Bigla namang pinanghinaan ng loob si Anton. Agad na namaluktot ang katawan ni Anton na parang bata. Labis pa rin ang takot sa anyo nito. Totoo ngang dahil sa malubha niyang sakit at ang katotohanan na hindi na siya magtatagal sa mundo kaya naisipan niyang saktan si Dean nang walang alinlangan. Tumanggap siya nang malaking halaga mula kay Arthur para mayroon nga siyang maiiwan sa kanyang pamilya kapag namatay siya. Ngunit ang pakiramdam na paramg mamamatay ka

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 104.1

    “Kulang pa nga ito eh di ba? Hindi pa ito sapat,” sabi ni Lyca habang nakakuyom nga ang kanyang kamay. Muli niyang kinuha ang remote control at pinaandar niya ulit ang sasakyan na iyon sa track. “Tama na! Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na,” nanginginig sa takot na sigaw ni Anton. Ngunit tila bingi na walang naririnig si Lyca at nanatili pa rin sa walang emosyon ang kanyang mukha. “Yca, tama na,” ulit-ulit na saway ni Kyrie kay Lyca at hinawakan siya sa pulsohan, pilit na pinapakalma. Pero hindi siya nagpatinag sa pagpipigil ni Kyrie sa kanya kahit pa kayang-kaya siya nitong pwersahing pigilan. Mariin pa rin niyang hinawakan ang remote control ng sasakyan na iyon. “Hindi pa iyon sapat,” sabi ni Lyca na puno ng kalamigan sa boses. “Kung nagawa niyang gawin ang ganoong bagay, ibig sabihin, ay wala siyang pakialam sa buhay ni Dean. Na wala itong halaga. Kaya bakit ko naman siya kaawaan ngayon?” mariin pa na sabi ni Lyca. Tumingin naman si Lyca sa gawi kung nasaan ang sasakyan at

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.2

    “Yca, masyado nang mabilis ang takbo ng kotse! Itigil mo na ‘yan!” awat ni Kyrie pero tila bingi lang si Lyca na walang naririnig. “Paano magiging mabilis ‘yan? Kung totoong sira ang sasakyan, hindi ‘yan makakatakbo nang ganito kabilis.” Yumuko si Lyca at tiningnan ang remote control. “Ang susunod na kailangang subukan ay kung ligtas ba ito sa banggaan.” Walang emosyon sa mukha ni Lyca habang patuloy na pinapatakbo nang mabilis ang kotse. Bigla niya itong ibinangga sa pader. “Lyca, tama na!” malakas na sigaw ni Kyrie kay Lyca para sawayin ito sa ginagawa. Hindi na siya nakapagtimpi dahil pakiramdam niya nawawala na ito sa katinuan. Sandaling huminto ang sasakyan. Pero saglit lang pala iyon at muli na naman ito pinatakbo nang mabilis ni Lyca at ibinangga muli sa pader. Samantala, pinagpapawisan na si Kyrie dahil sa kabang nararamdaman niya. Wala kasi atang balak na makinig sa kanya si Lyca. Wala siyang ideya kung buhay pa ba ang driver na nasa loob ng sasakyang minamani-obra n

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.1

    Wala ni anumang emosyon na makikita sa mga mata ni Lyca. Tahimik lang niyang nyang tiningnan ang lalaking nakahandusay sa lupa at sumisigaw. Kinuha ni Lyca ang kanyang cellphone at saka nya idinial ang number ni Chris. Bago pa man makapagsalita si Chris mula sa kabilang linya ay nauna na si Lyca na nagsalita. Hindi pa man ito nakakasagot sa kabilang linya ay pinutol na rin niya ang tawag. Muling tinapunan ng tingin ni Lyca ang driver na si Anton Castillo na patuloy pa rin sa pagpupumilit na makawala. “Fine! Kung ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin,” saad ni Lyca. Pumalakpak siya at mahinang tawa ang kanyang pinakawalan. “You know what? Kakadevelop ko lang ng bagong sasakyan, pero hindi pa ito natetest. Siguro aabutin pa ito ng ilang taon bago ito opusyal na mailabas sa merkado,” aniya at seryoso ang mga matang tinitigan si Anton. “Naisip ko na driver ka naman, kaya bakit hindi mo ako tulungang subukan kung puwede na ba itong patakbuhin sa kalsada?” saad pa ni Lyca. Biglang

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.2

    Nagyuko ng ulo si Lyca habang mahigpit niyang hinawakan sa kanyang kamay ang folder na naglalaman ng mga dokumento. "May resulta na ang research institute natin ukol sa materyales na ito. Kung ipapa-auction ko man ito ay hindi naman nangangahulugan na wala na itong halaga sa atin. Pero ang mga taong nasa likod nito ay gagawin ang lahat para lang makuha ito. At dahil hinahabol nila ito, ay hayaan kong bilhin nila ito sa halagang gusto ko,” sabi pa ni Lyca. Ginagawa talaga ni Lyca ang lahat ng ito para pahirapan niya si Arthur. Naintindihan naman ng assistant ni Dean ang nais mangyari ni Lyca. Kaya naman agad niyang inasikaso para ipahanda ang iniuutos nitong balita. Kung saan at kung kailan gaganapin ang auction sa loob ng tatlong araw upang maibenta ng mabilus ang impirmasyon. ****************** Samantala habang nasa mansyon ng pamilya Sandoval si Arthur ay nakatanggap siya ng balita mula sa kanyang mga tauhan. Ang balitang nagpasiklab ng galit niya. Paanong hindi? Dahil hin

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.1

    Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status