Pansin ni Lyca ang mariing pagtitig ni Gabriel sa mukha niya. Seryoso na tila ba may inaalala mula sa nakaraan. "Alam mo ba sa totoo lang nakita na kita noong bata ka pa," anito at naka cross ang mga braso sa dibdib. "Hawak-hawak ka ni Robert noon sa mga bisig niya, sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa 'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," ani Gabriel na hindi na ata nakatiis at nagtanong na. Tila ba ramdam naman ni Lyca na para bang iniinsulto siya ng kaharap. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Madrigal, ang tunay na pagkatao ni Robert. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Ang ama ko ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin lang ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Lyca sa lalaki. Natigilan naman si Gabriel sa sinabi niya at hindi ata nito akalain na ganun na lang siya kung magsalita. "Talaga pala na ibang-iba ka na ngayon," na
Natigilan si Gab dahil sa sinabi ni Lyca. Tahimik na yumuko ng ulo si Lyca at hinalo ang kape sa tasa niya. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Gabriel. Napansin iyon ni Lyca kaya pasimple niya pang mas itinaas ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo. “Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan ng tunay na pamilya,” mahinahong sabi ni Lyca kay Gab. “Hangga’t may tunay na pagmamahal, maaaring maging pamilya ang kahit sino, kahit walang duging nag-uugnay. Ngunit kung walang pagmamahal, kahit pa na magkadugo ay maaaring lamunin ang isa’t-isa. Hanggang sa wala nang matira na kahit bakas man lang,” wika ni Lyca. Pinaglaruan ni Lyca ang vent ng air conditioner. Hindi niya alintana ang malamig na hangin. Sa halip na ginawin ay nagbigay pa ito ng komportable ginhawa sa kanya. "Mr. Madrigal, matagal ka na sa industriyang ito. Hindi mo pa ba lubos na nauunawaan ang ganitong bagay? Ilang mayayamang negosyante ang iniwan
Maingat na inilapag ni Lyca ang mga dokumento sa harap ni Joshua, saka nya binuksan ang pahina kung saan naroon ang problema at itinuro nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata. “Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito and this inconspicuous note is the only trap,” wika ni Lyca kay Josh. Hindi napigilan ni Joshua ang matawa. "Nakita mo na, akala siguro ng ating punong sekretarya ay isang malaking pagkakataon at gusto niyang samantalahin natin ito,” ani Josh kay Lyca. Napakunot naman ang noo ni Lyca dahil sa naging sagot ni Joshua sa kanya. "Anong klaseng biro na naman itong ginagawa niya? Was this cooperation case proposed by Trixie? Baliw ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Lyca kay Joshua. Tahimik lang si Josh at hindi na nagbigay ng opinyon. "Talagang matibay ang loob ni Secretary Trixie, kahit pa na hindi pa siya nakakabawi mula sa aksidenteng natamo niya. Matapos maaksidente sa sasakyan, tumanggi siyang magpahinga sa bahay at pinilit niyang pumaso
Dinig na dinig naman ni Trixie ang mapanuyang boses ni Joshua, kaya naman agad siyang namutla. Pilit na kinakalma ang sarili habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong-puno ng pang-uuyam. "Ang personal mong emosyon at sariling mong pananaw at haka-haka ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang matino. Kung mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipapaliwanag sa iba?" sabat ni Dean na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Andrei. Ang kanyang singkit na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong kaseryosohan. "Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” mariing sagot ni Trixie na bawat salita nya ay punong-puno ng determinasyon, habang nagkikiskisan ang mga ngipin. Ngunit hindi basta-basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera! Napataas naman ang kilay ni Joshua habang seryosong nakati
“Ibig mo bang sabihin sa akin ngayon Trixie na hindi ko pinaghihiwalay ang public at private life ko?” tanong ni Andrei kay Trixie habang seryoso syang nakatingin dito. “Pero sabagay tama ka nga Trix. Hindi ko nga pinaghihiwalay ang public at private life ko,” dagdag pa ni Andrei. Natigilan naman si Trixie dahil sa sinabi ni Andrei, hindi sya makapaniwala rito kaya naman muling sumiklab ang galit sa dibdib niya. "Kung talagang magiging patas talaga ako Trix, dapat ay si Lyca ngayon ang nararapat sa posisyon mo at hindi ikaw. At kung tiitingnan naman ang kakayahan mo ay hindi ka karapat dapat na mapasama sa pamilya Sandoval,” seryoso pa na sabi ni Andrei kay Trixie. Alam naman talaga ni Andrei ang lahat ng ito. Ngunit kahit pa ganon ay binigyan pa rin nga nya ng pagkakataon si Trixie at hinayaang si Lyca ang mapunta sa project department. Ngunit ngayon ay si Trixie mismo ay nagsasabi na hindi niya kayang paghiwalayin ang pampubliko at pribadong mga bagay na talaga namang nakakataw
Malinaw na narinig ni Dean ang sinabi ni Lyca kay bahagyang napa-arko ang mga nito kasabay ng isang matamis na ngiti. "Hindi ko madalas na marinig ang mga salita na yan mula sa 'yo," sabi ni Dean kay Lyca. "Huwag kang mag-alala dahil hindi lang ako babalik nang ligtas, kundi magdadala pa ako ng mga espesyal na pasalubong para sa ’yo," dagdag pa ni Dean, saka sya tuluyang umalis. Bakit nga ba napasama si Dean dito? Maari naman na direktang tanggihan ni Dean ang pakikipagtulungan kay Jade, ngunit pinili pa rin nito na pumunta muna sa kumpanya ni Andrei. Nang iminungkahi ni Andrei na pumunta siya sa ibang bansa para sa inspeksyon ay ni hindi nga man lang siya tumanggi. Hindi naman sila ganoon kalapit ni Andrei sa isa’-isa, kaya bakit tila napakadali para kay Andrei na kumbinsihin si Dean? Malinaw na nakita iyon ni Joshua. Pumunta si Dean sa kompanya ni Andrei hindi lang para sa trabaho kundi para sa isang personal na pakay. Pati ang pagpunta niya sa ibang bansa ay hindi lamang i
Tahimik na ibinaba ni Lyca ang hawak niyang baso at saka nya dahan-dahang ibinaling ang tingin kay Andrei. Sa gabing iyon ay suot ni Andrei ang isang dark blue na suit. Suot din sa kanyang pulso ang isang relo na may halagang sampung milyon, at isang tie clip na gawa sa platinum iris. Iniangat niya ang tingin mula sa kurbata nitong suot, nakita niya ang isang gwapo mukha na may perpektong hugis. Dark blue ito ang paboritong kulay ni Andrei. Napatingin naman si Lyca sa suot niyang red dress at hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. The combination of red and blue makes many people think they are a couple. But sadly, they are divorced. Matapos ang kanilang divorced ay mas naging mapangahas ay kaakit-akit si Lyca. Isang anyo na hindi kailanman nakita ni Andrei noon. Na para bang ngayon ay naging ibang tao na ito ngayon. Sandaling napapikit ng mga mata si Andrei at muling nagmulat. Napatingin naman din si Lyca ka Andrei at nagsalubong ang mga mata nila. T
Mula sa bulwagan ay maririnig ang mababang tunog ng isang cello. Ang mga estudyante mula sa department of music ang nagtanghal sa entablado. “Malapit na siguro si Cristy,” ani Lyca kay Andrei, habang tinitingnan nya ang oras sa kanyang suot na relo. Pinangako nya kasi kay Cristy na sasamahan nga ito sa entablado para tumugtog ng piano. Bahagya namang tumango si Andrei at hindi masyadong binigyang-pansin ang pag-akyat ni Cristy sa stage. Para bang iniisip nito na wala namang dapat ipag-alala dahil kayang-kaya naman iyon ni Cristy nang mag-isa. “Pupunta muna ako sa backstage para puntahan si Cristy,” sabi ni Lyca at muling tiningnan si Andrei bago sya tuluyang umalis. Ngunit bago pa man siya makalayo ay bigla siyang naitulak ng isang babaeng estudyante na nagmamadaling dumaan. Napahinto naman Lyca at agad na napalingon ngunit ang nakita lang niya ay ang payat na likod ng babaeng naka backless na evening gown. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya makita ang mukha nito at an
Hindi lubos maisip ni Trixie kung bakit ito nangyayare sa kanya. Akala nya matapos na maghiwalay nina Andrei at Lyca ay wala ng posibilidad na magkatuluyan pa ang dalawa. Pero sa nakikita ngayon ni Trixie ay tila iniisip pa rin nga ni Andrei si Lyca. Hindi nya akalain na matapos ng lahat ng ginawa nya ay bakit parang si Lyca pa rin ang nakikita ni Andrei. Kinuha na nga niya ang lahat ng meron ito. Kinuha na nya ang koneksyon. Kinuha na rin nya ang alaala ng pinakamamahal nitong babae na matagal ng nakabaon sa puso ni Andrei. Kinuha na nya ang lahat at pinalitan na nya ito kung saan sya naman ang magiging bida sa buhay ni Andrei. Pero parang ang lahat ng ginawa nya ay nabalewala lang lahat dahil hanggang ngayon ay parang si Lyca pa rin ang pinahahalagahan ni Andrei. Si Andrei na tinitingala ng lahat ay parang biglang naging ordinaryong tao dahil kay Lyca kaya naman hindi mapigilan ni Trixie ang magalit nang husto kay Lyca dahil sa kanyang mga iniisip. “Talaga bang gusto ni Andr
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lyca nang tila ba parang naramdaman nya ang malamig na titig ni Andrei sa kanya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya at saka sya tumayo. “Aakyat na muna ako para magpalit ng damit,” sambit ni Lyca. “Sasama ka ba?” tanong niya kay Dean habang mahinang tinapik ang braso nito. May mga ekstrang damit sa bahay ng pamilya Lopez na tiyak na kasya kay Dean. Ilang araw din kasi na tumira roon si Andrei dati kaya may naiwan siyang mga damit doon na halos kasya naman kay Dean. “Dito ka na lamang para matapos natin ang video na ito,” malamig na sabi ni Andrei kay Dean at hindi na nya talaga napigilan ang sarili na sumabat nang marinig nya ang sinabi ni Lyca. Dahil maraming sikreto ang nakalagay sa cellphone ni Dean ay hindi niya pwedeng basta-basta na lamang iwan ang kanyang cellphone sa pamilya Lopez para kumuha ng litrato o video. Kaya naman ngumiti na lamang si Dean kay Lyca, saka sya kumaway rito. Agad naman na nakuha ni Lyca a
Hindi nagpakita ng awa si Dean nang takpan niya ang bibig ni Trixie gamit ang tape. Kaya pati ang mahabang buhok nito ay dumikit na rin sa tape na iyon. Nang tanggalin nila ang tape ay kasamang nahila ang buhok ni Trixie kaya naman hindi nito napigilan ang kanyang sarili na napasigaw dahil sa sakit. "Tanga ka ba? Alam mo ba ang ginagawa mo? Lumayas ka nga diyan!” galit na bulyaw ni Trixie sa kasambahay at itinulak ito palayo. Hindi magawang tanggalin ni Trixie ang tape sa kanyang buhok at nanginginig na lang siyang tumayo. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang tingnan sila Lyca at Dean. Takot siyang baka hindi niya makontrol ang sarili at maipakita ang galit sa mga mata niya. Nanginginig ang mga kamay niya habang kinukuha ang dokumento at nagsalita nang nakayuko ang ulo. "Mr. Dean, ito ang authorization letter na natanggap ko kanina. Pinili ako ng Ocampo’s bilang kanilang ahente. Ang mga kumpanyang lokal na nais makipag-partner sa kanila ay kailangang dumaan sa akin. May i
"Dean alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" kunot-noo na tanong ni Trixie kay Dean at ang kanyang boses ay puno ng galit at sama ng loob. Pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan at parang sasabog ang kanyang dibdib. Ang sakit sa kanyang puso ay umabot na sa sukdulan. Akala niya ay walang tunay na pagmamahal sa pagitan nina Dean at Lyca. Akala niya ay magagalit si Dean kapag nalaman niya ang lahat. Inakala niya na si Lyca ang pagbubuntunan ng galit nito! Pero nagkamali pala siya. Ipinakita ni Dean sa kanya ang lahat. At lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Lahat ng ito ay isang palabas lamang. "Bakit?" bulong ni Trixie sa kanyang sarili. "Bakit nagkakaroon ng ganoon kagaling na lalaki si Lyca nang hindi man lang gumagawa ng kahit ano?" dagdag pa nya at naikuyom na lamang nya ang kanyang kamao sa galit. Hindi matanggap ni Trixie ang lahat ng ito! "Nagpakasal na siya noon. At ang lalaki niya noon ay si Andrei!" sigaw ni Trixie na halata mong galit na galit na. "Ano ang
Nanatili lamang na kalmado si Lyca , sa kabila nang nakikita niyang galit sa mukha ng kanyang ama. Isang banayad na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi at tahimik na nakatingin sa kanyang ama na si Robert. Makikita naman sa isang tabi si Trixie na bahagya ring nakangiti at nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatingin kay Lyca at Dean. Hinihintay marahil ng babae kung kailan magagalit si Dean at iiwan si Lyca roon. Aliw na aliw si Trixie na tila ba nanonood siya ng isang magandang palabas at naghihintay ng isang nakaka-excite na eksena. Tumagilid si Dean at seryosong tumingin sa gawi ni Lyca. "Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa kanila kahit na kaunti?" tanong ni Dean na nakangiti, pero ang isang ngiti na malamig at walang sigla. Bahagyangn napayuko naman si Trixie dahil sa sinabi ni Dean kay Lyca at palihim na ngumiti. Iniisip na nagtatagumpay na ang plano niya. "Mr. Dean, mabuti pa siguro kung umuwi ka na muna,” malamig na saad ni Robert. "Ako na ang bahala sa anak k
Unti-unti na dumilim ang mga mata ni Andrei na halos namumula na habang hindi niya mapigilan ang sarili na magpadala ng mensahe kay Lyca sa messenger. [Lyca, talaga bang wala ka ng pakialam pa kay Lolo?] Habang itinatype ito ni Andrei ay naramdaman niyang napakababa iyon para sa kanyang sarili at nakakahiyang gawain. Para bang ginagamit niya ang kanyang Lolo para pigilan si Lyca. Pero alam niya na matapos nilang magkaroon ng relasyon ay hindi na tama ang ganitong klase ng mensahe para sa dating asawa. Ibinalik ni Andrei ang tingin sa mga salitang iyon sa kanyang cellphone. Matapos ang mahabang pag-aalinlangan ay dahan-dahan din niyang binura ang mga ito. ******* BIGLA namang tumigil na ang malakas na ulan na iyon. Habang si Lyca ay nakatanaw mula sa malalaking bintana ng Grand Hilton Presidential Suite. Sa totoo lang ay may kaba siyang nararamdaman hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at nakita niya na tumatawag ang kanyang ama na si Robert
Nakabalik na pala sa kumpanya ni Andrei ang half sister niya. At bakas sa mukha nito ngayon ang saya at pagmamayabang. Ang paraan ng mga tingin nito kay Lyca ngayon ay parang tumitingin siya sa isang asong ligaw. Malamig naman na tinitigan ni Lyca si Trixie na walang bahid ng anumang emosyon. Mapang-uyam na ngumiti si Trixie pabalik, ngiting may halong pang-aasar. Para bang siguradong-sigurado siyang natanggal na si Lyca sa trabaho pagkatapos ng meeting with all the shareholders and CEO. Kalmado naman na mahinang tinapik-tapik ni Lyca ang mesa gamit ang kanyang mga daliri bago dinial ang numero ni Andrei. Walang makikitang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Mabilis naman na sumagot si Andrei sa tawag. Ramdam ang lamig sa kanyang boses. "Anong kailangan mo?" bungad na tanong ni Andrei mula sa kabilang linya. "Hindi ba’t sinabi mong papalitan mo ang pinto ng opisina ko?" direktang tanong ni Lyca kay Andrei. Kung hindi lang talaga kinakailangan ay ayaw na niyang banggitin pa
Nananatiling nakatitig ang mga mata ni Andrei kay Lyca na tila ba hinihintay niya ang sagot nito. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lyca bago ito nagsalita. “Kung gusto mo, syempre walang problema. Pero kung gusto mo talaga ng ganung klase ng pen ay kailangan mong maghintay nang kaunti pa,” ani Lyca kay Dean. “Basta’t makakatanggap ako ng regalo na gawa mo, handa akong maghintay kahit gaano pa katagal,” nakangiting sagot ni Dean at hinawakan ang kamay ni Lyca. Hindi naman pinansin ni Andrei ang dalawa, hindi rin siya nagsalita. Tahimik lang niyang kinuha ang naiwan na cellphone at saka umalis doon. Nang makapasok siya sa elevator ay bigla na nga lamang siyang napahinto saka sumandal sa metal na dingding at huminga nang malalim na para bang pinapakalma nya ang kanyang sarili. Sumunod naman sa kanya ang ilang shareholders na kanina pa naghihintay. Pinalibutan siya ng mga ito at hindi tumitigil sa pagsasalita tungkol sa kung gaano kalaking kita ang maibibigay ng pakikipag-ug
SAMANTALA, nakahinga naman nang maluwag si Lyca sa kanyang kinauupuan nang umalis si Andrei at ang mga board members. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" tamad na tanong ni Lyca kay Dean, na para bang wala itong pakialam sa kanyang suspensyon. "Tara magbakasyon muna tayo. May bagong hot spring hotel sa East District. Gusto mo bang magbabad muna tayo sa hot spring?" tanong ni Dean at hinawakan ang kamay ng kanyang bagong nobya. Sa pagkakataong ito ay hindi naman umiwas pa si Lyca. "Magbababad sa hot spring ngayong tag-init?" nakataas ang isang kilay na sagot ni Lyca, halatang may binabalak na naman si Dean. "Tomorrow is my birthday. Anong regalo ang ibibigay mo sa akin?" pilyong tanong ni Dean habang maingat na hinahaplos ng kanyang mga daliri ang makinis na bahagi ng pulso ni Lyca, may bahid ng pananabik sa kanyang boses. Tumingin si Lyca kay Dean. Bahagya siyang ngumiti sa binata. Hinawakan din naman ni Lyca ang kamay ni Dean "Dean sandali lang, gusto mo ba talagang mag hot sp