Home / Mafia / AKAS / AKAS 4

Share

AKAS 4

Author: Black_Jaypei
last update Last Updated: 2024-11-21 20:05:09

“Jusmiyomarimar! Bakit hindi mo pagbigyan?”

Nanlumo ako sa sagot na nakuha ko kay Divine pagkatapos kung sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Klint kagabi.

“Ikaw na bakla ka! Kaibigan ba talaga kita?!”

“Hoy! Hoy! Hoy! Bruha... Wag mong question-in ang pagkakaibigan natin dahil hindi ‘yan ang issue!”

Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom bago umupo sa upuan sa harapan ko.

“Isipin mo, ah. Bibigyan mo siya ng anak at malaking pera ang kapalit. Magkakapera ka at maipapagamot mo si Alas!”

“Oo, nandoon na tayo sa malaking pera ang kapalit pero kailan mo ako nakita na ibenta ang katawan para sa malaking halaga?”

Mahal ko si Alas pero mahal ko rin ang sarili ko. Kung mayroon man akong pagmamahal sa sarili ko ‘yon ang irespeto ko ang sarili ko.

“Hindi naman katawan ang ibebenta mo! Gagamitin ka niya para mabigyan mo siya ng anak! Teka, sinabi mo na ba sa kaniya ang tungkol kay Alas? Hindi ba gusto niya ng anak sa iyo?”

Minsan na iisip kung nakakatulong ba sa akin ang baklang ‘to o pinapabigat lang ang dinadala ko?

“Sympre, hindi. At wala akong balak sabihin sa kaniya. Isa pa, babae ang hinihingi niyang anak sa akin! Nagtataka nga ako kung bakit babae pa ang hingiin niyang tagapag-mana kung pwede namang lalaki?! Tsk! Ang dami-daming babae na pwede siyang bigyan ng anak, bakit ako pa ang napagdiskitahan niya?”

Namilog ang mata ni Divine at napatakip sa kaniyang bibig na ikinakunot ng noo ko.

“Oh my god! Hindi kaya mahal ka pa rin niya kaya ikaw ang gusto niyang anakan?”

Pinaningkitan ko ng mata si Divine at kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang pagmumukha ni Klint kasama ang babaeng dahilan kung bakit niya ako tinalikuran.

“Kilnt Axis Salvador and Alexa Daza is now officially engaged—Walang hiya kapatid mo?!”

Mapakla akong ngumiti. “Pinsan.”

Ibinalik ko sa bag ang cellphone ko at tumingin sa kaniya ng seryoso.

“Lilinawin ko lang sa iyo! Gusto niya akong buntisin dahil anak ako ni Henry Daza! Matalik na kaibigan ni Daddy ang Don Leon na sinasabi niya! Kung kapatid ko lang si Alexa, bakit hindi?”

Hindi ko alam ang namagitan sa kanilang dalawa bago kami nagkaroon ng relasyon. I only knew he's a playboy and in his nature I know he had a lot of girls but I never imagine that my cousin is the one he feel in love!

“Kung ganu'n kaya ka jinowa ng jowabells mo dahil anak ka ni Henry Daza? Kahit si Alexa ang mahal niya ginamit ka niya para makuha ang company na gusto niya?”

Namilog ang mata niya. “Anong sagot mo?”

Kahit hindi niya deritsong sabihin alam kung tinutukoy niya ang alok ni Klint.

“Pag-iisipan ko.”

Payapa ang trabaho ko ngayong gabi dahil wala ang assungot na halos gawin akong katulong sa ginagawa nito sa akin. Pero hindi ibig sabihin no’n, nakalimutan ko na ang pinag-gagawa niya at ang gusto niyang mangyari.

Sa kalagitnaan ng pags-serve ko sa costumer, nagvibrate ang cellphone ko tanda na may tumatawag.

Kinabahan ako ng makita kung si Divine ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.

“Hello, Divine?!”

[“Xianelle!—

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya agad akong lumabas ng resto-bar.

“Divine, bakit? Anong nangyari? Ah?”

[“Xianelle, si Alas isinugod sa hospital!”]

“A-Ano?!”

Nagmamadaling bumalik ako sa loob ng resto at hinubad ko ang uniform ko at kinuha ko ang bag ko sa locker ko.

“Saan ka pupunta? Ah? Hindi pa tapos ang shift mo!” Siya sa akin ni Boss Marky.

“Boss, kailangan ko pong puntahan ang anak ko!”

“Hindi pwede! Nakita mo naman na maraming tao! Kung lalabas ka sa pintong iyan ngayon mismo, bukas na bukas wag ka ng babalik!”

Mahalaga sa akin ang trabaho’ng ito pero walang katumbas na halaga para sa akin ang anak ko!

“Divine! Anong nangyari? Na saan si Alas? Bakit? Bakit—

Niyakap ako ni Divine. Nanginginig ang mga kamay ko na hindi ko alam ang gagawin ko ng makapasok ako sa hospital.

“Inaasikaso na siya ng doctor, magiging maayos rin siya.”

Tumango ako. “Kanina ka pa hinihintay ni Alas. Puntahan mo na...”

Pinahid ko ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko bago pa man ako makapasok lumabas ang doctor na lalaki.

“Doc, kamusta ho ang anak ko?”

Huminga ito ng malalim bago ako binigyan ng tipid na ngiti. “He’s okay now. Masyado lang siyang na pagod o kaya nakaramdam ng matinding excitement kaya siya na hirapang huminga.”

“Doc, hindi mamatay ang anak ko hindi ba?”

“He’s dying, Missis. Mahina na ang kaniyang puso, at kapag sumuko na ang katawan niya, wala na akong magagawa. Kailangan niyang sumailalim sa heart transplant sa mas lalong madaling panahon.”

Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Sunod-sunod akong umiling bago tumingin sa doctor.

“Doc, magkano ang kakailanganin?”

“2 Million.”

Nanlumo ako sa laki ng pera na kakailanganin. Hirap na hirap nga akong kitain ang dalawang libo sa isang araw saan naman ako hihila ng ganu'ng kalaking pera?

“Excuse me.” Paalam ng doctor.

Kinalma ko ang sarili ko at inayos bago ko binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang anak ko na nakahiga sa hospital bed.

Sumilay ang munting ngiti sa kaniyang labi ng makita ako. Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya at hinawakan ko ang kamay niya.

“How are you, baby?”

Mangiyak-iyak kong hinalikan ang kamay niya habang nakatingin ako sa kaniyang mukha.

“Nandito na si Xian-Xian...”

Pilit kung pinipigilan ang luha ko dahil ayaw kung makita ako ng anak ko na mahina ako. Dapat akong maging malakas at matatag para sa kaniya.

“Xian-Xian...” Hinaplos ng maliit nitong kamay ang pisngi ko. “Wag ka ng malungkot. I'm okay, I'm strong...”

Tumango ako. “Sympre, mana ka sa akin. Wag kang susuko ah? Gagawa ng paraan si Xian-Xian para gumaling ka.”

Kung kailangan kung magtrabaho ng walang pahinga gagawin ko.

“Xian-Xian, hindi ba sinabi mo sa akin, good boy go to heaven? Kaya kapag kinuha na ako ni Papa God, I’ll be your guardian angel...”

Awtomatikong umagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Nginitian ako ng anak ko pero may isang butil ng luha ang naglalandas sa kaniyang pisngi na kaagad niyang pinunasan.

“Wag kang malungkot, Xian-Xian kasi palagi kitang babantayan. Hindi kita pababayaan, hindi ka na mahihirapan... Xian-Xian, gusto kong maging masaya ka. Mahal na mahal kita, Xian-Xian...”

Tuminggala ako at ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pigilan ang pagluha ko.

“Anak, wag ka namang magsalita ng ganiyan. Hindi mo kailangan pumunta sa langit para maging guardian angel ko. Ang gusto ko, dito ka lang sa tabi ko... Dito ka lang anak ko...”

Hindi ko kayang mawala siya sa akin!

“Ikaw na lang ang meron ako, baby, ikaw ang kasiyahan ko. Ikaw ang lahat-lahat sa buhay ko. Ikaw lang sapat na ako, please, baby ko... Mahal na mahal kita! I love you so much, baby... Promise me, you won't leave me. You won't leave, Mama.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalik-halikan ko siya sa ulo bago ko siya tiningnan sa mukha.

I fall in love with him so hard when the first time I saw him. He's all I need, he's all I want to be with. I love him to the moon and back!

“Wag ka ng umiyak, Xian-Xian, iiyak rin ako...”

Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya bago siya muling niyakap. “Hindi na, hindi na iiyak si Xian-Xian, basta promise mo na hindi mo ako iiwan.”

“P-Promise, Mommy... I love you too.”

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sarap sa tenga ang tawagin niya akong mama. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang siya ang dahilan kung bakit ako na bubuhay sa mundong ito.

°°°

“Dalawang million?! Kahit limang taon kang magtrabaho sa resto hindi ka kikita ng dalawang million!”

Nagdadabog na umupo si Divine bago tumingin sa akin ng seryoso. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng pang gastos.

“Wala na akong trabaho.”

Bago ko pa makalimutan na sabihin sa kaniya. Wala na akong babalikang trabaho ng umalis ako ng gabing iyon, kaya ito ako ngayon back to zero na naman.

“Jusko! Paano na tayo niyan?! Paano ang pampagamot ni Alas?”

“Maghahanap ako ng bagong trabaho na may mas malaking sahod.”

Inirapan ako ni Divine. “Hindi mo na kailangang maghanap. Bakit hindi mo pa kasi tanggapin ang alok ng jowabells mo?”

Pinaningkitan ko ng mata si Divine. “Alam mo, sis, hindi pera ang usapan dito kundi buhay, buhay para sa buhay. Bibigyan mo siya ng isang supling plus Alas will be cured.”

Bibigyan ko siya ng anak pagkatapos niyang ayawan si Alas? Paano kapag nakabuo na kami saka niya na naman ako iwan sa ere?

“Hindi ako aso pagkatapos mabuntis ipapamigay ang anak. Divine, hindi ko masisikmura ka ipamigay ang anak ko!”

Kahit kailan hindi ko gugustuhin na mawalan ng anak. Hirap na hirap man ako kay Alas pero hindi ko minsan man inisip na ipamigay siya.

“Isipin mo na lang ang magiging kinabukasan ng anak mo, sa ikakabuti ni Alas. Hindi naman siguro kukunin ng jowabells—

“Ex-boyfriend!”

Kanina pa kasi siya jowabells ng jowabells ni hindi nga ako minahal ng hayop na ‘yon.

“Oo na. Ex na kung Ex! Pero seryoso ako, mas magiging maganda ang kinabukasan ng supling na iluluwal mo! Knowing your ex, his a multi-billionaire and your daughter will be his heiress!”

Gagawin ko ang lahat para madugtungan ang buhay ng anak ko. Kaya sa paghahanap ko ng maayos na trabaho at dahil na rin sa malaking pera ang kakailanganin ko.

Paano si Alas, hindi niya ba maibibigay ang mga kayang ibigay sa batang hinihingi niya sa akin? Anak niya naman si Alas, ah?

Kusang dinala ako ng aking mga paa sa tapat ng Pendilton Empire kung saan nagt-trabaho si Klint bilang CEO. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil nagkalat ang larawan niya sa internet maging sa magazines.

Isa pa sinabi niya sa akin na siya ang namamahala ng Pendilton Empire. Sa sobrang lawak at tayog ng building na ito dito niya pa naisipan magtrabaho, hindi pa ba siya na kontento sa kung ano ang meron ang Salvador?

Negosyante nga naman, money is important than life.

“Hi, Miss. Good morning. I'm here to see Mister Klint Axis Salvador, is he's in his office?”

Kunot-noong tiningnan ako ng babaeng nasa front desk. “Pardon, ma'am?”

Anong klaseng empleado ba ‘to? Kung hindi niya kilala ang sarili niyang boss?

“Does the CEO of Pendilton Empire is here?”

Nag-angat ang tingin nito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. Kung makapagtaray naman ang babaeng ‘to hindi niya nga kilala ang boss niya!

“Do you have an appointment ma'am?”

“No, but I—

“I’m sorry, Ma'am, you need to set an appointment first before you talk Mr. CEO. Come again if you already have an appointment.”

I deeply breath to calm myself. “Miss, can you at least tell him that I am Henry Daza’s daughter?”

Biglang natigilan ang babae pero agad rin namang inikot ang mata.

“Oh, I'm sorry, ma'am, pero hindi na ‘yan bebenta. Masyado ng gamit na gamit ang linyahan na ‘yan.”

“Excuse me?”

“Hindi lang ikaw ang babaeng pumunta rito at nagsabing anak ni Henry Daza.”

Laglag panga akong natigilan. At sino namang walang hiya ang gagamit ng pangalan ng Daddy ko para makita lang ang Klint na ‘yan?

Napahilot ako sa sentido ko habang nakapikit ang mata. “Okay, can you please tell him that Xianelle is here?”

Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin na naka-awang ang labi.

“Oh, god. I'm sorry, ma'am. Wait a minute.” Kinuha niya ang telepono sa tabi niya at ilang beses na nagtitipa bago inilapat ito sa tenga.

Ilang saglit akong naghintay bago ko na tanggap ang go signal niya. Hinatid niya pa ako sa elevator.

“This way ma'am, Mr. CEO is on the 15th floor.”

Tahimik lang ako sa loob ng elevator hangang sa makarating ako sa 15th floor.

“You may come in, Miss.”

Lumabas ang isang pamilyar na lalaki na sa tingin ko ay secretary ni Klint. Kung hindi ako nagkakamali siya ang palaging kasama ni Klint sa resto-bar.

Pumasok ako sa nag-iisang pinto. Sakop niya ang buong floor kaya malaki at malawak ang kaniyang opisina. Mula sa sahig, sa kisame kitang-kita ang makapigil-hiningang ganda ng Manila.

Sa gitna ng malapad na bintana nandoon ang desk table ng CEO. Napalunok ako ng makita ko siyang naka-upo sa unahan ng desk niya at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay.

“I’ve been waiting for you.”

May kislap ang kaniyang mga mata at nginitian ako. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko bago na upo sa upuan.

Tumikhim siya dahilan para mapatingin ako sa mukha niya. Nagsalubong ang mata naming dalawa at hindi nakaligtas sa mata ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya.

“Why don't you start to undress?”

Black_Jaypei

Hello, Everyone! Your comments, gems, gifts, rate and feedback is really appreciated! Thank you so much!✨

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Vima Galleras
author pa update na please
goodnovel comment avatar
Gerlie Lumanglas
update po...kaabang abang n kaagad oh.....
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
exciting ang story ni akas khit kunti plang ...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AKAS   PENDILTON HEIR SERIES 1

    [] ╲┏━━━━━━━━━━━━┓ ╲┃ 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥 ┃ ╲ ┗━━━━┳━━━━━━━┛ ╲╲╭ⓄⓄ╮┃╱╱╱╱╱╱╱ ╲╲┫╰╯┣╯╱╱╱╱╱╱╱ ┈┈╰┳┳╯┈┈┈┈┈┈┈┈ This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, event and incident are either product of the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or death. Events, places, businesses is entirely coincidental. 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: This story contains trigger warning, sensitive contents, inappropriate and strong languages that not suitable for a young readers and may trigger some of you. Read at your own risk. This story also is contain typos errors, grammatical error, wrong spelling and whatsoever errors. ©BLACK_JAYPEI. All Rights Reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or use in manner whatsoever without the express written permission of the author. Any infringement of copyright is punishable by law. 𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐇𝐄?

  • AKAS   SPECIAL CHAPTER

    ••• AKAS POINT OF VIEW ••• Nagising ako ng saktong alas singko ng umaga. Yakap-yakap ang asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Ginawaran ko siya ng halik sa gilid ng noo bago maingat na umalis sa tabihan niya. Pumunta ako ng banyo at naligo. Lumabaa ako ng kwarto nang nakabihis na. My lips form 'o' as I saw my sons standing outside of their room. The three of them look so cool in their outfits. Alas wearing a black shirt, Ace wearing a grey shirt, and Flint wear white shirt and the the of them wearing a black jogging pants, and wite shoes. “Good morning, sons.” Nakangiting bati ko sa kanila. “Good morning too, Papa!” “I'm still sleepy.” Reklamo ni Alas. “Hi, Dad. We're ready.” Imporma ni Ace. “You're so early, handsome. Why don't you go back to sleep huh?” Ginulo ko ang buhok ni Flint. “I want to join you for today's morning exercise, Papa.” Excited na anito. Nakasanayan ko na gumising ng maaga para sabayan si Ace sa kaniyang excise at mga training dahil hilig na talaga ni

  • AKAS   EPILOGUE

    • • • FIVE YEARS LATER • • • Spain : 5:10 AM Sa Mansion ni Ace, sa loob ng gym room kasalukuyang nagpapapawis si Klinton sa loob ng ring kasama ang anak. Kontrolado ni Klinton ang kaniyang sarili habang nakikipagpalitan ng suntok at sipa sa anak ngunit malaki ang tiwala niya dito na hindi niya matatamaan dahil mabilis ang mga kilos nito at alam na alam ang estilo kung kailan susugod at hihilag. “Show me who you are, son! Show me!” Sinasalag ni Klinton ang bawat sugod ng anak, napakalakas ng mga suntok at sipa nito. Sobrang liksi rin ng bawat galaw kaya tumama ang lakas na sipa nito sa kaniyang dibdib. “Is that all what you can son huh?” Habol ang hininga ni Klinton, naliligo siya sa kaniyang pawis ganu'n rin ang kaniyang anak dahil mahigit kalahating oras na silang naglalaro sa ring. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito kasabay ng paghawak sa braso ni Klinton kasunod ang isang sipa ngunit nasalo ni Klinton ang paa nito dahilan para hawakan ibalibag niya iyon sa malambot

  • AKAS   AKAS 115

    Paraiso De Pendilton ; The wedding day. . . The huge garden of Paraiso De Pendilton become more luxurious with the giant castle tent. At the entrance there is wedding decoration; “Welcome to Dior & Xia Wedding” The whole place has elegant decor; lavish decorations, candelabras, and fresh white flowers. At the edge there’s a multi-course meals, fine wine, and gourmet cuisine. There a live performance of the popular orchestras. There are professional photographers to captured all the beautiful moments and the whole event can watch—live in the national TV. Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita wearing a formal gold attire; gowns for woman, tailors suits for man. Masayang tinatanggap ni Don Leon ang pagdating ng mga ito at sinigurado na maging komportable. The aisle is surrounded by white fresh flowers and it wasn't red carpet it was made of glass that you can see your reflection. At the end if the aisle the old priest was standing their waiting for the groom and bride. °°° Sa gr

  • AKAS   AKAS 114

    “Why are we here? First, Cyrus, brother. I want to give you what you are asking from me.” Pumito si Klinton at sumenyas kay Cesar na sumakay sa yate. “This is Cesar, my rank 1 men of honor. He prove his loyalty, capability, and his the must trusted person I had like Rodrigo and Denmark that's why I am giving him to you as your righthand-man.” Nanlaki ang mata ni Cesar. “Boss?” “Yes, Cesar! You are now a righthand-man of Cyrus Rummage!” Napakurap-kurap si Cyrus. “Seriously, brother?” “Am I laughing man? Of course, I'm serious to give you a trusted person who can work with your businesses with loyalty, capability and even entrust your life with him.” Matagal ng pinlano ni Klinton ma ibigay si Cesar kay Cyrus ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil sa sunod-sunod na pangyayari. Buo ang tiwala niya kay Cesar na maglilingkod ito kay Cyrus tulad ng paglilingkod sa kaniya ni Rodrigo at Denmark. “Damn! This is what am waiting for!” Tumayo si Cyrus at hinarap si Cesar

  • AKAS   AKAS 113

    Hinanap ng mata ni Xianelle si Cesar, natagpuan niya itong kumakain. Kinawayan niya na agad namang tumango nang nakuha ang ibig sabihin ni Xianelle. Ibinigay ni Cesar ang plato niya kay Denmark. Naglakad siya papalapit kay Xianelle bitbit ang paperbag na dala-dala niya. Magalang na inabot ni Cesar ang paperbag kay Xianelle. “Madame,” Tinanggap iyon ni Xianelle at ngumiti. “Thank you, Cesar.” Nakangiti humarap si Xianelle sa kaniyang at inaabot ang kaniyang regalo kasabay ng kaniyang pagbati. “Happy birthday, Daddy! I wish you all the best, I love you.” Imbes na tanggapin iyon ni Henry ay niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak at hinalikan sa ulo. “Thank you for making my birthday special, I love you so much my daughter.” Sumenyas si Henry kay Phil upang tanggapin nito ang regalo ni Xianelle. “Ingatan mo iyan, Phil.” “Yes, Sir.” Tumalikod na si Phil. “Inaantok na ang nga bata dito na kayo magpalipas ng gabi.” Mungkahi ni Henry habang pinagmamasdan si Alas at Ace.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status