Share

Chapter Thirty

Lumingon ang lalaki sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay, sabay ngisi. Hinapit si Rose sa baywang palapit rito at inakbayan.

Si Rose, bagama't nabigla sa biglang pagsulpot ni Alexander, ay nagliwanag ang mukha sa kabila ng takot.

"Pare, 'wag kang makialam dito. Away mag-syota to." Sambit ng lalaki.

"You're hurting her." Patuloy na sita ni Alexander.

"Sabi nang 'wag kang makialam, pare. Wala ka sa ayos ah," maangas na turan na ng lalaki. Naglakas na ito ng boses.

"Ikaw ang wala sa ayos, pare. Asawa ko iyang akbay-akbay mo." ani Alexander sa paraang kalmado.

Nagulat ang lalaki pero hindi nagpawindang. Sa mukha ay naroon ang hindi paniniwala sa sinabi ni Alexander. Bagkus ay bigla itong humalakhak.

"Asawa mo? Eh, syota ko nga to and she's enjoying my company, hindi ba sweetie?"

Inilapit ng lalaki ang mukha kay Rose, na nahintakutan. Akmang hahalikan nito ang dalaga sa labi nang mabilis na nakalapit si Alexander at nahila ang pangahas.

"No one can touch my wife," mariing
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status