Share

Chapter Seven

Author: Re-Ya
last update Huling Na-update: 2024-01-18 23:20:27

Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy.

Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan.

Juice ng mga inumin!

Steely body, oh my Jeez!

Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs?

It makes her hormones unruly and agitating.

Her body started to tremble. Nakakahiya!

Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala ni Rose ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na.

May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan.

Rough road ang tinatahak nilang kalsada.

Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana.

Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo.

Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa.

Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hindi niya mahulaan kung anong mga uri.

Malawak ang lugar ngunit mahalaman parang nagsisilbi iyong kublihan ng naturang bahay.

Inalalayan siya ni Dimitri sa pagbaba.

Inayos muna nito sa pagkaka-parada ang motorsiklo bago binuksan ang pinto at niyaya siyang pumasok sa loob.

Tigas ng pagtanggi niya.

"No, I'm not getting in there. Baka kung anong gawin mo sa akin sa loob?" Maktol niya.

Nagkibit-balikat na lamang si Dimitri larawan ng pagkaubos na rin ng pasensya. Iniwan na siya nito at pumasok na sa loob ng bahay.

Aba't hindi man lang siya pinilit. Ano hahayaan ba talaga sya nitong manatili sa labas?

Hays, ang babae nga naman kapag inatake ng kaartehan. Ang tila bulong na nagmumula sa ibang bahagi ng utak niya.

Sinilip niya ang pinto. Hinayaan namang bukas iyon ni Dimitri. Naaakit na siyang pumasok sa loob dahil nanginginig na siya sa lamig gawa ng basang kasuotan.

Ano bang ipinag-aalala niya sa lalaki mukha naman itong harmless. Hindi nga ba at sinuong nito ang malaking panganib para lamang mailigtas siya. Buwis buhay ang ginawa nito. Hindi pa ba sapat iyon para pagkatiwalaan niya ito?

Saan ba siya nag-aalala sa maaari nitong gawin sa kanya o sa kung anong bumabangong atraksyon niya para rito na hindi niya lubos na maunawaan at mapangalanan. Nauwi sya sa malalim na buntong-hininga.

Maya-maya ay nakaramdam siya ng munting kaluskos sa di kalayuan. Sa takot ay pinasubalian na ang mga isipin at may pagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ng lalaki. Mabilis niyang isinara ang pinto. Pagbaling niya ay tumambad sa harap niya ang bandido at topless. Ang may lagpas balikat nitong buhok ay malayang nakalugay sa balikat pagkat basa pa.

Agad siyang nagbawi ng tingin.

Husme! Husme! Ang kaninang nai-ilalarawang diwa niyang masel nito sa tiyan ay malaya niya na ngayong napagmamasdan. At hindi siya nagkamali ng sapantaha. Ilang beses tuloy syang napalunok.

What a male beautiful and devastatingly sexy body.

Damn para itong diyos ng mga Griyego.

Hindi nakawala sa pansin niya ang mahaba at malaking pilat nito sa braso. Ngunit hindi nun natabunan ang paghanga niya. Paghanga? Agad - agad? Jusko, maghunos-dili ka Rose. Kakikilala mo pa lang sa kay Dmitri. Paglalandi na agad ang nasa utak mo. Erase, erase aniya sa sarili.

"O akala ko ba ayaw mong pumasok dahil baka may gawin ako sayo?" Anang lalaki.

"M...malamig sa labas." Marahan niyang sagot habang sa malayo pa rin ang tingin.

OMG, hindi talaga siya makabawi sa

nakikitang tanawin. Nakakapag-rigodon ng hormones.

Inabutan siya ni Dimitri ng malinis na tuwalya at kamiseta. Itinuro nito ang banyo.

"Ayusin mo iyang sarili mo at magbanlaw ka. Baka mamaya sa pulmonya ka pa bumigay." Banggit nito.

Mabilis siyang kumilos at tinungo ang CR. May nakahanda nang tubig pagpasok niya ng palikuran.

Natuwa siya nang maramdaman na maligamgam ang tubig na nasa timba.

Sumilay ang ngiti sa sulok ng kanyang mga labi. May kabaitan din naman palang tinataglay sa katawan ang sangganong lalaki.

Aba ineng, hindi pa ba mabait sa'yo ang tao? Hindi biro ang sinuong niyang panganib para lamang mailigtas ka sa mga kasamahan nitong demonyo.

Udyok ng guardian angel niya.

Naku, e kaya lang naman niya ginawa iyon dahil sa pansariling hangarin. Hindi nga ba ay may bargain agreement kayo? Ano naman ang ipinagkaiba niya sa mga ulupong niyang kasama, e gusto ka lang naman niyang solohin at isahan.

Ayon naman ng munting taning sa tabi niya.

Napapabuntong-hininga na pinalis niyang pareho ang dalawang isipin maging alalahanin. Ang mahalaga ay nakawala siya sa kuta ng mga berdugo.

Nakapag-anlaw na si Rose nang lumabas ng banyo. Medyo asiwa sa pakiramdam dahil wala siyang suot na panloob. Kailangan niya kasing hubarin lahat ng kasuotan dahil basang-basa ang mga ito dahil sa pagtalon nila sa ilog.

Mabuti na lamang at nagmukhang T-shirt dress ang kamiseta ni Dimitri. Natakpan ang dapat matakpan.

Na-excite tuloy siya sa pakiramdam na suot-suot niya ang personal nitong gamit. Yay!

Nakaupo si Dimitri sa may hapag, hindi katulad kanina ay nakabihis na rin ito. Hindi niya alam Kung manghihinayang siyang makita itong balot na.

Sa lamesa ay nakita niyang may dalawang puswelo ng kape. Sinenyasan siya ng lalaki na lumapit. Umupo siya sa silya at pinagkrus ang mga binti.

Inusog ni Dimitri ang tasa ng kape sa harap niya. Tahimik niyang tinanggap iyon at dinala sa bibig. Nung nasa Maynila sya coffee is life ang peg niya hindi ata sya mabubuhay ng walang kape sa tabi.

Hmmm...Masarap mag-timpla ang lalaki. Muli ay nasorpresa siya.

Nabalot sila ng katahimikan. Parehong nagpa-pakiramdaman. Maya-maya ay tumayo si Dimitri at may kinuhang lalagyanan.

Sa pagkabigla niya ay sa silyang kinauupuan tumabi ang lalaki. Ipinatong nito ang dala sa ibabaw ng lamesa at humarap sa kanya. Muli ay gusto niyang mataranta sa pagkakalapit nila.

Isa pala iyong medicine box.

Isa-isang inilabas ni Dimitri ang mga gamot at panlinis. Hula niya ay gusto nitong gamutin ang sugat niya. Tinitigan siya ng lalaki sa paraang humihingi ng pahintulot. Jusko gusto niyang matunaw, ano ba mayroon sa mga mata nito. Marahan siyang tumango. Iyon lang ang hudyat na inantay ni Dmitri at maingat na hinawakan nito ang binti niya at unti-unting inangat.

Humigpit naman ang pagkakahawak ni Rose sa tasa. Hay naman, napaka-init. Gusto niyang pagpawisan.

Na-alarma siya nang dumako ang kamay nito sa dulo ng kamiseta. Tumigil ito saglit at muling tumitig sa kanya.

Isang marahang tango ang kanyang itinugon. Kaya't Inangat nito ang laylayan ng suot niya sa parteng natatakpan ang kanyang sugat.

Damang-dama niya ang init ng palad nito sa kanyang balat.

Ilang beses siyang napalunok. Linsyak!

Sinimulang linisin ni Dimitri ang sugat niya. Alumpihit siya sa kirot.

Napaluha siya hindi dahil sa masakit ang sugat niya, kundi dahil unti-unti nang tumitimo sa utak niya ang mga pinagdaanang karahasan.

Milagro na lamang na buhay pa siya sa mga oras na ito. Isang malaking bangungot ang lahat.

Sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang mapahagulhol. Nagpakatimpi sya kanina at pinanatili ang sarili na maging malakas. Ngayon niya gusto pakawalan ang nag halo-halong emosyon.

Napahinto naman si Dimitri sa ginagawa. Bumuntong hininga ito. Hindi malaman kung paano kokonsolahin ang babaeng iniligtas.

Para rito ay mas madali pang makipag-laban at makipag-basagan ng mukha, kaysa aluhin ang isang babae sa sitwasyong katulad nito.

Bahagya niya itong hinagod sa likod at hinayaang maglabas ng sama ng loob.

"Maraming salamat kung hindi dahil sa iyo malamang napagsamantalahan na ako ni Batik at napatay." Wika ni Rose pagkalipas ng ilang minuto.

"Walang anuman." matipid na sagot ni Dimitri.

"Sisingilin mo na ba ako?" Tanong ng dalaga habang kabado.

Naalala niyang nakipag-bargain nga pala siya sa lalaki. Kaya nga siya tinulungan nito.

"Hindi ako basta-basta naniningil. Nagbibigay ako ng palugit," sagot ng bandido.

"Maliban sa hindi ka pa handang magbayad ay hindi ka pa ligtas hangga:t hindi ka nakakaalis sa bayang ito."dagdag pa nito.

Napangiti siya. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Dimitri. Nagsimulang gumaan ang loob niya rito.

"Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa ako---

Ouch shit! Sigaw nang pagkabigla ni Rose.

"Grabeee ang sakit ha!" Bulalas niya kay Dimitri.

"Nakaramdam ka ng sakit buhay ka pa samakatwid," ako ni Dmitri sa kanya.

Inirapan ni Rose ang lalaki. Sukat ba namang diinan nito ang sugat niyang nilalagyan nito ng gasa.

Bakit ba ang pormal-pormal nito? Ang guwapo pa naman. Tuluyang napalagay ang loob niya kay Dimitri, kahit na maramot ito sa salitang ngiti. Ngayong napagmasdan na niya ito ng malapitan apaw na apaw pala ito sa kagandahang lalaki na hindi naitago ng munting balbas nito.

Mabilis na tinapos ni Dmitri ang paglilinis ng mga sugat niya pagkatapos ay pinayuhan na siyang magpahinga. Inalok nito ang nag-iisang silid na naroon.

Muli siyang nagpasalamat sa lalaki na sinagot lang nito ng matipid na pag tango.

Paglatag ng katawan niya sa higaan ay nakaramdam siya ng ginhawa.

Taimtim siyang nagdasal ng pasasalamat para sa nagdaang araw na ligtas siya at para sa itinuturing niyang tagapag-ligtas.

At Iyon ay walang iba kundi si Dimitri.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Sixty ( Ang Katapusan)

    Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Nine

    Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Eight

    “Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Seven

    Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iban

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Six

    Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Five

    Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig sya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status