Share

Chapter Twenty -Five

Ngunit ang higit na ikinagulat ni Rose ay ang solong pagkakatiwala ni Don Manolo kay Alexander bilang legal guardian ni Alexa. Labis ang kanyang pagkabigla. Gusto niyang i-kontest ang bagay na iyon. Ano ang karapatan ni Alexander sa kanyang anak? Oo nga at magkapatid ang mga ito, pero naroon siya bilang ina ng bata.

Maaaring hindi siya pinakasalan ng Don ngunit nararapat na nasa kanya ang pagpapasya. Ano ang dahilan ni Manolo para gawin sa kanya ang mga bagay na ito? Naging maayos ang kanilang pagsasama. Hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay nasa tabi lamang sya. Parte pa ba ito ng kanilang kasunduan? At paano niya ipagkakatiwala ang anak sa isang estranghero? Higit siyang may karapatan kay Alexa dahil siya ang ina.

Kung kanina ay puno ng kaba at kalituhan ang isip niya, ngayon ay may umuusbong na galit sa kanyang dibdib. Kahit pa ba may awtorisasyon si Manolo sa pagkakatiwala sa bata sa kapatid nito ay wala sila sa posisyon para alisin ang kanyang karapatan sa pagpapasya p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status