LOGIN
“Manong, pwede bang huminto muna tayo… nasusuka ako.”
Napatingin agad ang driver sa rearview mirror, halatang nag-aalala. “Ma’am, malapit na po tayo sa simbahan, konti na lang...” “Please… hindi ko na kaya,” sabat ni Sol habang pinipikit ang mga mata at pinipilit magmukhang nahihilo. Hindi na ito nagtanong pa. Agad nitong inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nagmamadaling bumaba. “Sandali lang po, ikukuha ko kayo ng tubig...” “Manong…” Napalingon ito. Ngumiti si Sol… at inilapit ang maliit na bote sa ilong nito. “Ma’am, ano po...” Hindi na nito natapos ang sasabihin. Ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan itong nawalan ng malay. Nanatiling nakatingin si Sol sa driver, inobserbahan kung effective na ang ginawa niya. Wala na... tuluyan nang nakatulog si manong driver. Huminga siya nang malalim at mabilis na kumilos. “Sorry, Manong… kailangan ko lang talagang gawin ‘to.” Inabot niya ang maleta sa ilalim ng upuan at agad kinuha ang sneakers. Halos sabay niyang hinubad ang sapatos na suot at isinuot ang rubber shoes na handang-handa na sa pagtakbo niya palayo sa buhay na hindi niya pinili. Binuksan niya ang pinto at sumalubong ang hangin sa kanya. Nasa di kalayuan ang simbahan, naghihintay ang mga tao, naghihintay si Eugene Uy, isang lalaking Chinese na hindi niya mahal. “Hindi ako pupunta diyan…” bulong niya sa sarili, saka tuluyang tumakbo. Tumakbo siya habang suot ang gown, habang hila ang maleta, habang pinapansin ng mga tao ang eksenang parang eksena sa pelikula. May napahinto, may napanganga, may nagturo, pero wala siyang pakialam. Mas mahalaga ang makalayo. Mas mahalaga ang makahinga. Hanggang sa makarating siya sa isang mall. Diretso siyang pumasok sa loob, hinahabol ang sariling hininga, at agad nagtungo sa CR. Pagpasok sa isang cubicle ay isinara niya ang pinto at sumandal sa dingding. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya habang pinipilit kumalma. “Okay… okay ka lang…” sabi niya sa sarili kahit halatang hindi. Mabilis siyang nagpalit ng damit, hinubad ang wedding gown at iniwan iyon sa loob ng cubicle na parang basta na lang niyang binitawan ang buong nakaraan niya. Isinuot niya ang simpleng damit at inayos ang sarili bago lumabas. Paglabas niya, wala nang bride. Si Sol na lang. Samantala, sa simbahan, nagsisimula nang uminit ang ulo ng lahat. “Nasaan ang bride?” Nagkatinginan ang mga bisita habang unti-unting kumakalat ang bulungan. Ang groom ay halatang naiinip at disappointed na habang paulit-ulit na tumitingin sa relo. Sa harap, nakatayo ang ama ni Sol na hindi gumagalaw ngunit mabigat ang presensya. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang driver, hingal na hingal at pawis na pawis. “S-sir…” “Nasaan ang anak ko,” malamig na tanong ng ama. “Nawala po siya… huminto po kami sandali tapos bigla po akong nahilo… paggising ko po wala na siya…” Parang huminto ang oras sa loob ng simbahan bago tuluyang sumabog ang kaguluhan. At sa gitna ng ingay na iyon, isang bagay lang ang malinaw. Tumakas ang bride. Malayo sa kaguluhan na iyon, nakasakay na ng barko si Sol. Ilang oras ang lumipas, nakarating si Sol sa bayan ng Monteverde, sa bayan ng kaibigan niyang si Dianne Pedrino. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada, hawak ang maleta at pinagmamasdan ang paligid. Tahimik ang lugar, walang nakakakilala sa kanya, at sa unang pagkakataon ay walang nagdidikta kung saan siya pupunta. “Okay… bagong simula,” bulong niya habang humihinga nang malalim. Ngunit hindi pa siya nakakabawi nang mapansin niyang wala na ang maleta sa tabi niya. Napalingon siya. “W..wait… nasaan na ang maleta ko? ” Tumingin siya sa kaliwa, sa kanan, saka muling bumalik sa pwesto kung saan niya ito inilapag. Wala na talaga. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya habang hinahanap ang pamilyar na kulay at hugis. “Hindi pwede… hindi pwede ‘to…” Mabilis siyang naglakad, halos tumatakbo habang sinusuyod ang paligid. Hindi pa siya nakaka-recover sa pagtakas niya at heto na naman ang panibagong problema. “Great, Sol… ang galing mo…” sabi niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang panic. Habang paikot-ikot ang tingin niya, may isang bagay na nakakuha ng atensyon niya. Isang lalaking may hawak na maleta. Ang maleta niya. Agad siyang napahinto, saka sumimangot. “Hoy!” Napalingon ang lalaki, halatang nagulat sa biglang sigaw niya. Hindi na siya nag-isip pa. Diretso siyang lumapit, mabilis at puno ng galit. “Anong ginagawa mo diyan,” bungad niya habang nakatitig sa hawak nitong maleta. Napatingin ito sa maleta, saka bumalik ang tingin sa kanya. “Ha?” “Maleta ko ‘yan,” madiin niyang sabi. Kumunot ang noo nito. “Miss, pinulot ko lang ‘to...” “Talaga,” putol niya agad, halatang hindi naniniwala, “ang bilis mo namang makapulot.” Napabuntong hininga ang lalaki at tila pinipigilan ang sarili. “Hindi ko ‘to kinuha.” “Eh bakit nasa kamay mo,” mabilis niyang sagot habang lumalapit pa. Magkalapit na sila ngayon, halos magkatapat ang mukha. Saglit silang nagtitigan. May kung anong dumaan sa pagitan nila na hindi niya pinansin. “Isauli mo na,” sabi niya nang matigas ang tono, sabay kuha ng maleta niya. “Teka nga.....” “Hindi, ikaw ang teka,” sabat niya, mas lalong tumalim ang tinginan nilang dalawa. At biglang may dumaan na pulis at napansin ang komosyon nilang dalawa. “Ma’am, sir... anong kaguluhan ‘to,” awat ng pulis. “Eh kasi sir... ang lalaking ‘to dinekwat ang maleta ko.” “Aba... magdahan-dahan ka sa pambibintang mo, miss.” “Ang mabuti, sumama kayong dalawa sa police station. Nakakaabala na kayo dito sa kalye.” “Sir... nagmamadali po ako... iwan ko na lang po ang number ko,” pakiusap ng lalaki. “Tayo na nga sa police station nang magkaalaman na…” hamon pa ni Sol. Napailing ang lalaki at napabuntong hininga. Ngunit tinalikuran lang ito ni Sol at nagsimulang maglakad kasabay ng pulis. Narinig niya ang mga yabag sa likod niya. Walang nagawa kundi sumunod ito. At habang papalapit sila sa direksyon ng police station, hindi alam ni Sol na ang lalaking pinagbintangan niya ay hindi basta estranghero lamang… kundi ang simula ng bagong hamon niya sa buhay.Pagbukas ng arrival gate sa airport agad sinalubong ni Sol at Eugene sina Don Salvador at Senyora Divina Madrigal.“Mom! Dad!” masayang bati ni Sol kahit halatang pagod ang kanyang galaw.Agad siyang niyakap nang mahigpit ng kanyang mommy. “I missed you, hija! ”“Ayos lang po ba ang byahe ninyo?...” malambing na sagot ni Sol habang pilit inaayos ang kanyang sarili.Ngunit agad ding napakunot-noo si Divina nang mapansin ang anak.“Why do you look so tired?” tanong nito habang hinahawakan ang mukha ni Sol at tinitigang mabuti. “At bakit parang hirap kang maglakad? Are you not feeling well?”Napakamot si Sol sa batok at pilit na tumawa. “Wala ‘to, Mom... napagod lang siguro ako kakagala, alam mo naman ako.”“Gala lang ba talaga?” taas-kilay na tanong ng kanyang mommy na parang may binabasa sa mukha niya.Tahimik lamang si Eugene sa tabi nila habang pinagmamasdan si Sol. Alam niyang hindi simpleng pagod lang ang dahilan kung bakit paika-ika itong maglakad. Ngunit pinili niyang huwag magsa
Nang maibaba ni Cris ang cellphone, mabilis na kumilos si Sol papunta sa banyo. "Babe... pasensya na, ha? Kailangan ko nang maligo at mag-ayos agad bago pa tayo abutan ni Eugene," sabi ni Sol at agad tumungo sa banyo sa loob ng kwarto... "Pero Babe..." hindi natapos ang sasabihin ni Cris dahil agad na umalis si Sol sa harap niya. Napakamot na lang siya sa kanyang batok. "Hay... napakawrong-timing naman, malapit na sana eh..." napahawak siya sa kanyang puson na biglang sumakit dahil sa pagkabitin. "Iraraos ko nga lang 'to sa kubeta." Pinulot niya ang kanyang short at boxer na nasa sahig at sumunod kay Sol. Pagpasok niya sa kuwarto, agad niyang nasilayan si Sol sa loob ng banyo dahil bukas ang pinto nito. Nagtotoothbrush si Sol sa lababo sa harap ng salamin. Inihagis niya sa kama ang hawak na short at boxer, at tumayo sa entrada ng banyo na nakacross arms. Tinitigan niya si Sol mula paa pataas. Nakakalibog ang kasexyhan ng nobya kaya hindi niya napigilan ang sarili na magnasa. Hab
"Alin ang mas masarap?" inulit niya ang tanong, sabay ikit ng kanyang mga mata. "Bakit parang napakahirap sagutin niyan, ha?"Lumapit si Cris at inangat ang mukha ni Sol gamit ang kanyang daliri sa baba. "Sagutin mo na, babe. Gusto kong malaman ang totoo. Sabihin mo kung alin ang mas gusto mo."Natawa si Sol nang mahina at humigop pa ng kaunting tubig bago sumagot. "Alam mo, Babe... kapag pagkain ang pinag-uusapan, siguradong masarap ang luto mo. Walang makakapantay sa lasa ng luto mo. Pero pagdating sa'yo, ibang usapan na 'yan."Ang lasa mo... ang amoy mo, ang bawat bahagi ng pagkatao mo... lalo na ang mga ginagawa mo sa akin, mas masarap pa 'yan sa anumang putaheng nakalatag sa harapan ko."Nag-init ang pisngi ni Cris sa pakikinig, at hindi napigilang napangisi. Habang ang kamay niya ay dahan-dahang gumapang mula sa tuhod paakyat sa kanyang hita sa ilalim ng laylayan ng t-shirt na suot nito, napakagat-labi si Sol sa pananabik."Ganoon ba? ... Tapos ka na ba kumain?""Hmmm.. I'm done
Gumapang ang mga braso ni Cris pababa sa baywang ni Sol. Binuhat niya ito habang nakaposisyon siya sa pagitan ng mga hita ng dalaga, at inihiga siya sa kama habang patuloy ang kanilang maalab na paghahalikan. Hinila ni Sol pataas ang t-shirt ni Cris at itinapon ito sa sahig, habang sinisimulan naman niyang tanggalin ang mga butones ng blusa ni Sol. Saglit silang humiwalay sa isa’t isa upang huminga, at dahan-dahang hinugot ni Cris ang blusa mula sa balikat ni Sol at inihagis din ito sa sahig. Hinaplos ni Sol ang matipunong katawan ni Cris. Itinulak niya ito pahiga, at siya naman ay umupo sa ibabaw nito. Dahan-dahan niyang idinampi ang kanyang mga labi mula sa panga, pababa sa leeg, patungo sa dibdib at tiyan ni Cris. Napapaungol si Cris habang unti-unti nang tumitigas at bumubukol ang kanyang pagkalalaki sa loob ng kanyang pantalon. “You’re so yummy, babe...” “Ikaw din, babe... Pwede
Hinihingal sila nang sandaling naghiwalay ang kanilang mga labi. Mahinang napahampas si Sol sa dibdib ni Cris gamit ang dalawang kamay niya. “Ang daya mo... tagal mo hindi nagparamdam. Paano mo ako natiis?” Napabuntong-hininga si Cris habang nakahawak sa bewang niya. “I’m really sorry. Akala ko sobrang galit ka na sa akin... kasi hindi ka na rin nagparamdam. Kinapalan ko na mukha ko at humingi na ng tulong kay Eugene.” “You broke up with me... umasa ka pa na hahabulin pa rin kita?” napailing si Sol. “I’m not that stupid para ipagpilitan ko sarili ko sa taong ayaw sakin.” “Kaya nga nagsosorry na ako eh...” bahagyang natawa si Cris kahit guilty ang mukha. “After that night, akala ko inignore mo na lang lahat ng sinabi ko.” Biglang naalala ni Sol ang gabing iyon. Agad niya tinulak nang bahagya si Cris palayo sa kanya. “Wait... and about that night...” seryosong sabi niya. “Lasing ako and I do not remember anything. Two weeks akong napraning... pinagsamantalahan mo ba ako habang
“Ang daya mo... ang bilis mo bumitaw...” Mahinang bulong ni Sol habang nakahiga sa kama sa loob ng kanyang kuwarto sa mansion. Pagod na pagod siya at kakauwi lang mula sa business trip niya sa Sorsogon pero imbes na makatulog agad, si Cris na naman ang laman ng isip niya. Naka-zoom pa sa cellphone niya ang stolen shot ni Cris na pinadala ni Dianne. “Hindi ka na talaga nagparamdam...” Mas lalo siyang nasaktan habang nakatitig sa larawan nito. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siyang yakap ang cellphone niya. Kinaumagahan... tanghali na nagising si Sol. Pagkatapos niya mag-shower, bumaba siya mula sa kanyang kuwarto papunta sa dining room habang tinatawag ang yaya niya. “Yaya... nakapagluto na ba si Manang Josie?” Kasalukuyang nasa business trip sa Europe ang parents ni Sol, gutom na gutom na siya at mag-isa lang siya sa hapag-kainan ngayon. Pero pagpasok niya sa dining room... Bigla siyang natigilan. Punong-puno ng pagkain ang mahabang mesa. May pasta... steak.







