Home / Romance / ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ? / CHAPTER 02 : Sinigang na Asar

Share

CHAPTER 02 : Sinigang na Asar

last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-12 13:25:02

 “Ano ang pangalan mo, miss?”

Tanong ng pulis habang nasa loob na sila ng estasyon.

“Ann… ako si Sol Pedrino.”

Muntik pa niyang masabi ang totoong buong pangalan.

 “Kayo, sir, ano ang pangalan?”

“Ah… Crisanto Domingo po.”

Sa tabi, ngumisi nang bahagya si Sol.

“Hmm… ang panghi naman ng pangalan,” bulong niya sa sarili.

Napalingon ang pulis sa kanya na tila narinig ang binubulong.

“Ah basta… magnanakaw siya!”

Lumipat ang tingin ng pulis kay Cris na halatang pigil ang inis.

“Miss, sigurado ka ba?” tanong ng pulis habang muling lumingon kay Sol at kinakamot ang ulo.

“Of course, sigurado ako,” mabilis na sagot ni Sol habang naka-cross ang mga braso at matalim ang tingin kay Cris, “nakita ko siyang may hawak ng maleta ko.”

“Wow,” mahinang sabi ni Cris sabay napailing, “ang bilis mo naman mag-judge.”

“Excuse me?”

“Baka gusto mong idagdag na rin na professional ako sa pagnanakaw para mas kapanipaniwala,” dagdag pa nito na kalmado pero sarcastic.

Napabuntong hininga ang pulis. “Sir, ikaw naman, anong side mo?”

“Simple lang,” sagot ni Cris habang nakasandal sa upuan, “pinulot ko lang ‘yon. Nasa gitna ng kalsada, hinahanap ko pa sana ang may-ari, wala pang ibang tao noong mga oras na iyon. Biglang dumating si miss… ako na agad ang kontrabida.”

“Sinungaling,” singit ni Sol.

“Grabe,” napatingin si Cris sa kanya, “ganun ka ba talaga ka-judgmental sa mga taong hindi mo pa kilala?”

“Hindi ako tanga para maniwala agad sa kwento mo.”

“Hindi rin ako tanga para sirain ang kagwapuhan ko at magnakaw sa publiko.”

“Ha? Masyadong makapal naman ang mukha mo. Sino nagsabing gwapo ka… ang nanay mo?”

Biglang naging seryoso ang mukha ni Cris, halatang napikon.

“Bakit mo kailangang idamay ang nanay ko dito?”

“Eh bakit kasi hawak mo ang maleta ko, magde-deny ka pa?”

“Pinulot ko nga… paulit-ulit naman tayo. Kung makapanghusga ka, wagas… sayang ang ganda mo, pangit naman ng ugali.”

“Eh bakit…”

“Okay, tama na,” putol ng pulis habang itinataas ang kamay, halatang nai-stress na, “may CCTV dito sa labas. Tingnan natin para matapos na.”

Napahinto si Sol.

Samantalang si Cris ay bahagyang ngumiti na parang alam na ang kalalabasan.

Ilang minuto ang lumipas habang pinapanood nila ang footage.

Dalawang batang tumatakbo… may hawak na maleta… saka iniwan ito sa gilid ng kalsada at mabilis na tumakas.

Sumunod na frame, si Cris na napansin ang maleta, pinulot, at doon na dumating si Sol na agad siyang hinarang.

Tahimik ang loob ng presinto habang unti-unting napalingon si Sol kay Cris.

“Magnanakaw pa rin ba ako?” tanong ni Cris habang nakataas ang kilay.

Napangiwi ang pulis. “Miss… mukhang nagkamali ka.”

Huminga nang malalim si Sol at pilit inayos ang sarili. “Fine… nagkamali ako.”

“Ganun lang?” napailing si Cris, “wala man lang effort?”

Napairap si Sol. “Okay… I’m really sorry. Masaya ka na?”

“Parang mas sincere pa ‘yung butiki sa kisame,” sagot ni Cris.

“Ano? Gusto mo pa ba ng speech?” pikon na tugon ni Sol.

“Kung may kasamang iyak, pwede,” dagdag ni Cris.

“Dream on,” sagot ni Sol, rolling her eyeballs.

Napailing ang pulis. “Okay, pwede na kayong umalis. Sana huwag na kayong mag-eskandalo ulit.”

Nauna nang tumayo si Cris at dumiretso palabas, halatang badtrip pa rin.

“Next time,” sabi nito nang hindi lumilingon, “siguraduhin mo muna bago ka magbintang.”

“Next time,” sagot ni Sol, “huwag kang magmukhang kahina-hinala.”

Hindi na ito sumagot pa at tuluyang umalis.

Naiwan si Sol sa loob ng presinto. Agad niyang kinuha ang phone niya at binuksan ito.

Sunod-sunod ang pumasok na notifications. Missed calls, messages, voicemail… lahat galing sa parents niya.

 “Sol, nasaan ka.”

“Tumawag ka agad.”

“Huwag kang magloko.”

“Bumalik ka ngayon din.”

Napapikit siya sandali at walang pagdadalawang-isip na in-ignore ang lahat. Hindi siya babalik. Hindi pa ngayon.

Saka tinawagan niya si Dianne.

“Hello?! Nasaan ka na?” bungad agad nito na halatang nag-aalala.

“Nasa police station ako.”

“Ano?!” halos mapasigaw si Dianne, “bakit ka nasa police station?!”

“Ikuwento ko sa’yo lahat ng nangyari sa araw na ‘to, sis, pag nagkita na tayo.”

“Wait ka lang diyan. Papunta na ako.”

Hindi nagtagal ay dumating si Dianne, hingal na hingal at halatang gulong-gulo.

“Sis, ano bang ginawa mo?” tanong agad nito.

“Mahabang kwento,” sagot ni Sol, “tara na muna.”

Habang naglalakad sila palabas ay tuloy-tuloy ang chikahan.

“So tumakas ka… as in sa mismong kasal mo?” tanong ni Dianne na hindi makapaniwala.

“Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal.”

“Pero police station agad ang landing mo?”

“Unlucky day,” sagot ni Sol.

Tinawanan na lang ng magkaibigan ang nangyari sa araw na iyon.

Pagdating nila sa bahay ay saka lang siya nakahinga nang maayos.

“From now on,” sabi ni Dianne habang nakatitig sa kanya, “ikaw si Sol Pedrino. Pinsan na kita.”

 “Yes… magpinsan na tayo,” sagot niya.

Samantala, kababalik lang ni Cris sa karinderya.

“Kuya!” bungad agad ng kambal na sina Anton at Bella, “bakit ang tagal mo?”

“May nakaaway ka na naman, no?” dagdag ni Bella na may halong tukso.

“Hindi ako nakipag-away,” sagot ni Cris habang naghuhubad ng suot sa ulo, “may nang-away sa’kin.”

“Same lang ‘yon,” sabat ni Anton.

Napailing si Cris at dumiretso sa kusina.

Agad niyang sinindihan ang kalan at nagsimulang magluto. Kumalat ang amoy ng bawang at sibuyas, sumunod ang mantika na kumulo sa kawali.

Unti-unting napuno ang karinderya.

“Chef, dagdagan mo naman sabaw!” sigaw ng isang suki.

“Libre ba?” sagot ni Cris nang hindi lumilingon.

“Tawad na lang!”

“Tawad mo mukha mo.”

Nagtawanan ang mga tao habang tuloy-tuloy ang galaw ni Cris sa kusina.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 61: BURNT BUT NOT BROKEN

    Paglabas ni Cris ng condo, hindi na siya nag-isip kung saan pupunta.Mahigpit lang niyang hinawakan ang handle ng maleta at naglakad papunta sa Hotel D'Lusso dahil walking distance lang iyon mula sa condominium.Pagpasok pa lang niya sa lobby ay agad siyang nakilala ng mga empleyado."Chef Cris!""Welcome back, Chef!""Congratulations po!"May ilan pang lumapit para makipagkamay habang ang iba naman ay humingi ng picture kasama ang bagong International Young Chef Champion.Ngumiti si Cris. Pero halatang pilit. Hindi siya nagtagal sa lobby. Hinila lang niya ang maleta papunta sa reception."Good evening, Chef.""Can I have a single room for tonight?""Of course, Chef."Hindi na nagtanong pa ang receptionist. Ilang minuto lang ay naibigay na sa kanya ang susi ng suite. Iniwan muna niya ang maleta sa loob ng kuwarto.Pagkatapos ay bumaba siya sa hotel bar. Umupo siya sa pinakadulong bahagi ng counter."Double whiskey please." Order niya sa bartender.Samantala...Pauwi na rin sana si Eug

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 60: BURNT BUT NOT BROKEN

    Pagod na pumasok si Sol habang inaalis ang suot nitong heels. "Babe... nandito na ako." Mula sa kusina ay agad sumilip si Cris. "Welcome home." Napangiti si Sol nang makita siya. "Ang bango." Lumapit agad si Cris at marahang kinuha ang laptop bag at shoulder bag nito. "Ako na." "Babe, kaya ko." "Hindi. Relax ka lang." Maingat niyang inilapag ang mga bag ni Sol sa sofa at inalalayan pa itong maupo sa dining chair. "Maghuhugas muna ako ng kamay." "Sige, Babe. Tatapusin ko lang ang pag-aayos ng mesa." Ilang saglit ay bumalik si Sol sa dining table. Nakahain na ang iba't ibang pagkain. May mainit na beef bulalo, fresh garden salad, at bagong saing na kanin. Napatingin doon si Sol. "Ano 'to?" Napangiti si Cris habang inilalapag ang huling kubyertos. "Siya ang bida ngayong gabi." "Remember the dish that won me the International Young Chef Challenge?" Tumango si Sol. "Ah eto pala Ang H.O.M.E." "Hindi mo pa 'yan natitikman. Kaya naisip kong ikaw ang unang ipagluto ko nit

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 59: SALTED PRESENT pt.2

    Bago tuluyang lisanin ang Vienna, pumunta si Cris sa isang maliit ngunit prestihiyosong jewelry boutique sa lumang bahagi ng lungsod.Pagpasok pa lamang niya ay agad siyang sinalubong ng isang sales consultant."Good afternoon, sir. How may I help you?"Napangiti si Cris."I'm looking for an engagement ring.""Certainly, sir. Do you have a particular design in mind?"Umiling siya."Not really. I just want something simple... but timeless."Isa-isang inilabas ng consultant ang iba't ibang disenyo ng engagement rings. Tahimik na pinagmasdan ni Cris ang bawat isa hanggang sa huminto ang kanyang tingin sa isang 18-karat rose gold ring. Nasa gitna nito ang isang princess-cut diamond na kumikislap sa ilalim ng ilaw, habang magkabilang gilid ng manipis na band ay napalamutian ng maliliit na blush-pink sapphires na banayad ang kinang. Hindi ito ang pinakamalaki o pinakamamahal na singsing sa boutique, ngunit may kakaibang ganda itong hindi niya maipaliwanag.Parang si Sol.Simple but elegant.

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 58: SALTED LOVE pt.1

    Tatlong linggo na ang lumipas mula nang manalo si Cris sa International Young Chef Challenge.Kasabay ng paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nagbago ang takbo ng kanilang komunikasyon.Napansin ni Cris na hindi na kasing sigla ng dati si Sol tuwing magkausap sila. Kung dati ay halos hindi ito maubusan ng kuwento tungkol sa nangyari sa opisina, ngayon ay ilang minuto pa lang ang video call nila ay nagmamadali na itong magpaalam."Babe, may kailangan pa akong tapusin.""Bukas na lang tayo magkuwentuhan, ha?"Sa una ay inisip niyang baka stress lang ito.Pagkatapos ay sinabi niyang baka epekto lang iyon ng problemang kinakaharap ng Prima Sorrento.Hanggang sa halos siya na lang ang laging unang tumatawag. Siya na rin ang laging naghahanap ng tamang oras para makausap ang kasintahan.At kahit ramdam niyang may nagbago, pinili pa rin niya itong unawain. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na pasan ni Sol bilang CEO.Kaya nang dumating ang araw ng kanyang kaarawan, wala siyang iba

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   Chapter 57: UNDERCOOKED PRESENT pt.2

    Dumating ang medical responders ng Prima Sorrento ilang sandali matapos ang tawag."Give us some space!"Maingat nilang inilipat si Sol sa stretcher."BP is dropping.""Let's move!"Kasabay ng pagtakbo ng mga paramedic palabas ng conference room ay mabilis ding sumunod si Dianne."Kailangan ko siyang samahan!"Isa sa mga security personnel ang humarang sa mga empleyadong nagkakagulo sa hallway."Please give way!"Halos lahat ng staff ay napatingin habang mabilis na isinusugod ang kanilang CEO palabas ng gusali.Mabilis na isinakay ng mga paramedic si Sol sa nakaparadang ambulansiya sa harap ng Prima Sorrento Building.Bago tuluyang maisara ang pinto, sumakay rin si Dianne at umupo sa tabi ni Sol."Ma'am, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" tanong ng isa sa mga paramedic habang ikinakabit ang oxygen mask sa mukha ni Sol.Umiling siya."Hindi... I'm her executive secretary."Tumango ang paramedic."Hold her hand.""At kausapin n'yo siya.""May posibilidad na naririnig pa rin niya kayo."

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 56: UNDERCOOKED PRESENT

    Pagbalik ni Sol sa kanyang opisina matapos ang check-up sa OB, maingat niyang inilagay sa pinakailalim ng drawer ng kanyang mesa ang maliit na brown envelope na naglalaman ng unang ultrasound photos ng kanilang baby."Next month ko na ipapakilala sa'yo ang baby natin, Babe..." mahina niyang bulong."Birthday surprise ko sa'yo 'to."Hindi niya napigilang mapangiti. Kung manalo pa si Cris sa International Young Chef Challenge, mas magiging espesyal ang selebrasyon nila.Isasara na sana niya ang drawer nang biglang pumasok si Dianne na may bitbit na tablet at makapal na folder."Pwede bang mamaya na muna yang lovelife?"Napatawa si Sol."Hay naku... eto na naman ang Reyna ng mga Marites.""Hindi ako naglo-lovelife rito. Nagtatrabaho ako, 'no.""Talaga ba?" nakangiting tukso ni Dianne. "Eh bakit ganyan ang ngiti mo? Huwag mo 'kong lokohin. Sigurado akong tungkol na naman 'yan kay Chef Boyfriend."Napailing si Sol. "Baliw."Ngunit napansin niyang biglang naging seryoso ang mukha ng kaibiga

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 04 : Pritong Pride

    “Anong imposible… imposible na kaharap mo ngayon ang taong pinagbintangan mong magnanakaw?”Tumayo si Sol mula sa kanyang upuan.“Excuse me? Nagsorry na nga ako eh… ano pa ba ang gusto mo?”“Wait lang guys ha…” singit ni Dianne habang pumagitna, hawak pa ang kutsara at tinidor, “do you know each o

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 03 : Sautéed Curiosity

    “Dianne… saan mo nga ulit binili ‘yung pagkain kagabi?”Napalingon si Dianne mula sa kinakain niyang tinapay, saka ngumiti nang may halong panunukso. “Bakit… iniisip mo pa rin? Hindi ka talaga maka move on..”“Hindi ah,” mabilis na sagot ni Sol habang kunwari’y abala sa pag-aayos ng buhok, “gusto k

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?    CHAPTER 01 : The Runaway Bride

    “Manong, pwede bang huminto muna tayo… nasusuka ako.”Napatingin agad ang driver sa rearview mirror, halatang nag-aalala. “Ma’am, malapit na po tayo sa simbahan, konti na lang...”“Please… hindi ko na kaya,” sabat ni Sol habang pinipikit ang mga mata at pinipilit magmukhang nahihilo.Hindi na ito n

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 15: Present and Pasta

    “Okay… makinig muna kayo lahat…” Maaga pa lang pero buo na ang presensya ni Cris sa gitna ng karinderya habang tinipon niya sa harap niya ang mga tauhan. Magaan ang galaw niya ngayon, parang walang bakas ng awkward na nangyari kahapon. Saktong pagpasok ni Sol… siya ang huling dumating. “Sorry… l

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status