تسجيل الدخول“Ang daya mo... ang bilis mo bumitaw...” Mahinang bulong ni Sol habang nakahiga sa kama sa loob ng kanyang kuwarto sa mansion. Pagod na pagod siya at kakauwi lang mula sa business trip niya sa Sorsogon pero imbes na makatulog agad, si Cris na naman ang laman ng isip niya. Naka-zoom pa sa cellphone niya ang stolen shot ni Cris na pinadala ni Dianne. “Hindi ka na talaga nagparamdam...” Mas lalo siyang nasaktan habang nakatitig sa larawan nito. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siyang yakap ang cellphone niya. Kinaumagahan... tanghali na nagising si Sol. Pagkatapos niya mag-shower, bumaba siya mula sa kanyang kuwarto papunta sa dining room habang tinatawag ang yaya niya. “Yaya... nakapagluto na ba si Manang Josie?” Kasalukuyang nasa business trip sa Europe ang parents ni Sol, gutom na gutom na siya at mag-isa lang siya sa hapag-kainan ngayon. Pero pagpasok niya sa dining room... Bigla siyang natigilan. Punong-puno ng pagkain ang mahabang mesa. May pasta... steak... seaf
Pagdating ni Sol sa mansion sa San Andres, pumasok agad siya ng banyo. Nang mapatitig siya sa salamin habang balot ng tuwalya ang katawan niya, napakunot-noo siya nang makita ang mapulang marka sa bandang ibaba ng collarbone niya. “Hala ano ’to... saan at paano ko nakuha ang pulang markang ’to? Parang hindi naman kagat ng lamok ’to... anong insekto ang kumagat kaya dito?” Hinaplos niya iyon gamit ang dulo ng daliri habang mas lalong lumalalim ang pagkakunot ng noo niya. “Hay naku... baka kung anong allergy lang ’to.” Hindi na niya iyon gaanong inisip at pumasok na siya sa shower. Nakapikit siyang sumandal sa tiles habang dinarama ang maligamgam na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan. Ngunit habang pilit niyang nire-relax ang sarili, unti-unti ring bumabalik sa isip niya ang ilang putol-putol na alaala kagabi. Si Cris... Nakatapis lang ng tuwalya... At siya... Halos nakadikit ang dibdib sa abs nito habang hawak niya ang laylayan ng tuwalya ng binata. Bigla siyang napadilat.
“Miss… okay lang po ba kayo?” Napalingon si Sol sa saleslady habang hawak ang isang set ng ceramic plates sa department store. Mugto pa rin ang mata niya at halatang wala pa rin sa sarili. “Okay lang…kunin ko lahat 'to” mahina niyang sagot kahit hindi naman talaga. Hindi lang dalawang dosenang plato ang binili niya kundi pati mga mangkok, baso at kubyertos. Nang mabayaran gamit ang black card niya, nag-request pa siya ng special delivery at ipinadeliver lahat sa Karinderya sa Kanto. Pagkatapos noon, dumiretso siya sa fast food para kumain dahil noon lang niya naalala na hindi pa pala siya nagla-lunch. Pagkatapos kumain, nanood naman siya ng sine nang mag-isa. Comedy movie ang pinili niya para sana malibang. Pero habang nagtatawanan ang buong sinehan… tahimik namang tumutulo ang luha ni Sol na kanina pa niya pinipigilan. Maya-maya, dumating ang delivery sa karinderya. “Huy may delivery!” sabi ni Tim. Napalingon sina Nilo at Gemma nang may dalawang delivery crew na may bitb
“Ate Sol… seryoso ka ba talaga dito?” Nasa loob na ngayon ng karinderya si Sol habang kaharap ang kambal sa isang mesa malapit sa counter. Katatapos lang ng lunch hour kaya hindi na ganoon kaabala ang paligid. Nakapatong sa mesa ang dala niyang paper bag na puno ng chocolates at pasalubong para sa lahat. Samantala, si Brownie paikot ikot sa paanan niya habang kinakagat ang laylayan ng floral dress niya. “Brownie… behave…” natatawang sabi ni Sol habang sinusubukang hilahin ang bestida niya. “Hindi mo kami madadaan sa chocolate ha,” taas kilay na sabi ni Bella habang naka cross arms. “Explain yourself first.” “Ano ka ba Bella…” singit ni Anton habang binubuksan na agad ang isang imported chocolate bar. “May pasalubong na nga sa atin oh.” “Prosecutor ako dito ngayon, kaya tumahimik ka.” Napabuntong hininga si Sol saka tumingin isa isa kina Nilo, Gemma, Tim, at Manang Hilda na tila audience sa isang barangay hearing. “Sorry…” Natahimik silang lahat. “Kailangan kong magk
Pagkauwi ni Cris galing Maynila, deretso siya sa kwarto niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang bag sa gilid ng kama bago umupo sa gilid nito..Napatingin siya sa suot niyang red string bracelet sa pulso. Yung twinning bracelet nila ni Sol..Matagal niya iyong tinitigan habang bumabalik ang masasayang alaala nila ni Sol. Naalala niya kung gaano kasaya si Sol sa beach nung ipinilit nitong isuot iyon sa kanya habang nagtatago sila sa likod ng souvenir shop. “Huwag mong iwawala ’yan ha… lagi mong isusuot. Meron din ako…” “Ang sweet mo naman…” Napapikit siya sandali saka marahang hinubad iyon mula sa braso niya. Pagkatapos, binuksan niya ang bedside drawer. Kasama ng bracelet, inilagay rin niya doon ang mga folders at calling card na bigay ni Eugene. Marahan niyang isinara ang drawer. At sa unang pagkakataon matapos ang magulong araw na iyon sa Manila, napahiga siya sa kanyang kama at tumitig sa kisame. Pero kahit anong pilit niyang huwag isipin si Sol… Mukha pa rin nito ang laman ng is
“Paanong nangyaring natuklasan nila…?” tulirong tanong ni Sol habang ka-video call si Dianne. Nakaupo siya sa gilid ng kama. “Hindi ko pa alam,” sagot ni Dianne. “May nag-iwan daw ng brown envelope na may lamang pictures ninyo ni Eugene at impormasyon tungkol sa’yo. Pero kung sino man ’yon, makakaasa kang aalamin ko. Siguradong may inggit sa’yo ang taong ’yon.” “Sa tono mo Dianne… parang may naiisip ka kung sino?” dugtong agad ni Sol. Napakagat labi si Dianne saka napaisip. “Hmmmm… hindi ko lang sure paano niya nagawa, pero hindi malabo. Kasi marami siyang kilalang elite noon at dati rin siyang nagtrabaho sa hotel ni Eugene…” Napahinto siya. Biglang may parehong pumasok na pangalan sa isip nilang dalawa. “Si Grace…” Halos sabay nilang nasabi. “Besh… siya rin kutob mo?” tanong ni Dianne. Tumango si Sol. “Nakwento sa’kin ni Bella na naging empleyado siya dati sa Hotel D’Lusso. Hindi malayong kilala niya si Eugene.” “Hay naku talaga…” napapamewang na sabi ni Dianne kahit nasa







