"Pero alam mo Mare. . . once a cheater always a cheater. Kaya iyong asawa kong si Dindo, buti na lang iniwan ko na. Tingnan mo naman ako ngayon, looking young and healthy. Hindi tulad noon na mukha akong basahan."
Napatango na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita ng aking kaibigang si Olive. Magkaibigan na kami mula pa hayskul kaya sanay na ako sa ugali nito. Masyado itong prangka at matalim ang dila. Walang preno ang bibig nito kahit na nakakasakit na iyon ng damdamin.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaibigan. Gumanda nga ito ngayon at naging makurba ang katawan. Wala na ring mababakas na maitim na linya sa ilalim ng mga mata nito.
Natatandaan ko pa kung paano ito pumalahaw ng iyak dahil sa asawa nitong si Dindo. Sa kasamaang palad kasi ay nambababae ang mister nito. Ako ang laging karamay ni Olive. Ako ang naging sandalan nito noong mga panahong panay pa ito pagdududa.
"Ano ka ba? Past is past. Hindi mo naman kailangan pang balikan ang bangungot na iyon sa buhay mo, Olive. Masaya ako para sa 'yo," sabi ko sa kaibigan. Ngumiti rin ako kapagkuwan.
Natawa ito nang mapakla. Naiiling itong tiningnan ako mula ulo pababa. Tumaas din ang kilay nito at halatang may pagdududa ang tingin. Napainom pa ito sandali ng juice at pagkatapos ay tinitigan akong mabuti na parang inaarok.
"Kumusta ka naman, Mare? Mukhang nangayayat ka ngayon? Nasaan na ang ningning ng isang Laura Moran? Best Actress ng MMFF!"
Pinandilatan ko siya agad ng mga mata. Napatingin din ako sa paligid ng restaurant. Napakalakas pa naman ng boses nito kaya baka marinig pa nang kung sino at magkainteres pa sa buhay ko.
Matagal ko nang nilisan ang showbiz mula nang mag-asawa ako. At kung maaari ay kinalimutan ko na ang bahaging iyon ng aking buhay. Matagal na panahon na rin ang lumipas nang sinanay ko ang sarili na mamuhay ng normal dito sa probinsya.
Napailing ako at napabuntonghininga. "Maayos naman. May konting problema lang din katulad ng karamihan," marahan kong sabi dito sabay kagat sa aking pang-ibabang labi.
Maging ako ay hindi alam kung ayos ba talaga ako. Natatakot kasi ako sa posibilidad na ganoon nga. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang aking problema. Hindi ko alam kung paano haharapin ito. Hindi ko naman kasi naisip na pwede pala ang ganoon. Na pwede akong lokohin ng aking asawa.
Bakit ko nga ba maiisip iyon kung alam ko sa sarili kong mahal ako nito? Na lagi nitong sinasabi sa akin ang mga katagang iyon pagkatapos ng aming maiinit na pagtatalik. Ngunit, hindi pala sapat ang mga salita lamang galing kay Bernard. Hindi pala sapat ang mabulaklak na dila nito upang pawiin ang aking pagdududa.
Napailing ako sa naisip. Pilit kong winawaglit ang lahat ng aking pagdududa. Pilit kong kinukunsinti ang mga rason ni Bernard sa akin. Dapat magtiwala ako dahil asawa ko siya at mahal ko siya pero iba naman ang idinidikta ng aking isip.
Si Bernard na aking asawa ay isang pulitiko. Mayor ito ng aming bayan kaya palaging abala araw-araw. May mga negosyo rin ito sa loob at labas ng aming lugar. Mayaman ang pamilya ni Bernard sapagka't ang angkan nito ang may hawak ng buong lalawigan ng San Vicente.
Ang pamilya ni Bernard ay pamilya ng mga pulitiko. Governor ang ama nito sa buong lalawigan. May kapatid din itong isang lalaki na si Andrew-ngunit ang hacienda ang mas gusto nito. Ang hacienda na kanugnog ng Hacienda de Vergara. Ang Hacienda Guerrero.
"Hoy! Natulala ka na d'yan. Ano na? Nasaan na ang asawa mo? Akala ko ba susunduin ka niya? Aba'y sobrang tagal naman niya!" agaw ni Olive sa aking pansin.
Ipinilig ko ang ulo at agad kinuha ang cell phone sa aking bulsa. Tinawagan ko ang aking asawa ngunit panay ring lamang ang kabilang linya. Akmang ibababa ko na ang tawag nang sagutin nito iyon.
"Hello?" sagot nito sa akin.
Napakunot ang noo ko. Mukhang bagong gising kasi ang boses ng aking asawa sa kabilang linya na aking ipinagtataka. Napakaliwanag pa ng araw para maisipan ng asawa kong matulog sa opisina nito.
"Nasaan ka ba? Akala ko susunduin mo ako dito, Honey? Kanina pa ako naghihintay."
"Sorry Hon, may emergency meeting lang kasi sa City hall. Pwedeng mag-taxi ka na lang?" sagot naman nito.
Mas lalong napakunot ang aking noo sa tinuran ni Bernard. Papaanong magkakaroon ng meeting ang City hall ng hindi ko alam? Ako mismo ang nagluluto para sa snacks ng mga ito kaya imposible.
Bigla akong nakaramdam ng kaba para sa aking sarili. Alam kong mali ang magduda ngunit iba na ito sa mga nauna. Iba na ito kumpara sa dating mga dahilan ng aking asawa.
Sinong mag-aakala na ang isang taon pa lamang naming pagsasama ay magkakalamat na kaagad ang tiwala ko kay Bernard. Alam kong mahal ko ito ng higit pa sa sarili ko kaya hindi ko alam ang aking gagawin kung sakaling magloko nga ito.
"Mauna na ako, Olive at malayo pa ang byahe ko. Mag-ingat ka lagi," sabi ko dito matapos ibaba ang tawag ko kay Bernard.
Tumayo ang aking kaibigan at nilapitan ako. Niyakap ako nito nang mahigpit at hinalikan nang marahan sa aking pisngi.
"Tumawag ka sa akin kapag may problema ka Laura. Kung si Bernard man 'yan, naku! Sabihin mo sa akin, at ako mismo ang puputol sa ipinagmamalaki niya!"
Natawa ako nang mahina sa sinabi ni Olive. Dilat na dilat pa ang mga mata nito na para bang totoong nagagalit nga. Sa sinabi ni Olive ay gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam.
Sana ganoon lang kadali ang magsabi.
Sana ganoon lang kadali ang lahat.
Habang nasa byahe ay tulala lamang ako. Malayo pa ang aking byahe dahil nasa bayan ako ng San Martin, ang katabing bayan ng San Vicente. Buong byahe akong nakatingin lamang sa bintana ng sinasakyang taxi ng may mahagip ang aking paningin.
"Manong, pakihinto po muna!" mabilis kong turan sa driver ng taxi. Tumalima naman ito kaagad. "Pakihintay po ako dito, Manong. May pupuntahan lang ako sa loob."
Tumango ang driver, kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan. Tuloy-tuloy ang lakad ko papasok sa Sofatel. Isang first class hotel sa bayan ng San Martin. Sa parking lot pa lamang ng hotel ay nakita ko na ang sasakyan ng aking asawa. Kumakabog ang dibdib ko habang nagtuloy-tuloy ang lakad patungo sa receptionist. Padabog kong ibinaba ang aking bag sa table nito kaya naman naagaw ko ang pansin ng babae.
"What's the room number of Mayor Bernard Guererro?"
"Confidential po, ma'am."
"Answer me, dammit!" sigaw ko.
Mukhang natakot ito sa aking tinuran kaya aligaga itong hinanap sa computer ang numero. Nang maibigay na ng receptionist ang aking pakay ay dumiretso kaagad ako doon nang hindi lumilingon.
Kumakabog ang dibdib ko sa antisipasyon. Nasasaktan na rin ang aking puso kahit hindi ko pa alam ang aking madadatnan. Nang nasa harap na ako ng pinto ng mismong kwarto ay walang pagdadalawang-isip ko itong pinihit pabukas. Mukhang enjoy nga ang nasa loob at hindi man lamang ito nag-abalang mag-lock.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa nakabukas na kwarto. Bigla ko ring natutop ang aking bibig para pigilan ang nagbabadyang pagbunghalit ng iyak. Ang aking matapang na aura kanina ay biglang naglaho. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Ngunit, hindi ko magawa. Ayaw sumunod ng mga paa ko sa anumang gusto kong gawin.
Sa huli, hinayaan ko na lamang ang sariling panoorin ang taong minahal ko ng mahabang panahon na nagpapakasasa sa kandungan ng ibang babae.
Mali. Hindi pala iba. Dahil kilalang-kilala ko kung sino ito.
At alam kong napakasakit nito para sa akin.
"Oh! bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kapatid habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan. May mantsa sa T-shirt nito at may gusot sa dulo. Habang medyo magulo naman ang buhok na hinayaan lang nitong nakalugay."Naglaro tayo sa P.E di ba? Alangan namang hindi ako madumihan. Saka, ang hirap maging malinis kung takbo ka nang takbo," sagot naman nito sa akin. Alam kong nagsisinungaling siya dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso.Napailing ako sa kaniyang sinabi kapagkuwan. Alam ko kasing hindi naman siya nadumihan sa P.E kundi sa pakikipag-away kanina. Nakita ko sila ni Laila at alam ko ang ginawa nito sa aking kapatid.Naikuyom ko kaagad ang aking kamao. May araw rin sa akin ang babaeng 'yon. Lalo lang niyang di
Nilisan ko ang hotel nang may mabigat na dibdib. Pinilit ko rin ang aking sarili na lumayo mula roon. Napakasakit pala. Nanunuot sa aking puso ang bawat eksenang aking nakita. Hindi ko matanggap ngunit wala akong lakas ng loob na sugurin sila.Akala ko noon sa mga pelikula lang nangyayari ang mga bagay na imposible. Ngunit ngayon, napagtanto kong maging sa totoong buhay ay posible pala 'yon."Ma'am saan po kayo?" tanong sa akin ng isang tricycle driver. Tiningnan ko ito at napagtantong sadya niya akong hinintuan. Napangiti ako nang mapait. Pinalis ko rin ang namumuong mga luha sa aking mga mata."Sa San Vicente Cathedral po," sagot ko. Kailangan ko munang mag-isip. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong ilabas ang lahat ng kirot sa puso ko bago ako umuwi. Bago
Ang pinakapayapang lugar para sa akin sa aming paaralan ay ang rooftop ng eskwelahan. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at napangiti nang nasa bungad na ako ng pintuan.Agad kong binuksan iyon at bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na kalangitan na may magandang panahon. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. Sigurado akong magiging maganda ang aking magiging siesta.Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto at bahagyang iniunat ang aking katawan. Humikab ako at itinaas ang aking mga kamay para sa mas komportableng pagtulog. Ngunit, pipikit na lamang ako nang may marinig akong mahinang pagkanta.Agad-agad kong inilibot ang aking paningin. Hindi pa ako nakontento at tumayo ako para tingnan kung sino ang kumakanta. Nilibot ko ang
Napakaaga kong nagising kahit na panay ang tahimik kong paghikbi kagabi. Siniguro kong nailabas ko na ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa aking dibdib at pati ang aking mga agam-agam. Naisip kong sumuko at iwanan na lamang si Bernard ngunit hindi maaari. Ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan dahil kasal kami. Ang kabit ang siyang dapat lumugar at hindi ako.Sinulyapan ko muna si Bernard na mahimping pa rin na natutulog sa aking tabi bago ako tumuloy sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Naabutan ko pa si Nene na nagkakape sa dining table."Maayong buntag Ma'am," (Magandang umaga, Ma'am,) bati nito sa akin.
Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon."Hello?" tanong kaagad nito sa akin.Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko."Olive," umpisa ko."Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.
"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya."Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga."Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid."Pero, Lara.." pagtutol ko."Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito.Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w
"B-Bernard," tanging nasambit ko na lamang nang tuluyan akong makapasok sa opisina ng aking asawa. Tinitigan ko ito sa aking mga mata ngunit hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. Alam kong nararamdam niyang nasasaktan ako. Alam kong nararamdam niyang hindi ko gusto ang aking nakikita. "Honey, ano kasi.." Mas lalong akong nasaktan sa naging reaksyon ni Bernard. Mas lalo kong naramdamang, wala na. Na matagal na niya akong niloloko. "Oh! Bakit ganiyan ang hitsura mo, Laura? Para kang hinabol ng asong ulol." Agaw pansin sa akin ni Lara. Tiningnan ko siya ng masama kaya natigilan din ang kaniyang hitsura. "Hindi kita kinakausap Lara, kaya manahimik ka!" Galit na sabi ko pagkatapos ay binalingan ko ulit si Bernard. "May dapat ba akong malaman, Bernard?" dagdag ko pa. Natahimik siya at napailing. Tumayo din ito at nilapitan ako habang ako naman ay nagpupuyos ng gal
"Why are you here?" tanong ko kaagad kay Andrew. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya lamang ako. Isang klase ng tingin na kailanman ay hindi ko gugustuhing makita galing sa kaniya. He looked at me pitifully. Na maging ako ay ramdam ang awa sa sarili. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan," mahina kong bulong. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. Napayuko ako at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan ako ngayon ngunit kailangan kong magpakatatag. Lahat ay lilipas lamang at may mga bagong darating. Hindi ko nga lamang alam kong kailan. "Umuwi ka na, Laura." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang sinabi. I needed more time. I needed to be alone to think. Kailangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Kasi hindi ko alam. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago ko naramdamang lumalapit siya sa akin. Dahan