"Oh! bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kapatid habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan. May mantsa sa T-shirt nito at may gusot sa dulo. Habang medyo magulo naman ang buhok na hinayaan lang nitong nakalugay.
"Naglaro tayo sa P.E di ba? Alangan namang hindi ako madumihan. Saka, ang hirap maging malinis kung takbo ka nang takbo," sagot naman nito sa akin. Alam kong nagsisinungaling siya dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso.
Napailing ako sa kaniyang sinabi kapagkuwan. Alam ko kasing hindi naman siya nadumihan sa P.E kundi sa pakikipag-away kanina. Nakita ko sila ni Laila at alam ko ang ginawa nito sa aking kapatid.
Naikuyom ko kaagad ang aking kamao. May araw rin sa akin ang babaeng 'yon. Lalo lang niyang dinagdagan ang inis ko sa kaniya. Nagmamaldita ng wala sa lugar.
"Lara, masama ang magsinungaling. Hindi ako bulag at nakita kita kanina. Kayo. At patay sa akin ang babaeng 'yon," sabi ko sa kapatid.
"Hayaan mo na, Laura. Talagang mainit lang ang dugo niya sa akin. Naiinggit siguro," depensa pa ng aking kapatid.
Napabuntonghininga ako kasabay nang mahinang pag-iling. Kambal kami ni Lara ngunit magkaiba ang aming ugali. Mahinhin siya at pino habang ako naman ay magaslaw. Mahilig akong makipag-away lalo na kapag nasa lugar ako.
"Tara na nga!" sabi ko na lang at hinila siya sa kamay. Hindi na ako nakipag-argumento pa sa kaniya. Wala rin namang mananalo dahil pareho kaming ayaw sumuko kapag may mga bagay kaming ipinaglalaban.
Sumakay kaagad kami ng kakambal ko sa isang tricycle. Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ko ang buong lugar. Ang matatayog na niyog na nasa gilid lamang ng daan at ang malawak na Hacienda ng mga Vergara.
Don Fausto Vergara owned half of the land while the other half of it owned by the Guererro's. Dalawa sa pinakamayaman sa aming probinsya bukod pa sa hawak din nila ang pulitika at mga negosyo sa buong lalawigan. Marami rin silang taniman ng bulaklak at maging ng mga prutas.
Napakaswerte kung maitututing ng mga mayayamang tulad nila. They could buy what they want and travel to far places. Ngunit para sa akin, hindi nababase ang swerte dahil sa pera. You were lucky if you had the right person around you. At para sa akin, ang aking kakambal iyon at ang buo kong pamilya.
"Anong iniisip mo, Laura? Kanina ka pa tulala at malayo ang tinatanaw?" tanong ng aking kakambal sa akin. Binaling ko sa kaniya ang aking paningin at napailing.
"Wala," sabi ko na lamang. Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti rin siya sa akin.
Peacefulness. Lara's smile could give me the peace that I wanted.
Nang makarating kami sa aming baryo ay agad na bumungad sa amin ang lubak-lubak na daan. Kagagaling lamang ng ulan kagabi kaya maputik din iyon. Pumanaog kami ni Lara sa tricycle at nagdesisyong maglakad na lamang.
Pinagtitinginan kaagad kami ng aming mga kabaryo ng makababa. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang bawat reaksyon nila kapag nakikita kami ng aking kakambal na naglalakad. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin sila sa aming hitsura. Mukha raw kasi kaming pinagbiyak na bunga.
Napapangiti na lamang ako habang naaalala iyon. Dahil hindi naman iyon totoo. Mas maputi si Lara sa akin at mas pangahan ang kaniyang mukha. Habang ako naman ay mas kayumanggi at matigas ang hitsura. Medyo kulot din ang buhok ko habang bagsak na bagsak naman kay Lara. Medyo mataas naman ako ng kaunti kumpara rito.
"Laura, lagot ako kay Nanay nito," sabi ni Lara sa akin sabay siko sa aking tagiliran.
"Ayos lang 'yan. Ikaw pa ba?" sarkastiko kong sagot sa kaniya.
Napasimangot siya dahil sa aking sinabi. Natawa naman ako nang mahina dahil doon. Ngunit kagyat lang ay nawala ang aking ngiti sa labi. Totoo naman talaga ang sinabi ko. Si Lara ang paborito ni Nanay.
Nang tuluyan kaming makapasok sa bahay ay bumungad kaagad sa amin ang mukha ng aming ina. Nang tingnan ko ito ay agad itong napatingin sa aking kakambal.
"Anong nangyari sa 'yo?! Bakit ang dumi-dumi mo? Naku naman, Lara!" salubong kaagad na sambit nito sa aking kapatid.
Kung ano-ano pa ang sinabi ni Nanay habang ako ay nakikinig lamang sa kaniya. Pinapagalitan niya si Lara habang todo ayos naman siya sa hitsura nito.
"Aray po, Nanay," reklamo ng aking kakambal. Napanguso ito dahil kinurot ito ni Nanay sa singit.
"Ikaw kasing bata ka. Ang sabi ko sa 'yo magpakabait ka! Hindi itong, puro ka laro. Tingnan mo ang hitsura mo?"
Napakaingay.
Napakaingay ng lahat habang minamasdan ko si Nanay at ang aking kakambal. Alam kong pareho naman kaming madumi ngunit hindi ko alam kung bakit siya lamang ang nakikita ni Nanay. Ni simpleng sulyap sa akin ay hindi niya maibigay. Siguro sa susunod ay kailangan ko pang maging mas madumi para mapansin niya naman ako.
"Oh! Ikaw Laura. Pwede ba pumasok ka na sa loob. Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan? Pasok!" sigaw ni Nanay sa akin. Pinandilatan pa niya ako ng mga mata nang hindi ko siya sinunod at pinagmasdan ko pa sila ng aking kapatid.
Gusto kong sabihin sa kaniya na sana ako naman ang pansinin niya ngunit mukhang hindi na mangyayari iyon.
Nakatuon na lamang ang pansin nito kay Lara. Napakasakit kung iisipin ngunit wala akong magagawa.
"Nanay, mataas po ang marka ko sa Filipino. Mas mataas pa kaysa kay Lara," nakangiting saad ko habang pinagmamasdan si Nanay. Ngunit, napalis ang aking ngiti nang hindi man lamang niya ako pinansin.
Napabuntonghininga ako at nagpatuloy na lamang sa aking kwarto. Disi-syete na kami ni Lara ngunit parang bata pa rin siya kung ituring ni Nanay samantalang ako... Ipinilig ko ang aking ulo at naupo na lamang sa aking maliit na kama.
Hindi dapat ako maging ganito sa aking kapatid. Masama ang maging selosa sa kapwa. Ngunit, sadyang hindi ko lamang maiwasan lalo pa at nakikita ko ang pagkakaiba.
"Laura!" masayang bati sa akin ni Lara pagkapasok pa lamang niya sa aming silid.
Nang itaas ko ang aking paningin sa aking kapatid ay bumungad kaagad ang nakangiti niyang mukha sa akin. Namumungay ang kaniyang mga mata at mukhang nangangarap ng gising.
"Oh, bakit?" tanong ko sa kaniya. Napangiti rin ako dahil nararamdaman kong napakasaya ng aking kapatid.
"Alam mo, hindi ko pala nasabi sa 'yo kanina. Nakikipaglapit na sa akin si Bernard," masayang sabi nito sa akin. Umupo ito sa aking tabi at tinitigan ako. "Tingin ko, manliligaw na siya sa akin. Matagal ko na rin siyang gusto, Laura. This is it!" kinikilig pang sabi nito.
Napailing ako. Mukhang gusto niya ang hambog na Bernard na 'yon. Napangiwi ako sa isip. Kailangan ko na palang maging bantay sa kapatid ko mula ngayon.
"Sigurado ka ba d'yan? Mamaya pala umasa ka sa wala," sabi ko sa kaniya.
Tinampal niya ako sa balikat at pinandilatan ng mga mata.
"Ano ka ba! Panira rin 'to!" sabi niya sabay irap sa akin.
Napabuntonghininga ako habang inaalala ang Bernard na 'yon. Si Bernard ay kilala ko dahil anak siya ng Governor ng bayan. Gwapo ito at mayaman kaya maraming nagkakagusto rito at mukhang mapapabilang pa ang kapatid ko. Looks can be deceiving 'ika nga ng iba. Dahil bukod sa gwapo ito ay isa naman itong babaero.
"Hoy! Bakit ka natulala d'yan? Gusto mo rin ba si Bernard?" tanong nito sa akin.
Napailing ako. Diretso ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. Gusto kong makita niya ang sinseridad sa aking mga salita. Gusto ko ring iparamdam sa kaniya na hindi ako nagsisinungaling o anuman.
"Hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya, Lara. Itaga mo 'yan sa bato," sabi ko sa kapatid bago tumayo at nag-ayos ng aking sarili.
Nagtungo kaagad ako sa aming maliit na banyo at naligo. Napakalagkit ko dahil sa paglalaro ng P.E kanina. Nang matapos ay nagsuot ako ng shorts at maluwang na damit. Agad kong hinarap ang aming salamin at inaral ang pag-arte.
"Hindi kita, mahal. Mahal ko na si Angelo!" sabi ko habang dinadama ang bawat salita sa isang nobela. "Napakasinungaling mo!" sabi ko pa habang umaaktong may sinasampal. Nanlisik din ang aking mga mata at hinayaang dahan-dahang tumulo ang aking mga luha.
"Ang galing!" Natatawang napapalakpak na lamang ang aking kapatid habang pinagmamasdan ang aking pag-arte. "Alam mo Laura, sumali ka kaya sa mga reality show o acting workshop. Napakagaling mo talaga," sabi pa nito habang papalapit sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at tiningnan siya gamit ang salamin na nasa aking harapan. Nakangisi siyang yumakap sa aking likuran at sinamyo ang aking buhok ng bahagya.
"Salamat Lara," sambit ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa aking harapan at pinisil iyon.
"Proud ako sa 'yo Laura. Sana ipagpatuloy mo lang ang mga pangarap mo na gusto mong maabot. Hayaan mo na si Nanay minsan. Alam mo naman siguro kung bakit siya ganoon sa 'yo hindi ba?" malumanay nitong sabi sa akin.
Mapait akong napangiti. Alam na alam ko nga pala kung bakit ganoon si Nanay sa akin. Papaano ko ba makakalimutan iyon?
I was the reason why my brother died. Kung hindi naging matigas ang ulo ko at sumama sa mga barkada noong fifteen pa lamang ako ay hindi sana siya mawawala. Namatay siya dahil napagtripan ng mga tambay sa kanto.
"Alam ko, Lara. Pero minsan kasi-"
"Hayaan mo na. Ganoon lang talaga 'yon," agaw niya sa aking sasabihin. "Basta ako, susuportahan kita, Laura," dagdag pa nito.
"Ikaw at ako habambuhay!" sabay naming sambit.
Napangiti kami sa isa't isa. Napakagaan ng aking pakiramdam nang maghiwalay kaming dalawa. Si Lara ang tanging nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Siya rin ang umaalalay sa akin sa lahat ng problema ko sa buhay.
"Balang araw magiging sikat akong artista at titingalain ng lahat!" masayang pagkumbinsi ko sa sarili.
"At ako naman ang magiging sandigan mo sa lahat!" dagdag ng aking kapatid.
Napangiti ako. Tama. Si Lara ang magiging sandigan ko sa lahat.
Nilisan ko ang hotel nang may mabigat na dibdib. Pinilit ko rin ang aking sarili na lumayo mula roon. Napakasakit pala. Nanunuot sa aking puso ang bawat eksenang aking nakita. Hindi ko matanggap ngunit wala akong lakas ng loob na sugurin sila.Akala ko noon sa mga pelikula lang nangyayari ang mga bagay na imposible. Ngunit ngayon, napagtanto kong maging sa totoong buhay ay posible pala 'yon."Ma'am saan po kayo?" tanong sa akin ng isang tricycle driver. Tiningnan ko ito at napagtantong sadya niya akong hinintuan. Napangiti ako nang mapait. Pinalis ko rin ang namumuong mga luha sa aking mga mata."Sa San Vicente Cathedral po," sagot ko. Kailangan ko munang mag-isip. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong ilabas ang lahat ng kirot sa puso ko bago ako umuwi. Bago
Ang pinakapayapang lugar para sa akin sa aming paaralan ay ang rooftop ng eskwelahan. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at napangiti nang nasa bungad na ako ng pintuan.Agad kong binuksan iyon at bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na kalangitan na may magandang panahon. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. Sigurado akong magiging maganda ang aking magiging siesta.Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto at bahagyang iniunat ang aking katawan. Humikab ako at itinaas ang aking mga kamay para sa mas komportableng pagtulog. Ngunit, pipikit na lamang ako nang may marinig akong mahinang pagkanta.Agad-agad kong inilibot ang aking paningin. Hindi pa ako nakontento at tumayo ako para tingnan kung sino ang kumakanta. Nilibot ko ang
Napakaaga kong nagising kahit na panay ang tahimik kong paghikbi kagabi. Siniguro kong nailabas ko na ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa aking dibdib at pati ang aking mga agam-agam. Naisip kong sumuko at iwanan na lamang si Bernard ngunit hindi maaari. Ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan dahil kasal kami. Ang kabit ang siyang dapat lumugar at hindi ako.Sinulyapan ko muna si Bernard na mahimping pa rin na natutulog sa aking tabi bago ako tumuloy sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Naabutan ko pa si Nene na nagkakape sa dining table."Maayong buntag Ma'am," (Magandang umaga, Ma'am,) bati nito sa akin.
Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon."Hello?" tanong kaagad nito sa akin.Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko."Olive," umpisa ko."Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.
"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya."Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga."Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid."Pero, Lara.." pagtutol ko."Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito.Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w
"B-Bernard," tanging nasambit ko na lamang nang tuluyan akong makapasok sa opisina ng aking asawa. Tinitigan ko ito sa aking mga mata ngunit hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. Alam kong nararamdam niyang nasasaktan ako. Alam kong nararamdam niyang hindi ko gusto ang aking nakikita. "Honey, ano kasi.." Mas lalong akong nasaktan sa naging reaksyon ni Bernard. Mas lalo kong naramdamang, wala na. Na matagal na niya akong niloloko. "Oh! Bakit ganiyan ang hitsura mo, Laura? Para kang hinabol ng asong ulol." Agaw pansin sa akin ni Lara. Tiningnan ko siya ng masama kaya natigilan din ang kaniyang hitsura. "Hindi kita kinakausap Lara, kaya manahimik ka!" Galit na sabi ko pagkatapos ay binalingan ko ulit si Bernard. "May dapat ba akong malaman, Bernard?" dagdag ko pa. Natahimik siya at napailing. Tumayo din ito at nilapitan ako habang ako naman ay nagpupuyos ng gal
"Why are you here?" tanong ko kaagad kay Andrew. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya lamang ako. Isang klase ng tingin na kailanman ay hindi ko gugustuhing makita galing sa kaniya. He looked at me pitifully. Na maging ako ay ramdam ang awa sa sarili. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan," mahina kong bulong. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. Napayuko ako at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan ako ngayon ngunit kailangan kong magpakatatag. Lahat ay lilipas lamang at may mga bagong darating. Hindi ko nga lamang alam kong kailan. "Umuwi ka na, Laura." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang sinabi. I needed more time. I needed to be alone to think. Kailangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Kasi hindi ko alam. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago ko naramdamang lumalapit siya sa akin. Dahan
May mga bagay na mahirap ngunit kailangan mong tanggapin. Tinanggap ko ulit si Bernard. Magmula ng gabing iyon sa mansion ng kaniyang buong pamilya ay pinilit kong maging normal sa amin ang lahat. Hindi man katulad ng dati ngunit hindi naman gaanong magulo. Iwinaksi ko rin sa isip ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Andrew. Natatakot ako dahil nitong mga nakalipas na buwan ay palagi na lamang nagsusumiksik sa utak ko ang kaniyang mukha. Nangingilabot ako sa aking sarili dahil alam kong hindi dapat. "Honey," tawag sa akin ni Bernard. Nasa tabi ko ito at nakikiramdam. "Bakit?" tanong ko dito. Bahagya kong sinulyapan si Bernard at nakita ko ang pag-asam sa kaniyang mga mata. Magmula ng makita ko ang bagay na iyon at naging maayos na kami ni Bernard ay hindi na ulit namin nagagawa ang bagay na iyon. Natatakot ako. Pilit ko mang kalimutan ngunit hindi ko magawa.