Share

ANG BABAE SA GABI(SSPG)
ANG BABAE SA GABI(SSPG)
Penulis: SKYGOODNOVEL

Chapter 1

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Tanggal publikasi: 2026-04-02 23:24:51

Chapter 1

Sky POV

“Hoy, girl… ilan ang customer mo kagabi?” tanong ng isa kong kasamahan sa club habang nag-aayos kami sa dressing room.

“Lima,” maikli kong sagot, walang emosyon.

Napanganga siya. “Grabe ka… hindi ba namamaga ‘yang gitnang bahagi mo?” biro niyang may halong paghanga.

Umiling lang ako. “Hindi.”

Totoo naman ang sagot ko. Sa apat na taon ko sa ganitong buhay, ni minsan ay hindi ko hinayaang galawin nila ako. May sarili akong paraan—isang sikreto na ako lang ang nakakaalam. Pinapatulog ko sila gamit ang kung anong kaya kong gamitin, at saka ko ginagawa ang kailangan para makuha ang bayad. Walang emosyon. Walang koneksyon. Trabaho lang.

Sa mundong kinalakihan ko, hindi uso ang awa. Kailangan mong lumaban kahit marumi ang paraan.

Oo, aamin ako… isa ako sa mga babaeng nagbebenta ng laman. Isang babaeng hinuhusgahan ng lipunan kahit hindi nila alam ang buong kwento.

Pero kung may isang bagay akong pinanghahawakan—hindi ko kailanman ibibigay ang sarili ko nang buo.

Dahil sa mundong ‘to, kapag ibinigay mo ang lahat… wala nang matitira sa’yo.

“Sky, ikaw na!” sigaw ng leader namin mula sa gilid. “Good luck! Maraming bigating customer ngayon!” sabay tapik niya sa balikat ko.

Huminga ako nang malalim bago isuot ang maskarang nakatakip sa kalahati ng mukha ko. Hindi para magtago—kundi para makalimot. Sa likod nito, hindi ako si Sky. Isa lang akong anino sa gabi.

Naglakad ako papunta sa entablado habang sumasalubong ang ilaw at malakas na tugtog. Unti-unting sumabay ang katawan ko sa ritmo. Manipis ang suot ko, sapat lang para matakpan ang dapat takpan, habang gumigiling ako sa gitna—bawat galaw, bawat tingin, pinag-aralan para mang-akit.

Ngumiti ako. Yung tipong kayang magpabaliw sa kanila.

Palakpakan. Sigawan. Mga matang gutom na gutom sa laman.

Sanay na ako.

Sa mundong ito, hindi mahalaga kung sino ka. Ang mahalaga lang ay kung gaano ka kagaling magpanggap.

Habang umiikot ako sa entablado, isa-isa kong sinusulyapan ang mga lalaking nasa ibaba. Mga negosyante, pulitiko, kung sinu-sinong may pera—lahat sila pare-pareho lang ang tingin sa amin. Libangan.

Pero biglang may isang pares ng mata ang pumukaw sa atensyon ko.

Hindi siya nakangiti. Hindi rin siya sumisigaw tulad ng iba. Tahimik lang siyang nakaupo sa sulok, hawak ang baso ng alak habang nakatingin sa akin—parang sinusuri ang bawat galaw ko.

At sa unang pagkakataon… ako ang nailang.

Iba siya.

At pakiramdam ko, siya ang simula ng gulo sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa dami ng lalaking tumitingin sa akin, sa kanya lang ako napako.

Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya nagpapakita ng kahit anong interes tulad ng iba. Pero ramdam ko—ako ang pinagmamasdan niya. Parang hinuhubad niya ako gamit ang mga mata niya… hindi ang katawan ko, kundi kung sino ako sa likod ng maskarang suot ko.

At ayokong nangyayari ‘yon.

Mas lalo kong ginalingan ang sayaw ko, mas naging mapang-akit ang bawat galaw. Parang gusto kong patunayan na katulad lang din siya ng iba—na madadala ko rin siya sa laro ko.

Pero hindi.

Nanatili lang siyang nakaupo. Tahimik. Nakatingin.

Hanggang sa natapos ang tugtog.

Palakpakan ang sumalubong sa akin habang dahan-dahan akong bumaba ng entablado. Nakasanayan ko nang lapitan ng mga lalaking gustong magpa-book, pero ngayon… iba ang pakiramdam ko. Parang may inaasahan akong mangyayari.

At hindi nga ako nagkamali.

“Sky.”

Napahinto ako. Mababa at malamig ang boses na tumawag sa pangalan ko.

Dahan-dahan akong lumingon—at siya nga. Yung lalaking nasa sulok kanina. Ngayon, nasa harapan ko na.

Mas lalo kong naramdaman ang kakaibang presensya niya. Matangkad, maayos manamit, at may awrang hindi mo kayang baliwalain. Hindi siya mukhang lasing, hindi rin siya mukhang sabik tulad ng ibang customer.

Parang… may pakay siya.

“Ako ang magbu-book sa’yo ngayong gabi,” diretso niyang sabi, walang paligoy-ligoy.

Bahagya akong napangiti. “Marami pong gustong magpa-book, sir. Depende po sa offer.”

Sanay na ako sa ganitong usapan. Pataasan ng presyo. Pataasan ng halaga.

Pero ang sumunod niyang ginawa… nagpawala ng ngiti ko.

Inilapag niya ang isang sobre sa mesa.

Makapal. Halatang pera.

“Hindi ito para sa isang gabi,” malamig niyang sabi. “Para ito sa pagsama mo sa’kin… hanggang gusto ko.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ito normal. Hindi ito simpleng booking.

At sa paraan ng pagtitig niya sa akin—alam kong hindi ako basta makakatanggi.

“Anong ibig mong sabihin?” pilit kong pinanatiling kalmado ang boses ko.

Bahagya siyang ngumiti. Hindi masaya. Kundi parang may tinatagong lihim.

“Magpapakasal ka sa akin.”

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko.

Kasalan?

Sa isang lalaking hindi ko kilala?

Napatawa ako nang mahina, akala ko nagbibiro lang siya. “Sir, kung joke po ‘yan—”

“Hindi ako nagbibiro.”

Naputol ang sasabihin ko.

At doon ko napagtanto… seryoso siya.

“Bakit ako?” tanong ko, hindi na maitago ang kaba.

Lumapit siya ng kaunti, sapat para maramdaman ko ang lamig ng presensya niya.

“Dahil ikaw ang kailangan ko.”

Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bumigat sa dibdib ko.

At sa gabing iyon… hindi ko pa alam na ang simpleng “oo” na bibitiwan ko ay magbabago sa buong buhay ko.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko, dahilan para mapalingon ang ilang customer sa loob ng club.

“Sir, mawalang-galang na po,” ani ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit may kakaibang kaba na gumagapang sa dibdib ko. “Oo, aaminin ko—kailangan ko ng pera para sa araw-araw. Pero ang magpakasal? Ni minsan hindi pumasok sa isip ko.”

Tiningnan ko siya diretso sa mga mata.

“Ialok mo na lang sa iba ‘yang kasal mo.”

Humakbang ako palayo. “Sige, sir. Aalis na ako.”

Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kontrolado. Hindi ako papayag na ikulong ang sarili ko sa isang kasal—lalo na sa isang lalaking hindi ko kilala.

Pero bago pa ako tuluyang makalayo—

“Malapit nang mamatay ang pakakasalan mo.”

Napahinto ako.

Parang may kung anong humila sa paa ko para tumigil. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.

Nanatili siyang kalmado, parang walang binatong mabigat na salita.

“Matanda na siya,” dagdag pa niya. “May sakit. Ilang buwan na lang ang itatagal.”

Nanlalamig ang mga kamay ko at doon, kusang pumasok sa isip ko ang isang kasabihan na ang apat na M (Matandang Mayaman Madaling Mamatay.) Napakagat ako sa labi sa kabalastugan naisip ko.

“Pagkatapos niyang mamatay,” tuloy niya, “mapupunta sa’yo ang lahat.”

Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid ko.

S***a pera na pag pumayag ako yayaman ako at makalaya na ako sa lugar na ito. Isang pagkakataong makaalis sa buhay na kinagisnan kong kahirapan at mga taong mapanghusga. Pero kasal pa rin ‘yon. Isang sumpaan kahit pa pansamantala.

“Ano’ng kapalit?” mahinang tanong ko, hindi ko na maitago ang pag-aalinlangan.

Bahagya siyang ngumiti. “Wala kang dapat gawin… kundi gampanan ang papel mo bilang asawa.”

Kumunot ang noo ko. “At kung tumanggi ako?”

Nagkibit-balikat siya. “May iba namang papayag.”

Diretso. Walang emosyon. Parang wala lang sa kanya kung mawala ako sa eksenang ‘to.

At doon ako nainis. Bakit parang sigurado siyang papayag ako?

Huminga ako nang malalim, pilit kinokontrol ang sarili.

“Pag-iisipan ko,” maikli kong sagot.

Pero sa totoo lang ay alam kong nagsisimula na akong matukso. Dahil sa mundong meron ako minsan, kailangan mong ipagbili ang sarili mo para lang mabili ang kalayaan mo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Zahra
MMMM hahaha
goodnovel comment avatar
skylove
hmmm....sa panahon ngayon mas maganda kung tanggapin mo na ang alok
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 53

    Chapter 53 “Alam mo bang maglaro ng tong-its?” excited kong tanong habang mabilis na inilalabas ang baraha mula sa drawer ng center table. Napatingin siya sa akin na tila naguguluhan. “Tong-its?” ulit niya. “Oo!” ngumiti ako nang malaki. “Maglalaro tayo!” Tahimik lang siya habang pinapanood akong maglatag ng cards sa mesa. “Tapos,” dagdag ko habang kunwari seryoso, “ang matatalo… papahiran ng lipstick sa mukha!” Bigla siyang natigilan. “…What kind of game is that?” Napatawa ako. “Fun game!” Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mesa habang nakangisi. “So? Game?” Bahagya siyang napabuntong-hininga bago marahang tumango. “G-game.” Pero maya-maya ay napatingin siya sa sarili niyang damit. “But… ang damit ko.” Sinundan ko ng tingin ang suot niya. “All black?” napakunot-noo ako. “Oo nga no. Para kang aattend ng ninja convention.” Tahimik lang siya. “Ay sandali!” bigla kong sambit saka mabilis na tumayo. “Kukuha muna ako ng damit sa asawa ko!” Bigla siyang napatingin sa

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 52

    Chapter 52 Sky POV Tahimik ang buong mansion. Tanging mahinang tunog lang ng orasan at hangin mula sa air conditioner ang maririnig sa loob ng sala. Nakatayo ako sa gitna ng living room habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Naka-itim itong damit. Maskado. At may hawak pang baril. Pero imbis na matakot… mas lalo lang akong nagtaka. “Sino ka?” diretso kong tanong habang nakapamewang. Hindi ito agad sumagot. Tahimik lang itong nakatitig sa akin na parang hinihintay na sisigaw ako o tatakbo palabas. Pero instead… lumapit pa ako. Bahagyang nanlaki ang mata nito nang hilahin ko ang kamay niya papunta sa sofa. “Upo ka dito,” casual kong sambit habang tinutulak siya paupo. “Anong gusto mong inumin?” Napatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala. “You’re not scared of me?!” gulat nitong tanong. Napakunot-noo ako. “Why would I be scared?” Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa bago ako napaisip. “Wait…” naningkit mata ko habang nakaturo sa kanya. “Sa

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 51

    Chapter 51 Tahimik ang buong conference hall habang nagliliyab pa rin ang isang bahagi ng silid. Sa labas ay rinig ang mga sirena ng paparating na ambulansya at media. Ngunit sa gitna ng lahat ng kaguluhan… mas mabigat pa rin ang tensyon sa pagitan namin ni Grandpa. Mahigpit nitong hawak ang tungkod habang nakatingin sa black card na nasa kamay ko. “Alam ko na may tao sila sa loob,” malamig kong sambit. “Kaya pinaimbestigahan ko ito nang palihim.” Agad akong nilingon ni Grandpa. “Akala ko…” mabigat nitong sabi, “…tuluyan na silang nasugpo ng organization natin.” Napasinghap ito nang malalim bago marahang napapikit. “Hindi pa pala…” Tahimik akong nakatingin dito habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “Kaya dito sa syudad…” dagdag nito habang mabagal na tumingin sa paligid, “…nagbalatkayo akong matanda at nagpanggap na mahina.” Naningkit mata ko, kaya pala kahit napakayaman at makapangyarihan ni Grandpa ay halos hindi ito nagpapakita noon sa publiko. Hin

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 50

    Chapter 50 Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok habang mabilis na gumagalaw ang assassin sa ibabaw ng mga mesa parang aninong imposible hulihin. “Shoot him!” sigaw ng isang pulis. Agad nagsipagputukan ang mga tauhan pero bawat bala ay parang walang tinatamaan. Masyadong mabilis ang kalaban. Naningkit mata ko habang hawak mahigpit ang baril. Hindi ito ordinaryong assassin. Trained. Elite. At higit sa lahat ay walang emosyon. Tumalon ito pababa mula sa mesa saka mabilis na sinipa ang isang bodyguard ko dahilan para tumilapon ito sa salamin. Nagkalat ang basag na bubog sa sahig. Kasabay noon ay mabilis nitong itinutok ang suppressor pistol sa isang board member. Isang putok ng baril at bumagsak agad ang matanda habang nagsisigawan ang lahat. “Fuck!” mariin kong mura. “Protect the civilians!” sigaw ng police officer. Ngunit tila hindi iyon pinapansin ng assassin. Diretso lamang itong naglalakad sa direksyon namin ni Grandpa. At doon ko tuluyang narealize. Kami an

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 49

    Chapter 49 “I’m saying this is war.” Malamig kong sambit habang dahan-dahan kong ibinaba ang remote sa mesa. Tahimik ang buong conference hall at pagkatapos isang matalim akong napatingin sa isang lalaki sa bandang kaliwa ng mesa walang iba kundi si Mr. Andrade. Isa sa senior board members ng Ortiz Group. At isa rin sa mga taong masyadong tahimik ngayong gabi. “I’m right… Mr. Andrade?” malamig kong tanong. Agad itong natigilan, halatang hindi nito inaasahang pangalan niya agad ang babanggitin ko. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” paiwas nitong sagot habang umiwas ng tingin. Ngumisi ako nang bahagya. “Oh, come on, Mr. Andrade…” mababa kong sambit habang dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. “Don’t make me a fool.” Mas lalo itong kinabahan nang huminto ako sa tabi niya. At doon ko napansin na bahagya nitong itinago ang kanang kamay niya sa ilalim ng mesa. “That tattoo…” dagdag ko habang malamig na nakatingin sa kanya, “looks very familiar.” “Officer,” sambit ko nang hindi

  • ANG BABAE SA GABI(SSPG)   Chapter 48

    Chapter 48 Apat na oras lamang ay nakarating na kami sa Hacienda De Castro. Pero kahit nasa harapan na kami ng napakalawak na hacienda ay hindi pa rin nawawala ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Tahimik ang buong paligid. Masyadong tahimik. At iyon ang pinaka-ayaw ko. Pagkabukas pa lang ng gate ay agad bumungad ang mahahabang itim na sasakyan ng mga board members at ilang police vehicles na nakaparada sa harap ng mansyon. Nakabukas pa ang mga ilaw nito.Nagbibigay ng nakakasilaw na pulang liwanag sa madilim na gabi. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad tumahimik ang paligid. Maging ang ilang pulis at tauhan ng hacienda ay napalingon sa direksyon ko. Mabagal kong inayos ang manggas ng suot kong itim na polo habang malamig na pinagmamasdan ang paligid at ang bawat hakbang ko ay unti-unting bumabalik ang totoong ako. Hindi ang lalaking pinaglalaruan si Sky, ang mapang-asar na David De Castro ay kundi si David Sebastian Ortiz. Ang lalaking kinatatakutan ng maraming tao sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status