로그인Chapter 2
“Good. Here’s my contact number. I’ll give you two days,” malamig niyang wika habang inaabot sa akin ang maliit na card. Kinuha ko iyon, pilit pinapanatiling steady ang kamay ko kahit parang may bumibigat sa dibdib ko. Simpleng papel lang ‘yon—pero pakiramdam ko, parang kontrata na magbabago sa buong buhay ko. “Two days,” ulit niya, bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo. Hindi na ako nakasagot. Nakatayo lang ako roon, hawak ang card, habang unti-unting nilalamon ng ingay ng club ang katahimikan sa isip ko. Pagbalik ko sa dressing room, agad akong sinalubong ng ingay ng mga kasamahan ko. “Oy, Sky! Ang daming nagtatanong sa’yo kanina!” sigaw ni Joan habang nagre-retouch ng make-up. “May foreigner pa nga, ready maglabas ng malaking pera!” Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong umupo sa harap ng salamin, nakatitig sa sarili kong repleksyon. Nakasuot pa rin ako ng maskara—pero pakiramdam ko, parang mas hubad ako ngayon kaysa kanina sa entablado. “Hoy, anong meron sa’yo?” tanong ni Zahra, napansin ang pananahimik ko. “Hindi ka nagpa-book? Ikaw pa naman ang pinaka-in demand ngayong gabi.” Dahan-dahan kong inangat ang card at ipinakita sa kanila. “Ano ‘yan?” usisa niya. “Proposal,” maiksi kong sagot. “Proposal?!” sabay-sabay nilang ulit, parang hindi makapaniwala. Tumawa ako nang mahina, pero walang saya. “Kasalan.” Biglang natahimik ang paligid. “Hindi ka seryoso…” bulong ni Joan. “Gusto niya akong pakasalan,” dagdag ko. “Pero hindi siya ‘yung magiging asawa ko.” Kumunot ang noo nila kaya ipinaliwanag ko ang sinabi ng lalaki ang matandang may sakit, ang pera, ang posibilidad ng kayamanan pagkatapos. Habang nagsasalita ako, nakikita ko sa mga mata nila ang unti-unting pagbabago mula sa gulat papuntang inggit at sa huli, tukso. “Sky…” dahan-dahang sabi ni Zahra. “Hindi ‘to opportunity… jackpot ‘to.” “Isipin mo,” singit ni Joan, “ilang taon ka na dito? Ilang taon ka pang magtitiis? Tapos biglang may ganitong chance?” Napayuko ako dahil alam ko ang sinasabi nila at alam ko kung gaano kahirap ang buhay na meron ako ngayon. “Pero kasal pa rin ‘yon,” mahinang sabi ko. “Hindi laro ‘yan.” “Eh ano naman?” balik ni Zahra. “Hindi naman totoo. Papel lang ‘yan. Acting lang. Ginagawa mo na nga ‘yon araw-araw dito, ‘di ba?” Natamaan ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Araw-araw akong nagpapanggap. Araw-araw akong may ibang katauhan. Ano pa ba ang kaibahan nito? “Sky…” mas lumambot ang boses ni Joan. “Ito na ‘yung chance mo makaalis dito. Hindi mo ba gustong magkaroon ng buhay na hindi mo kailangang magtago sa maskara?” Napapikit ako. Gusto ko. Sobra. Kinabukasan, hindi ako pumasok sa club. Mag-isa akong naglalakad sa gilid ng kalsada, hawak pa rin ang card na parang ayaw bumitaw sa akin. Dalawang araw. Dalawang araw para magdesisyon kung ibebenta ko ba ang sarili ko… para sa kalayaan. Napahinto ako sa isang tindahan at tumingin sa salamin. Ito ba ang gusto kong buhay? Gabi-gabi, iba-ibang mukha. Iba-ibang pangalan. Walang totoong ako. Mahigpit kong hinawakan ang card. “Hanggang kailan ka magtitiis, Sky?” bulong ko sa sarili ko. Biglang sumagi sa isip ko ang mga gabing gutom ako. Ang mga pagkakataong wala akong matakbuhan. Ang mga matang humuhusga sa akin kahit wala silang alam. Pagod na ako. Pagod na akong mabuhay para lang makaraos. Gusto ko namang mabuhay para sa sarili ko. Dahan-dahan kong inilabas ang cellphone ko. Tinitigan ko ang numero. Isang tawag lang, isang desisyon lang. At babaliktad ang mundo ko. Huminga ako nang malalim. At pinindot ang call. Ilang segundo lang, sumagot agad siya. “Napag-isipan mo na?” malamig niyang tanong, parang inaasahan na ang tawag ko. Pinikit ko ang mga mata ko. “At kung pumayag ako…” mahinang sabi ko, “sigurado bang makakalaya ako pagkatapos?” Sandaling katahimikan. “Mas higit pa sa kalayaan ang makukuha mo,” sagot niya. Binuksan ko ang mga mata ko. At doon ko tuluyang binitiwan ang huling bahagi ng sarili ko na pilit kumakapit. “...Okay,” bulong ko. “Payag ako.” Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang tawa niya. “Good choice, Sky.” At sa simpleng salitang ‘yon. Nagsimula ang larong hindi ko na kayang atrasan. Pero hindi pala gano’n kadali ang lahat. Kung sa pelikula ay may bida… dito, may kontrabida rin. At walang iba kundi ang sarili niyang pamilya. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, agad na bumungad sa akin ang napakalaking mansyon. Halos manganga ako sa laki nito, ilang beses na mas malaki sa kahit anong lugar na natirhan ko. Pero hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Kailangan kong magpanggap. Kailangan kong magmukhang bagay ako dito. Huminga ako nang malalim bago ako naglakad papasok. Pagbukas pa lang ng malaking pintuan, sinalubong ako ng malamig na hangin at mas malamig na mga tingin. Nakatayo sa gitna ng sala ang isang babae—matikas, elegante, at halatang galing sa mataas na antas ng lipunan. Nakataas ang kilay niya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Para akong isang bagay na hindi dapat naroon. “At ito na ‘yon?” malamig niyang tanong. Napahinto ako. Hindi ko pa man siya nakakausap nang maayos, ramdam ko na agad ang bigat ng panghuhusga sa boses niya. Lumapit siya nang dahan-dahan, paikot na parang iniinspeksyon ako. “Siya ang papakasalan?” dagdag pa niya, halatang hindi makapaniwala. Tahimik lang ako. Sanay na ako sa ganitong tingin. Pero hindi ibig sabihin na hindi masakit. “Anong pangalan mo?” tanong niya, pero hindi iyon parang simpleng usisa parang interogasyon. “Sky,” diretso kong sagot. Napangisi siya. “Sky? Tunog palang pang-entertainment na.” May ilang taong napatawa sa likod niya. Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko. “Alam mo ba kung saan ka napunta?” patuloy niya. “Hindi ito lugar para sa mga katulad mo.” Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” kalmado kong tanong. Bahagya siyang yumuko palapit sa akin, sapat para marinig ko ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. “Mga babaeng binibili lang.” Tumigil ang mundo ko sa sandaling ‘yon. Pero hindi ako umatras. Hindi ako pwedeng umatras. Dahan-dahan akong ngumiti—hindi mahina, kundi matapang. “At least,” sagot ko, diretso sa mga mata niya, “may bumibili.” Biglang natahimik ang paligid. Kita ko ang pag-igting ng panga niya, halatang hindi niya inaasahan ang sagot ko. Lumapit pa siya, halos magdikit na ang mukha namin. “Mag-ingat ka,” bulong niya. “Dahil hindi ka magtatagal dito.” Bahagya akong tumawa. “Hindi rin naman ako nagbabalak magtagal,” balik ko. At sa unang banggaan pa lang namin. Alam kong hindi niya ako tatantanan. At mas lalo kong naramdaman. Hindi lang kasal ang pinasok ko. Kundi isang laban, laban sa sariling kapakanan.Chapter 53 “Alam mo bang maglaro ng tong-its?” excited kong tanong habang mabilis na inilalabas ang baraha mula sa drawer ng center table. Napatingin siya sa akin na tila naguguluhan. “Tong-its?” ulit niya. “Oo!” ngumiti ako nang malaki. “Maglalaro tayo!” Tahimik lang siya habang pinapanood akong maglatag ng cards sa mesa. “Tapos,” dagdag ko habang kunwari seryoso, “ang matatalo… papahiran ng lipstick sa mukha!” Bigla siyang natigilan. “…What kind of game is that?” Napatawa ako. “Fun game!” Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mesa habang nakangisi. “So? Game?” Bahagya siyang napabuntong-hininga bago marahang tumango. “G-game.” Pero maya-maya ay napatingin siya sa sarili niyang damit. “But… ang damit ko.” Sinundan ko ng tingin ang suot niya. “All black?” napakunot-noo ako. “Oo nga no. Para kang aattend ng ninja convention.” Tahimik lang siya. “Ay sandali!” bigla kong sambit saka mabilis na tumayo. “Kukuha muna ako ng damit sa asawa ko!” Bigla siyang napatingin sa
Chapter 52 Sky POV Tahimik ang buong mansion. Tanging mahinang tunog lang ng orasan at hangin mula sa air conditioner ang maririnig sa loob ng sala. Nakatayo ako sa gitna ng living room habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Naka-itim itong damit. Maskado. At may hawak pang baril. Pero imbis na matakot… mas lalo lang akong nagtaka. “Sino ka?” diretso kong tanong habang nakapamewang. Hindi ito agad sumagot. Tahimik lang itong nakatitig sa akin na parang hinihintay na sisigaw ako o tatakbo palabas. Pero instead… lumapit pa ako. Bahagyang nanlaki ang mata nito nang hilahin ko ang kamay niya papunta sa sofa. “Upo ka dito,” casual kong sambit habang tinutulak siya paupo. “Anong gusto mong inumin?” Napatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala. “You’re not scared of me?!” gulat nitong tanong. Napakunot-noo ako. “Why would I be scared?” Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa bago ako napaisip. “Wait…” naningkit mata ko habang nakaturo sa kanya. “Sa
Chapter 51 Tahimik ang buong conference hall habang nagliliyab pa rin ang isang bahagi ng silid. Sa labas ay rinig ang mga sirena ng paparating na ambulansya at media. Ngunit sa gitna ng lahat ng kaguluhan… mas mabigat pa rin ang tensyon sa pagitan namin ni Grandpa. Mahigpit nitong hawak ang tungkod habang nakatingin sa black card na nasa kamay ko. “Alam ko na may tao sila sa loob,” malamig kong sambit. “Kaya pinaimbestigahan ko ito nang palihim.” Agad akong nilingon ni Grandpa. “Akala ko…” mabigat nitong sabi, “…tuluyan na silang nasugpo ng organization natin.” Napasinghap ito nang malalim bago marahang napapikit. “Hindi pa pala…” Tahimik akong nakatingin dito habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “Kaya dito sa syudad…” dagdag nito habang mabagal na tumingin sa paligid, “…nagbalatkayo akong matanda at nagpanggap na mahina.” Naningkit mata ko, kaya pala kahit napakayaman at makapangyarihan ni Grandpa ay halos hindi ito nagpapakita noon sa publiko. Hin
Chapter 50 Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok habang mabilis na gumagalaw ang assassin sa ibabaw ng mga mesa parang aninong imposible hulihin. “Shoot him!” sigaw ng isang pulis. Agad nagsipagputukan ang mga tauhan pero bawat bala ay parang walang tinatamaan. Masyadong mabilis ang kalaban. Naningkit mata ko habang hawak mahigpit ang baril. Hindi ito ordinaryong assassin. Trained. Elite. At higit sa lahat ay walang emosyon. Tumalon ito pababa mula sa mesa saka mabilis na sinipa ang isang bodyguard ko dahilan para tumilapon ito sa salamin. Nagkalat ang basag na bubog sa sahig. Kasabay noon ay mabilis nitong itinutok ang suppressor pistol sa isang board member. Isang putok ng baril at bumagsak agad ang matanda habang nagsisigawan ang lahat. “Fuck!” mariin kong mura. “Protect the civilians!” sigaw ng police officer. Ngunit tila hindi iyon pinapansin ng assassin. Diretso lamang itong naglalakad sa direksyon namin ni Grandpa. At doon ko tuluyang narealize. Kami an
Chapter 49 “I’m saying this is war.” Malamig kong sambit habang dahan-dahan kong ibinaba ang remote sa mesa. Tahimik ang buong conference hall at pagkatapos isang matalim akong napatingin sa isang lalaki sa bandang kaliwa ng mesa walang iba kundi si Mr. Andrade. Isa sa senior board members ng Ortiz Group. At isa rin sa mga taong masyadong tahimik ngayong gabi. “I’m right… Mr. Andrade?” malamig kong tanong. Agad itong natigilan, halatang hindi nito inaasahang pangalan niya agad ang babanggitin ko. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” paiwas nitong sagot habang umiwas ng tingin. Ngumisi ako nang bahagya. “Oh, come on, Mr. Andrade…” mababa kong sambit habang dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. “Don’t make me a fool.” Mas lalo itong kinabahan nang huminto ako sa tabi niya. At doon ko napansin na bahagya nitong itinago ang kanang kamay niya sa ilalim ng mesa. “That tattoo…” dagdag ko habang malamig na nakatingin sa kanya, “looks very familiar.” “Officer,” sambit ko nang hindi
Chapter 48 Apat na oras lamang ay nakarating na kami sa Hacienda De Castro. Pero kahit nasa harapan na kami ng napakalawak na hacienda ay hindi pa rin nawawala ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Tahimik ang buong paligid. Masyadong tahimik. At iyon ang pinaka-ayaw ko. Pagkabukas pa lang ng gate ay agad bumungad ang mahahabang itim na sasakyan ng mga board members at ilang police vehicles na nakaparada sa harap ng mansyon. Nakabukas pa ang mga ilaw nito.Nagbibigay ng nakakasilaw na pulang liwanag sa madilim na gabi. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad tumahimik ang paligid. Maging ang ilang pulis at tauhan ng hacienda ay napalingon sa direksyon ko. Mabagal kong inayos ang manggas ng suot kong itim na polo habang malamig na pinagmamasdan ang paligid at ang bawat hakbang ko ay unti-unting bumabalik ang totoong ako. Hindi ang lalaking pinaglalaruan si Sky, ang mapang-asar na David De Castro ay kundi si David Sebastian Ortiz. Ang lalaking kinatatakutan ng maraming tao sa







