LOGINChapter 72Matapos naming mamili ng mga kakailanganin para sa Bar Examination, sabay kaming naglakad ni Scarlett palabas ng mall.Pareho kaming may bitbit na shopping bags. Nang makarating kami sa parking lot, napahinto kami sa tapat ng kani-kaniya naming sasakyan."Bye, Scarlett."Ngumiti ako habang binubuksan ang pinto ng kotse ko. "See you tomorrow at the Bar Exam."Ngumiti rin siya at kumaway.."Yeah! See you tomorrow." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.."Kaya natin 'to!"Napatawa ako. "Of course. Kailangan nating pumasa. Future attorneys, remember?"Napangiti siya nang malawak. "Exactly! Next time we see each other..." Itinaas niya ang kamao bilang pagpapalakas ng loob. "...hopefully, we'll both be Attorneys."Ngumiti rin ako at ginaya ang kanyang kilos. "We will. I believe in us."Nagkatinginan kami sandali bago sabay na tumawa. Pagkatapos noon ay pareho na kaming sumakay sa aming mga sasakyan.Habang pinaandar ko ang kotse, napatingin ako sa paper bag na nasa passe
Chapter 71"I have to go, Matilda."Mahina akong ngumiti habang inaabot sa kanya ang isang calling card. "In case you need my help, just call me. Hhere's my calling card."Magalang niyang tinanggap iyon gamit ang nanginginig niyang mga kamay.Napaluha siya. "M-Maraming salamat po."Umiling ako. "Walang anuman at tandaan mo... Hindi ka nag-iisa. At kung dumating ang araw na handa ka nang ipaglaban ang sarili mo... Handa rin akong tumulong sa'yo."Mahigpit niyang hinawakan ang calling card. "Maraming salamat, Ma'am Sky."Tumango lang ako bago tuluyang tumalikod. Paglabas ko ng parking area, saka ko lamang naalala ang oras. Napatingin ako sa wristwatch ko."Oh no..." bahagya akong napangiwi. "Late na pala ako."Napailing ako habang naglalakad patungo sa sasakyan.Hindi ko namalayang inabot na pala ako ng napakatagal dahil sa pakikialam ko sa nangyaring gulo. Sigurado akong kanina pa ako hinahanap ng mga kasama ko sa mall.Ngunit, hindi ako nagsisi.Kahit na naantala ang mga plano ko. Kah
Chapter 70"Alam mo namang hindi papayag ang anak natin na maghiwalay tayo."Malamig ang boses ni Jefferson."Kapag nalaman niyang kumakalaban ka sa akin..." kumpiyansang sambit nito, "...siguradong hindi ka niya mapapatawad. At kamumuhian ka."Tahimik na tumingin si Matilda sa kanya. Pagkatapos ay napailing."Wag mo akong takutin, Jefferson." Mahigpit niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Dahil alam ko na ang lahat."Natigilan si Jefferson. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?"Huminga nang malalim si Matilda. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig."Ang batang inaalagaan ko..." Bigla siyang napahinto. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Pumikit siya sandali bago muling nagsalita. "...ay hindi ko anak."Nanlaki ang mga mata ni Jefferson."Hindi..." Mahina siyang napaatras. "Anong sinasabi mo?"Unti-unting tumulo ang mga luha ni Matilda."Alam ko na ang katotohanan. Itinago mo sa akin sa loob ng maraming taon." Mariin niya itong tinitigan. Ang batang pinalaki ko..." humin
Chapter 69Nanginginig ang mga labi ni Jefferson."H-Hindi maaari..."Paulit-ulit siyang umiling habang nakatitig sa cellphone na tila umaasang magbabago ang narinig niya."May mali lang ito...""Sigurado akong may mali."Bigla siyang tumingin sa akin."Sino ka ba talaga?"Hindi ako agad sumagot.Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan.Makalipas ang ilang segundo ay marahan akong nagsalita."Hindi ba't sinabi ko na?""I'm David Ortiz's wife."Napalunok siya.Samantala, ang kabit niyang kanina'y napakayabang ay unti-unti ring namutla."H-Hindi...""Hindi maaari..."Bigla siyang lumapit kay Jefferson."Babe, sabihin mo ngang nagsisinungaling lang siya."Ngunit wala nang maisagot ang lalaki.Maging siya ay hindi na alam kung ano ang sasabihin.Sa sandaling iyon...Muling tumunog ang cellphone niya.Agad niya itong sinagot."Hello?""Sir..."Mahinang boses ang narinig namin mula sa kabilang linya."Naka-deactivate na po ang company ID ninyo.""Pinapapunta rin po kayo sa Human Resources para
Chapter 68 Tahimik akong napatingin sa babaeng nakaluhod sa semento. Namamaga ang kanyang pisngi. May dugo sa gilid ng labi. Nanginginig ang buo niyang katawan habang pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak. Humigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao. Hindi dahil sa galit lang... Kundi dahil sa pakiramdam ng kawalan. Sa sandaling ito... Alam ko ang tama. Alam ko ang mali. Alam ko rin kung anong mga batas ang maaaring gamitin upang mapanagot ang lalaking iyon. Pero... Hindi pa ako isang abogado. Hindi pa. Napabuntong-hininga ako. "Kaunti na lang..." bulong ko sa sarili. "Isang hakbang na lang." Napatingala ako sandali. Bukas. Bukas na ang Bar Examination. Marahil ay ito na ang dahilan kung bakit hindi ako dapat panghinaan ng loob. Kailangan kong pumasa. Hindi lang para sa sarili ko. Hindi lang para sa pangarap kong magkaroon ng sariling law firm. Kundi para sa mga taong katulad ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Mga taong walang boses. Mga taong natatakot luma
Chapter 67Tatlong minuto akong nakatayo sa gitna ng pasilyo.Tahimik.Habang pinagmamasdan ang mga pira-pirasong bahagi ng mini spy camera sa sahig.Pagkatapos ay napabuntong-hininga ako."Tama na."Hindi ko hahayaang masira ang buong araw ko.Marami pa akong mas mahalagang bagay na dapat isipin.Isa na roon...Ang pangarap ko.Bukas na ang Bar Examination.Ilang taon kong pinaghirapan iyon.Ilang gabing walang tulog.Ilang bundok ng libro ang binasa ko.At ilang beses kong muntik nang sukuan.Ngunit hindi ako umatras.Hindi dahil kailangan ko ng titulo.Kundi dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong abutin ang pangarap na matagal ko nang inaasam.Napangiti ako.Kapag naging abogado na ako...May isa pa akong gustong gawin.Magtayo ng sarili kong law firm.Hindi para lang kumita.Kundi para makapagbigay ng pagkakataon sa mga bagong abogado.Yung mga nagsisimula pa lang.Yung mga kagaya ko noon na nangangarap lang.Nais kong magkaroon sila ng isang lugar kung saan sila mat
Chapter 5“Are you done?!” Isang malakas, matapang na boses ang pumutok sa katahimikan ng silid.Bigla akong napalingon, at muntik na akong mahulog ang pluma sa pagkagulat. “Ay, kabayong malaki ang talong!” bulong ko sa sarili, halatang nagulat sa biglang pagtunog ng boses.Ngunit nagtataka ako. An
Chapter 4Pagpasok ko pa lang ay agad akong napatingin sa paligid. Ang silid ay malaki, may mabibigat na kurtina na kulay burgundy, at may malaking mesa sa gitna. Sa ibabaw nito, nakalagay ang isang puting dokumento—malinaw na marriage contract—kasama ang pluma na parang nakatingin sa akin, naghihi
Chapter 2 “Good. Here’s my contact number. I’ll give you two days,” malamig niyang wika habang inaabot sa akin ang maliit na card. Kinuha ko iyon, pilit pinapanatiling steady ang kamay ko kahit parang may bumibigat sa dibdib ko. Simpleng papel lang ‘yon—pero pakiramdam ko, parang kontrata na magb
Chapter 1 Sky POV “Hoy, girl… ilan ang customer mo kagabi?” tanong ng isa kong kasamahan sa club habang nag-aayos kami sa dressing room. “Lima,” maikli kong sagot, walang emosyon. Napanganga siya. “Grabe ka… hindi ba namamaga ‘yang gitnang bahagi mo?” biro niyang may halong paghanga. Umiling l







