LOGINChapter 93Napabuntong-hininga si Sky bago muling nagsalita."I apologize for what Mea said. And please, don't blame her. She's just like you—serious and cold toward other people."Napatingin ako kay Mea, na nakatayo pa rin sa tabi ng kanyang ina habang nakahalukipkip. Maging ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay tila hindi naiiba sa sarili kong ekspresyon kapag may taong hindi ko gusto.Napailing ako nang bahagya.Damn. She's really my daughter."There's no need to apologize," sagot ko kay Sky. "She's entitled to her feelings."Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Mea na para bang hindi siya makapaniwalang narinig niya ang sinabi ko."Really? Then I don't like you, and I don't want you here," diretsahan niyang sabi.Napahinto ako.Samantala, napahawak naman si Mia sa braso ng kanyang kapatid."Mea, don't be mean to Daddy.""I'm not being mean. I'm just telling him the truth."Napatingin ako sa kambal. Magkaiba man ang kanilang ugali, pareho silang may mga matang hindi ko kayang balew
Chapter 92 ANIM NA TAON: Anim na taon kong hindi alam na may dalawang batang naghihintay sa mundong ito na maaari kong tawaging mga anak. At anim na taon ding kinailangang dalhin ni Sky ang sakit na ako mismo ang naging dahilan. I clenched my jaw. Hindi ko kayang baguhin ang nakaraan. Hindi ko kayang burahin ang kasinungalingang nagawa ko o ang mga taon na hindi ko nakasama ang aking mga anak. But I could change what happens next. Hindi ko pipilitin si Sky na patawarin ako. Hindi ko rin gagamitin ang kapangyarihan ko upang kunin ang mga bata mula sa kanya. Ang gusto ko lamang ay pagkakataong patunayan na kaya kong maging ama nila. Kahit pa kailangan kong magsimula sa wala. Kahit pa kailangan kong harapin ang galit ni Mea at ang mga tanong ni Mia. At kahit pa hindi na ako kailanman mahalin ni Sky gaya ng pagmamahal niya sa akin noon. I looked at my phone one last time. "I'm sorry, Sky," bulong ko sa katahimikan ng aking silid. "I should have told you the truth." Ngunit wal
Chapter 91Dahil sa napakaraming tanong na gumugulo sa aking isipan, agad kong kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa mesa.Hindi ko na kayang maghintay pa sa resulta ng imbestigasyon ng aking assistant. Kailangan kong marinig mismo mula kay Sky ang mga sagot na matagal nang bumabagabag sa akin.Kaya naman, walang pag-aalinlangan kong hinanap ang numero niya sa aking contacts.I pressed the call button.Tumunog ang cellphone ko habang hinihintay kong kumonekta ang tawag. Alam kong malamang ay naka-block na ako sa numero niya, pero umaasa pa rin akong baka sakaling mag-ring ito.One ring.Two rings.Three rings.Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa screen.Come on, Sky. Answer the damn phone.Akala ko ay tuluyan na namang mapuputol ang tawag nang bigla akong makarinig ng boses mula sa kabilang linya."Hello?"Napatuwid ako ng upo."Sky......!"I couldn't hide the relief in my voice. Sa wakas, narinig ko rin ang boses niya matapos ang anim na taong paghahanap at pangungulila."
Chapter 90Nahati ang aking isip sa trabaho at sa mga nangyari kanina. Kahit ilang ulit kong piliting ituon ang atensyon sa mga dokumentong nasa harapan ko, hindi ko magawang mag-focus.Every time I tried to read a single line, the faces of the two little girls kept appearing in my mind.Mea and Mia.My daughters.Napapikit ako at mariing idiniin ang mga daliri sa aking sentido. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang inulit sa sarili ang dalawang salitang iyon mula nang umalis si Sky sa aking opisina.How could she hide them from me for six years?At higit sa lahat, bakit ngayon lamang siya nagpakita?Maraming tanong ang bumabagabag sa akin, ngunit wala ni isa ang kayang sagutin ng aking isip. Ang tanging taong may kakayahang magpaliwanag sa lahat ay ang babaeng kanina lamang ay tiningnan ako na para bang isa akong estrangherong walang karapatang makilala ang sarili kong mga anak.Napabuntong-hininga ako."Fuck!"Inis kong isinara ang folder na hawak ko. Wala rin namang mangyayari kun
Chapter 89Nakatayo pa rin ako sa harap ng malaking glass window ng aking opisina habang paulit-ulit na iniisip ang mga nangyari kanina.Sky at Sandrena. Dalawang pangalan, ngunit iisang tao lamang.Napahawak ako sa aking sentido habang pilit na hinahanap sa aking alaala ang mga pangyayaring maaaring magbigay-linaw sa lahat.Bakit niya kailangang gumamit ng ibang pangalan? Bakit kailangan niyang magtago sa akin nang halos anim na taon? At bakit ngayon lamang siya nagpakita kasama ang dalawang batang sinasabi niyang mga anak ko?Napapikit ako.Wait a minute.Bigla akong natigilan.May isang pangyayari akong matagal nang hindi naiisip. Isang gabing tila walang halaga noon, ngunit ngayon ay maaaring maging susi sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko. Ang gabi bago tuluyang mawala si Sky.Naalala kong may tumawag sa akin noong gabing iyon. Nasa piling ko siya noon, at nang marinig ko ang pag-ring ng aking cellphone, nagpaalam muna akong sagutin iyon.Hindi ko na matandaan kung gaano ka
Chapter 88Chapter 88David POVI needed answers. And this time, I wouldn't let her walk away without giving me one.Pagkabukas ng elevator, mabilis akong naglakad patungo sa aking opisina. Halos hindi ko pinansin ang mga empleyadong nakakasalubong ko. Ang buong isip ko ay nakatuon sa babaeng bigla na lamang bumalik sa buhay ko matapos ang halos anim na taon.Sky O mas kilala niya ngayon bilang Sandrena.Napakuyom ako ng mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagalit, ang malaman na may dalawa akong anak na hindi ko kailanman nakilala o ang mapagtantong ang babaeng hinanap ko noon ay nasa harapan ko na pala, ngunit wala akong ideya kung sino talaga siya.Anim na taon.Halos anim na taon kong hinanap si Sky, ngunit wala akong nakuhang maayos na impormasyon tungkol sa kinaroroonan niya. Para bang naglaho siya sa mundo.Walang bakas. Walang malinaw na address. Walang sinumang makapagsabi kung nasaan siya.At ngayon, nalaman kong Sandrena ang ginamit niyang pangalan upang hindi ko
Chapter 1 Sky POV “Hoy, girl… ilan ang customer mo kagabi?” tanong ng isa kong kasamahan sa club habang nag-aayos kami sa dressing room. “Lima,” maikli kong sagot, walang emosyon. Napanganga siya. “Grabe ka… hindi ba namamaga ‘yang gitnang bahagi mo?” biro niyang may halong paghanga. Umiling l
Chapter 5“Are you done?!” Isang malakas, matapang na boses ang pumutok sa katahimikan ng silid.Bigla akong napalingon, at muntik na akong mahulog ang pluma sa pagkagulat. “Ay, kabayong malaki ang talong!” bulong ko sa sarili, halatang nagulat sa biglang pagtunog ng boses.Ngunit nagtataka ako. An
Chapter 3“So, ikaw pala ang magiging asawa ng tito namin.”Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa sofa, nakapangalumbaba, parang hari kung umasta sa sarili niyang trono. “Diretsuhin na kita,” dagdag niya, malamig ang boses. “Hindi ka pwede sa pamilya namin.” Napangisi ako. “Tsk.” Bahagya akong tum
Chapter 2 “Good. Here’s my contact number. I’ll give you two days,” malamig niyang wika habang inaabot sa akin ang maliit na card. Kinuha ko iyon, pilit pinapanatiling steady ang kamay ko kahit parang may bumibigat sa dibdib ko. Simpleng papel lang ‘yon—pero pakiramdam ko, parang kontrata na magb







