Home / Romance / ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN / Chapter 5: Ang Lihim ng mga Walter

Share

Chapter 5: Ang Lihim ng mga Walter

Author: QuillWhisper
last update Last Updated: 2025-10-15 13:02:21

Tahimik ang gabi sa Walter Estate, ngunit sa loob ng mansion, parang may bagyong paparating.

Sa study room, hawak ni Billie ang isang lumang sobre na galing sa vault ng kanyang ama.

Nakatatak dito ang mga salitang: "Confidential – For Billie Walter Only."

Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang binuksan iyon.

Isang makapal na dokumento, ilang sulat-kamay, at isang lumang picture ang bumungad sa kanya—ang ama ni Mariel, si Dr. Benning, kasama ang kanyang sariling ama, Mr. Walter Sr., sa loob ng planta.

Ngunit ang isa pang papel ang nagpayanig sa puso niya:

“Project Phoenix – Genetic Treatment Proposal, signed by Dr. Benning and Derrick Walter.”

Status: Terminated. Cause: Fatal Accident. Concealed Report.”

Mabilis siyang napatayo. Hindi na siya makatiis. Kinuha niya ang coat niya at lumabas ng kwarto, hawak ang mga dokumento.

Kailangan niyang puntahan si Mariel.

Dali-dali siyang bumaba ng kotse pagkadating nya ng bahay, tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin sa labas at mga kuliglig ang maririnig.

Nakaupo si Mariel sa veranda, may hawak na mainit na tsaa.

Kinakapa niya ang maliit na umbok sa tiyan niya — ang sikreto niyang gustong itago, ngunit bawat araw ay pinapaalala sa kanyang may dahilan pa siya para mabuhay.

Nang biglang bumukas ang gate.

 “Mariel! We need to talk.”

Napatayo si Mariel, nagulat sa biglaang pagdating nito.

 “Billie, gabi na. Ano na naman ‘to?”

Nilapag ni Billie sa mesa ang mga papel, basa ng ulan at galit.

“Tingnan mo ‘to. These are my father’s files. About your dad. About everything.”

Dahan-dahan binasa ni Mariel ang mga dokumento.

Habang lumalalim ang bawat linya, lalong namumutla si Mariel.

 “Ito ‘yung proyekto ng tatay ko… pero bakit nandito sa pangalan ng pamilya mo?”

 “Because they worked together. Pero nang mabuko ng tatay mo na may anomalya sa chemical testing ng planta—si Papa ang nag-utos na itigil ang report.”

Napatingin si Mariel sa kanya, mga matang puno ng luha.

“So you’re saying… your father killed mine?”

 “No! I don’t want to believe that… pero lahat ng ebidensya—lahat ng records—it points to him!”

Tahimik. Ang tanging naririnig ay ang pagpatak ng ulan sa bubong.

“Lahat ng sakit na pinagdaanan ko… ang galit ko sa’yo, sa pamilya mo—lahat pala may dahilan.”

 “Mariel, please… don’t shut me out. I’m trying to fix this. I’ll make it right.”

Biglang pumasok si Rafael, dala ang ilang papel at isang flash drive.

 “Billie, Tama si Mariel. Hindi lang ito simpleng aksidente.”

Lumapit siya, inilapag ang USB sa mesa.

“Ito ‘yung CCTV backup mula sa planta noong araw ng aksidente. Nakuha ko ‘to sa dating security head.”

Nang i-play nila ang video, bumungad ang eksenang sumira sa katahimikan.

Ang ama ni Mariel, nakikipagtalo sa isang lalaki—hindi kay Mr. Walter Sr.—kundi kay Vicky Singson.

“Hindi ako papayag na itago niyo ‘to! Delikado ‘yung formula, Vicky!”

 “Huwag mong gawin ‘to, Doc! Please! My boss will kill me!”

Sumabog ang makina sa likuran, at nagdilim ang screen.

Tahimik. Walang gumalaw.

Hanggang sa nagsalita si Billie, mababa pero mabigat.

 “She was there… Vicky was there the whole time.”

 “Siya ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ko…”

Biglang kumulo ang dugo ni Billie.

Hindi na niya pinigilan ang sarili.

Kinuha niya ang susi ng kotse at sinabing,

“Hindi ko siya palalampasin.” “Rafael, ikaw na muna ang bahala kay Mariel.”

Pagdating nya sa Floral Studio, madilim, walang kailaw-ilaw, sarado na ang shop.

Pero nakapasok si Billie, walang pakialam kahit may alarm.

Nasa loob si Vicky, nag-aayos ng mga bulaklak — parang walang kasalanan.

 “Billie? Anong ginagawa mo rito?”

 “Tell me the truth, Vicky. What really happened that night?”

Tinitigan siya ni Vicky, pero nanatiling kalmado.

“Hindi mo kailangang malaman, Billie. It’s over.”

 “No, it’s not over! You lied about everything—your illness, your love, and now this?! You killed her father!”

“Hindi ako pumatay! I tried to save him, pero sumabog ‘yung lab! I was following your father’s orders!”

Lumapit si Billie, halos magkadikit na ang mukha nila.

“Then why didn’t you tell the truth? Bakit?!”

 “Because I loved you! At alam kong kapag nalaman mo ang totoo, mawawala ka sa’kin! So yes—sinira ko lahat para makuha ka! Pero ginawa ko ‘yon dahil mahal kita, Billie!”

Napatigil si Billie, nanginginig sa galit at awa.

“Love? That’s not love, Vicky. That’s manipulation. You used everyone. You used me.”

 “Kung hindi ako lumaban, ako ang mawawala. Hindi mo alam kung gaano kahirap mahalin ang lalaking hindi ka kailanman pipiliin.”

Tumulo ang luha sa pisngi ni Vicky.

Pero wala nang awa si Billie.

“You chose this path. Now, live with it.”

Tumalikod siya at lumabas ng shop, iniwan si Vicky sa gitna ng mga bulaklak na unti-unting nalalanta.

Bumalik si Billie sa bahy, basang-basa ng ulan.

Naabutan niyang si Mariel ay nakaupo sa sofa, yakap ang isang unan, tahimik pero halatang umiiyak.

Lumapit siya, marahang naupo sa tabi.

“Mariel, tapos na. Hindi na makapag-sinungaling si Vicky. At… may isa pang bagay akong dapat malaman.”

Tahimik si Mariel. Hindi niya magawang tumingin.

“Billie, huwag muna ngayon…”

 “Please, Mariel. I deserve to know.”

Napakapit si Mariel sa tiyan niya.

Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita.

 “Buntis ako, Billie.”

Para siyang tinamaan ng kidlat.

Hindi agad nakapagsalita si Billie — parang hindi niya alam kung iiyak o ngingiti.

 “Mariel… buntis ka?”

Tumango si Mariel, nanginginig ang kamay.

“Two months na. Nalaman ko ‘yon noong araw na nilagdaan natin ang divorce papers.”

Natahimik bigla ang paligid ng ilang segundo.

Tumingin si Billie sa kanya, puno ng panghihinayang sa sinayang na pag-ibig.

“Kung alam ko lang… kung sinabi mo lang…”

“At ano? Babalikan mo lang ako dahil may anak tayo?”

Hindi nakasagot si Billie.

Ngunit lumapit siya, hinawakan ang mukha ni Mariel.

 “Hindi. Babalikan kita dahil mahal pa rin kita. At ngayon, mas may dahilan akong lumaban — para sa’yo, para sa anak natin.”

Nanginig ang labi ni Mariel.

“Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan, Billie. Lahat ng tiwala ko, nawasak. Pero kapag tinitingnan kita ngayon… parang gusto ko ulit maniwala.”

Hinaplos ni Billie ang tiyan niya, may halong takot at saya.

“Bibigyan ko kayo ng magandang buhay na nararapat sa inyo. Hindi na ako papayag na masaktan ka ulit.”

Biglang bumukas ang pinto — si Rafael, may sugat sa labi, hingal na hingal.

 “Billie, Mariel… umalis na si Vicky. She took something from the company vault — the original report ng Project Phoenix. At sinabi niyang, ‘Kung hindi ako kay Billie, walang makakakuha ng katotohanan.’”

Napatayo si Billie, galit na galit!.

 “Hindi siya pwedeng makatakas. ‘Yung report na ‘yon, ‘yun ang magpapatunay na involved ang ama ko sa lahat!”

 “Mag-ingat kayo. She’s not the same Vicky anymore. Parang desperada na siya.”

 “Billie, huwag mo na siyang habulin. Delikado ‘yon.”

Lumapit si Rafael at tumingin kay Billie, seryoso.

“I’ll go with you. Hindi kita hahayaang mag-isa.”

Tinitigan sila ni Mariel, halatang takot.

“Please… don’t leave me.”

Lumapit si Billie, marahang hinalikan ang noo niya.

“Babalik ako, I promise. Para sa atin.”

Sa isang abandoned warehouse ay napakadilim ng paligid, naroon si Vicky, hawak ang report at isang lighter.

 “Lahat ng ito, sinakripisyo ko para sa kanya. At sa huli, ako pa rin ang talo.”

Dumating sina Billie at Rafael.

“Vicky! Drop that lighter!”

Humarap si Vicky, umiiyak pero ngumingiti.

“You think you’ve won, Billie? Pag nawala ‘tong report na ‘to, mawawala rin lahat ng ebidensya laban sa pamilya mo.”

 “Huwag mong gawin ‘yan! Hindi lang pamilya ni Billie ang masasaktan — pati pamilya ng lahat ng biktima ng planta!” sigaw ni Rafael.

Tumingin si Vicky kay Billie, luhaang nagsalita:

“Alam mo ba kung gaano kasakit magmahal sa maling tao? Yung alam mong hindi ka kailanman pipiliin?”

Itinaas niya ang lighter.

“Pero kung mawawala ako, isasama ko lahat ng sekreto n’yo!”

Mabilis na lumapit si Billie, hinampas ang kamay niya.

Nagliyab ang ilang papel, pero agad silang tinulungan ni Rafael na apulahin.

Nagkagulo, sumabog ang maliit na bahagi ng mesa.

Tumalsik si Vicky, nasugatan, ngunit bago pa siya mawalan ng malay, mahina siyang nagsabi:

“Billie… I just wanted to be loved…”

Tahimik.

Dumating ang mga pulis.

Inaresto si Vicky at dinala sa ospital.

Lumipas ang dalawang linggo.

Tahimik na naglalakad si Billie sa park kung saan madalas maupo si Mariel.

Hawak niya ang ultrasound photo — isang maliit na imahe ng pag-asa.

Nakaupo roon si Mariel, nakangiti sa kanya sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon.

 “Hindi ko alam kung paano kita patatawarin, Billie. Pero siguro, this time… hayaan muna natin ang pag-ibig ang magturo kung paano.”

Lumapit si Billie, hinawakan ang kamay niya.

“Hindi ko alam kung deserve ko pa ‘to. Pero gusto kong subukan, araw-araw, hanggang matutunan mong muli akong pagkatiwalaan.”

Niyakap siya ni Mariel — hindi bilang asawa, kundi bilang dalawang pusong parehong sugatan pero handang muling magmahal.

Sa di kalayuan, tahimik na nakatayo si Rafael, hawak ang camera, kinukuhanan ang eksena.

 “Minsan, ang pinakamagandang larawan ay ‘yung may sugat — kasi doon mo makikita kung gaano kalalim ang pagmamahal.”

At habang pinapatuyo ng hangin ang luha sa pisngi ni Mariel, naramdaman niyang sa wakas —

ang mga lihim ng nakaraan ay natuldukan na,

at isang bagong simula ang unti-unting nabubuo para sa kanila.

Tuluyan na nga bang maging masaya ang pagsasama nina Billie at Mariel?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Character Dossier

    1. Mariel Vance (Ang Biktima, Ang Arkitekto, Ang Malaya)Papel: Ang bida na naging sentro ng obsesyon nina Billie at Rafael.Ebolusyon: Nagsimula bilang isang inosenteng ulila na naging "contract wife." Dumaan sa matinding sikolohikal na trauma sa Switzerland at Italy, ngunit sa huli ay natagpuan ang lakas na talikuran ang parehong lalaki upang mahanap ang sariling pagkatao.Huling Katayuan: Naninirahan nang payapa sa Batanes. Isang simbolo ng paghilom at pag-asa, na piniling mabuhay nang walang panginoon o tagapagtanggol.2. Billie Vance (Ang Madilim na Arkitekto)Papel: Ang antagonist na naging "anti-hero" sa huli. Ang asawang mayaman, matalino, at obsesya

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Special Chapter

    SPECIAL CHAPTER: Ang Pamana ng GuhoSampung Taon Makalipas.Ang simoy ng hangin sa Batanes ay nananatiling malinis, ngunit para kay Elara Miller-Vance, ang bawat ihip nito ay may dalang mga bulong na siya lamang ang nakakaunawa. Sa edad na dalawampu't lima, dala ni Elara ang kagandahan ni Elena at ang matalas na paningin ni Liam Miller. Siya ay isang arkitekto—hindi ng mga sikretong kulungan o ng mga manipuladong buhay, kundi ng mga istrukturang nagbibigay-silong sa mga batang nawalan ng tahanan.Nakatayo siya sa harap ng Sanctuary of the Void, isang foundation na itinayo niya gamit ang maliit na bahagi ng kayamanang iniwan ni Billie Vance. Hindi niya ito ginamit para sa luho, kundi para sa paghi

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   EPILOGUE

    EPILOGUE: Ang Huling Arkitektura ng PusoPitong taon na ang lumipas mula nang gumuho ang tore sa Maratea at nilamon ng dagat ang huling hininga ni Billie Vance. Sa loob ng pitong taon, ang mundo ni Mariel ay hindi na dinesenyo ng mga gintong panulat o ng mga blueprint ng kanyang ama. Sa halip, binuo niya ito mula sa mga simpleng bagay: ang amoy ng bagong saing na kanin, ang tunog ng tawa ni Elara habang naglalaro sa dalampasigan ng Batanes, at ang katahimikan ng mga gabing siya lamang ang nagmamay-ari ng kanyang isip.Dito sa dulo ng Pilipinas, kung saan ang mga bahay ay gawa sa matitigas na bato upang makayanan ang pinakamalalakas na bagyo, natagpuan ni Mariel ang kanyang tunay na kuta. Wala nang salamin. Wala nang mga camera. Tanging ang malayang hangin na nagmumula sa P

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 72

    [Ang Dambana ng mga Sugat]Ang hangin sa Maratea ay humahagupit sa mga luma at batong pader ng kastilyo, dala ang alat ng dagat at ang lamig ng paparating na unos. Sa loob ng Room 404, ang liwanag ng mga kandila ay sumasayaw sa mga mukha ng tatlong taong pinag-isa ng poot, dugo, at isang pag-ibig na kasing-dilim ng gabi.Nakatayo si Billie Vance sa harap ni Rafael, ang dulo ng kutsilyo ay kumikislap sa pagitan nila. Si Mariel ay nakatitig, ang kanyang hininga ay tila nabaon sa kanyang lalamunan. Ang bawat segundo ay tila isang dekada ng paghihirap."Isang huling kontrata, Shadow," ulit ni Billie, ang kanyang boses ay tila isang kaluluwang nanggagaling sa hukay. "Piliin mo. Ang maging mamamatay-tao para sa kanya, o ang panoorin akong bawiin siya sa'yo habambuhay."Hinawakan ni Rafael ang puluhan ng kutsilyo. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagod at sa lason ng selos na unt-unting lumalamon sa kanyang katinuan. Tumingin siya kay Mariel, ang kany

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 71

    [Ang Pintig ng Obsesyon]Ang gabi sa Sicily ay hindi nagdala ng kapayapaan. Sa halip, ang balitang natanggap ni Rafael ay nagsilbing isang malamig na agos ng tubig na gumising sa kanyang mga natutulog na pangamba. Ibinalita sa kanya ng kanyang mga contact na bagaman natagpuan ang bangkay ni Liam Miller sa ilalim ng guho ng San Pietro, ang bangkay ni Billie Vance ay tila naglaho na parang bula. Isang rescue pod ang nawawala.Sa loob ng villa, ang amoy ng lumang kahoy at namamatay na kandila ay nagbigay ng isang mabigat na atmospera. Dahan-dahang pumasok si Rafael sa silid kung saan mahimbing na natutulog si Mariel sa tabi ni Elara. Pinanood niya ang bawat paghinga ni Mariel. Ang babaeng ito ang kanyang buhay, ang kanyang sentro, ngunit pakiramdam niya ay may isang anino pa ring nakatayo sa pagitan nilang dalawa.Hindi siya makapaniwala. Si Billie—ang lalaking binuo ang isang mala-impyernong laro para lang maangkin si Mariel—ay buhay. At kung buhay siya, alam ni Rafael na hindi ito hihi

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 70

    [Ang Hibla ng Nakaraan sa Dugo ng Bukas]Ang dagat ay naging isang dambuhalang salamin ng pilak sa ilalim ng madaling-araw. Wala na ang nagngangalit na apoy ng San Pietro; tanging ang usok na lamang na humahalik sa ulap ang nagpapaalala sa impyernong kanilang nilisan. Sa loob ng maliit na life raft, ang bawat pag-alon ay tila isang oyayi na nagpapatulog sa pagod na katawan nina Rafael at Elara.Ngunit para kay Mariel, walang tulog na darating. Nakatitig siya sa kanyang pulso, sa balat kung saan kanina lang ay nakaukit ang katagang Property of Vance. Kahit wala na ang digital na marka, tila nararamdaman pa rin niya ang init nito—isang pasong hindi kayang gamutin ng tubig-alat."Mariel..." mahinang tawag ni Rafael. Bahagya itong gumalaw sa kanyang kandungan. Ang mga sugat nito sa mukha ay nagsisimula nang matuyo, ngunit ang pagod sa kanyang mga mata ay hindi mabubura ng isang gabing pahinga. "Bakit gising ka pa? Malapit na tayo sa rescue point ng The Compass.""Iniisip ko lang..." bulon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status