Ang gabi ay tila walang katapusan. Sa labas ng bahay ni Rafael, malakas ang ulan, at tahimik lang si Mariel sa loob, nakaupo sa sala habang tinitingnan ang mga lumang litrato nila ni Billie.
Kumikirot ang dibdib niya, habang napaisip.
Ilang taon ng pagsasama, at ngayon, tila lahat ay nalason at nilunod na ng kasinungalingan.Lumapit si Rafael na basang basa ang balikat dahil sa ulan, hawak hawak niya ang isang folder.
Tahimik niyang inilapag sa mesa at tumingin kay Mariel.“Bago mo sabihin na ayaw mo nang marinig, pakinggan mo muna ako, Mariel,” sabi ni Rafael, mahinahon pero puno ng bigat ang nararamdaman para sa babaeng minamahal.
“Ito… ito ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng ama mo.”Napakunot ang noo ni Mariel.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
Binuksan ni Rafael ang folder — mga litrato, dokumento, resibo, mga email printout.
“Ito ang mga ebidensya na matagal nilang itinago. Ang ama mo, hindi siya basta nag-collapse sa opisina. May report ng sapilitang pagtanggal, at isang confidential payment mula sa Walter Group… ilang linggo bago siya namatay.”
Dali-daling kinuha ni Mariel ang folder at binuksan ito, nanginginig ang kamay ni Mariel habang binabasa ang mga nakasulat sa dokumento.
“Ibig mong sabihin… binayaran nila ang katahimikan ni Papa?”
Tumango si Rafael.
“At ang pinaka-masakit? Si Vicky Singson ang nag-asikaso ng lahat ng papeles. Siya rin ang nagkunwaring may sakit — para maipit si Billie at mapalayas ka sa buhay niya.”
“Hindi… hindi totoo ‘yan…”
“Mariel, totoo ‘yan. Lahat ng nakikita mo riyan, pinagtibay ko na. May mga kopya sa press. Hindi na nila matatakpan ito.”Napatakip ng bibig si Mariel, gusto nyang sumigaw sa galit, nanginginig.
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.“Ginamit nila si Billie… ginamit nila kami pareho.”
Lumapit si Rafael, marahang hinawakan ang kamay niya.
“Hindi mo kasalanan, Mariel. Pero oras na para lumaban. Hindi na ikaw ang tahimik na asawa na kayang apak-apakan.”
Sa opisina ni Billie Walter, mag-isa siyang nakaupo sa dilim.
Basag ang bote ng alak sa tabi niya, at nakakalat ang mga lumang litrato nila ni Mariel.“Mariel…” bulong niya, sabay tawa ng mapait.
“Sinira ko ang lahat, ‘no? Para sa babaeng niloko lang pala ako.”Pumasok ang sekretaryang umiiyak.
“Sir, may balita—lumabas na sa media ang dokumento tungkol sa pandaraya ng Walter Group. Sinusugod na po ng mga reporter ang gate.”
Napahinto si Billie.
“A…Ano?!”
“At, sir… may pangalan po ni Miss Vicky sa mga dokumento.”Biglang lumabas si Billie, galit na galit, hawak ang cellphone.
Tinawagan niya si Vicky.“Vicky! Sagutin mo ako!”
“Billie… please, calm down—” “Huwag mo akong macalm down dyan! Lahat ng ebidensya galing sa’yo! Ikaw ang may pakana ng lahat!” “Hindi ako nag-iisa, Billie. Alam mong may mga taong mas mataas pa ang position kesa sa ama mo” “Itigil mo na ‘yan! Ginamit mo ako, niloko mo ako, sinira mo si Mariel!”“Ginamit kita? Hindi, Billie. Mahal kita. Pero mahal mo pa rin siya, ‘di ba? Kahit iniwan mo sya, at ako ang kasama mo, siya pa rin ang laman ng isip mo gabi-gabi.”
Hindi na nakasagot si Billie. Ang puso niya’y sumisigaw ng pagsisisi.
“Vicky…” bulong niya, nanginginig ang kamay. “Kung may natitira pa sa konsensya mo, umalis ka na. Dahil sisirain ko lahat ng itinayo ni Papa kung kailangan.” sabay baba ng telepono, habang nanggagalaiti pa rin ito sa galit sa nangyari at sa kanyang sarili.
Ilang araw ang lumipas.
Ang lungsod ay puno ng bulong-bulungan—dahil saiskandalo ng mga Walter, paghihiwalay, at mga lihim na natuklasan. At sa isang malaking charity event, magtatagpo silang muli.Pumasok si Mariel, suot ang puting gown, kasabay si Rafael.
Tahimik pero matatag ang kanyang lakad. Akala mo’y handa ng makipaglaban. Ang lahat ng kamera ay nakatutok sa kanila.Sa dulo ng hall, nakatayo si Billie — maputla, nangangayayat, tila ilang araw nang hindi natutulog at kumakain. Napabayaan nya na ang kanyang sarili.
“Mariel…” mahina niyang tawag.
“Billie.” malamig na sagot.“Pwede ba tayong mag-usap?”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, malinaw na ang lahat.”“Mariel, pakiusap. Hindi ko alam… hindi ko alam na pinatay nila ang ama mo. Akala ko noon, ginagawa ko ang tama. Pinilit nila akong hiwalayan ka!”
“At naniwala ka naman agad? Ganun lang kadali, Billie? Ganun lang kadali burahin ang pitong taong pinagsamahan natin?”
“Hindi mo naiintindihan!” sigaw ni Billie, halos mabasag ang boses.
“Ginawa ko ‘yun dahil akala ko mamamatay si Vicky! Akala ko ako ang dahilan kung bakit siya nagkasakit!”“Akala mo, akala mo! Pero ni minsan ba naiisip mo kung anong pakiramdam ng taong iniwan mo?”
“Mariel, please…” “Siniraan mo ako sa lahat! Tinanggalan mo ako ng pangalan, ng karapatan, ng pagkatao! At ngayon, lalapit ka at may mukha ka pang humingi ng tawad?” You’re selfish!“Oo!” sigaw ni Billie, luhaan. “Dahil hindi ko na kaya ang bigat ng kasalanan ko! Mahal pa rin kita!”
Tahimik ang buong bulwagan.
Lumapit si Rafael, mahinahon pero matalim ang tinig.“Tama na, Billie. Hindi mo na siya pag-aari. Tapos na.”
“At ikaw? Sino ka para magsalita?!” singhal ni Billie. “Ako ang taong nando’n nung pinagtatawanan mo siya. Ako ang umalalay sa kanya nung halos mawalan siya ng malay sa ospital. Ako ang nagbabalik ng buhay niya habang ikaw, pinipili mong maniwala sa kasinungalingan!”Galit na galit si Billie, sinugod si Rafael, at muntik na niyang suntukin—
pero hinarang siya ni Mariel.“Tama na! Wala na kayong pinagkaiba kung pareho kayong magpatayan sa harap ng mga tao!”
“Mariel…” “Alam mo, Billie,” sabi niya habang umiiyak, “ang pinakamasakit sa lahat ay hindi ‘yung iniwan mo ako. Ang mas masakit, pinaniniwalaan mong kaya kong manira ng tao para lang mapansin mo ulit ako.”Tahimik si Billie, tila binagsakan ng langit.
“Mariel, kung pwede lang ko lang ibalik ang dati, babaguhin ko lahat. I would trade everything—my name, my money, my company—just to win you back.”
“Pero huli na, Billie,” malamig niyang sagot.
“Hindi mo pwedeng bilhin ang respeto at tiwala ng isang taong ikaw rin mismo ang sumira.”Iniwan na nga nina Mariel at Rafael si Billie na napaupo na lamang sa sahig habang umiiyak ng pagsisisi.
Kinabukasan, naglabasan sa media ang lahat ng ebidensya.
Ang Walter Group ay nalugi, si Vicky ay tumakas, at si Billie ay nagbitiw sa lahat ng posisyon.Sa loob ng kanyang kotse, mag-isa siyang umiyak.
Hawak niya ang wedding ring na minsang ibinalik ni Mariel.“Mariel… patawarin mo ‘ko,” bulong niya, umiiyak.
“Ikaw lang ang minahal ko ng totoo, pero ako rin ang sumira sa’yo.”Lumabas siya ng kotse at lumakad sa ulan, walang direksyon.
Sa kanyang likuran, dahan-dahang dumating si Rafael, hawak ang payong.“Billie.”
“Rafael…” “Hindi ako ang kaaway mo. Pero kailangan mong harapin ang katotohanan. Ang pag-ibig, hindi sinusukat sa sakripisyo ng iba. Kung talagang mahal mo siya, hayaan mong lumaya siya.”Tahimik si Billie, pero sa huling sandali, tumingin siya kay Rafael at marahang tumango.
“Alagaan mo siya, Rafael.”
“Gagawin ko,” sagot ni Rafael, “pero hindi para agawan ka. Gagawin ko dahil karapat-dapat siya sa kapayapaan.”Makalipas ang ilang linggo, nagtagumpay si Rafael sa paglalathala ng buong kwento.
Si Mariel ay nagsimula ng magtayo ng sariling foundation para sa mga babaeng nalinlang at nasaktan. At sa unang araw ng paglulunsad, nagkita silang dalawa sa tabing-dagat.Tahimik, magkahawak ang kamay.
“Rafa…”
“Hmm?” “Salamat. Kung hindi dahil sa’yo, baka hindi ko na natutunang patawarin ang sarili ko.”Ngumiti si Rafael.
“Ang sakit ay parang alon, Mariel. Una, lulubog ka. Pero kapag natutunan mong lumangoy, hindi ka na matatakot kahit gaano kalalim.”
Ngumiti si Mariel, tumingin sa malayo.
At sa hangin, tila may bulong ng isang pamilyar na tinig:“Patawad, Mariel…”
Lumipad ang isang piraso ng papel mula sa dagat — lumang litrato nila ni Billie, nakasulat sa likod:
“Kung may pagkakataon pang mabuhay muli, pipiliin pa rin kita.”
Ngumiti si Mariel habang pinupunit ang larawan.
“Hindi ko na kailangan pang balikan ang nakaraan para malaman kung kaya ko ng magmahal ulit.”
At sa tabi niya, mahigpit na hinawakan ni Rafael ang kamay niya —
isang pangako ng panibagong simula.“Tonight, we move.”Maiksi pero mabigat ang salitang binitawan ni Marcus habang nakatayo sa harap ng mesa. Sa likod, kumikislap ang screen ng laptop, nakabukas ang blueprint ng Walter Tower, ang mismong headquarters na pinaglalaban ng lahat.Tahimik lang si Mariel sa gilid, halatang kinakabahan, ngunit may apoy sa mga mata — handang harapin ang kalaban, anuman ang mangyari.Abala naman si Rafael sa paglalagay ng earpiece, kalmado ngunit alerto; at si Billie nama’y hawak ang cellphone, tahimik na tinititigan ang litrato ng babaeng pinakamamahal niyang si Mariel, bago ito dahan-dahang isinilid sa bulsa.At doon nagsimula ang gabing magbabago sa kanilang lahat.
Mahinang ilaw lang ang nagbibigay-buhay sa malamig na silid. Ang tunog ng mga cooling fans ay humahaplos sa katahimikan, habang kumikislap ang daan-daang LED lights, tila mga matang nagmamasid mula sa dilim.Nakatayo si Marcus, tahimik, nakatitig sa holographic screen na punô ng gumagalaw na data streams. Matangkad siya, pino kung kumilos, at may titig na parang kayang basahin ang utak ng kausap.Sa likod niya, pumasok si Vicky, bitbit ang isang wine glass. Ang tunog ng kanyang takong ay mahinang pumapalo sa sahig, parang ritmo ng babalang paparating.
KABANATA 13 – “Phase Two: The Lies We Live”Tahimik ang gabi. Sa isang lumang resthouse sa labas ng siyudad, naroon sina Mariel, Rafael, at Billie.May benda si Billie sa balikat dahil sa tama ng bala, habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Si Mariel naman ay abala sa laptop, sinusubukang buksan ang laman ng flash drive.Sa kabila ng mga sugat, iba ang pintig ng gabi — halong kaba, pag-ibig, at mga lihim na handang sumabog anumang oras.“Hindi ko ma-access ‘yung file… naka-encrypt.” “Let me try,” boluntaryong sabi ni Rafael. “Don’t. The file’s rigged
Tahimik ang buong bahay. Tanging ugong ng hangin at mahinang patak ng ulan ang maririnig mula sa labas.Ngunit sa loob ng safe house, may bagyong mas malakas, hindi ulan, kundi mga damdamin.”Si Rafael, nakatayo sa sala, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinitingnan ang isang encrypted message mula sa hindi kilalang numero. “You think she’s safe? You’re wrong.”Huminga siya nang malalim. “They found us again,” bulong niya. Dumating si Billie, su
Ang ulan ay walang tigil at patuloy na bumubuhos. Sa labas ng safe house, ramdam ni Mariel ang lamig na tila dumidikit sa kanyang balat. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana, habang pinagmamasdan si Billie na may benda sa braso at si Rafael na abala sa laptop. Pareho silang seryoso—pero iba ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang tatlo.“I checked the CCTV files again. May dalawang lalaki na nakita sa paligid kagabi. Hindi ko mga tauhan yon. Mukhang kay Vicky ‘yon.” “So… she really won’t stop.”Napabuntong-hininga si Billie ng malalim. “She won’t, not until she gets what she wan
KABANATA 10 - Sa Gitna ng Apoy at LihimTeaser:Habang lalong lumalalim ang gabi, isang lihim na email ang matatanggap ni Rafael…mula sa taong may initial na “M.”Ang laman nito? Isang larawan nina Vicky at… ang ama ni Mariel, na buhay pa pala.—-----------------------------------------------------------------------------------------------------“Hindi pa rin kayo natutulog?” Mahinang boses ni Mariel mula sa veranda. Hawak niya ang mug ng kape, nanginginig ang mga daliri.“Hindi pa,” sa