Ang araw ay maulap, parang alam ng langit na may mabigat na katotohanan ang mabubunyag.
Sa bahay ni Mariel, tahimik ang paligid. Nasa mesa silang dalawa ni Billie, magkatapat, ngunit tila napakalayo pa rin ng pagitan nila.May dalawang tasa ng kape sa pagitan nila—parehong malamig na, tulad ng mga salitang ayaw pa nilang bigkasin.
“Salamat… sa pagpayag mong makausap ako ulit.” Tiningnan niya si Mariel, pilit hinahanap ang lambing na minsang kanya. “Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit.”“Baka kasi hindi naman talaga kailangan magsimula ulit, Billie. Baka kailangan lang natin tapusin nang maayos.”
Tahimik.
Umihip ang hangin sa labas, parang bulong ng nakaraan. Bubuka sana ang bibig ni Billie nang biglang tumunog ang cellphone ni Mariel — tawag mula kay Rafael.“Mariel, may kailangan kang makita. Tungkol kay Vicky… at sa tatay mo.”
Napalunok si Mariel, parang natuyuan ng lalamunan.
“Tungkol sa tatay mo? Anong ibig niyang sabihin?” “Hindi ko alam… pero kailangan nating malaman.” Tumayo siya, mabilis na kinuha ang bag. “Sumama ka, Billie. Mas mabuti nang sabay nating harapin.”Pagdating nila sa Walter Estate Library Room, sinalubong sila ni Rafael — seryoso, halatang may mabigat na dala.
Sa mesa, may nakakalat na mga lumang folder, mga dokumento, at isang USB. Sa tabi, nakatayo si Vicky, maputla, nanginginig.“Hindi ko dapat pinakikialaman ‘to, pero nang makita ko ‘yung mga file sa lumang storage ng kumpanya... hindi ko na kayang manahimik.”
Kinuha ni Rafael ang laptop, inilagay ang USB, at pinindot ang “play.”
Lumabas sa screen ang mukha ng ama ni Mariel — si Dr. Edgardo Benning. Pagod, marungis, pero determinado.“Kung may mangyari sa akin, ang dapat n’yong tanungin ay si Vicky Singson. Siya ang huling taong nakausap ko bago sumabog ang lab sa planta…”
Tumigil ang video.
Tahimik. Tanging hinga lang ni Mariel ang maririnig — mabigat, mabilis.“Hindi… hindi totoo ‘to…”
Lumapit siya kay Vicky, halos manginig sa galit. “Sabihin mong hindi totoo, Vicky!”“Hindi ko sinasadya, Mariel! Hindi ko sinadya!”
“Ano’ng hindi sinasadya, Vicky?! Niloko mo na nga ako, ngayon pati pamilya niya dinamay mo?!”
“Utos ‘yon ng tatay mo, Billie! Si Mr. Walter Sr. ang nag-utos! Gusto niyang itago ‘yung defective chemical batch—at si Dr. Benning lang ang gustong mag-report sa media! Pinadala ako para ‘kausapin’ siya… pero nagkagulo… nasunog ‘yung lab!”
Napatitig si Billie sa kanya, parang hindi makapaniwala.
Parang sumabog ang lahat ng ingay sa paligid, hanggang tanging sariling hinga na lang niya ang marinig.“Hindi… hindi posible… si Papa?!”
“Lahat ng ginawa ko, para maprotektahan ka, Billie! Para hindi ka madamay!”“Protektahan? Or gusto mo lang makuha ang lahat—pati buhay ng ama niya?!”
“Mariel, please… I was young, desperate… wala akong choice!”
“Lahat tayo may choice, Vicky. Pero ikaw lang ang pumili ng kasinungalingan!”
“Ginawa ko lang ang sinabi ng mga Walter! Hindi ko alam na mauuwi sa ganito!”
“Enough, Vicky! You’re lying! Sinungaling ka!”
Lumapit si Billie, halos idikit ang mukha kay Vicky.
Ang mga mata nito, punô ng takot at pagsisisi.“Hindi mo alam, Billie… pati ikaw may kasalanan.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?!”“Alam mo bang ‘yung fund na ginamit para sa research ng tatay ni Mariel—galing sa kumpanya n’yo? Lahat ng pera, pinirmahan mo! Ikaw ang nag-approve ng budget para sa project na sumabog! Kung tutuusin, kasabwat ka rin!”
Napatigil si Billie.
Parang tinanggalan ng hangin ang dibdib niya. “No… that can’t be true…”“Kasama ka sa lahat ng ‘to, Billie? Alam mo bang dugo ng tatay ko ang ibinayad para sa mga kasinungalingan ng pamilya n’yo?!”
“Mariel, hindi ko alam! God, kung alam ko lang—hindi ko hahayaang mangyari ‘to!”
“Lagi kang may dahilan, Billie! Lagi kang may ‘kung alam ko lang’! Pero habang nagtatakip ka sa kanila, kami naman ang nawawasak!”
Naiyak si Rafael, hindi na rin mapigilan.
Lumapit siya sa pagitan nila. “Stop this, both of you. Hindi ito ang tamang oras para magsisihan.”“Hindi mo ako pwedeng itapon, Billie! Lahat ng ginawa ko—ginawa ko dahil mahal kita!”
“Hindi ‘yan pagmamahal, Vicky! Obsession ‘yan! Ginamit mo ang salitang ‘love’ para takpan ang lahat ng kasalanan mo!”
“At ikaw? Ginamit mo ako! Ginamit mo ang pag-ibig ko para kalimutan ang pagkamatay ng asawa mong si Mariel noon! Don’t act like you’re the victim here!”
Nagulat si Mariel.
“Ano’ng ibig mong sabihin—‘asawa’? Billie, totoo ba ‘yan?”Tahimik.
Hindi makatingin si Billie kay Mariel.“Hindi niya sinabi sa’yo? Si Billie, pinakasalan ako sa Vegas… out of pity. Kasi akala niya mamamatay na ako sa ‘cancer’ na ako rin ang nag-imbento.”
Napasigaw si Mariel.
“Billie! Paano mo nagawang itago ‘to sa’kin?!”“Mariel, wala ‘yong saysay! Hindi ko siya mahal! Nagpakasal ako dahil akala ko—mamamatay na siya! I just wanted to do the right thing!”
“The right thing? Ang tamang gawin? O ang mas madaling takbuhan?”
Tahimik.
Tumulo ang luha ni Mariel. Si Vicky naman, ngumisi habang humahagulgol.“See, Mariel? He’s not your savior. He’s just another Walter—liar, coward, and destroyer.”
“Get out, Vicky. Umalis ka bago ko makalimutan na babae ka.”
“Billie! Mahal kita! Lahat ‘to, ginawa ko dahil mahal kita!”
“Hindi ‘yan pag-ibig. ‘Yan ang dahilan kung bakit nasira ang lahat. Tapos na ‘yan. Alis!”
Tahimik.
Umalis si Vicky, luhaan, nanginginig, at naglaho sa dilim.Naiwan sina Mariel, Billie, at Rafael sa gitna ng library.
Tahimik. Lahat ay pagod, basang-basa ng luha at katotohanan.Lumapit si Billie, marahang hinawakan ang balikat ni Mariel.
“Mariel… kung alam ko lang, sana noon pa kita pinaniwalaan. Sana ako ang nagprotekta sa’yo.”“Wala nang saysay ‘yung ‘sana,’ Billie. Pero siguro, tama si Rafael—minsan, kailangan nating harapin ang lahat para makalaya.”
“Mariel… gusto kong bumawi. Hindi lang dahil sa guilt… kundi dahil mahal pa rin kita.”
Nagkatinginan silang dalawa—mata sa mata, sugat sa sugat.
Si Rafael, nakatayo sa gilid, tahimik pero wasak din ang puso. “Mariel… kung sakaling masaktan ka ulit, alam mo kung saan mo ako hahanapin.”Naiwan ang dalawa sa gitna ng dilim ng silid, nakatingin sa lumang larawan ng ama ni Mariel.
Lumapit si Billie, mahigpit na niyakap siya. “I’ll protect you this time, Mariel. Kahit laban pa sa sarili kong pamilya.”At sa yakap na iyon, sa unang pagkakataon, bumigay si Mariel.
Naramdaman niya ang init ng isang pag-ibig na pilit pinapatay ng nakaraan. Ngunit sa ilalim ng kanyang blouse, unti-unting gumalaw ang lihim na buhay sa kanyang sinapupunan— isang sikretong magpapabago sa lahat.“Tonight, we move.”Maiksi pero mabigat ang salitang binitawan ni Marcus habang nakatayo sa harap ng mesa. Sa likod, kumikislap ang screen ng laptop, nakabukas ang blueprint ng Walter Tower, ang mismong headquarters na pinaglalaban ng lahat.Tahimik lang si Mariel sa gilid, halatang kinakabahan, ngunit may apoy sa mga mata — handang harapin ang kalaban, anuman ang mangyari.Abala naman si Rafael sa paglalagay ng earpiece, kalmado ngunit alerto; at si Billie nama’y hawak ang cellphone, tahimik na tinititigan ang litrato ng babaeng pinakamamahal niyang si Mariel, bago ito dahan-dahang isinilid sa bulsa.At doon nagsimula ang gabing magbabago sa kanilang lahat.
Mahinang ilaw lang ang nagbibigay-buhay sa malamig na silid. Ang tunog ng mga cooling fans ay humahaplos sa katahimikan, habang kumikislap ang daan-daang LED lights, tila mga matang nagmamasid mula sa dilim.Nakatayo si Marcus, tahimik, nakatitig sa holographic screen na punô ng gumagalaw na data streams. Matangkad siya, pino kung kumilos, at may titig na parang kayang basahin ang utak ng kausap.Sa likod niya, pumasok si Vicky, bitbit ang isang wine glass. Ang tunog ng kanyang takong ay mahinang pumapalo sa sahig, parang ritmo ng babalang paparating.
KABANATA 13 – “Phase Two: The Lies We Live”Tahimik ang gabi. Sa isang lumang resthouse sa labas ng siyudad, naroon sina Mariel, Rafael, at Billie.May benda si Billie sa balikat dahil sa tama ng bala, habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Si Mariel naman ay abala sa laptop, sinusubukang buksan ang laman ng flash drive.Sa kabila ng mga sugat, iba ang pintig ng gabi — halong kaba, pag-ibig, at mga lihim na handang sumabog anumang oras.“Hindi ko ma-access ‘yung file… naka-encrypt.” “Let me try,” boluntaryong sabi ni Rafael. “Don’t. The file’s rigged
Tahimik ang buong bahay. Tanging ugong ng hangin at mahinang patak ng ulan ang maririnig mula sa labas.Ngunit sa loob ng safe house, may bagyong mas malakas, hindi ulan, kundi mga damdamin.”Si Rafael, nakatayo sa sala, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinitingnan ang isang encrypted message mula sa hindi kilalang numero. “You think she’s safe? You’re wrong.”Huminga siya nang malalim. “They found us again,” bulong niya. Dumating si Billie, su
Ang ulan ay walang tigil at patuloy na bumubuhos. Sa labas ng safe house, ramdam ni Mariel ang lamig na tila dumidikit sa kanyang balat. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana, habang pinagmamasdan si Billie na may benda sa braso at si Rafael na abala sa laptop. Pareho silang seryoso—pero iba ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang tatlo.“I checked the CCTV files again. May dalawang lalaki na nakita sa paligid kagabi. Hindi ko mga tauhan yon. Mukhang kay Vicky ‘yon.” “So… she really won’t stop.”Napabuntong-hininga si Billie ng malalim. “She won’t, not until she gets what she wan
KABANATA 10 - Sa Gitna ng Apoy at LihimTeaser:Habang lalong lumalalim ang gabi, isang lihim na email ang matatanggap ni Rafael…mula sa taong may initial na “M.”Ang laman nito? Isang larawan nina Vicky at… ang ama ni Mariel, na buhay pa pala.—-----------------------------------------------------------------------------------------------------“Hindi pa rin kayo natutulog?” Mahinang boses ni Mariel mula sa veranda. Hawak niya ang mug ng kape, nanginginig ang mga daliri.“Hindi pa,” sa