Pawisang napabalikwas si Roxane mula sa pagkakahiga, habol-habol ang kanyang paghinga. Sariwa pa rin sa kanyang isip ang masamang panaginip—ang putok ng baril, ang iyak ng kambal, at ang tinig ni Dark na unti-unting nilalamon ng dilim. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang bumangon siya, pilit tinataboy ang alaala ng bangungot. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintanang bahagyang nakaawang, hinahawi ng malamig na simoy ng hangin ang kurtina. Ramdam niya ang lamig na dumadampi sa kanyang balat, ngunit hindi nito kayang tanggalin ang init ng takot at pawis na bumabalot sa kanya. Hinawi niya ang kurtina, at bumungad sa kanya ang kabuoan ng mansyon—malawak ngunit tila nakakulong, bantay-sarado ng mga gwardiya. Napakagat siya ng labi, bakas ang bigat ng kanyang damdamin. “Anong klaseng tahanan ito?! Bakit mas marami pang gwardiya kaysa mga taong naninirahan dito…” bulong ni Roxane, ang tinig ay puno ng lungkot at pangungulila. Samantala, sa kabilang dako, si Dark ay tahimik
“Nasa akin pa rin ang huling halakhak! WHAHAHAHAHAHAHA!” malakas at malutong ang tawa ni Rowen Clifford, umaalingawngaw sa apat na sulok ng kanilang maluwang na sala. Halos nanginginig ang balikat niya sa sobrang tuwa, tila ba may mabigat na tinik na nabunot sa dibdib. “Mukhang masaya ka, Honey? May maganda bang nangyari?” malambing ngunit puno ng pagtataka ang tanong ng kanyang pangalawang asawa, habang nakatitig sa kanya na para bang gusto niyang unawain ang biglang pagbuhos ng saya sa mukha ng kanyang asawa. “True, Honey! May magandang nangyari ngayong araw na ito…” sagot ni Rowen, mahigpit ang kapit sa braso ng silya, at kumikislap ang kanyang mga mata na wari’y may bagong pag-asa. “Alam mo bang… nahanap ko na ang nawawala kong anak!” Napakurap ang babae, halos hindi makapaniwala. Ngunit nang makita niyang seryoso si Rowen, bigla na rin siyang napangiti. “Mukhang masaya nga yan, Honey! Hahahaha! Let’s celebrate!” sagot niya na may halong tuwa at pananabik. Agad niyang inab
Tahimik na nakaupo si Dark sa loob ng lumang gusali. Nakaayos ang kanyang telescope sa tripod, nakatutok direkta sa Clinthon Estate. Ang malamig na hangin ng gabi ay humahampas sa sirang bintana, ngunit hindi niya ito alintana. Lahat ng atensyon niya ay nasa lente. Sa loob ng estate, nakita niyang nagpalit ng shift ang mga guwardiya—mahigpit at disiplina ang galaw, ngunit hindi nakatakas sa kanya ang maliit na butas sa seguridad. Sa likod ng hardin, isang pader na bahagyang natatakpan ng makapal na halaman. Doon mahina ang bantay, bulong niya sa sarili. Ngunit hindi lang iyon ang nakatawag ng pansin niya. Isang itim na van ang dumating sa likurang garahe. Mabilis na bumaba ang dalawang lalaking naka-itim, may dalang kahong bakal na may tatak na hindi niya mabasa sa dilim. Agad silang sinalubong ng isang tauhan ng Clinthon, at halatang may tinatago ang kanilang kilos. Napatingin si Dark sa relo niya, malamig na ngumisi. “Hindi lang sekreto ang tinatago ng pamilyang Clinthon…” a
Kasalukuyan namang nasa operasyon si Roxane sa loob ng malamig at maliwanag na silid ng ospital. Ang puting ilaw mula sa kisame ay tila nakakasilaw, at ang bawat tunog ng makina’y nagdadagdag ng kaba sa paligid. Ngayon na ang araw na itinakda ng mga doktor para sa paglabas ng kanyang kambal. Nakasuot siya ng hospital gown, nakahiga sa malamig na operating table. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng higaan. Ramdam niya ang bigat sa kanyang tiyan, kasabay ng kaba at takot na bumabalot sa kanyang puso. Sa paligid niya, abala ang mga doktor at nars na pawang naka-all white. May ilan na inaayos ang mga instrumento—kumikinang ang matatalim na gunting at clamp sa ilalim ng ilaw—habang ang iba’y nakatutok sa monitor na nagtatala ng tibok ng puso niya at ng mga sanggol. “Relax lang, Mrs. Clinthon,” sabi ng isang doktor na may malamig ngunit kalmadong tinig. “Ngayong araw, makikita mo na ang iyong mga anak.” Napapikit si Roxane, bumagsak ang luha s
Ako ba talaga si Roxane o si Carolina?! tanong ni Roxane sa sarili, halos hindi na makilala ang sariling repleksyon sa loob ng isip niya. “Si Inay… si Inay lang ang kailangan ko! Siya lang ang tunay kong ina at wala nang iba! Hindi ako maniniwalang ninakaw lang ako ni Inay!” sambit ni Roxane habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit biglang tumigil siya nang mapansin ang kakaibang titig ni Vanessa sa nakaumbok niyang tiyan. Unti-unting nag-iba ang ekspresyon nito—mula sa malamig na katahimikan tungo sa nakakatakot na anyo na para bang may halong pagkahibang. “A-ang… baby ko… ang baby ko!” sigaw ni Vanessa, sabay salampak sa sahig habang pilit na inaabot ang tiyan ni Roxane. Hinahaplos niya iyon nang parang baliw, paulit-ulit na inuusal ang parehong salita, tila ba wala na siya sa katinuan. “Ma’am! Anong nangyayari sa inyo?!” nagaalalang tanong ni Roxane, humakbang paatras sa kaba. Ngunit biglang nag-iba ang galaw ni Vanessa—naghahampas siya ng kamay sa sahig, h
Lumipas ang mga araw, linggo bago pa muling nagmulat ng mga mata si Roxane mula sa malalim na pagkakatulog. Ngunit ang paggising niyang iyon ay tila isang bangungot na nagbago ng lahat sa kanyang buhay. “Dark! Dark, nasaan ka?!” Halos pasigaw niyang tawag habang marahan siyang bumangon, pinipilit buhatin ang bigat ng kanyang tiyan na halos pitong buwan na ang dinadala. Pigil ang hininga niya, ramdam ang kaba at pananabik na makita ang asawa. Ngunit imbes na ang pamilyar na tinig ni Dark ang sumagot, isang tok! tok! tok! — tunog ng tungkod ang unti-unting lumapit sa kanyang direksyon. “Gising ka na pala, mahal kong apo.” Malumanay ngunit may bigat ng kapangyarihan ang tinig ni Ama Clinthon, habang ang mga matang tila may itinatagong sikreto ay nakatitig sa kanya. Napakunot ang noo ni Roxane, naguguluhan. “Sino ka?! Nasaan ako?! Nasaan ang asawa ko? Nasaan sina Inay at Itay?!” sunod-sunod niyang tanong, nanginginig ang boses habang mahigpit na hinahaplos ang kanyang malaking tiya