“Humanda ka na, Best! Bukas, sigurado akong ikaw ang magiging sentro ng tsismisan sa buong mansyon—lalo na sa harap ng mga magulang ni Boss Dark Nathaniel!” mariing sabi ni Lyka mula sa kabilang linya, bago tuluyang ibinaba ang tawag. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame, para bang nagbabakasakaling may sagot doon sa lahat ng kaguluhan sa utak ko. "Haiszt... paano na 'to? Para akong gustong matunaw sa hiya! Ayoko nang pumasok bukas! Mas pipiliin ko pa yatang tumulong kay Inay sa paglalabada, kahit mabilad pa ako sa araw—kesa naman pagtsismisan ako sa Malaking Bahay na parang bida sa teleserye!" Napahawak ako sa sentido. Ang gulo-gulo na ng utak ko! Puso ko’y kumakabog—may kaba, takot, at konting kilig na hindi ko maintindihan. "Ano ba ‘tong pinasok ko?! Ano na lang ang sasabihin ko pag hinarap ko sila?!" “Magpapanggap na lang kaya akong may sakit bukas... baka sakaling...” Napahinto ako. Napakagat-labi. Hindi… hindi pwede! Kawawa na nga si Itay at si Bunso, m
"Anong ibig sabihin ng mga larawang kumakalat sa social media, Dark?!" matalim na tanong ni Mrs. Vellama, ang ina ni Dark Nathaniel, habang galit na galit nitong itinulak sa harapan niya ang tablet kung saan naka-flash ang mga litrato. "Naging viral ang ginawa mong paghalik sa isang katulong!" Kumakabog ang dibdib nito sa inis at kahihiyan. "Paano mo ngayon ito aayusin?! At higit sa lahat, sino ang katulong na 'yon?!" Mariin ang boses nito, punung-puno ng dismaya at matinding galit. "At talaga bang gigil ka sa paghalik sa kanya, Dark?!" dugtong nito habang naglalakad paikot sa sala na tila handang sumabog anumang oras. Hindi makatingin si Dark sa ina. Napakagat siya sa labi, hindi dahil sa takot—kundi dahil sa alaala. Sariwa pa sa kanyang isipan ang init ng halik na iyon… ang pagkabigla ni Roxane, ang paninigas ng kanyang katawan, at ang pagkalunod niya sa biglaang damdaming hindi niya maipaliwanag. Para bang sa mismong sandaling iyon, huminto ang mundo nila. Tulala siyang nakaup
“Natapos ang meeting sa Vellamonte Corporation na wala ni isang bahid ng ngiti sa mukha ni Dark. Matigas ang panga, mariing nakakunot ang noo, at halatang nilamon ng tensyon ang buong katawan niya. Isa-isa nang nagsi-alisan ang mga board members—mga taong may takot at respeto sa pangalan ng Vellamonte—pero ngayo’y parang ayaw na niyang marinig kahit ang apelyidong iyon. Sa loob ng conference room, naiwan lang ang kanyang ama at si Carrissa Guerrero—nakaupo pa rin, kampanteng nakangiti na parang wala lang. Sa labas naman, naroon ang mga bodyguard at ilang katulong ng pamilya Vellamonte—kasama na ro’n si Roxane, na halatang nagpipigil ng tensyon habang palihim na sumisilip sa loob. “Ano bang nangyayari, Papa?!” mariing bulalas ni Dark, halos umalingawngaw ang boses niya sa tahimik na silid. Napailing siya sa inis, habang mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “Anong kalokohan ’to?! May usapan kami ni Mama tungkol sa magiging kasal ko—plano pa lang ’yon! Bakit kailangan n’yong pa
Napangiti si Dark sa kilos ni Roxane. May kakaibang aliw siyang naramdaman habang pinagmamasdan ang dalaga—halatang naiilang, pero pilit na pinananatili ang postura, kahit pa kitang-kita sa bawat kilos nito ang pagiging baguhan sa gano'ng klaseng environment. Pansin din niya ang lahat ng atensyon ay nakatuon sa kanyang personal maid, na kanina pa naiilang na nakatayo sa magarang red carpet ng Vellamonte Designer Corp. May mga nagbubulungan, may pabulong na tawa, at may ilan pang lantaran kung makatingin—na para bang nagtataka kung anong ginagawa ng simpleng babaeng iyon sa gitna ng magagarbong personalidad. Ramdam ni Dark ang tensyon sa paligid… at sa halip na mabahala, mas lalo pa siyang natuwa. May kung anong saya sa puso niya habang nakikita si Roxane na nagmumukhang isang naligaw na tupa sa gitna ng mga leon. “Kaya kita nagustuhan, eh,” mahina niyang sambit—halos bulong—na may kasamang ngiti sa labi at titig na puno ng paghanga. “Miss Herme—” tawag sana ni Dark, ngunit napu
“Hoy, Maxine... ano na?! Sabihin mo na kung sino at paano mo nalaman ang salitang 'yon?! Dahil kahit ako—kahit ako na rin—walang alam sa bagay na ‘yon!” ("Habang si Carrissa nakikinig sa isang tabi na walang nakakakita.) Napakapit si Roxane sa baywang, nanginginig sa halong kaba at inis habang tinititigan si Maxine na parang gustong hukayin ang buong pagkatao nito. Pero ang hindi niya alam… may isang pares ng mata ang tahimik na nanonood mula sa likuran ng pinto. Si Dark. Tahimik niyang hinawakan ang doorknob. Bubuksan niya na sana ito kanina pa nang biglang umalingawngaw ang sigaw ni Roxane. Napatigil siya—hindi dahil sa takot o kaba—kundi dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Maxine. "Hindi ba talaga maalala ni Miss Hermenez ang namagitan sa amin sa elevator nung gabing 'yon?" Parang tinamaan ng kuryente si Dark. Napapikit siya. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang eksaktong eksena. FLASHBACK Isang gabi na puno ng tensyon, ang elevator ay tila naging mundo nila.
"Paano mo nasasabi sa akin ang bagay na 'yan, Dark?! Hindi mo ba kilala ang pamilya ko?! Isa akong sikat na modelo, at hindi lang basta modelo—" Pssssst... Pigil na sitsit ni Dark kay Carrissa. "Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin kung sino ka at kung ano ang katayuan mo sa industriya. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, umalis ka na sa bahay namin... dahil kahit kailan, hindi ako papayag na makasal ako sa isang taong hindi ko naman mahal. At lalong ayoko sa babaeng—" Natigil ang pagsasalita ni Dark nang bigla na namang nawalan ng balanse si Roxane sa pagkakatayo sa pinto, habang nakasilip ito. Ang mga mata ni Dark ay mabilis na bumaling kay Roxane, at ang kanyang mga labi ay napaatras, tila nahirapan sa mga salitang hindi na niya kayang ipagpatuloy. "Pasensya na... hindi ko sinasadyang makinig sa pinag-uusapan ninyo..." Nahihiyang sabi ni Roxane, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng pinto, parang gusto niyang maglaho sa kakatwang sitwasyon. "Aalis po