“Seryoso? Akin ba ang lahat ng ito?!” gulat na gulat si Roxane habang paikot-ikot sa silid, tila hindi makapaniwala sa dami ng mga mamahaling gamit—mga designer dress, bagong heels, signature perfume, pati na rin ang lacey underwear na mukhang galing pa sa ibang bansa. “Ano ‘to? Suhol para maging mabuti akong asawa mo?!” singhal niya, hawak ang isang pink na bra na halatang sinukat ayon sa eksaktong sukat niya. Tahimik si Dark Nathaniel sa umpisa, nanatiling kalmado habang nakasandal sa pader, naka-cross arm at may mapanuksong ngiti sa labi. Umangat ang isang kilay niya at dahan-dahang nagsalita. “No, honey… Asawa na kita. Simula pa nung araw na ‘yon.” “What?!” Napaatras si Roxane. “Anong araw?! Anong pinagsasabi mo kunit noo niyang tanong?” Pero hindi sumagot si Dark. Umiling lang ito at tinapik ang dibdib niya. “Just trust me. Lahat ng ‘yan, para sa’yo. Dahil ikaw ang asawa ko.” Nanlaki ang mata ni Roxane. Hindi niya alam kung tinutukso lang ba siya nito, o kung seryoso. Pero
"Honey... let me explain. Sasabihin ko sa’yo ang lahat..." anas ni Dark, habang unti-unting lumalapit kay Roxane. Halatang nanginginig ang boses niya—takot, kaba, ang bumabalot sa bawat salitang kanyang binibigkas ikaw ba naman ang gulpihin ng asawa. "Sabihin mo na ngayon habang mahinahon pa ako!" mariing sabi ni Roxane, pinipigilan ang pag-angat ng kanyang boses habang patuloy sa paglapit sa kanya. Nangingilid ang luha sa mga mata niya pero pinipilit pa ring maging matatag. Ang dibdib niya ay parang sasabog sa bigat ng emosyon. "Ganito kasi ‘yun..." bumuntong-hininga si Dark, hindi alam kung saan magsisimula. "I love you... mahal talaga kita. Kaya ko nagawa ‘yun... wala nang iba. Ikaw lang sapat na." Napailing si Roxane, pilit ngumiti ngunit puno ng pait ang bawat ngiti. "Uhmmm... pero ano ang totoo?!" halos pabulong pero punung-puno ng sakit ang tanong niya. "Alam mo bang... namimiss ko na ang pamilya ko? Gusto ko na silang makita... akala ko... akala ko huling araw ko na ri
Bago Lumabas ang Resulta kung buntis ngaba si Roxane Hermenez o nagpapanggap lang. Maagang umalis si Levie, kasama ang kanyang mga tauhan, papunta sa University of Manila Hospital – VIP. Bitbit niya ang mga dokumentong magsasabing hindi buntis si Roxane. Iyon ang ibibigay ng VIP Doctor para sa pagsusuri na gagawin kay Roxane kinabukasan. Ramdam ang kaba at determinasyon sa bawat hakbang niya habang tinatahak ang mga maluluwag na pasilyo ng ospital. Bagama’t tahimik ang paligid, ramdam niyang may nakamasid sa kanya pero hindu niya iyon pinansin dahil ano mang oras ay pwede naman siyang humingi ng tulong sa mga tauhan niyang nasa paligid lang. Kampanting nagkakad si Levie hindi na niya pinansin ang kanyang naramdaman isang matalim na mata ang lihim na sumusubaybay sa kanya mula sa malayo. Si Drick, ang matapang at maingat na bodyguard ni Dark, ay tahimik na nagtatago sa anino ng mga haligi, pinagmamasdan ang bawat kilos ni Levie nang palihim. Nakapulupot ang kanyang kamay sa loob ng
"Panindigan na natin ito, Roxane. Tutal sinabi mo rin naman na buntis ka at dinagdagan pa ng luko ng mahigit isang linggo… lubusin mo na. Kasalanan din naman ‘to ni Dark kaya sumabay kana Roxane!" Wika ng isip ni Roxane habang nakapikit, parang aktres na hinihintay ang cue ng direktor. At doon na siya nagsimulang magdrama. "I feel… daisy," wika niya na parang bida sa drama, sabay himas sa noo. "Gusto kong mapag-isa. Ayoko ng maraming tao... sumisikip ang dibdib ko..." May pa-pigil-luhang drama effect pa siyang sinabayan ng kunwaring paghinga nang malalim, na animo’y nahihilo pero ang totoo, hinahagilap lang niya kung paano pa mapapaalis ang mga tao sa silid. Napatingin ang mga kasambahay, ang mga magulang ni Dark, at si Levie sa kanya. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala maliban kay Levie kaya’t isa-isa na silang lumabas ng kwarto. "Shooo... Go... thank you!" bulong niya sa sarili habang sinusulyapan ang bawat paalis. Pagkaalis ng huli, bigla siyang napaatras,
“Okay lang kahit sabihin n’yo na hindi ako buntis, Doktora… ayos na po sa akin ang lahat.” Kinakabahang sambit ni Roxane habang hawak-hawak ang laylayan ng kanyang blusa, pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Tahimik siyang tinapunan ng tingin ni Dr. Teresita, isang batikang OB-GYN na kilala sa kanyang pagiging diretso at walang paligoy-ligoy. Tumayo ito mula sa kanyang desk, may hawak na puting hospital gown at isang pares ng sterile gloves. “Humiga ka sa kama, pero bago iyon, isuot mo muna ito.” Inilahad ng doktora ang gown. “Alisin mo na rin ang panloob mo para hindi maging sagabal sa procedure,” aniya sa seryoso at propesyonal na tinig. Nanlaki ang mga mata ni Roxane, at halos mabulunan siya sa sariling laway. “A-ano po?! I mean… hindi ko po talaga alam ang gagawin. Unang beses ko lang pong dumaan sa ganitong eksaminasyon,” garalgal ang tinig niyang may halong kaba at hiya. “Natural. Kaya humiga ka na habang maaga. Marami ang naghihintay sa resulta—h
Paglabas nila ng silid, agad tumambad sa kanila ang halos buong Villamonte entourage. Nandoon ang mga tauhan, mga driver, at higit sa lahat—si Levie, ang babaeng fiancée-wannabe na halos araw-araw ay parang nagca-casting call para maging “Mrs. Villamonte.” Nakapamaywang ito na parang sinadyang i-flex ang kanyang branded na outfit, sabay titig na para bang may laser sa mga mata. “Your fired.” Parang ‘yun ang isinisigaw ng mata niya habang tinititigan si Roxane mula ulo hanggang paa, sabay taas ng kilay na may kasamang “ngiting tagumpay”—‘yung tipong ngiting palaban na may halong "Akin ka na dapat, pero bakit ikaw pa rin ang kasama niya?" “Wala ka nang magagawa, alila. Nakaplano na lahat,” iyon ang gustong ipahiwatig ng bawat kurba ng kilay at baling ng leeg ni Levie. Pero si Roxane? Deadma. Kahit ramdam niya ang tensyon, tumayo siya nang diretso at nagproject na parang beauty queen sa airport. “Kung titigan lang ang labanan, sorry ka na lang Levie. May laban din ang katulong,