Ngunit wala ni anino ni Mrs. Vellama ang lumabas para sigawan o pagalitan sila. Tahimik ang buong mansyon, tila nagtatago ang unos bago sumabog. Nagmistulang aninong muli si Levie, hindi na niya kinaya ang bigat ng atmospera sa paligid. Napailing siya, punong-puno ng inis at selos. Para siyang batang naitsapwera sa sariling tahanan. "Lagot kayo sa mom and dad ko! Isusumbong ko kayong lahat, lalo ka na, Roxane! Huhuhu!" bulalas niya habang binubuntong-hininga ang pagkabigo, sabay sakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Kumalabog ang pinto, at maya-maya’y sumambulat na lamang sa kalsada ang tunog ng kanyang pagpapatakbo, kasabay ng mga luhang pigil niyang ilabas kanina pa. Tinignan lang siya nina Roxane sabay baling kay Dark na nakatitig pa rin sa dalawa niyang tauhan si Drick na bodyguard niya at si Lyka na personal maid ng kanyang mama. “Ngapala, Dark… pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang,” kalmadong sabi ni Roxane, ngunit halatang may mabigat sa dibdib. Napatingin si Dark
"Kainis na matandang ‘yon!" mariing sambit ni Mrs. Vellama habang mariing pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Bakit niya ipinagbili ang hotel sa mababang halaga—at sa kapangalan pa talaga ng anak kong si D N?! Imbes na ibigay ito sa sarili niyang anak na si Nathaniel! Karapatan niya iyon!” May kirot sa dibdib niya—hindi lang dahil sa kayamanan, kundi dahil sa matagal nang lihim na tinatago ng pamilya. Lihim na tila unti-unting lumalabas, gaya ng lumang kasalanan na pilit itinatago sa ilalim ng alpombra. “Tita?!” gulat na singhal ni Levie. “Naririnig n’yo po ba ako?!” Bahagyang natauhan si Mrs. Vellama, kumurap-kurap at muling ibinaling ang tingin kay Levie. "A-ah, oo hija... naririnig kita," sagot niya, ngunit halatang lutang na. Wala na siyang gana makisali sa drama ni Levie—dahil may sarili na siyang problemang iniisip. “Huwag mo munang pansinin si Roxane!” malamig ngunit matalim ang boses ni Mrs. Vellama, parang blade na dumaan sa hangin. “Unahin mong hanap
Habang nasa byahe sina Dark, Roxane, at Drick, narinig ni Roxane ang mahinang pagkalam ng sikmura ni Dark. Pero bago 'yon kakain na muna kami para naman maylakas akong magtanong kay Dark mamaya."saad ng isip ni Roxane kahit nagdadalawang isip siya sa balak niyang gawin. “Tara, kain na tayo sasamahan na kitang kumain,” sabi niya sabay itinuro ang mga nakahilirang streetfood sa gilid ng kalsada. “Are you sure, honey?” alinlangang tanong ni Dark, tila hindi sanay sa ganitong simpleng eksena. "Anong pagkain ito? Masarap ba ito?" nagaalangan niyang tanong habang nakataas ang isang stick ng isaw, parang nahuhulog pa ang isa. "Oo! Masarap 'yan. Sabi mo ako ang bahala, 'di ba? O ‘eto na nga ‘yun, kumain ka ng marami!" nakangising sagot ni Roxane sabay abot pa ng isa pang stick. Para silang barkadang walang problema—walang kayamanan, walang kasal, walang D.N Hotel. Panandalian niyang nakalimutan ang bigat ng katotohanang tinatago niya. Habang si Drick naman, walang kaarte-arte, tu
Sila na ba ang mag-asawang VIP na hinihintay natin?" tanong ng isang staff sa D.N. Hotel, may halong kaba at excitement sa tinig. Tumango lamang ang pinakamataas sa kanila at agad ipinakilala ang bago nilang VIP customer. Si Chairman Rowen Clifford ay itinuturing na pinakamakapangyarihang tao sa buong Pilipinas. Bagamat may nakaupong presidente, siya ang tunay na nasa likod ng lahat ng desisyon sa gobyerno. Walang batas na naipapasa, walang proyekto na naipapatupad, at walang opisyal na naitatalaga kung hindi dumadaan sa kanyang basbas. Hindi siya madalas makita sa publiko—wala sa telebisyon, wala sa social media—pero ramdam ng lahat ang kanyang presensya. Isang presensyang tila nagpapabigat ng hangin sa tuwing siya'y dumarating. Tahimik ang kanyang kilos, pero lahat ng makapangyarihan ay yumuyuko sa kanya: mga senador, heneral, negosyante, at maging ang media. May mga nagsasabing siya ang dahilan kung bakit nananatiling tahimik ang bansa—hindi dahil sa kapayapaan, kundi sa ta
Hindi namamalayan ni Roxane, narating na pala niya ang labas at ngayon ay nasa harapan na siya mismo ng sasakyan ni Dark Nathaniel. Tahimik. Walang lumalabas mula sa loob. “Bakit parang ang tahimik?” tanong niya sa sarili, habang nakatitig sa tinted na salamin ng sasakyan. Maya-maya, klik! — bumukas ang pinto sa likuran. Walang salita, walang boses — parang tahimik na paanyaya lang na nagsasabing: "Pumasok ka na." Napalunok si Roxane. "Ito na naman… ‘yung pakiramdam na parang hinihila ako ng sitwasyon sa bagay na hindi ko pa rin maintindihan." Napatingin siya sa paligid, tila may inaasahang sagot mula sa hangin. Pero ang mas malakas ay ang ingay ng kanyang isipan — magulo, magulo. "Anong gagawin ko?!" sigaw ng utak niya. "Si Drick… ‘yung bodyguard ni Dark… siya ba? Siya ba talaga ‘yung lalaking napanaginipan ko? ‘Yung—‘yung kumuha sa pagkababae ko?!" Nanlaki ang mga mata niya. "Tapos ikinasal ako kay Dark — na parang isang trap na hindi ko mahanapan ng labasan! At
“Pero inay…” mahinang sambit ni Roxane habang lumingon sa kanyang ama’t bunsong kapatid na tahimik lamang sa isang sulok ng maluwag at mamahaling silid ng D.N Hotel. Ang marmol na sahig, malalambot na sofa, at malamlam na ilaw ay tila hindi sapat para patahimikin ang gumugulong na tensyon sa kanilang pagitan. Muling nagsalita si Roxane, pilit pinipigil ang halatang pag-aalala sa kanyang tinig. “Saan naman po tayo pupunta? Akala ko po ba wala kayong kakilala rito… o kahit saan man? Di ba po sa Visayas lang kayo may koneksyon?” Bahagya siyang napayuko, saka muling tumingin sa kanyang ina. “Uuwi po ba tayo ro’n? Pero Nay… saan po tayo kukuha ng pera? Hindi pa po ako sumasahod… anim na araw pa lang po ako rito sa Villamonte.” Kalmado ang tono niya, pero ang mga mata'y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na kaba. Napatingin si Aleng Beth sa bintana ng hotel, kung saan makikita ang mga ilaw ng siyudad na tila kumikislap sa gitna ng dilim. Hawak niya ang kanyang bag na parang ito ang t