“Oh my God! Oh my God! Seryoso ba? Nakauwi kang mag-isa kagabi?” halos pasigaw na bulalas ni Lyka habang panay ang kalabit kay Roxane. “Ang natatandaan ko, may kasama tayong lalaki kagabi—at siya pa nga ang huling nakita kong kausap mo. Siya ang naghatid sa’yo, 'di ba? Tanong mo kaya si Tiya Beth, baka alam niya kung paano ka nakauwi!”
Napakamot sa ulo si Roxane, pilit inaalala ang nangyari kagabi, pero putol-putol lang ang alaala niya—parang pelikulang may sira ang tape. “Pero saka na lang ‘yan,” balik ni Lyka habang sabay-sabay ang kilos—nagtutupi, nagsusuklay, at nagtatatalon sa kaba. “Ayusin mo na 'yang sarili mo, mahuhuli na tayo, eehh!” “Oo na…” reklamo ni Roxane habang napapa-ika siya sa bawat hakbang. Mabigat ang katawan niya, parang may dinaanang lindol kagabi. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo na gawa lang sa kawayan, at bawat tapak niya ay parang may kasamang pahiwatig ng kung-anong-nangyari. Napamulagat si Lyka, sabay takip sa bibig, pero hindi na napigilang mapa-hagikgik. “Hallah ka! Na-virgin ka ba kagabi?! Kaya ganyan ka maglakad!” Nag-init ang pisngi ni Roxane, pero hindi na siya lumingon. Sa loob-loob niya, ‘Huwag ka nga maingay, Lyka!’—pero kahit siya, hindi niya rin alam ang buong kwento ng gabi niya. "Kasalanan mo 'to! Bakit mo nga ba ako iniwan doon sa lalaki? At sino bang lalaki ang tinutukoy mo?!" Galit at gulat ang halong emosyon sa tinig ni Roxane. Hindi niya alam kung alin ang mas nangingibabaw—ang takot, ang kaba, o ang hiya. “Saka isa pa, umayos ka nga!” tuluy-tuloy pa niya, habang pinipilit panindigan ang sarili. “Virgin na virgin pa ako, 'no!” Pinilit niyang ipakita ang katapangan, kahit may bahagi sa kanya ang hindi mapakali. “Maliligo lang ako sandali...” Umatras siya, pilit na kalmado ang kilos. Ngunit sa likod ng pinto ng banyo, hindi na niya maitago ang panginginig ng kamay niya habang hinuhubad ang kanyang damit. At doon—doon niya nakita ang bagay na nagpabagsak sa buong mundo niya. May bahid ng dugo sa kanyang panloob. Hindi lang iyon—ang kanyang kepyas ay tila may bakas ng pagkasugat. Parang may pilit na pumasok... na hindi niya matandaan. Nanlaki ang mga mata niya. Nanlamig ang kanyang katawan. “Hindi maaari...” Bulong niya, halos hindi marinig. Mabilis siyang napaupo sa takip ng inidoro, nanginginig. “Ang panaginip ko... imposible ‘yon maging totoo! Paano? Sino? Paano nangyari ‘to?!” Nabaling ang tingin niya sa salamin—doon niya nakita ang isang Roxane na hindi niya halos makilala. Nagmistulang slow motion ang lahat. Sumikip ang kanyang dibdib. Humugot siya ng isang malalim na hininga, pero kahit 'yon, parang tinik na hindi makalusot. Parang may mabigat na batong nakadagan sa kanyang dibdib, at sa bawat segundo, lalo lang itong bumibigat. “Roxane, ano na! Jusme, alas siete na, oh!” Sigaw ni Lyka, sabay kalabog sa kawayang pintuan ng banyo. Napapitlag si Roxane. Muling bumalik ang kamalayan niya sa realidad, pero dama pa rin niya ang pagyanig ng kanyang mundo. Pilit niyang pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi. “Oo, sandali na lang!” Sigaw niya, pilit nilalabanan ang panginginig ng boses. Sa kabila ng kaguluhan sa isip at sakit na nararamdaman niya, pinilit niyang tumayo nang diretso. “Hindi ako pwedeng umatras,” bulong niya sa sarili habang dinampian ng tubig ang mukha, pinipilit burahin ang lahat ng alaala ng gabing hindi niya matandaan. “Kahit pa alam kong ninakaw ang pagka-virgin ko… kailangan ako ng pamilya ko.” Bitin man ang hininga niya, buo ang loob. Wala siyang karapatang huminto—hindi ngayon. Hindi habang may umaasa sa kanya. Pagkasabi no’n, inayos niya ang sarili. Tinakpan ang mga bakas ng sakit at pagkalito sa mukha. Inayos ang postura, pinilit maging matatag ang tindig ng kanyang paglakad. Tila isang aktres na isinusuot ang maskara ng tapang. Pagbukas niya ng pintuan, lumabas siya sa banyo na parang wala lang. Parang walang nangyari. Pero sa loob niya, may sigaw na hindi makawala. May sugat na hindi kayang takpan ng kahit anong pagpapanggap. Makalipas ang tatlumpung minuto, narating na nina Roxane at Lyka ang Vella-Vellamonte Vellage—isang malawak na mansyon na tila isinilang mula sa luho at kapangyarihan. Sa bawat sulok ng lugar ay bakas ang yaman—mga mamahaling tanawin, makintab na sahig, at mga haligi ng marmol na tila pilit nagpaparamdam kung gaano sila kaliit sa mundong ito. Naroon na ang mga kasamahan nilang natanggap sa trabaho. Lahat ay nakapila na—matikas ang tindig, tuwid ang likod, parang mga sundalong tinuturuan ng disiplina sa isang military training. Ang ayos ng pila ay parang riles ng tren—mahaba, tahimik, at tuwid. Tanging sila na lang ni Lyka ang huling dumating, habang ang iba ay nakatitig na sa kanila nang may halong kuryosidad at inis. “Sabi ko na sa’yo, eehh!” Bulong ni Lyka, napangiwi habang bahagyang pilay sa lakad, hawak ang tagiliran. Tila iniinda pa rin ang sakit ng kanyang kepyas habang pasimpleng kumikembot paakyat sa harapan. “Masakit pa rin ba?” tanong niya kay Roxane, na may ngiting pilya sa labi. “Sana man lang niyaya mo ako ‘nung sinungaban ka nung gwapong lalaki kagabi...” sabay kindat, parang gustong tumawa pero pinipigil. Hindi sumagot si Roxane. Isang malamig na tingin lang ang isinukli, kasunod ng mabilis na tadyak sa kanang paa ng kaibigan. At bigla—tumahimik ang paligid. May dumating. Sa pintuan ng mansyon, lumabas ang isang babaeng may matikas na postura—ang Mayordoma. Suot niya ang puting uniporme, may hawak na clipboard kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga pasado, at ang mga mata niya ay halos bumutas sa bawat taong tinitigan. "Attention. Makinig," utos niya sa matigas na tinig. Tumindig nang mas tuwid ang mga bodyguard sa likod niya, tila isang senyales na ito na ang simula ng lahat. Nagpatuloy ang Mayordoma, pormal ang bawat salita, at puno ng respeto ang kanyang tinig. "Ipinapakilala ko sa inyo ang mga haligi ng Vella-Vellamonte Vellage—" "Mrs. Vellama Vellamonte…" Isang eleganteng babae ang lumitaw mula sa loob—may edad na ngunit halatang sanay sa kapangyarihan. Mamahalin ang suot, at kahit hindi nagsasalita, ramdam ang bigat ng kanyang presensya. "Mr. Vellamonte…" Kasunod nito ang isang lalaking mukhang seryoso, tikom ang bibig, ngunit may aura ng awtoridad at impluwensya. "At ang nag-iisang anak nila, Madam at Sir..." Muling tumigil saglit ang Mayordoma, parang sinasadya ang tensyon. "...si Dark Nathaniel Vellamonte." Sa pagbukas ng malaking pintuan, unti-unting lumitaw ang isang lalaki. Matangkad. Maputi. Pormal ang suot—itim na long sleeves, slacks, at leather shoes. Ngunit hindi lang iyon ang bumihag sa lahat. Ang kanyang presensya... malamig. Mapanganib. At sa isang iglap—nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanigas si Roxane. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong kumiliti sa alaala niya. “Parang nakita ko na siya dati...” Bulong ng isip niya. “O baka… siya nga ‘yung nasa panaginip ko?” Haha, nagawa pa niyang magbiro sa mga sandaling iyon na siya lang ang nakakarinig, ngunit kitang-kita ni Dark ang pagkislap ng kanyang mga mata. Muli siyang napatingin sa kanya. At doon, isang malambing na sulyap ang ibinalik ni Dark Nathaniel sa kanya. "Sh*t... nakita ko siya rito." Mabilis ang tibok ng puso ni Dark. "Salamat naman... at nakarating siya sa tamang oras," bulong niya sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili, "kahit pa may... namagitan sa aming dalawa kagabi. Salamat naman... akala ko hindi talaga siya makakarating. Sisisihin ko na sana ang sarili ko." Kalmadong sabi pa rin ni Dark habang pinagmamasdan si Roxane.“Hoy, Maxine... ano na?! Sabihin mo na kung sino at paano mo nalaman ang salitang 'yon?! Dahil kahit ako—kahit ako na rin—walang alam sa bagay na ‘yon!” ("Habang si Carrissa nakikinig sa isang tabi na walang nakakakita.) Napakapit si Roxane sa baywang, nanginginig sa halong kaba at inis habang tinititigan si Maxine na parang gustong hukayin ang buong pagkatao nito. Pero ang hindi niya alam… may isang pares ng mata ang tahimik na nanonood mula sa likuran ng pinto. Si Dark. Tahimik niyang hinawakan ang doorknob. Bubuksan niya na sana ito kanina pa nang biglang umalingawngaw ang sigaw ni Roxane. Napatigil siya—hindi dahil sa takot o kaba—kundi dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Maxine. "Hindi ba talaga maalala ni Miss Hermenez ang namagitan sa amin sa elevator nung gabing 'yon?" Parang tinamaan ng kuryente si Dark. Napapikit siya. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang eksaktong eksena. FLASHBACK Isang gabi na puno ng tensyon, ang elevator ay tila naging mundo nila.
"Paano mo nasasabi sa akin ang bagay na 'yan, Dark?! Hindi mo ba kilala ang pamilya ko?! Isa akong sikat na modelo, at hindi lang basta modelo—" Pssssst... Pigil na sitsit ni Dark kay Carrissa. "Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin kung sino ka at kung ano ang katayuan mo sa industriya. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, umalis ka na sa bahay namin... dahil kahit kailan, hindi ako papayag na makasal ako sa isang taong hindi ko naman mahal. At lalong ayoko sa babaeng—" Natigil ang pagsasalita ni Dark nang bigla na namang nawalan ng balanse si Roxane sa pagkakatayo sa pinto, habang nakasilip ito. Ang mga mata ni Dark ay mabilis na bumaling kay Roxane, at ang kanyang mga labi ay napaatras, tila nahirapan sa mga salitang hindi na niya kayang ipagpatuloy. "Pasensya na... hindi ko sinasadyang makinig sa pinag-uusapan ninyo..." Nahihiyang sabi ni Roxane, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng pinto, parang gusto niyang maglaho sa kakatwang sitwasyon. "Aalis po
"Uhmm... hindi magandang biro 'yan, Mr. Dark. Kahit papaano, ako pa rin ang future wife mo, at hindi ang katulong na 'yon!" Gigil sa galit na sabi ni Carrissa, habang namumula ang pisngi niya—hindi lang sa inis kundi sa kahihiyan. Mahigpit ang kapit niya sa mamahaling clutch bag na hawak niya, tila gusto nitong ibato sa lalaking kaharap. Kumunot muli ang noo ni Dark. Matalim ang tingin, malamig na parang yelo ang boses nang magsalita ito. "Wag mo akong sabihan kung ayaw mong mapahiya ulit sa ibang tao," aniya na may halong babala. Lumikha ng tensyon ang katahimikan matapos niyon—tahimik pero nakakabingi. Tumalikod bigla si Dark. May biglang pagbabago sa tono ng boses niya, banayad pero bawat salita ay parang patalim na humihiwa sa pride ni Carrissa. "Umalis ka na sa aking silid. Panira ka ng moment." Napapikit si Carrissa sa sakit ng mga salitang iyon. Nagngingitngit siya sa galit, pero hindi na siya muling nagsalita. Tahimik pero mariing tumalikod si Carrissa, at may diin ang ba
Sa gulat ni Roxane. “Hallah! Si Sir, nananaginip na naman!” bulong ni Roxane habang sumisilip mula sa gilid ng kama. “Grabe, ang intense… parang teleseryeng may theme song ng Aegis.” Nanlaki ang mata niya. “Ang hot naman ng babae sa panaginip ni Sir. Pak! Mukhang may abs pa ‘yun, parang ako lang pero reverse. Kung makareact si Sir, akala mo iniwan sa altar!” Habang nagsasalita, hindi pa rin gumagalaw si Sir Dark. Nakapikit, pawisan, at tila may sariling mundo. “Wag mo akong iiwan...” bulong nito habang marahang nanginginig ang labi. Napaatras si Roxane. “Naku po, Lord, baka multo 'yung kausap nito!” Pero dahil trained maid siya (at konting curious), lumapit siya at hinawakan ang braso ng amo. “Sir... gising na po kayo. Alas siete na. May meeting po kayo—at amoy panaginip na kayo.” Bigla siyang hinila ni Dark! “AAAHHHHHHH!!!” sigaw niya habang diretso siyang bumagsak sa ibabaw ni Sir. Dumiretso ang ulo niya sa dibdib nito. Tulog pa rin si Sir?! OMG! Napakapit siya sa beds
Pasado alas sais ng umaga nang matapos ang ginagawa ng mag-ina. Maingat nilang hinihiwalay ang mga puti sa dikulor na damit—ayaw kasing magmansya. Maselan kasi ang may-ari ng labahang nakuha ni Aleng Beth. Sanay na sanay na si Aleng Beth sa ganitong gawain, lalo na kapag may kinalaman sa pagkakaperahan. Ayaw niyang may masabi ang mga customer sa kanya—kaya doble ang ingat niya sa bawat piraso ng labahin. Habang inaayos ang huling sako ng labada, hindi na nakatiis si Aleng Beth na lingunin ang anak na halos hindi pa nakakatulog. "Anak… alas sais na. Wala ka pang maayos na tulog." May pag-aalalang bumakas sa kanyang mukha. "Sigurado ka bang ayos lang sa’yo na pumasok kang puyat?" Napatingin si Roxane sa ina, sabay ngiti kahit bakas ang pagod sa kanyang mga mata. "Jusko naman, Inay... parang hindi niyo po ako kilala." Sabay kambyo ng tono na parang may pa-swagger pa. "Hindi pa po ba kayo nasasanay sa ’kin? Malakas pa ’to sa kalabaw, ’noh!" Sabay tikwas ng balikat at akmang pag
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Roxane. Tahimik lang siyang nakahiga sa kaniyang higaan, ngunit gising na gising ang isipan niya. Patuloy sa pag-ikot ang mga salitang iniwan sa kanya ni Dark kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit tila may bigat ang mga sinabi nito. "Kilala ako ng Mama mo..." Paulit-ulit na bumabalik ang katagang iyon sa kanyang isip. At habang pinagmamasdan niya ang kisame ng kanilang maliit na silid, napalunok siya ng bahagya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi pa naman niya nadatnan ang kanyang ina na gising kanina—mahimbing na itong natutulog nang ihatid siya ng kanyang boss. Natural lang naman siguro iyon, lalo na’t palaging pagod si Inay sa maghapong paglalaba. Wala na rin kasing ibang tumutulong sa kanya ngayon, kaya’t ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na pasan nito. Hindi rin naman makakatulong si Itay, dahil may karamdaman siyang kailangang seryosohing gamutin—pati na rin ang bunso nilang kapatid na laging