MasukChapter Nine "Atika." Napalingon ako sa p***o nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Kakalabas ko lang ng banyo. Wala pa akong ibang nasusuot kung 'di panty at isang mahabang T-shirt. Basa pa ang ilang hibla ng buhok ko at may patak pa ng tubig na dumadaloy mula sa dulo nito. Hindi na ako nag-abalang maghanap ng shorts. Sa halip, mabilis akong naglakad papunta sa p***o. Si Tiyo Sullivan kasi ang nasa labas. Pagkabukas ko, bahagya akong ngumiti at ikiniling ang ulo. "Tiyo, bakit po?" inosenteng tanong ko rito. Saglit na natigilan ang lalaki. Mabilis na bumaba ang tingin nito sa suot ko bago agad na umiwas. Napansin ko rin ang bahagyang pag-igting ng panga niya. "Your Aunt Violeta asked me to tell you something." Ang seryoso ng boses nito. Ganito naman ito lagi, iyon ang pansin ko. "Po?" "You're coming with us to the beach house she's planning to buy. Magdala ka ng mga gamit mo. We'll be staying there for two nights." Bahagya akong napanganga, saka ngumiti na para bang
Chapter Eight Hatinggabi na nang makaramdam ako ng uhaw, kaya napagpasyahan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko na inabala ang sarili kong magpalit ng suot, nighties lang. Tutal, tulog naman na siguro ang lahat sa mansiyon. O, at least, iyon ang gusto kong isipin nila. Ilang ilaw na lang ang nakabukas sa loob ng bahay, pero sapat na iyon para makita ko ang dinaraanan ko. Tahimik ang buong mansiyon habang naglalakad ako pababa ng hagdan, suot ang manipis kong pantulog. Pagdating sa kusina, dumiretso ako sa refrigerator at binuksan iyon. Saglit kong pinagmasdan ang laman bago inabot ang isang bote ng tubig. Pero bago ko pa iyon tuluyang makuha, may naramdaman akong presensiya mula sa madilim na sulok. Hindi ako lumingon. Hindi ko na kailangang gawin iyon para malaman kung sino ang naroon. Si Tiyo Sullivan. Napaangat ang sulok ng labi ko. Mukhang hindi lang pala ako ang gising sa ganitong oras. Sinadya kong magtagal sa pagbukas ng bote. Kunwari ay nahihirapan a
Chapter SevenSaturday morning.Kagigising ko lang nang bumaba ako sa dining area. Medyo magulo pa ang buhok ko at inaantok pa ako, pero hindi ko na inabala ang sarili kong mag-ayos nang todo. Tutal, nasa bahay lang naman ako.Suot ko ang ternong pambahay na sando na cropped at shorts na halos wala nang maituturing na haba. Malambot ang tela at komportable sa balat, kaya iyon ang pinili kong isuot ngayong umaga.Pagdating ko sa dining room, naroon na sina Tiya Violeta at Tiyo Sullivan. Nagsisimula pa lang silang maghanda ng almusal.“Oh, Atika! Good morning, darling!” masayang bati ni Tiya habang inaayos ang upo niya. “Good morning po, Tiya.” Bumeso ako rito na para bang napakabait at lambing kong pamangkin. Napatingin siya sa suot ko mula ulo hanggang paa. Sa halip na pagsabihan ako dahil sa iksi ng shorts ko, bigla siyang napangiti nang malawak.“Oh, my goodness! Look at you! You have such a sexy figure, darling! Tiyak ko talagang maraming maglalaway na bachelors kung makita ang k
Chapter Six“Tiya Violeta,” tawag ko sa tiyahin habang nakatayo sa gitna ng sala. Paulit-ulit na ipinupulupot ng mananahi ang measuring tape sa baywang ko para kunin ang sukat ng katawan ko.“Yes, darling?” sagot niya mula sa couch.Napatingin ako sa kaniya.Kanina pa siya nakangiti habang abala ang mga mananahi sa pagsukat sa akin para sa mga bagong damit. Paminsan-minsan, napapangiti siya sa kawalan, saka kinakagat ang ibabang labi na para bang may naaalalang nakakakilig.Napataas ang sulok ng labi ko.Ano kaya ang mas nakapagpapasaya sa kaniya ngayon? Ang pagkakaroon ko ng panibagong koleksiyon ng mga damit o ang pagkakaroon niya ng mas batang partner na kaya niyang gastusan?“Parang ang saya-saya n’yo po yata ngayon,” puna ko, saka bahagyang ikiniling ang ulo. “May magandang nangyari po ba?”Lalong lumapad ang ngiti niya.“Oh, Atika! You have no idea!” Halos mapapalakpak pa siya sa tuwa. “I woke up this morning and found a beautiful bouquet of flowers waiting for me.”Flowers?Nap
Chapter Five"Ma'am Atika," tawag ng isang kasambahay. Narito pa rin ako sa garden. Tiyak kong bakas pa rin sa mukha ako ang pandidiri. Hindi ba kinikilabutan si tiya? Si Tiyo Sullivan ba'y hindi nandidiri? Oo nga't alagang-alaga pa rin ni tiya ang katawan niya. Mabango pa rin siya at alagang-alaga ang katawan. But she's too old na para kay Tiyo Sullivan. Hindi ako judgemental... pero sa kanila ay oo. "Bakit po?" agad kong inayos ang expression ng mukha ko. Baka mamaya ay maitsismis pa ng kasambahay na diring-diri ako sa tiyahin ko."Ayos ka lang ba?" umupo ito sa bakanteng pwesto sa tabi ko. Agad naman akong tumango."Oo naman po," saka ko ito nginitian."Naku! Narinig ko iyong kanina... iyong tiya at tiyo mo. Gano'n talaga sila rito. Masanay ka na."Napakamot ako sa ulo saka muli itong sinulyapan, "mukhang mahirap po iyan. Sa probinsya po namin... sa lugar na kinalakihan ko ay hindi po ako nakakakita at nakakarinig ng mga gano'n."Painosente pa ang tono ng tinig ko. Handang panindi
Chapter FourIlang linggo na ako sa bahay ng tiyahin ko. Nagsimula na rin itong magpapunta ng ilang tao na nais magturo sa akin kung paano kumilos nang naaayon sa isang babaeng nagmula sa mayamang pamilya.May nagtuturo sa akin ng tamang postura, tamang paglalakad, at maging ang paraan ng paghawak ng kubyertos kapag kumakain. Mayroon ding nagtuturo kung paano makipag-usap nang maayos sa mga taong hindi ko naman kilala at kung paano ngumiti nang hindi nagmumukhang pilit.Napakaraming kailangang matutuhan para lamang magmukhang isang babaeng ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.Kung alam lang nila.Hindi naman ako ignorante sa mga bagay na ito. Sadyang hindi ko lamang nagagamit ang mga ito sa pang-araw-araw kong buhay. Lumaki akong malayo sa karangyaan, kaya mas sanay akong kumilos ayon sa kung ano ang komportable para sa akin.Pero ngayong nasa poder na ako ni Tiya Violeta, kailangan kong matutuhang makibagay.At higit sa lahat, kailangan kong magmukhang karapat-dapat na 'tagap







