Home / Romance / ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL / CHAPTER 1: ANG BAGONG MAID

Share

ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL
ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL
Author: Sassy Rose

CHAPTER 1: ANG BAGONG MAID

Author: Sassy Rose
last update publish date: 2026-09-14 19:25:52

Hindi ko talaga inexpect na ang first day ko bilang maid ay sasalubungin ng isang lalaking

naka-towel lang.

At mas hindi ko inexpect na ako pa ang magsasabi sa kanya na magbihis siya.

“Sir, kung gusto n’yong pumasok ako sa bahay niyo, magbihis muna kayo.” Pagkasabi ko, biglang tumahimik ang buong paligid.

Nakatayo ang lalaki ilang hakbang mula sa akin. Basa pa ang buhok niya, at may ilang patak ng tubig na gumugulong mula sa gilid ng leeg niya. Isang puting towel lang ang nakapalupot sa bewang niya.

Agad akong umiwas ng tingin.

Lena.

Trabaho ’to.

Huwag kang tumingin.

Pero ramdam ko pa rin ang titig niya.

“Bagong maid?” malamig niyang tanong.

Bahagya niyang tinaas ang isang kilay habang sinusuri ako.

“Opo.” Tumango ako at inayos ang strap ng bag ko.

“Name?”

“Elena Santos. Lena na lang po.”

Bahagya siyang tumango. “Bakit ka nandito?”

Napakunot-noo ako. “Para magtrabaho?”

Saglit siyang natigilan. Tumaas ang isang kilay niya, na para bang hindi niya expected ang

sagot ko.

“Obviously.” Sagot niya.

Bahagya kong ikinibit ang balikat ko. “Then bakit n’yo pa po tinanong?” Pagkasabi ko, agad akong napalunok.

Ay.

First day ko pa lang. Baka last day ko na rin.

Tahimik siyang nakatingin sa akin.

Wala man lang pagbabago sa mukha niya.

Dahan-dahan siyang lumapit ng isang hakbang.

“May rules dito.”

Tumango ako. “Opo.”

“Bawal ang bisita.” Itinaas niya ang isang daliri.

“Opo.”

“Bawal ang pictures.” Isa pang daliri.

“Opo.”

“Bawal pumasok sa private office ko.”

Tumango ako ulit.

“At pinakaimportante…” Huminto siya. Diretso ang tingin niya sa akin. “Bawal makialam sa personal life ko.”

Bahagya akong napakunot-noo. “Hindi naman po ako interested.”

Umangat ang isang kilay niya. “Good.” Tumalikod siya.

Napabuntong-hininga ako. Okay. Buhay pa ang trabaho ko.

Pero bago pa ako makagalaw, may maliit na kamay na biglang humawak sa palda ko.

Napatingin ako. Isang batang lalaki ang nakatayo sa tabi ko. Mga dalawang taong gulang siguro. Magulo ang buhok niya at mahigpit niyang hawak ang isang stuffed dinosaur.

“Hello,” bati ko habang yumuyuko.

Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya at niyakap ang binti ko. Napalingon ako sa boss

ko.

“Sir?”

Agad siyang lumingon.

“Theo.” Yumuko siya para kunin ang bata.

“Theo. Come here.”

Umiling ang bata. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin.

Napangiti ako. “Parang ayaw po.”

Tumingin sa akin ang lalaki. “Hindi siya ganito.”

Bahagya kong hinaplos ang buhok ni Theo. “Baka gusto niya lang po ako.”

“First day mo.” Sabi niya.

“Opo.” Sagot ko naman.

“Hindi ka niya kilala.”

Ikinibit ko ang balikat ko. “Baka mabilis po siyang makiramdam.”

Saglit siyang natahimik. Tumingin siya kay Theo.

“Theo.”

Umiling ulit ang bata. Napakagat ako sa labi para hindi matawa. Mukhang hindi sanay ang lalaking ito na hindi siya sinusunod.

“Ano’ng pangalan mo?” tanong ko sa bata.

“Theo,” sagot ng boss ko.

Napatingin ako sa kanya. “Hindi po kayo ang tinatanong ko.”

Bigla siyang natahimik. Bahagyang gumalaw ang labi niya, parang pinipigilan ang isang ngiti.

Si Theo naman ay tumingala sa akin.

“Lena.”

Nanlaki ang mata ko. “Alam mo na pangalan ko?”

Ngumiti siya. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa hagdan.

“Sandali lang—”

“Sumama ka,” sabi ng lalaki.

Napalingon ako sa kanya. “Po?” nagtataka kong sagot.

“Gusto ka niyang ipakita sayo ang kwarto niya.” Sagot ng boss ko.

“Bakit ako?”

Bahagya siyang umiling. “Hindi ko alam.”

Tumakbo si Theo paakyat habang hawak ang kamay ko. Napilitan akong sumunod.

First day ko pa lang. Imbes na maglinis, nakikipaghabulan na ako sa batang hindi ko naman kilala.

Pagdating namin sa second floor, itinulak ni Theo ang isang malaking p***o. Pumasok siya. Sinundan ko. Napahinto ako.

Malaki ang kuwarto. May mga laruan sa sahig, books sa shelf, malalambot na unan sa

sulok at isang malaking kama sa gitna.

Pero kahit pambata ang kuwarto, parang kulang sa buhay.

Tahimik. Sobrang tahimik.

Umupo si Theo sa sahig at tinapik ang tabi niya. Umupo ako. Inabot niya sa akin ang

dinosaur.

“Para sa akin?”

Tumango siya.

“Thank you.” Sagot ko naman sa kanya.

Ngumiti siya. Napangiti rin ako.

Nasa pintuan si Rafael. Nakatayo lang siya roon habang pinagmamasdan kami.

“Hindi niya ipinapahawak ’yan kahit kanino,” sabi niya.

Tiningnan ko ang dinosaur. “Baka pinagkakatiwalaan niya ako.”

Hindi siya sumagot. Saglit niyang tinitigan si Theo bago ako. Pagkatapos ay umalis siya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong iniisip ang lalaking iyon.

Maya-maya, dumating si Mrs. Alma.

“Miss Lena?”

Tumayo ako. “Opo?”

“Pakiayos muna ang kuwarto ni Sir Rafael pagkatapos mong dito.”

“Opo.” Sagot ko kay Mrs. Alma.

Ipinakita niya sa akin ang kusina, laundry area at iba pang bahagi ng bahay.

Habang naglalakad kami, napansin ko kung gaano katahimik ang buong mansion.

Napakalaki. Napakaganda. Pero parang walang totoong nakatira rito.

“Matagal na po ba rito si Sir Rafael?” tanong ko.

“Matagal na.” sagot ni Mrs. Alma.

“May pamilya po siya?”

Nag-atubili siya. “Wala.”

“Si Theo?”

“Inaanak niya.”

Napatingin ako sa kanya. “Inaanak?”

Tumango siya. “Oo.”

“Bakit siya rito nakatira?”

Huminto si Alma at napatingin sa akin. “Mas mabuting huwag mo nang alamin.”

“Bakit?”

Bahagya siyang umiling. “May mga bagay na ayaw pag-usapan ni Sir Rafael.”

Tumango ako. “Sige po.”

Hindi na ako nagtanong. Trabaho lang. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko.

Hanggang sa kailangan kong linisin ang kuwarto ni Rafael.

Kumatok ako.

Tok. Tok.

Walang sagot. Kumatok ulit ako.

“Sir?”

Tahimik. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

“Sir, papasok po ako.”

Pumasok ako. Malaki ang kuwarto. Minimalist. Malinis. Halos walang personal na gamit. Maliban sa isang litrato sa bedside table.

Kinuha ko iyon. Si Rafael. Kasama si Theo. Pareho silang nakangiti. Pero ang napansin ko ay ang kamay ni Rafael. May singsing. Napakunot-noo ako.

May asawa siya? Agad kong ibinaba ang litrato.

Pero biglang bumukas ang p***o. Napalingon ako.

Si Rafael. At ngayon, hindi na kalmado ang mukha niya.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Bahagya niyang kinunot ang noo habang nakatingin sa kamay ko.

“Maglilinis po.” Sagot ko sa kanya.

“Bakit mo hinahawakan ang picture?”

Agad kong ibinalik iyon sa mesa. “Akala ko po kasi—”

“Hindi mo dapat hinahawakan ang mga bagay na hindi sa’yo.”

Napayuko ako. “Sorry po.”

Kinuha niya ang litrato. Tahimik siyang nakatingin dito.

Bago ako lumabas, napatingin ulit ako sa singsing.

“Sir?” mahinang tanong ko.

“Ano?” naiinis na sagot niya.

“May asawa po kayo?”

Biglang tumigil ang kamay niya. Tumingin siya sa singsing. Matagal.

Pagkatapos ay tumingin sa akin. “Wala.”

“Pero may singsing kayo.”

Bahagya niyang pinisil ang daliri na may suot na singsing. “Dapat meron.”

Hindi ko na naitanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Dahil biglang may sigaw mula sa hallway.

“Lena!”

Si Theo. Tumakbo ako palabas. Nasa hagdan siya, umiiyak.

“Anong nangyari?”

Agad siyang tumakbo sa akin at yumakap. Sa likod niya, nakita ko si Rafael. At sa unang pagkakataon, nakita kong totoong nag-aalala ang mukha niya.

“Hindi siya gumagawa nito,” sabi niya. Bahagya siyang lumapit at tiningnan si Theo.

“Ano po?” tanong ko.

“Hindi siya basta kumakapit sa kahit sino.”

Hinaplos ko ang buhok ng bata. “Baka kailangan lang po niya ng kasama.”

Matagal niya akong tinitigan.

Pagkatapos ay bahagya siyang tumango. “Siguro.”

Kinagabihan, inaayos ko ang mga gamit ko nang makarinig ako ng mga yabag sa hallway. Huminto ang mga yabag sa harap ng p***o ko.

Pagbukas ko—si Rafael. Nakasuit na. Maayos. Malamig ulit ang mukha.

“Lena.” Mahinanon na sabi niya.

“Opo?” sagot ko habang mejo kinakabahan.

Huminga siya nang malalim. “May kailangan akong sabihin sa’yo.”

“Ano po iyon?” tanong ko.

Diretso siyang tumingin sa akin. “Bukas dapat ang kasal ko.”

Napakurap ako. “Po?”

“Pero hindi na matutuloy.” Dugtong niya.

“Bakit po?”

Bahagya niyang pinisil ang panga niya. “Tumakas ang bride.”

Hindi ako nakasagot. Hanggang sa biglang sumulpot si Theo sa likod niya.

Tumakbo ito sa akin. Tumingala. At ngumiti.

“Lena…” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Mama.”

Nanigas ako. Napatingin ako kay Rafael. At sa unang pagkakataon—nawalan siya ng kontrol

sa expression niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 35: AKO ANG PINILI NIYA

    Hindi na ako naghintay. Sa dami ng tanong na ilang buwan kong hinabol, sa dami ng lihim na pilit naming binuksan, at sa dami ng gabing pinagdudahan ko kung tama ba ang lahat ng ginagawa ko, sa wakas ay may isang bagay akong hindi na kailangang pag-isipan. Tumingin ako kay Rafael. “Ako ang pipili sa’yo.” Parang huminto ang mundo. Hindi siya agad nagsalita. Tinitigan lang niya ako na para bang gusto niyang siguraduhin na tama ang narinig niya. “Sigurado ka?” “Oo.” “Walang kontrata?” “Wala.” “Walang mana?” “Wala.” “Walang obligasyon?” Umiling ako. “Wala.” Parang unti-unting nawala ang bigat sa mga balikat niya. Sa unang pagkakataon, wala nang kasunduan sa pagitan namin. Wala nang papel na nagsasabi kung ano ang dapat naming gawin. Wala nang pamilyang nagdidikta kung sino ang dapat kong mahalin. Kami na lang. Ako. At siya. “Kung gano’n…” Unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi niya. “…pakakasalan mo ba ako?” Napatawa ako habang umiiyak.

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 34: ANG HULING SIKRETO

    “Hindi…” Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato. Parang may humigop sa lahat ng hangin sa paligid ko. Ang ingay ng mundo ay unti-unting nawala hanggang sa tanging nakikita ko na lang ay ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ang babae. Ang singsing. Ang lumang istasyon. At ang batang si Theo na hawak niya. “Lena?” Narinig ko ang boses ni Rafael, pero parang nanggagaling iyon sa napakalayong lugar. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. “Kilalang-kilala ko siya.” Agad na nagbago ang ekspresyon niya. “Sino?” Hindi ako agad nakasagot. Pinilit kong alalahanin. May isang mukha. Isang pares ng mata. Isang kamay na humawak sa kamay ko. Isang boses na hindi ko na maalala ang sinabi. At isang istasyon na hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit pamilyar sa akin. “Siya…” Huminga ako nang malalim. “…ang babaeng nakita ko noong bata ako.” Napatingin si Rafael sa litrato. “Sa istasyon?” Tumango a

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 33: ANG TUNAY NA INA NI THEO

    Hindi ako nakapagsalita.Para akong nawalan ng boses habang nakatingin kay Rafael.Ang tunay na ina ni Theo.Ilang beses kong inulit sa isip ko ang sinabi niya, pero hindi pa rin kayang tanggapin ng utak ko ang katotohanan.May ina si Theo.Isang babaeng hindi ko kilala.Isang babaeng matagal nang nawala.At higit sa lahat, isang babaeng posibleng buhay pa.“May ina si Theo?”Bahagyang tumango si Rafael.“Oo.”Napatingin ako sa batang nasa kabilang bahagi ng sala.Tahimik na naglalaro si Theo, walang kaalam-alam na ang buong mundo naming matatanda ay unti-unting gumuguho sa paligid niya.“Nasaan siya?”Hindi agad sumagot si Rafael.“Hindi ko alam.”Napailing ako.“Rafael, bakit hindi mo sinabi sa akin?”“Dahil akala ko hindi na siya babalik.”“Pero bakit siya umalis?”Muling natahimik si Rafael.Hindi niya kayang tingnan ang mga mata ko.At doon ko naisip na hindi lang ito simpleng kuwento ng isang babaeng umalis.May dahilan.May nangyari.At may bahagi ng nakaraan na matagal nang pi

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 32: DALAWA

    Kinabukasan, hindi na ako mapakali. Magdamag akong halos hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Theo. Dalawa. Dalawang baby. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang iyon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang sobrang sigurado siya sa sinabi niya. Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Isang kamay ko ang nakapatong sa tiyan ko. Wala pa namang makikita. Wala pang malaking pagbabago sa katawan ko. Pero simula nang sabihin iyon ni Theo, parang hindi na pareho ang pakiramdam ng bawat paghinga ko. “Baka mali lang ang narinig natin,” sabi ko nang tuluyang bumangon si Rafael mula sa kama. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, tahimik na nakatingin sa labas. “Posible,” sagot niya. Pero hindi ako kumbinsido. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi dahil nakita ko ang mukha niya nang sabihin iyon ni Theo. Kinakabahan din siya. At kahit ayaw niyang ipakita, kilala ko na siya.

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 31: ANG LIHIM NI THEO

    Hindi ko hinabol ang lalaki. Hindi ko rin nagawang magsalita. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ni Rafael habang pinagmamasdan ang anino ng lalaking unti-unting lumalayo sa amin. Ilang segundo pa, tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. Pero kahit wala na siya roon, parang naiwan ang presensya niya sa paligid. Sa hangin. Sa bahay. Sa dibdib ko. Para bang may iniwan siyang tanong na walang gustong sumagot. “Rafael…” Mahina ang pagkakasabi ko sa pangalan niya. Hindi siya agad sumagot. Nakatitig pa rin siya sa direksiyong tinahak ng lalaki. “Huwag muna.” Dalawang salita lang iyon. Pero sapat na para pigilan akong magtanong pa. “Pero si Theo—” “Alam ko.” Napatingin ako sa anak namin. Nakatayo si Theo ilang hakbang mula sa amin, hawak pa rin ang maliit na kahon na kanina pa niya dala. Para bang wala siyang pakialam sa nangyari. Para bang hindi niya napansin ang tensiyon sa pagitan naming matatanda. Pero kilala ko na si Theo. Kapag tahimik siya

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 30: ANG LALAKING HINDI DAPAT BUMALIK

    Napalingon kami sa pintuan.Walang tao.Tanging mahinang ugong ng hangin ang naririnig mula sa hallway. Nakabukas pa rin ang ilaw sa silid ni Mama, at ang anino namin ay mahaba sa sahig.“Nasaan?” tanong ko.Hindi sumagot si Theo.Itinaas lamang niya ang maliit niyang kamay at itinuro ang bintana.Dahan-dahan kaming napalingon ni Rafael.Sa labas, sa kabilang bahagi ng lumang bakuran, may isang lalaking nakatayo sa tapat ng gate.Hindi siya pumasok.Hindi siya lumapit.Nakatayo lamang siya roon, kalahati ng katawan niya ay tinatamaan ng ilaw mula sa poste sa labas.Ngunit kahit malayo, may isang bagay na agad kong napansin.Ang mukha niya.May pagkakahawig kay Rafael.Hindi lamang sa hugis ng panga.Hindi lamang sa mga mata.May kung anong pamilyar sa paraan ng pagtayo niya, sa titig niya, sa tahimik niyang presensya.Tumingin si Rafael sa lalaki.At nakita kong unti-unting nawala ang kulay sa mukha niya.“Kuya…”Halos pabulong lamang ang salita.Nanigas ako.“Siya ba?”Hindi agad sum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status