LOGINHindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Theo.
Mama. Ilang beses kong sinubukang ipikit ang mga mata ko, pero bumabalik at bumabalik sa isip ko ang maliit niyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya anak. Hindi ko nga siya kilala bago ako dumating sa mansion. Pero simula nang makita niya ako, parang ayaw na niya akong pakawalan. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kisame.“Bakit ako?” mahina kong tanong sa sarili. Walang sumagot. Tanging tunog ng malamig na air conditioner ang naririnig ko sa buong kuwarto. Kinabukasan, maaga akong nagising. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang kakaibang katahimikan sa hallway. Hindi tulad ng ibang umaga na may mga katulong na abala sa pag-aayos ng bahay. Mabilis akong naglakad palabas. At doon ko nakita si Rafael. Pabalik-balik siyang naglalakad sa hallway habang hawak ang cellphone. Nakasuit na siya. Maayos ang polo at pantalon niya, pero gusot ang manggas ng suit. Halatang hindi siya mapakali. Madalas niyang tingnan ang cellphone niya, pagkatapos ay ibinabalik iyon sa bulsa. “Sir?” Agad siyang napalingon. “Nasaan si Theo?” “Nasa kuwarto po niya,” sagot ko. Tumango siya. Akala ko aalis na siya, pero nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ko. Napahawak siya sa batok at malalim na huminga. “Lena.” “Opo?” Tumingin siya sa akin nang seryoso. “May kailangan akong ipagawa sa’yo.” Bahagya akong lumapit. “Ano po?” “Samahan mo si Theo.” Napakunot-noo ako. “Bakit po?” Hindi siya agad sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at ilang segundo akong tinitigan bago tuluyang nagsalita. “Wala na ang bride ko.” Napakurap ako. “Ha?” Bahagya niyang pinisil ang labi niya. Kita sa mukha niya ang inis at pagod. “Tumakas siya.” “Ngayon?” gulat na tanong ko. “Kanina.” Seryosong sagot niya. Napatingin ako sa kanya nang mas mabuti “Today? Yung wedding today?” Tumango siya. “Dapat.” Napabuka ang bibig ko. “Sir…” “Ano?” mabilis niyang sagot. Bahagya akong napaatras dahil sa tono niya. “Okay lang po ba kayo?” Napatingin siya sa akin nang diretso. “Mukha ba akong okay?” Umiling ako. “Hindi po.” Saglit siyang natahimik. Pagkatapos, bahagya siyang napangiti. Isang mabilis na ngiti na agad ding nawala. “Good. At least honest ka.” Bago pa ako makasagot, isang malakas na iyak ang narinig namin mula sa kabilang hallway. Si Theo. Agad akong tumakbo papunta sa kuwarto niya. Pagbukas ko ng p***o, nakita ko siyang nakaupo sa kama. Namumula ang mga mata niya at mahigpit niyang yakap ang stuffed dinosaur niya. “Theo.” Pagkarinig niya sa boses ko, agad siyang bumaba sa kama. “Mama!” Tumakbo siya papunta sa akin. Yumakap siya sa baywang ko nang mahigpit. Napahawak ako sa balikat niya at hinaplos ang buhok niya. “Okay lang. Nandito ako.” Humihikbi siya habang nakasandal sa akin. Pagtingin ko sa pintuan, nakita kong nandoon si Rafael. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. Lumapit siya nang dahan-dahan. “Hindi ko alam kung bakit ikaw lang ang gusto niya.” Tumingin ako kay Theo. “Baka kailangan lang niya ng taong komportable siya.” Bahagyang tumango si Rafael. “Siguro.” Umupo kami sa gilid ng kama. Makalipas ang ilang minuto, unti-unting kumalma si Theo. Kinuha niya ang stuffed dinosaur niya at tahimik na naglaro. Samantala, nakatingin si Rafael sa kanya. Matagal. Parang may iniisip siyang malalim. Pagkatapos, tumingin siya sa akin. “Lena.” Mahinang tawag niya. “Ano po?” sagot ko. “Gusto kong gumawa tayo ng arrangement.” seryosong sabi niya. Napakunot-noo ako. “Anong arrangement?” Tumayo siya at pumunta sa maliit na table sa gilid ng kuwarto. Kumuha siya ng isang makapal na folder. Pagbalik niya, inilapag niya iyon sa harapan ko. Dahan-dahan niyang binuksan ang folder. At doon ko nakita ang mga dokumento. “Magpapakasal tayo.” Nanigas ako. “Po?” Napapikit siya sandali, na para bang alam niyang magiging ganoon ang reaksyon ko. “Temporary.” Napatingin ako sa kanya. “Temporary marriage?” gulat kong pagkakatanong. “Six months.” Napatawa ako nang mahina dahil sa sobrang gulat. “Sir, hindi po ako nagbibiro.” “Ako rin.” Umupo siya sa tapat ko. Kinuha niya ang isang papel at itinulak iyon papunta sa akin. “May legal issue sa family. May conditions tungkol kay Theo. Kailangan ko ng asawa.” Napatingin ako sa kontrata. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa kanya. “Bakit ako?” Hindi siya nag-atubili. “Dahil pinagkakatiwalaan ka ni Theo.” Napailing ako. “Hindi sapat ’yon para magpakasal.” “May bayad.” Sagot niya. Napatingin ako sa kanya. “Magkano?” Sinabi niya ang halaga. At tuluyan akong natahimik. Sobrang laki. Sa halagang iyon, kayakong bayaran ang mga utang ko. Kaya kong makatulong sa pamilya ko. Kaya kong ayusinang maraming problema na matagal ko nang pinoproblema. Pero hindi naman libre ang lahat. May kapalit. Napatingin ako sa kontrata. “May rules,” sabi niya. Bahagya niyang itinulak ang unang pahina papunta sa akin. “Separate rooms.” Tumango ako. “No forced relationship.” Muli akong tumango. “Walang pilitan.” Napatigil ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Tinitigan niya ako nang diretso. “Hindi kita pipilitin sa kahit ano.” Bahagya siyang yumuko. “Ikaw ang magdedesisyon.” Hindi ko alam kung bakit, pero gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. Hindi niya ako tinatakot. Hindi niya ako pinipilit. At higit sa lahat, may malinaw siyang kondisyon na hindi niya ako gagalawin nang labag sa gusto ko. Napatingin ako kay Theo. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. Bigla siyang tumayo. Iniwan niya ang stuffed dinosaur niya sa kama at lumapit sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Rafael. Dahan- dahan niyang pinaglapit ang dalawang kamay namin. Napatingin kami sa isa’t isa. Bahagyang umangat ang kilay ni Rafael. “Mukhang may opinion si Theo.” Napangiti ako. “Ang kulit ng anak n’yo.” Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. Hindi siya agad sumagot. Bumaba ang tingin niya kay Theo. May kakaibang lungkot sa mga mata niya. “Hindi ko siya tunay na anak.” Natahimik ako. Bahagya niyang hinaplos ang buhok ni Theo. “Pero siya ang pinili kong alagaan.” Tumingin ako sa bata. Nakangiti na siya ngayon habang hawak ang kamay naming dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyari sa buhay ng batang iyon. Hindi ko rin alam kung bakit napakalalim ng attachment niya sa akin. Pero isang bagay ang malinaw. Kailangan niya ng taong hindi niya kinatatakutan. At sa ngayon, ako yata ang taong iyon. Muli kong tiningnan ang kontrata. Kailangan ko ng pera. Kailangan ni Rafael ng asawa. At kailangan ni Theo ng isang taong kaya niyang pagkatiwalaan. Tatlong pangangailangan. Isang desisyon. Huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang ballpen na nasa ibabaw ng mesa. Sandali akong nag-atubili. Tumingin ako kay Rafael. Tahimik lamang siyang naghihintay. Pagkatapos ay tumingin ako kay Theo. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Dahan-dahan kong ibinaba ang ballpen sa papel. Isang pirma. Pagkatapos ay isa pa. Hanggang sa matapos ko ang lahat ng dokumento. Inilapag ko ang ballpen. Tahimik ang buong kuwarto. Tumingin ako kay Rafael. “Okay.” Bahagya siyang tumango. “Six months.” Tumango ako. “Six months.” Hindi ko alam noon na ang simpleng pirma na iyon ang magiging simula ng pinakamagulong anim na buwan ng buhay ko. Dahil sa araw na iyon, hindi lang ako pumayag na maging asawa ni Rafael. Hindi ko rin alam na unti-unti akong magiging bahagi ng mundong matagal niyang itinago. At higit sa lahat—hindi ko alam na ang batang tumawag sa akin ng Mama ay may alam na lihim na kayang baguhin ang lahat.Hindi na ako naghintay. Sa dami ng tanong na ilang buwan kong hinabol, sa dami ng lihim na pilit naming binuksan, at sa dami ng gabing pinagdudahan ko kung tama ba ang lahat ng ginagawa ko, sa wakas ay may isang bagay akong hindi na kailangang pag-isipan. Tumingin ako kay Rafael. “Ako ang pipili sa’yo.” Parang huminto ang mundo. Hindi siya agad nagsalita. Tinitigan lang niya ako na para bang gusto niyang siguraduhin na tama ang narinig niya. “Sigurado ka?” “Oo.” “Walang kontrata?” “Wala.” “Walang mana?” “Wala.” “Walang obligasyon?” Umiling ako. “Wala.” Parang unti-unting nawala ang bigat sa mga balikat niya. Sa unang pagkakataon, wala nang kasunduan sa pagitan namin. Wala nang papel na nagsasabi kung ano ang dapat naming gawin. Wala nang pamilyang nagdidikta kung sino ang dapat kong mahalin. Kami na lang. Ako. At siya. “Kung gano’n…” Unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi niya. “…pakakasalan mo ba ako?” Napatawa ako habang umiiyak.
“Hindi…” Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato. Parang may humigop sa lahat ng hangin sa paligid ko. Ang ingay ng mundo ay unti-unting nawala hanggang sa tanging nakikita ko na lang ay ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ang babae. Ang singsing. Ang lumang istasyon. At ang batang si Theo na hawak niya. “Lena?” Narinig ko ang boses ni Rafael, pero parang nanggagaling iyon sa napakalayong lugar. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. “Kilalang-kilala ko siya.” Agad na nagbago ang ekspresyon niya. “Sino?” Hindi ako agad nakasagot. Pinilit kong alalahanin. May isang mukha. Isang pares ng mata. Isang kamay na humawak sa kamay ko. Isang boses na hindi ko na maalala ang sinabi. At isang istasyon na hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit pamilyar sa akin. “Siya…” Huminga ako nang malalim. “…ang babaeng nakita ko noong bata ako.” Napatingin si Rafael sa litrato. “Sa istasyon?” Tumango a
Hindi ako nakapagsalita.Para akong nawalan ng boses habang nakatingin kay Rafael.Ang tunay na ina ni Theo.Ilang beses kong inulit sa isip ko ang sinabi niya, pero hindi pa rin kayang tanggapin ng utak ko ang katotohanan.May ina si Theo.Isang babaeng hindi ko kilala.Isang babaeng matagal nang nawala.At higit sa lahat, isang babaeng posibleng buhay pa.“May ina si Theo?”Bahagyang tumango si Rafael.“Oo.”Napatingin ako sa batang nasa kabilang bahagi ng sala.Tahimik na naglalaro si Theo, walang kaalam-alam na ang buong mundo naming matatanda ay unti-unting gumuguho sa paligid niya.“Nasaan siya?”Hindi agad sumagot si Rafael.“Hindi ko alam.”Napailing ako.“Rafael, bakit hindi mo sinabi sa akin?”“Dahil akala ko hindi na siya babalik.”“Pero bakit siya umalis?”Muling natahimik si Rafael.Hindi niya kayang tingnan ang mga mata ko.At doon ko naisip na hindi lang ito simpleng kuwento ng isang babaeng umalis.May dahilan.May nangyari.At may bahagi ng nakaraan na matagal nang pi
Kinabukasan, hindi na ako mapakali. Magdamag akong halos hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Theo. Dalawa. Dalawang baby. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang iyon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang sobrang sigurado siya sa sinabi niya. Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Isang kamay ko ang nakapatong sa tiyan ko. Wala pa namang makikita. Wala pang malaking pagbabago sa katawan ko. Pero simula nang sabihin iyon ni Theo, parang hindi na pareho ang pakiramdam ng bawat paghinga ko. “Baka mali lang ang narinig natin,” sabi ko nang tuluyang bumangon si Rafael mula sa kama. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, tahimik na nakatingin sa labas. “Posible,” sagot niya. Pero hindi ako kumbinsido. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi dahil nakita ko ang mukha niya nang sabihin iyon ni Theo. Kinakabahan din siya. At kahit ayaw niyang ipakita, kilala ko na siya.
Hindi ko hinabol ang lalaki. Hindi ko rin nagawang magsalita. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ni Rafael habang pinagmamasdan ang anino ng lalaking unti-unting lumalayo sa amin. Ilang segundo pa, tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. Pero kahit wala na siya roon, parang naiwan ang presensya niya sa paligid. Sa hangin. Sa bahay. Sa dibdib ko. Para bang may iniwan siyang tanong na walang gustong sumagot. “Rafael…” Mahina ang pagkakasabi ko sa pangalan niya. Hindi siya agad sumagot. Nakatitig pa rin siya sa direksiyong tinahak ng lalaki. “Huwag muna.” Dalawang salita lang iyon. Pero sapat na para pigilan akong magtanong pa. “Pero si Theo—” “Alam ko.” Napatingin ako sa anak namin. Nakatayo si Theo ilang hakbang mula sa amin, hawak pa rin ang maliit na kahon na kanina pa niya dala. Para bang wala siyang pakialam sa nangyari. Para bang hindi niya napansin ang tensiyon sa pagitan naming matatanda. Pero kilala ko na si Theo. Kapag tahimik siya
Napalingon kami sa pintuan.Walang tao.Tanging mahinang ugong ng hangin ang naririnig mula sa hallway. Nakabukas pa rin ang ilaw sa silid ni Mama, at ang anino namin ay mahaba sa sahig.“Nasaan?” tanong ko.Hindi sumagot si Theo.Itinaas lamang niya ang maliit niyang kamay at itinuro ang bintana.Dahan-dahan kaming napalingon ni Rafael.Sa labas, sa kabilang bahagi ng lumang bakuran, may isang lalaking nakatayo sa tapat ng gate.Hindi siya pumasok.Hindi siya lumapit.Nakatayo lamang siya roon, kalahati ng katawan niya ay tinatamaan ng ilaw mula sa poste sa labas.Ngunit kahit malayo, may isang bagay na agad kong napansin.Ang mukha niya.May pagkakahawig kay Rafael.Hindi lamang sa hugis ng panga.Hindi lamang sa mga mata.May kung anong pamilyar sa paraan ng pagtayo niya, sa titig niya, sa tahimik niyang presensya.Tumingin si Rafael sa lalaki.At nakita kong unti-unting nawala ang kulay sa mukha niya.“Kuya…”Halos pabulong lamang ang salita.Nanigas ako.“Siya ba?”Hindi agad sum







