Share

CHAPTER 3: ANG KONTRATA

Author: Sassy Rose
last update publish date: 2026-09-14 19:48:29

Tatlong araw pagkatapos kong pumirma sa kontrata, saka ko talaga napagtanto kung gaano

kalaking pagbabago ang ginawa ko sa buhay ko.

Ibang klase pala ang maging asawa ng isang billionaire.

Hindi ako sanay sa malaking bahay. Hindi ako sanay sa mahahabang hallway na parang walang katapusan. Hindi ako sanay sa mga taong yumuyuko kapag dumadaan si Rafael.

At lalong hindi ako sanay na kapag nasa labas kami, may mga taong tumitingin sa amin at

tinatawag akong—

Mrs. Monteverde.

Sa tuwing naririnig ko iyon, parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil alam kong hindi naman talaga ako totoong asawa niya.

Papel lang ang lahat. Anim na buwan. Iyon ang kasunduan.

Pero ang pinaka-weird sa lahat? Kapag kaming dalawa lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong itawag sa kanya.

Isang umaga, habang naglalakad kami sa hallway, bigla akong nagsalita.

“Sir?”

Agad siyang napalingon. Nakahawak siya sa cellphone habang naglalakad. Naka-white polo siya at dark pants, at kahit simpleng damit lang, mukha pa rin siyang parang papasok sa isang importanteng meeting.

“Nakalimutan mo na naman.”

Napakunot-noo ako. “Ano?”

Huminto siya at tumingin sa akin. “Rafael.” Bahagya siyang lumapit. “Sinabi ko na sa’yo.”

Napatingin ako sa paligid bago bumalik ang tingin ko sa kanya. “Okay po…”

Naghintay siya.

Napabuntong-hininga ako. “Rafael.”

Bahagya siyang ngumiti. “Better.”

Napailing ako. “Ang bossy n’yo.”

Tinaas niya ang isang kilay. “Bossy?”

“Konti.”

“Konti?” tanong niya.

Napangiti ako. “Okay. Sobra.”

Napailing siya habang pinipigilan ang ngiti. At doon ko napansin na mas madalas na siyang

ngumiti nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil kay Theo. O baka dahil sa akin. Hindi ko alam.

Sa mga sumunod na araw, naging routine ang buhay namin. Si Rafael sa trabaho. Ako sa bahay. Si Theo sa aming dalawa.

At kahit fake ang marriage namin, masyado nang nagiging natural ang lahat. Minsan, sabay kaming kumakain. Minsan, sabay naming pinapaliguan si Theo. At minsan, kapag gabi na, nauuwi kami sa sala habang nanonood ng cartoons ang bata. Parang isang normal na pamilya. Kahit alam kong hindi naman kami ganoon.

Isang gabi, nasa dining table ako habang pinapakain si Theo. Nakahawak ako sa kutsara

habang pilit siyang sinusubuan.

“Isa pang subo.”

Umiling siya. “No.” sagot niya.

“Isa lang.”

Muli siyang umiling. “No!” pero isinubo pa din naman niya.

Napatawa ako. “Ang kulit mo talaga.”

Tumawa siya habang tinatakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay. “Hindi ako gutom.”

“Kanina ka pa nagsasabi niyan.”

“Busog na ako.” Pilit niya.

“Tatlong subo pa lang kinain mo.” Napalingon ako sa kabilang dulo ng mesa. Tahimik na kumakain si Rafael habang pinapanood kami.

“Paano mo siya napapasunod?” tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. “Hindi ko rin alam.”

Bahagya niyang pinisil ang labi niya. “Sa akin, hindi niya kinakain ’yan.”

Napatingin ako kay Theo. Pagkatapos ay kay Rafael. “Baka kasi lagi kayong seryoso.”

Tinaas niya ang kilay. “Hindi ako seryoso.”

Tahimik kaming nagkatitigan.

“Sure?” tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti. “Sure.”

Napailing ako. “Liar.”

Bigla siyang natawa. Mahina lang. Pero totoo. At sa unang pagkakataon, narinig ko ang totoong tawa niya.

Napahinto ako. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang parang nag-iba ang itsura niya. Mas

bata. Mas relaxed. Mas... tao. At mas delikado pala siyang tingnan kapag nakangiti.

Agad kong ibinalik ang tingin ko kay Theo. “Halika na. Last three bites.”

Napatingin sa amin si Rafael. “Good luck.”

“Rafael!”

Tumawa ulit siya.

Nang gabing iyon, matagal akong hindi nakatulog. Hindi dahil kay Theo. Kundi dahil sa paraan ng pagtawa ni Rafael. At lalo akong nainis sa sarili ko dahil napapansin ko na angmga bagay na hindi ko dapat napapansin.

Makalipas ang ilang oras, bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig. Tahimik ang buong mansion. Akala ko mag-isa ako. Pero nang ilagay ko ang baso sa counter, narinig ko ang pagbukas ng p***o.

Napalingon ako. Si Rafael. Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya. Bahagyang

magulo ang buhok niya at wala na ang suit jacket niya. Mukha siyang pagod.

“Hindi ka pa natutulog?” tanong niya.

Napalingon ako sa kanya. “Hindi pa.”

Lumapit siya sa counter at kumuha ng isang basong tubig. Tahimik siyang uminom. Pinagmasdan ko siya nang hindi ko namamalayan. Napansin niya. Dahan-dahan siyang

tumingin sa akin.

“Ano?” tanong niya.

“Wala.” Sagot ko naman.

“May tinitingnan ka.” Umangat ang isang sulok ng labi niya.

“Bawal ba?” sagot ko naman.

“Bawal.” Sagot nanaman niya. Napangiti siya.

“Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawa. Hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin.

Biglang uminit ang mukha ko. Napaatras ako nang kaunti. Agad siyang huminto. Hindi niya ako hinawakan.

“Okay ka lang?” tanong niya.

Tumango ako. “Oo.”

Ilang segundo siyang nakatingin sa akin. Tahimik ang kusina. Tanging tunog ng refrigerator ang maririnig.

“Lena.”

“O?”

Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mata namin. “Pwede ba kitang halikan?”

Biglang bumilis ang heartbeat ko. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makahinga.

Naalala ko ang kontrata.

No forced relationship. Walang pilitan.

Pero ngayon, hindi niya ako pinipilit. Nagtatanong siya. At ang sagot ko ay isang maliit na tango.

Dahan-dahan siyang lumapit. Nang magtagpo ang mga labi namin, maikli lang ang halik.

Walang pagmamadali. Walang pilitan. Pero sapat iyon para makalimutan ko sandali ang lahat ng rules na ginawa namin.

Nang tumigil siya, nanatili siyang malapit. Tinitigan niya ako.

“Are you okay?”

Muli akong tumango. “Oo.”

Bahagya niyang hinawakan ang kamay ko. “Good.”

Ngumiti ako. Pero kinabukasan, nagbago ang lahat.

Maaga akong bumaba para mag-almusal. Tahimik ang dining room. Wala pa si Theo. Wala

rin si Rafael. Pero may isang maliit na sobre sa ibabaw ng dining table.

Napakunot-noo ako. Lumapit ako at kinuha iyon. May pangalan ko.

Lena.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre. Isang maliit na

papel ang laman. Tatlong linya lang. Pero sapat iyon para manlamig ang buong katawan ko.

Hindi ako ang babaeng kailangan mong pakasalan. Tanungin mo si Lena kung bakit

talaga siya pumunta sa bahay mo.

Nanlamig ang mga kamay ko. Paulit-ulit kong binasa ang mga salita.

Bakit talaga siya pumunta sa bahay mo?

Napahawak ako sa gilid ng mesa.

Hindi. Hindi puwede. May nakakaalam.

May nakakaalam ng dahilan kung bakit ako napunta sa mansion. At hindi dapat iyon malaman ni Rafael.

Dahan-dahan kong ibinaba ang papel.

“Lena?”

Napalingon ako. Nakatayo si Rafael sa hallway. Nakahawak siya sa doorknob habang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay napunta ang mga mata niya sa papel sa kamay ko.

Unti-unti siyang lumapit. “Ano ’yan?”

Hindi ako agad nakasagot.

Kinuha niya ang papel mula sa kamay ko. Binasa niya. Sa unang linya pa lang, nagbago na ang expression niya. Pagdating sa pangalawa, tuluyan siyang natahimik. Ibinaba niya ang papel.

Tumingin siya sa akin.

“Lena.”

Napalunok ako.

“May gusto ka bang sabihin sa akin?”

Hindi ko maitaas ang mga mata ko. Mahigpit kong pinagkuyom ang mga kamay ko.

Meron.

At alam kong hindi ko na iyon kayang itago.

Dahil ang kontratang pinirmahan ko ay hindi lang tungkol sa pagpapanggap bilang asawa niya.

May isang dahilan kung bakit ako unang napunta sa mansion. Isang dahilan na hindi ko kailanman sinabi kay Rafael. At ngayon—may ibang taong nagpasiyang ilabas iyon.

Unti-unti kong itinaas ang tingin ko sa kanya.

“Rafael…”

Naghintay siya.

Huminga ako nang malalim. “May kailangan akong sabihin sa’yo.”

Hindi siya gumalaw. Hindi rin siya nagsalita. Pero nakita ko sa mga mata niya na nagsisimula na siyang magduda.

At sa unang pagkakataon mula nang pirmahan ko ang kontrata—natakot ako.

Hindi dahil baka kanselahin niya ang kasal namin. Kundi dahil baka kapag nalaman niya ang buong katotohanan…hindi na niya ako kailanman mapagkakatiwalaan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 10: HINDI NA AKO AALIS

    Dumating ang resulta makalipas ang ilang araw.Ilang araw na parang hindi natatapos.Hindi ko kayang buksan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung alin ang mas kinatatakutan ko—ang malaman na si Theo ay tunay na anak ni Rafael, o ang malaman na may ibang sagot ang papel na iyon.Nasa mesa kami sa living room. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng mga laruan ni Theo sa sala. Para bang walang malaking desisyong naghihintay sa amin sa ibabaw ng mesa.Si Rafael ang may hawak ng sobre. Ilang segundo niya itong tinitigan bago siya tumingin sa akin.“Ready?”Umiling ako. “Not really.”Bahagya siyang napangiti. “Me neither.”Napatawa ako nang mahina, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. “Bilyonaryo ka pero takot sa isang sobre.”“Mas nakakatakot ito kaysa sa negosyo.”“Bakit?”Tinitigan niya ang sobre. “Dahil hindi puwedeng bilhin kapag nawala ito.”Napatingin ako sa kanya. May kung anong kumirot sa dibdib ko. “Hindi mo rin naman ako binili.”Tumingin siya sa akin. “Alam ko.”Sim

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 9: ANG HINDI KO DAPAT MALAMAN

    Hindi ako nagsalita.Hindi rin si Rafael.Pareho kaming nakatingin sa papel na nakahandusay sa sahig, na para bang umaasa kaming magbabago ang mga salitang nakasulat doon kapag sapat na katagal namin itong titigan.He is your son.Apat na salita. Pero sapat para guluhin ang lahat ng pinaniwalaan ko tungkol sa buhay ko.Parang biglang nagkaroon ng bagong hugis ang bawat alaala ko.Ang litrato. Ang nanay ko. Ang batang si Theo. Ang pagdating ko sa bahay ni Rafael. Ang dahilan kung bakit tila may taong naghihintay sa akin kahit hindi ko alam kung bakit.At higit sa lahat, ang kakaibang pakiramdam na matagal ko nang kilala si Theo kahit hindi ko maalala kung saan.Sa wakas, si Rafael ang unang huminga nang malalim. “Hindi puwede.”Napatingin ako sa kanya. “Bakit?”“Dahil kung anak ko siya…” Hindi niya itinuloy.“Then?”Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakita kong wala siyang sagot.“Alam ko sana.”Mahina ang boses niya.“Alam ko sana kung may anak ako.”Hindi ko alam kung a

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 8: ANG LIHIM NI THEO

    Hindi ako nakatulog. Hindi ko alam kung paano. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Rafael.Ang nanay mo.At pagkatapos noon, ang tanong na hindi ko kayang sagutin.Bakit? Bakit may koneksyon ang nanay ko kay Theo? Bakit may litrato?At bakit parang lahat ng tao sa paligid ko ay may alam tungkol sa nakaraan ko maliban sa akin?Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang malaman na may bahagi ng buhay ko na hindi ko maalala, o ang posibilidad na sadyang may mga taong itinago iyon sa akin.Umaga na nang tuluyan akong bumangon.Tahimik ang bahay. Dahan-dahan akong pumasok sa kuwarto ni Theo. Natutulog pa siya.Payapa ang mukha niya, parang walang problema sa mundo.Lumapit ako sa kama at inayos ang kumot na bahagyang nahulog sa gilid. Ilang segundo ko siyang pinagmasdan.Paano ko haharapin ang batang ito ngayon?Pareho pa rin siya.Si Theo pa rin.Ang batang hinahabol ako sa bahay kapag hindi niya ako nakikita.Ang batang ngumingiti kapag tinatawag ko ang pa

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 7: ANG BATA SA LIKOD NG P***O

    Hindi ko na maalala kung gaano katagal kaming bumiyahe.Tahimik lang ako sa passenger seat, nakatingin sa madilim na kalsadang unti-unting nalalamon ng gabi. Sa labas, kakaunti na lang ang mga ilaw. Habang papalayo kami sa siyudad, mas lalong lumiliit ang mga gusali hanggang sa maging mga bahay na magkakalayo.Hawak ko pa rin ang litrato. Hindi ko na ito tinitingnan. Hindi ko na kailangan. Nasa isip ko na ang batang lalaki sa tabi ko. Ang batang hindi ko maalala. Ang batang tila may koneksyon sa isang bahagi ng buhay ko na matagal ko nang pilit ibinaon.Si Rafael naman ay halos hindi nagsasalita. Pero alam kong may gusto siyang itanong. Halata sa paraan ng pagkakahawak niya sa manibela. Mahigpit. Minsan, bahagyang gumagalaw ang mga daliri niya na parang pinipigilan ang sarili na magsalita.Sa huli, ako na ang unang bumasag sa katahimikan.“Rafael.”“Hmm?”“Kung may malaman kang hindi mo magustuhan…”Hindi niya ako tiningnan.“Sabihin mo.”Napalingon ako sa kanya.Parang alam na niya a

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 6: ANG BABAENG NASA LARAWAN

    Akala ko tapos na ang lahat.Akala ko pagkatapos mapunit ni Rafael ang kontrata sa harap ko, tuluyan nang mawawala ang mga kondisyon, kasinungalingan, at mga dahilan kung bakit kami nagsimula sa isang relasyong hindi naman dapat maging totoo.Akala ko puwede na kaming magsimula ulit.Ako. Si Rafael. At si Theo. Walang pagpapanggap. Walang kondisyon. Walang expiration date.Pero minsan, kapag akala mo tapos na ang isang problema, doon pa lang pala nagsisimula ang mas mahirap na bahagi.Kinabukasan, may isang sobre na naghihintay sa ibabaw ng mesa ko. Maliit. Itim. Walang pangalan. Walang return address.At hindi ko alam kung bakit, pero bago ko pa man ito hawakan, may malamig nang pakiramdam na gumapang sa batok ko.Dahan-dahan kong binuksan ang sobre. May litrato sa loob. Isang lumang litrato.Nanlamig ang mga kamay ko. Hindi dahil sa litrato mismo. Kundi dahil sa taong nasa loob nito.Ako. Labingwalong taong gulang. Mas bata. Mas payat. Mas inosente ang mukha. At katabi ko ang isang

  • ANG NINONG NA HINDI KO DAPAT MINAHAL   CHAPTER 5: ANG LIHIM NA DINADALA KO

    Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang note na natanggap namin.Si Rafael na ang target.Napahawak ako sa kumot. Sino ang taong nagpapadala ng mga litrato? Bakit alam niya angtungkol sa amin?At higit sa lahat— Bakit parang alam din niya ang tungkol sa akin? May sikreto akong matagal nang itinago kay Rafael. Pero hindi ko inakala na may ibang taong nakakaalam nito.Napapikit ako. Sa unang pagkakataon mula nang pumunta ako sa mansion, hindi ko alam kung ligtas ba talaga ako roon.Kinabukasan, maaga akong bumaba. Tahimik ang dining room. Walang Theo. Walang mga katulong. Tanging si Rafael ang naroon. Nasa harapan niya ang litrato na ipinadala sa amin.Tahimik siyang nakatitig dito habang hawak ang isang tasa ng kape. Halatang hindi siya nakatulog nang maayos. Lumapit ako.“Rafael.”Agad siyang tumingin sa akin. Ibinaba niya ang tasa. “Umupo ka.”Umupo ako sa tapat niya. Ipinatong niya ang litrato sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status