Hindi na nagkaroon ng pagkakataong itanong ni Sophie kay Ella ang dahilan kung bakit hindi agad ito nakauwi noong araw na ginabi siya sa paghihintay sa kaibigan.
Excited nilang pinag-usapan ng gabing iyon ang Pamilya Madrid. Nasentro ang kanilang pagkukuwentuhan sa nag-iisang anak na binata ng mga Madrid. Nilagyan nila ng mukha sa kanilang mga imahinasyon ang lalaking hindi pa nila nakikilala.
Na dinala ni Sophie hanggang sa kanyang panaginip.
Napanaginipan niyang napakaguwapong lalake ni Victor Madrid. May magandang pangangatawan at maginoong pag-uugali. Nililigawan siya nito. Pinagsisilbihan at nireregaluhan. Hanggang sa naging magkatipan sila.Magkahawak kamay silang namamasyal. Nagsusuyuan. Pakiramdam niya’y nasa ulap siya, lalo ng yakapin na siya nito.
At napapikit siya ng hahagkan na siya…PAK!
Napadilat si Sophie.
“Bakit ka ba namamalo?” tanong niya, kasabay sa paghaplos sa hita niyang pinalo ng kaibigan.
“Alas otso na po ng umaga, ale. Mali-late ka po sa flight mo papuntang Palawan.” sagot ni Ella.
Biglang napabangon si Sophie. Takbo sa banyo. Naligo.
…….Sa Palawan…
Ka video call ni Victor Madrid ang kapatid na si Amelia.
“Isang oras na daw naghihintay sa airport ‘yung magiging nurse ni mama!”
“Heto nga. Nagmamadali na nga!”
“Bilisan mo! Mahirap kumuha ng magaling na nurse.”
Pasakay na siya sa kotse, patuloy pa rin ang tungayaw ng kanyang ate.
“Paano mo naman natiyak na magaling ang nurse.”
"Summa cum laude siya ng grumadweyt ng nursing, laging nasa deans list noong nag-aaral and to top it all topnotcher siya sa board exam!”
Saglit na natameme si Victor.
Dikawa'y umiral ang asal na mapang-asar.
“Kung gano'n siya kagaling, di sana'y maraming ospital ang nag offer sa kanya ng trabaho!” pakikipag-argumento niya.”
“Ayaw daw n‘ya sa ospital magtrabaho.”
“Magna-nurse siya tapos ayaw n'ya magtrabaho sa ospital! Anong kaartehan ‘yun?”
“Sa ayaw niya,e. Pakialam mo?”
“Baka gustong makabingwit ng bilyonaryo at stepping stone niya ang pagtatrabaho bilang nurse ng rich!”
“Hoy, Victor! Huwag mo man lang tangkaing ligawan ang nurse na ‘yun. Huwag mong pairalin ‘yang pagiging babaero mo. Binabalaan kita!”
“Bakit, maganda ba siya?”
Nang-aasar ang naging halakhak ni Amelia Madrid, na sinundan ng sarkastikong pananalita.
“You will see.”
Na sinundan ng pagputol sa pag-uusap nilang magkapatid.
Inis na napabuntunghininga si Victor.
“Pangit siguro ‘yun, kaya “you will see” ang sagot ni ate.”
Mabilis magsabi ng maganda ang ate niya, kung talagang maganda ang ipinasusundo sa kanya.
“Minsan nga kahit ordinary looking lang ang babae sasabihin niya, maganda at seksi! Para magmadali ako sa pagsundo.”
Siya ang tagasundo ng ate niya sa mga kaibigan nitong nanggagaling kung saan man, at namamasyal sa Palawan, na iniimbita ng ate niya na sa kanilang bahay na mag stay-cation.
Pangit nga siguro.” pagbibigay konklusiyon niya sa nasa isip.Hindi niya kailangang magmadali.…..
Iritado na si Sophie.
“Ano ba ‘yan? Dalawang oras na ‘kong naghihintay, hanggang ngayon wala pa!”
Kinabahan siya.
“Baka kakilala ng mga Sandoval ang mga Madrid na ito, at nalaman na ako ang magiging nurse ni Amanda Madrid.”
Takot sa mga Sandoval ang dahilan kung bakit ayaw niyang magtrabaho bilang nars saan mang ospital. Alam niyang sa dami ng mga koneksiyon ng mga ito ay madali siyang mati-trace.
Luminga-linga siya. Nagbuhul-buhol ang kalabog sa dibdib ng makitang may lalaking naka shades ang wari ay minamatyagan siya.
“Baka pinagmumukha muna nila akong tanga sa paghihintay, tapos…tapos…”
Hindi n'ya malaman kung ano ang iisipin niya.
Tiningnan ang puting kartolinang dalawang oras na niyang hawak, kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.SOPHIE SAMONTE
Nabitiwan niya ang stick na kinakakabitan ng kartolina, ng mapansing palapit sa kanya ang lalaking naka shades. Nagmamadaling naghanap ng mapagkukublihan.
Nilingon ang lalaking kinatatakutan.“My God! Sinusundan niya ako!”
Takbo sa nakitang ladies room si Sophie.
“Safe ako dito!”
Walang lalaking puwedeng pumasok sa kanyang pinuntahan. Inilabas niya ang make-up kit niya, matapos humarap sa salamin ng ladies room.
…….
Dinampot ni Victor ang kartolinang nabitiwan ni Sophie. Binasa ang pangalang nakasulat doon.
SOPHIE SAMONTE
Tiningnan ang oras sa relong suot.
“Wow! Mahigit dalawang oras na pala akong late sa usapan.”
Sinuyod niya ng tingin ang paligid. Umasang makikita ang babaing kanina lamang ay idinidispley ang kartolinang may nakasulat na pangalang Sophie Samonte, upang agad makita ng Victor Madrid na susundo rito.
“Paano ko naman malalaman kung nandito pa siya,e, hindi ko naman alam kung ano ang hitsura niya.”
Nagdalawang isip siya kung tatawagan ang ate niya.
“Siguradong magwawala sa galit ‘yun. Bobombahin na naman ako ng umaatikabong sermon.’
Nagpasyang magbakasakali muna sa paghahanap.
Palinga-linga, tsumatsamba si Victor, nagbabaka sakaling makikita at makikilala ang nurse na ipinasusundo sa kanya.
“Oh, Lord, bigyan mo po ako ng milagro. Bigyan Mo ako ng sign kung paano ko makikilala ang nurse na ‘yun.”
Ng may bumangga sa kanya.
Si Sophie, na nakapagpalit na ng anyo sa pamamagitan ng make up.
“Ano ba?” histerikal, ninenerbiyos na sigaw nito sa nabangga.
“Anong ano ba? Ikaw ang nakabangga, ah.”
“Kung nakatingin ka sa pinupuntahan mo, hindi tayo magkakabangga!”
Pinagmasdan ni Victor ang mukha ng babaing pinipilosopo siya.
“Wow! Ang kapal… ng make up!” ang bigla niyang nasabi.
Pakiwari ni Sophie'y binabastos siya ng nakangiting-nakaismid na pagkakatingin ng lalake..
“Bastos!”
Agad iniharang ni Victor ang may stick na kartolinang kanyang hawak, nang akala niya'y sasampalin siya ng kaharap.
Natigilan ang babae ng mabasa ang nakasulat sa kartolina.SOPHIE SAMONTE
Natitigilang napatitig siya sa lalaking wari'y nang-aasar ang asta sa kanya.
Kamukha siya ni Amelia Madrid!
“Patay!”
Nasabi ni Sophie sa sarili nang mapag konek-connect ang kartolinang hawak ng kaharap, sa palinga-linga nitong paglalakad at ang anyo nito na malaki ang pagkakahawig kay Amelia Madrid, ang babaing nag-hire sa kanya bilang nurse ng ina nitong si Amanda Madrid.
Pakiramdam niya'y nangangapal ang kanyang mukha, hindi dahil sa kapal ng make up, kundi dahil sa pagkapahiyang nararamdaman.
“OMG! Paano ba ako magpapakilala dito?”
“Huwag na, Miss. Marami na akong girlfriends.”
Tinalikuran at iniwan siya ni Victor.
“Bastos na ‘to, ah!”
Gigil na gigil sa inis si Sophie.
“VICTOR MADRID!”
Napatigil sa paglalakad si Victor, dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan niya ng babaing inasar niya. Napaisip.
“Baka si Nurse Sophie Samonte ‘yon, ah?”
Palapit na sa kanya ang babae ng lingunin niya ito.
“I'm Nurse Sophie Samonte.” Pagpapakilala nito sa kanya, sabay sa pag-abot ng kamay para sa handshake.
*******
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama