Home / Romance / ANG TAKAS / CHAPTER 7: HIRED

Share

CHAPTER 7: HIRED

last update Last Updated: 2021-10-20 02:38:31

Malalim na ang gabi. Hindi magkandatutong isinuksok ni Ella ang susi sa seradura ng pinto.

"Siguradong nag-aalala na si Sophie." Pakikipag-usap niya sa sarili.

Malalaki ang mga hakbang na tinawid ang kabahayan at tuluy na kumatok sa kuwarto 

Nakalabi, nagmamaktol si Sophie, habang nakatingin kay Ella, na pinagbuksan niya ng pinto. Naiinis siya dahil madalas na niyang hindi nakakasabay sa hapunan ang kaibigan.

Malungkot ang kumain nang nag-iisa.

Agad ngumiti ang bagong dating, sabay sa paghalik sa pisngi ng kaibigan.

“Ano'ng balita?” tanong agad.

“Bakit ang tagal mong dumating? Kanina pa ‘ko hintay ng hintay sa ‘yo.” ganting tanong ni Sophie.

Hindi agad nasagot ni Ella ang kaibigan. Nakatutok ang kanyang tingin sa maletang nasa ibabaw ng kama.

“Aalis ka? Lilipat ka na ba? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama sa iyo? Nagtatampo ka ba dahil hindi agad ako nakakauwi pag umaalis ako?”

Masayang niyakap ni Sophie ang kaibigan.

“Hired na ako as family nurse ng pamilya Madrid na inaplayan ko. Tinawagan na ako ni Ms. Amelia Madrid.” 

Kumalas sa yakap ng kaibigan si Ella.

“O, e, bakit kailangan mong umalis?” ang tanong na hindi itinago ang sama ng loob.

“Napakalayo po kasi ng Palawan, kaya kailangan kong mag-stay in.” 

Natigilan. Nag-alala ang kaibigan kay Sophie.

“Are you sure safe ka do’n? Mababait ba ang mga taong makakasama mo  do’n?”,

“Mabait si Mrs. Amanda Madrid, yung aalagaan ko. Ka-video chat namin siya ng anak niyang babae, noong nag-iinterbyuhan kami. Wala naman siyang sakit, gusto lang ng mga anak niya na nurse ang mag-aalaga sa kanya. Papunta na kasi ng UK ‘yung  uminterbyu sa akin, at doon na raw maninirahan after magpakasal sa boyfriend nitong Briton.”

“Aalis ka na agad? May tiket ka na sa eroplano?”

Tango ang sagot.

“Naikuha na ako ni Miss Madrid ng tiket, papuntang Palawan. Hihintayin naman ako ng kapatid niyang lalake sa airport sa Palawan at isasama sa bahay nila.”

Napaisip si Ella.

“Ano’ng pangalan ng lalaking anak?”

“Victor. Victor Madrid’

“Guwapo kaya?”

“Kung kamukha niya ang kapatid niya, e, siuradong guwapo siya’ Maganda si Miss Madrid, e.”

“Baka ‘yun na ang hero na hinihintay mo,” kinikilig si Ella, “ang iyong twin flame, ang soulmate mo!”

Napangiti si Sophie. Nakaramdam ng magandang pag-asa ang romantikang puso.

“Ano kaya at ganoon nga iyon. Na nasa palawan ang lalaking pangarap ko…”

“Baka si Victor Madrid na nga ‘yun!”

Nagtatawanang nag high five ang dalawa.

Umasam. Umasa.

Hindi na niya makakasama ang kaibigan na nakahiligan niyang alagaan. Ang taong kasama niya sa saya at kalungkutan. Ang nag-iisang tao na pinagkatiwalaan niya ng kanyang mga lihim.

Mapag-iisa na naman siya. Katulad ng madalas na pangyayari sa buhay niya, dahil laging wala ang mga magulang niyang abala sa paghahangad na magkamal ng maraming pera.  

"Huwag kang mag-alala, luluwas ako from Palawan every month" pangako ni Sohie, "tsaka puwede naman tayong mag-video call everyday."

"Magastos."

"Libre naman sa messenger!!"

Huminga nang malalim si Ella. 

"Bakit naman kasi sa Palawan mo pa nasumpungang mag-apply?"

Mahigpit na niyakap ni Sophie ang kaibigan.

"Alam mo naman hinahanting ako ng mga Sandoval, 'di ba? Madali nila akong matatagpuan kung sa NCR ako magtatrabaho."

Nagkibit ng balikat si Ella. Nakabukol pa rin ang sakit ng kalooban sa dibdib nito.

"Maraming koneksyon ang mga Sandoval dito. Maraming puwedeng magtsutsu sa akin."

Ayaw niyang malayo sa kanya ang kaibigan, ngumit mas lalong ayaw niyang mapahamak ito.

"Basta mag-iingat ka do'n ha? At huwag mong kakalimutan ang promise mong video call everyday!"

"Oo naman!"

Hinigpitan pa ni Sophie ang pagkakayakap sa kaibigan na gumanti ng mas mahigpit na yakap sa kanya.

"Mag-send ka agad ng picture ni Victor Madrid, once na magkita kayo."

"I will. Promise."

Dama ng bawat isa ang pagmamahal na kalakip ng yakap nila sa isa't-isa. At ang yakapan nilang iyon ang isa sa mga alaalang maiiwang nakatatak sa kanilang mga puso.

...Hanggang sa muli nilang pagkikita.

                      *******

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana mababait ang pamilyang magiging amo ni sophie
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG TAKAS   CONCLUSION : THE WEDDING

    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung

  • ANG TAKAS   CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS

    Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki

  • ANG TAKAS   CHAPTER 116 : UNDECIDED

    Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko

  • ANG TAKAS   CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT

    Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma

  • ANG TAKAS   CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET

    CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.

  • ANG TAKAS   CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS

    Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status