Share

CHAPTER 4

“SIT.”

Ano ako aso?

Gusto ko tuloy sapakin 'yang walang emosyon niyang mukha kaso mahal ko pa talaga ang aking dear life. Ayo'ko naman matigok. Baka naman after this life ay road to real heaven na talaga ako? Mas'yado pa akong bata.

I sighed deeply and waltzed towards this person who's sitting calmly on his very very veeeery fancy chair with his formal suit. 

Indeed, he is handsome but you can clearly feel a murderous intent whenever you look at him.

Haha, save me.

"Ba't ka nakaupo d'yan?"

"Because it's free—" I couldn't continue what I was saying when he suddenly lifted me up from the floor and put me in his lap.

W-what the! Wala ba 'tong manners!?

"Hold still." Itinaas niya ang kanyang kamay at naramdaman ko ang pagkalas ng kadena sa aking leeg.

It feels like I can breathe more properly when he finally takes that off. 

Wow. Ang gentleman. Note the sarcasm.

Ang akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit kumuha ito ng ballpen at nagsimulang magsulat. Yeah, right. The author did mention that even though medieval ang setting ng libro, kadalasan ng gamit ay based on modern times.

Does that even make sense?

Umiling-iling ako. Hindi ito ang tamang oras para mag-abala sa nangyari sa libro. Kailangan kong humanap ng paraan para maka-survive rito.

"Um, hindi mo ba ako papakawalan?" Takang tanong ko sa kanya nang makitang nagpapatuloy lang ito sa kung anong sinusulat niya d'yan sa papel niya. 

He didn't answer. I rolled my eyes. What do I expect? He's such a weirdo.

Hindi din naman ako makatayo at makalayo sa kanya dahil hawak-hawak nito ang aking bewang. So I just sighed again and looked at the open window na nasa likuran ng kanyang upuan.

It's been two days since I got here. I got sold, bought by the freak male lead, naligo kasama siya — which nothing happened by the way! Dahil umalis din naman ito kalaunan nang maramdaman niya ng hindi ako komportable — then I got clothes, hindi ito pambabae kung hindi panlalaki lang dahil walang may alam dito kung ano ang susuotin ng isang katulad ko. I'm still thankful dahil kahit gano'n ay may kumasya pa rin naman sa akin.

So right now, what should I do?

I clearly can't stay here because I'll be walking on eggshells around Leon. Feeling ko mamamatay ako ng maaga sa kanya, lalo na at maypagka-weirdo pa naman ito.

"Woman—"

"Ay jusko por santo!" Napahiyaw naman ako dahil sa isang malalim na boses na bumulong sa akin. Hawak hawak ko pa ang aking dibdib nang matingnan ko si Leon.

"What?" He chuckled. 

Right now, it's still surprising how he can laugh like that dahil med'yo strikto talaga ito sa nobela.

"Pupunta tayo sa palasyo mamaya," said Leon and continued doing his erm, writing work.

I tilted my head. "What? Why?" Hindi ba delikado 'yan? Ano na lang ang magagawa ko kapag nalaman ng kabuuan na may estranghero na nilalang na pumasok sa mundong ito — which is a girl!?

And not to mention! The royals were the villains in the novel.

"Nanginginig ka na naman. Are you scared?"

"Kailangan ba talagang pumunta roon?" Tanong ko sa kanya at kinamot ang aking batok.

Tiningnan naman niya ako. "Yeah. They're curious about you." 

"A-Alam nila ang tungkol sa akin — aw! What the!" Pinitik ba naman ako sa noo! Akala mo hindi malaki 'yong kamay niya!

"Silly. I've told you before, everyone here knows only one woman." Tinuro niya ako. "And it's you."

What!? Everyone in this kingdom knows about me already!?

P'wede bang magmura ng sunod-sunod!? Ang gusto ko lang naman kung ma-reincarnate ako ay maging isang mayaman o hindi kaya ay maganda, tapos o-offer-an ko ng contract marriage 'yong guwapong fafi na makikita ko, tapos sasabihin kong 'di ako maiinlove sa kanya pero magkakatuluyan pala kami sa huli!

I want that! Iyon lang! Drama sa buhay na very light! 

Bakit parang ang bigat naman ng role ko rito? The only girl? Seryoso na ba talaga 'to? P'wede bang iuntog ko ang sarili ko sa pader o hindi kaya ay sa isang matigas na bagay lang?

"You look bewildered." Binitawan niya ang kanyang hawak-hawak na ballpen at niyapos ako. "It's alright, I won't let them hurt my pet," he added.

"Pet?" At kailangan pa ako naging domestic animal?

"Why? Are you not my pet?" Tumingala ito at tumitig sa aking mga mata.

I think I'm gonna die if I say no.

"Ahaha-ha. Of course, I'm your pet. Tumatahol na rin ba ako?" Biro ko sa kanya pero hindi man lang nagbago ang seryosong ekspresyon nito.

Woah- woah- woah! Bakit parang galit ito makatingin? May ginawa ba ako? May sinabi ba akong mali? 

Damn it, Arabella Fuentez! Pull yourself together! If you want to survive then use every method you can! 

"Will you do that for me?" Seryoso na rin ang kanyang boses.

"Huh?" 

Nanlaki ang aking mga mata ng nilagay niya ako sa lamesa at tumayo ito. He put both of his hands to my left and right then leaned in closer. 

"Then bark for me, woman."

Aso ba talaga ang tingin niya sa akin?!

Sineryoso niya ba talaga ang biro ko? Wala ba itong comedy sa buto? Ayo'ko kayang tumahol, g*go ba siya?

"T-Teka—"

"Leon!" 

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang malalim at pamilyar na boses. Nawala sa akin ang atensyon ni Leon.

"Father," Leon coldly uttered.

What? That was his father? The giant scary man? 

Oh, no wonder.

Kahit ang malalim na buntong hininga nito ay rinig na rinig ko. "Damn it, Leon. Let's talk outside."

"No."

"Nandito ang prinsipe."

Para bang nakarinig ng magic word itong si Leon. Agad siyang umalis at iniwan ako sa kuwarto. Leaving me and the giant man — I mean his father.

Umalis ka na rin po, sir. Umalis ka na. Umalis ka na. Parang awa n'yo na.

Thankfully, he didn't say anything.

So I heave a deep breathe in relief nang ako na lang ang maiwan sa office room yata ni Leon.

Lumapit pa ako sa bintana at tama nga ako, may sobrang napakalaki silang hardin na parang maze sa front gate. At sa isang banda, may parang greenhouse na malaki rin. Nakita ko roon si Leon na may kausap na lalaki which I think is the prince because of his uniform that clearly screams royalty.

I can't clearly see his face dahil nakatalikod ito sa akin. 

The weather today is hot and breezy at the same time. If this is a normal day, it would be nice to hang out with certain friends and go to the beach.

I observed the two men standing and talking to each other. I think it's hot for Leon. Namumula ang maputi nitong mukha habang kinakausap ang prinsipe.

Or, wait — oh my gulay — Don't tell me. . . he's you know with the prince?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status