Share

YOU WERE NOT ON IT

Author: Bryll McTerr
last update Huling Na-update: 2025-05-17 18:09:37

NAPATIGIL sa akmang pagsubo ng pansit si Elijah nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesang gawa sa kawayan. Kasalukuyan silang nasa baryo ng San Vicente at nagpapahinga sa ilalim ng malaking punong mangga habang nagme-meryenda.

[Gabriel calling...]

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Elijah bago niya dinampot ang cellphone pagkatapos bitawan ang hawak niyang tinidor.

"Sasagutin ko lang..." ani ni Elijah sa katabing si Gaven. Itinaas niya ang cellphone at ipinakita rito kung sino ang tumatawag.

Nakakaunawang tumango-tango naman si Gaven. "Go ahead..." sagot niya sa kaibigan.

Naglakad muna si Elijah palayo sa mga kasama at nang masigurado niyang hindi na siya maririnig ng mga ito ay saka pa lamang niya sinagot ang tawag ng nakatatandang kapatid.

"Kuya—"

"Kailan mo balak na sagutin ang tawag ko, Elijah? I've been calling you since yesterday. "

Napangiwi si Elijah nang marinig niya ang galit na boses ng nakatatandang kapatid. Tama naman ito. Kahapon pa siya nito sinusubukang kontakin pero dahil sa dami ng ginagawa niya ay hindi niya nasagot ang tawag nito. Balak niya sanang mag-return call na lang kay Gabriel kapag nakabalik na sila sa kanilang tinutuluyan pero dahil sa sobrang pagod ay kaagad din siyang nakatulog. Hindi na siya nakatawag at nakalimutan naman niyang gawin nang magising siya kaninang umaga.

"Guilty," nakangiwing turan niyang napakagat-labi pa.

Good thing na hindi niya kaharap si Gabriel dahil ayaw niyang makita ang mga kilay nitong parang higad na nagsasalpukan kapag galit.

"Guilty..." ulit ni Gabriel sa sinabi ni Elijah. " Dapat yata ay hindi kita pinayagan diyan sa kalokohan mong 'yan, Elijah. "dugtong pa.

Mahinang bumungisngis si Elijah. Nai-imagine niya kasi kung paano na namang hinihilot ng Kuya niya ang noo nitong may ilan nang gatla dahil sa hilig nitong magkunot ng noo.

"Is there something funny, Elijjah Armani?!"

Ngumuso si Elijah nang muling magsalita si Gabriel.

"Hindi naman kalokohan ang pagtulong, Kuya—"

" Hindi ko sinasabing kalokohan ang pagtulong kundi iyang pagpunta mo diyan sa San Guillermo. " putol ni Gabriel sa iba pang sasabihin ni Elijah. "Dapat talaga ay hindi kita pinayagan. Hindi ko alam kung tina-trato ka ba diyan nang maayos ng mga Lardizabal o ano."

"I'm fine, Kuya. Don't worry. Maayos naman kausap si Governor Hillary." sagot niya habang sa likod ng isipan ay lumitaw ang isang imahe.

Si Grayson...

"Well, maliban sa isa—"

"What?! Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka talaga dapat na pumunta diyan. P'wede mo namang ipagawa 'yan sa mga staff mo. Ipapasundo na kita kay Liland. "

Namilog ang mga mata ni Elijah. Hindi niya napansing naisatinig niya pala ang laman ng kanyang isipan.

"Kuya, no!" medyo natataranta na sabi ni Elijah. " Okay lang talaga ako. Naiintindihan ko naman kung ano ang pinanggagalingan ngg galit ni Gray. Kapatid niya si Clay at Tatay niya si Grayson so, yeah." my halong pait sa tinig na paliwaag niya kay Gabriel.

Sandaling nanahimik si Gabriel sa kabilang linya nang marinig ang sinabi ng bunsong kapatid.

Alam ni Elijah na mauunawaan siya ng nakatatandang kapatid. Kung pagmamahal at pang-uunawa din lang ang basehan ng pagiging magkapatid ay sobra pa roon ang kayang ibigay ng Kuya niya sa kanya. Magagalit ito, oo. Pero kahit na ganoo pa kabigat ang kasalanan niya ay palagi itong may puwang sa puso para magpatawad at umunawa.

And partly, alam ni Elijah na isa iyon sa dahilan kung bakit siya nakagawa ng mga maling desisyon sa buhay. She took her brother's love for granted. Alam niya kasing gagawin ni Gabriel ang lahat para sa kanya kaya malakas ang loob niya. Hindi lang si Gabriel kundi pati ang tatlo pa niyang nakatatandang kapatid.

"Consider this as my redemption, Kuya Gabby." mahina at nakikiusap ang tinig na sabi ni Elijah.

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ni Elijah mula sa kabilang linya.

"Sige, basta kapag hindi mo na kaya, call me right away. Ipapasundo kita kaagad kay Liland."

Tuluyan nang pumatak ang ilang butil ng luha na kanina pa pinipigilan ni Elijah. Oh, God! Napakasuwerte niya dahil nagkaroon siya ng kapatid na kagaya ng mga Kuya niya. Hindi niya alam kung desrve niya ang mga ito pero sana...

"Thank you so much, Kuya..."

"Hmmm..."

" I miss you, Kuya." ani ni Elijah habang pinupunasan ang mga luha.

"Miss you too. Come home soon..."

Bago pa makasagot si elijah ay narinig na niya ang sunod-sunod na tunog ng naputol na linya. Napangiwi siya bago mahinang natawa.

Well, the typical Gabriel Armani.

NAGHAHANDA NA SINA Elijah sa pagbalik sa Poblacion nang mapatingin siya sa gawi ni Grayson na may kausap sa cellphone. Sandali siyang nagdalawang-isip kung lalapitan ba niya ang lalaki o hindi. Hindi kasi naging maganda ang huling pag-uusap nila ng lalaki pero sa huli ay pinili niyang muling subukang kausapin ito.

Binitawan ni Elijah ang hawak niyang bag bago walang pagmamadaling naglakad palapit kay Grayson.

"Excuse me..." tawag pansin niya sa lalaki na katatapos lang din makipag-usap.

Tumingin si Grayson kay Elijah bago nag-angat ng kilay.

"May kailangan ka?" magaspang na tanong ni Grayson.

Pasimpleng bumuga ng hangin si Elijah para pigilan ang sarili na patulan ang lalaki.

"Hindi mo ba talaga kayang gawin?" untag niya sa kaharap.

Kumunot ang noo ni Grayson. Bakas sa anyo nito ang pagkalito.

"What?" nagtatakang tanong niya kay Elijah.

"This... You can at least smile—"

"You don't give up easily, do you?" bagot nasabi ni Grayson bago tiningnan mula ulo hanggang paa ang babae. "Just focus on your work, Elijah." dugtong niya bago tumalikod ngunit kaagad na humarang sa kanya si Elijah.

"Focus?" may himig na pagka-irita sa tinig na ulit ni Elijah sa sinabi ni Grayson. "Really? Sige nga, sabihin mo sa akin kung paano ko gagawin 'yon kung may isang tao sa paligid na nagpapasikip ng mundo ko."

" Nagpapasikip ng mundo mo? Aw, come on, Elijah. Leave as you may..." walang interes na sabi ni Grayson.

" Ganyan ka ba talaga? Ang layo ng ugali mo kay Clay—"

Pagalit na hinawakan ni Grayson sa braso si Elijah at halos magliyab ang mga mata na tinitigan ang babae.

"Yes! Magkaiba kami ng kapatid ko dahil hindi ako kagaya niya at ng tatay ko na kaya mong paikutin sa mga palad mo, Elijah Armani!" tila umuusok ang ilong sa galit na sabi ni Grayson sa namumutlang si Elijah. "Let me tell you this, I've gotten this far because of my honesty, directness and humility.I can smile to whoever I want to. Shake hands with the people I dislike and disagree but do not ever mistake that for approval. " mahabang turan niya. Dahil sa galit ay hindi niya namalayang humigpit na pala ang pagkakahawak niya braso ng babae.

"My arm, Gray... Let me go!"

"Alam ko ang gusto mo, Elijah but no! I told my mother na tatanggapin ko ang trabahong ito, only if you were not on it but she needs you. Kailangan niya ang tulong ng sorority mo so fine... Let's do this together but put this in your mind— I am not here to babysit you so stay out out of my way, okay?!" hindi pa rin maipinta ang anyo na sabi ni Grayson bago pagalit na binitawan ang baso ni Elijah saka niya nilagpasan ang babae.

Namumutlang napatingin si Elijah sa kanyang namumulang braso bago wala sa loob na pinunasan ang luha. Hindi niya namalayang tumulo na pala iyon.

"Ellie, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Gaven na papalapit kay Elijah.

Lumingon si Elijah bago isang pilit na ngiti ang ibinigay sa kaibigan at tumango.

"I'm fine, Gab..."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   THE SOONER, THE BETTER

    MALALIM NA ANG GABI ngunit nanatiling gising si Grayson. Kasalukuyan siyang nasa maliit na veranda ng kuwarto nila ni Tatia habang hawak sa kamay ang nakalatang beer. 'I'm getting married... 'Tila sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Grayson ang mga salitang iyon ni Elijah. Tatlong salita ngunit tila katumbas niyon ang buong buhay niya. Masakit. Sobrang sakit. Parang nadurog ang buo niyang pagkatao. Shit, ganoon din ba ang naramdaman ni Elijah nang malaman nitong ikakasal na sila ni Tatia? Umiyak din ba ito kagaya niya? Because damn yes, lalaki siya pero hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang tuluyang mag-sink in sa kanyang isipan ang sinabi ng babae. Damn but who would have thought that he'll fell for Elijah this much? And that her marriage will be the death of him. Hindi niya kaya. Pero ano ang karapatan niyang masaktan? Siya ang pumili ng sitwasyon niya ngayon. He chose Tatia over Elijah. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni G

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHETHER YOU ACCEPT OR NOT

    "COME AGAIN, CLAYTON LARDIZABAL?" Humugot ng malalim na buntong-hininga si Clayton habang hinihilot ang sariling sentido. Kahit kailan talaga ay napaka-OA ng Nanay niya pagdating sa kanya. Na para bang palagi siyang gagawa ng mali. Well, sabagay. nakakabigla naman talaga ang sinabi niya. "I'm getting married, mother..." tila walang anumang ulit niya bago umayos ng sandal sa kinauupuan mahogany chair na nasa tapat ng workig table ng kanyang ina. Kasalukuyan silang nasa office ng kanyang ina sa kanilang mansiyon sa San Guellirmo. Kahapon pa lang ay ipinaalam na niya rito na may importante silang pag-uusapan. Noong una ay ayaw pa sana siyang pagbigyan ng kanyang ina dahil may meeting daw ito sa isang kaalyado nito sa politika. Nang sabihin niyang tungkol kay Grayson ang pag-uusapan nila ay wala itong nagawa kundi i-cancel ang meeting nito sa kung sino mang kaalyado. Wala sa loob na kumuyom ang magkabilang palad ni Clayton. Kung minsan ay gusto na nyang magtampo sa ina. anak

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   I'M GETTING MARRIED

    "HEY, YOU'LL BE OKAY... " masuyo ang tinig na sabi ni Grayson kay Tatia na nakaupo sa hospital bed nito. Hinahaplos-haplos din niya ang buhok nitong panipis na nang panipis. Isinugod niya ang babae sa hospital kagabi dahil namimilipit ito sa sakit. Ayon sa doctor ni Tatia ay masyadong aggressive ang sakit nito kaya mas mabilis kesa sa inaasahan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ng babae. Tipid na ngumiti si Tatia. Alam naman niyang hindi na siya magtatagal. Ayaw mang iparinig ni Grayson sa kanya kapag kausap nito ang doctor niya ngunit dama iyon. Tanggap naman na niya ngunit minsan ay hindi pa rin niya maiwasang itanong sa Panginoon kung bakit siya pa? Marami pa siyang gustong gawin. Bakit binigyan siya nito ng sakit na wala nang lunans nang matuklasan niya? Kung sana ay nalaman niya kaagad. Kung sana ay hindi niya ipinagsawalang-bahala ang mga indikasyon. Baka sakali may lunas pa. Baka sakali kakayanin pa niya kahit tatlong taon. Baka kaya pa niyang bigyan ng anak si Gra

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   MARRIAGE

    ST. LUKE'S MEDICAL CENTER, QUEZON CITYDala ang basket na may lamang iba't-ibang prutas ay tuloy-tuloy na naglakad si Elijah patungo sa naghihintay na elevator. May ilan na ring nakapila sa labas niyon kaya nakisabay na siya. Mahinang napabuga ng hangin si Elijah. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hiindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay parang ang sakip ng paligid para sa kanya. It has been three days simula nang isugod nila sa hospital ang Lolo niya dahil sa hypertension. It was his fourth attack at ang sabi ng doctor nito ay ingatan na nila ang susunod pang atake dahil hindi na kayanin ng katawan ng lolo nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa bitbit niyang basket. Kasalanan niya kung bakit muling inatake ang lolo niya. "Miss, sasabay ka ba?" tanong ng isang babae na nasa loob na ng elevetor. Sandaling natigilan si Elijah. Ipinilig niya ang ulo pagkuwa'y tumango. Mabilis siyang humakbang papasok sa elevator at piniling pum'westo sa pinakagilid. "Ano'ng floor

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   STUPID

    "SIT DOWN, ELIJAH." Tatlong salita mula sa Lolo niya. Simpleng mensahe pero sapat na para mapalunok ng laway si Elijah. Pormal ang anyo nito maging ang tinig. At ang mga mata nitong normal nang mapanuri ay nakatutok lamang sa bawat galaw niya habang ito ay nakaupo sa solong sofa na nasa pinakagitna. Tahimik at dahan-dahang humakbang si Elijah patungo sa naghihintay na lounge. Pinili niyang umupo sa tapat ng Lolo niya habang tatlo niyang nakatatandang kapatid ay pare-parehong nakatayo at si Cameron ay nasa wheelchair. Walang kibo ngunit dama niya ang galit ng mga ito. "L-Lolo..." bahagyang pumiyok ang tinig na usal ni Elijah nang makaupo.Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang bubble skirt at nilaro-laro iyon na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang kabang nararamdaman niya. "Why?" Napayuko si Elijah. Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Dama niya ang ngitngit ng Lolo niya. Simpleng "why" pero naroon ang bigat. "I-I'm so sorry, Lolo." mahina

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHAT HAVE YOU DONE?

    DAHAN-DAHANG BUMUKAS ang malaking gate na nasa harapan ng nakahintong kotse ng Kuya ni Elijah. at tuluyan iyong bumukas ay bumungad sa kanila ang mansyon ng kanilang Lolo Samuel na matayog na nakatayo sa gitna ng malawak na solar.Kaagad na nakaramdam ng panlalamig si Elijah. Hindi pa siya handang harapin ang Lolo niya. And judging by the cars that were parked around the driveway, she was sure as hell na naroon din ang iba pa niyang nakatatandang kapatid. Oh, dear Lord. Kung p'wede lang siyang tumakbo palayo. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema? Sa isiping iyon ay naphugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Elijah. It's now or never. Kailangan niyang harapin ang sitwasyon niya ngayon. Siya naman ang may gawa nito kaya kailangan niyang panindigan. Dahan-dahang umusad papasok sa malawak na solar ang sasakyan ng Kuya niya kaya wala sa loob na napakapit sa gilid ng bintana si Elijah. 'Oh, help me, Lord... ' piping dalangin niya habang papasok sila sa loob ng teri

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status