Share

ESTRELLA

Author: Bryll McTerr
last update Huling Na-update: 2025-05-16 22:00:03

Katatapos lang mamahagi ng mga kumot at unan bawat pamilyang naroon sa Estrella Elementary School ng grupo ni Elijah. Alas diyes na ng umaga at tuloy-tuloy pa rin ang medical mission.

"Nakakapagod pero very fullfilling. Look at those kids," ani ni Gaven na ang mga mata ay nakatutok sa grupo ng mga batang abala sa paglalaro. Hawak ng mga ito ang mga laruang ipinamahagi rin nila kanina. "ang saya-saya nila. Hindi nila ramdam ang bigat ng sitwasyon." dugtong pa niya.

Tumango-tango si Elijah. "Ang sarap maging bata." may ngiti sa mga labi na aniya rin habang ang mga mata ay napako sa bahaging tinitingnan ng kaibigan.

"Very true. Kung p'wede lang maging bata ulit"

Kaagad na nabura ang ngiti sa mga labi ni Elijah nang marinig niya ang sinabi ni Gaven. Bumalik sa pagkabata? She doubted that. No, ayaw niyang balikan ang kanyang kabataan. Umulap ang kanyang mga mata kasabay ng sandaling pagsilip ng nakaraang pilit niyang ibinabaon sa limot.

No... she's fine now. She moved on.

Or did she really?

Dahil sa isiping iyon ay isang mapait na ngiti ang sumungaw sa magkabilang sulok ng mga labi ni Elijah.

Or maybe not...

Because she can't.

Nasa ganoong pag-uusap ang magkaibigan nang isang batang babae ang lumapit sa kanila. May hawak itong maliit na tila lambat.

"Ate Elijah, gusto n'yo pong sumama?"

Nagkatinginan sina Elijah at Gaven. Nagpakilala sila kanina sa mga naroon nang dumating sila pero hindi inakala ni Elijah na matatandaan ng bata ang pangala niya.

"Saan?" nakangiting tanong ni Elijah.

"Mangunguha po kaming isda diyan lang sa labas ng school. Sama po kayo." nangingislap ang mga mata na sabi ng bata.

Lumapit na rin sa kanila ang mga batang tinitingnan nila kanina.

"Sama na po kayo, ate Elijah," susog ng isa pang batang lalaki. Marahil ay nasa sampo na ang edad nito. "Kayo rin po, Ate Gaven..." balingaling nito kay Gave.

" Ay talaga? Isasama n'yo rin ako?" tuwang tanong ni Gaven na mabilis tumayo mula sa kinauupuang manoblock chair.

"Opo, Ate Gaven. Tara na po..."

"Masarap pong i-ulam ang isda 'pag bagong huli." nakangiting sabi ng batang lalaki.

"Ano ang pangalan mo? " magiliw na tanong ni Elijah.

" Oliver po. "

"Oliver," ulit ni Elijah sa pangalan ng bata. "Eh, ikaw? At ikaw? Sabihin n'yo naman sa akin ang pangalan ninyo. Ang daya n'yo. Alam ninyo ang pangalan namin ni Ate Gaven pero 'yong inyo, hindi namin alam." mahabang turan niya na tumayo na rin.

"Ako po si Nene." sagot ng batang babae na may dalang maliit na lambat. "Tapos ito naman po si Leo. Si Marcus po tapos si Janice...." dugtong ng bata habang isa-isang binabanggit ang pangalan ng mga kasama.

"Ikinagagalak namin ni Ate Elijah na makilala kayo. " nakangiti ng matamis na sabi ni Gaven. "Sige, sasama kami sa inyo. Mukhang masaya ang gagawin natin. "aniya pa sabay hila kay Elijah.

" Yehey! " halos sabay-sabay na sigaw ng mga bata.

"Tara na po..."

"Oliver, saan ninyo dadalhin sina Miss Elijah?" tanong ng kapitan ng baryo na kaagad lumapit sa kanila. Bakas sa anyo nito ang pag-aalala.

"Naku, ayos lang, ho, Kapitan Igme. Gusto rin naman naming sumama ni Gaven. " may malawak na ngiti sa mga labi na sabi ni Elijah. " Huwag ho kayong mag-alala. " dugtong niya bago hinawakan ang kamay ni Nene.

Sandaling napatitig si Kapitan Igme kay Elijah bago tumango. "Sigurado ka ba, Miss Elijah?" naninigurong tanong pa.

Tumango si Elijah. " Oho naman."

Hindi man kumbinsido ay napatango na lamang si Kapitan Igme.

"Sige, sige. Pasasamahan ko na lamang kayo sa isa kong tanod. " walang nagawa na sang-ayon ng marahil ay mahigit singk'wenta anyos na lalaki.

SAMANTALA, kasalukuyan namang kausap ni Gray ang isa sa staff ng kanyang ina nang bigla siyang mapakunot-noo. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya ang isang grupo ng mga batang nagkakatuwaan ngunit hindi iyon ang mas higit na kumuha sa kanyang atensiyon.

"Is that Elijah?" wala sa loob na usal niya habang ang mga mata ay nakapako sa babaeng nakatupi ang laylayan ng suot na pantalon at may hawak na lambat sa magkabilang kamay.

Mula sa hawak na mga papel ay nag-angat ng paningin ang kaharap ni Grayson. Tumingin siya sa gawing tinitingnan ng anak ni Governor Hillary.

"Yes, Sir. Si Miss Elijah nga iyon at si Miss Gaven."

Naningkit ang mga mata ni Grayson. " What is she doing?" untag niyang nakatutok pa rin ang mga mata kay Elijah na kasalukuyang humahalakhak habang hawak pa rin ang lambat.

Marahil ay na limang daan o higit pa ang layo niya sa kinaroroonang maliit na fish pond ng mga ito. Sapat para marinig niya ang buhay na buhay na tawa ng babae.

Wala sa loob na patuloy na pinagmasdan ni Grayson si Elijah na kasalukuyang naghahanda sa paghagis ng lambat. Base sa nakikita niya ay binibigyan ito ng instruction ng batang lalaki na nakatayo sa tabi nito.

Umangat ang kilay ni Grayson nang makita niyang bahagyang umusad si Elijah palapit sa gilid ng hindi namang kalalimang fish pond. Ngali-ngaling puntahan niya ang babae dahil dama niyang anumang sandali ay pupulutin na ito sa mismong tubig.

At hindi nga siya nagkamali dahil nang ihagis ni Elijah ang hawak nitong lambat ay kasama itong bumagsak sa tubig nang dumulas ang isa nitong paa.

"Ellie!" sigaw ni Gaven.

"Ate Elijah!" sigawan naman ng mga bata.

Sumubsob sa tubig ang mukha ni Elijah pati ang buong katawan ngunit tila walang nangyari na umangat ang babae. Tumatawa ito habang hawak pa rin sa kanang kamay ang lambat.

"I got them!" patiling sabi ni Elijah bago inangat ng hawak na lambat kahit tila bigat na bigat ito dahil sa mga tilapia na nahuli nito.

Kaagad na nawala ang pag-aalala sa tinig ng mga bata nang muling magsigawan ang mga ito.

"May ulam na tayo!" sabay na sigaw ng mga ito.

Tinulungan naman ng isang lalaki si Elijah na makaahon at kaagad nitong kinuha ang hawak na lambat sa babae.

"Oo, may ulam na tayo. Yehey..." pasigaw ding sabi ni Elijah sabay hawak sa kamay ng batang babae.

Patuloy lamang na nakamasid sa mga ito si Grayson. And somehow, isang piping tanong ang lumitaw sa isang bahagi ng kanyang isipan.

Isa ba nakikita niya sa dahilan kung bakit nagawang talikuran nang tuluyan ng kanyang ama ang Mommy niya noon?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   THE SOONER, THE BETTER

    MALALIM NA ANG GABI ngunit nanatiling gising si Grayson. Kasalukuyan siyang nasa maliit na veranda ng kuwarto nila ni Tatia habang hawak sa kamay ang nakalatang beer. 'I'm getting married... 'Tila sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Grayson ang mga salitang iyon ni Elijah. Tatlong salita ngunit tila katumbas niyon ang buong buhay niya. Masakit. Sobrang sakit. Parang nadurog ang buo niyang pagkatao. Shit, ganoon din ba ang naramdaman ni Elijah nang malaman nitong ikakasal na sila ni Tatia? Umiyak din ba ito kagaya niya? Because damn yes, lalaki siya pero hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang tuluyang mag-sink in sa kanyang isipan ang sinabi ng babae. Damn but who would have thought that he'll fell for Elijah this much? And that her marriage will be the death of him. Hindi niya kaya. Pero ano ang karapatan niyang masaktan? Siya ang pumili ng sitwasyon niya ngayon. He chose Tatia over Elijah. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni G

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHETHER YOU ACCEPT OR NOT

    "COME AGAIN, CLAYTON LARDIZABAL?" Humugot ng malalim na buntong-hininga si Clayton habang hinihilot ang sariling sentido. Kahit kailan talaga ay napaka-OA ng Nanay niya pagdating sa kanya. Na para bang palagi siyang gagawa ng mali. Well, sabagay. nakakabigla naman talaga ang sinabi niya. "I'm getting married, mother..." tila walang anumang ulit niya bago umayos ng sandal sa kinauupuan mahogany chair na nasa tapat ng workig table ng kanyang ina. Kasalukuyan silang nasa office ng kanyang ina sa kanilang mansiyon sa San Guellirmo. Kahapon pa lang ay ipinaalam na niya rito na may importante silang pag-uusapan. Noong una ay ayaw pa sana siyang pagbigyan ng kanyang ina dahil may meeting daw ito sa isang kaalyado nito sa politika. Nang sabihin niyang tungkol kay Grayson ang pag-uusapan nila ay wala itong nagawa kundi i-cancel ang meeting nito sa kung sino mang kaalyado. Wala sa loob na kumuyom ang magkabilang palad ni Clayton. Kung minsan ay gusto na nyang magtampo sa ina. anak

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   I'M GETTING MARRIED

    "HEY, YOU'LL BE OKAY... " masuyo ang tinig na sabi ni Grayson kay Tatia na nakaupo sa hospital bed nito. Hinahaplos-haplos din niya ang buhok nitong panipis na nang panipis. Isinugod niya ang babae sa hospital kagabi dahil namimilipit ito sa sakit. Ayon sa doctor ni Tatia ay masyadong aggressive ang sakit nito kaya mas mabilis kesa sa inaasahan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ng babae. Tipid na ngumiti si Tatia. Alam naman niyang hindi na siya magtatagal. Ayaw mang iparinig ni Grayson sa kanya kapag kausap nito ang doctor niya ngunit dama iyon. Tanggap naman na niya ngunit minsan ay hindi pa rin niya maiwasang itanong sa Panginoon kung bakit siya pa? Marami pa siyang gustong gawin. Bakit binigyan siya nito ng sakit na wala nang lunans nang matuklasan niya? Kung sana ay nalaman niya kaagad. Kung sana ay hindi niya ipinagsawalang-bahala ang mga indikasyon. Baka sakali may lunas pa. Baka sakali kakayanin pa niya kahit tatlong taon. Baka kaya pa niyang bigyan ng anak si Gra

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   MARRIAGE

    ST. LUKE'S MEDICAL CENTER, QUEZON CITYDala ang basket na may lamang iba't-ibang prutas ay tuloy-tuloy na naglakad si Elijah patungo sa naghihintay na elevator. May ilan na ring nakapila sa labas niyon kaya nakisabay na siya. Mahinang napabuga ng hangin si Elijah. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hiindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay parang ang sakip ng paligid para sa kanya. It has been three days simula nang isugod nila sa hospital ang Lolo niya dahil sa hypertension. It was his fourth attack at ang sabi ng doctor nito ay ingatan na nila ang susunod pang atake dahil hindi na kayanin ng katawan ng lolo nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa bitbit niyang basket. Kasalanan niya kung bakit muling inatake ang lolo niya. "Miss, sasabay ka ba?" tanong ng isang babae na nasa loob na ng elevetor. Sandaling natigilan si Elijah. Ipinilig niya ang ulo pagkuwa'y tumango. Mabilis siyang humakbang papasok sa elevator at piniling pum'westo sa pinakagilid. "Ano'ng floor

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   STUPID

    "SIT DOWN, ELIJAH." Tatlong salita mula sa Lolo niya. Simpleng mensahe pero sapat na para mapalunok ng laway si Elijah. Pormal ang anyo nito maging ang tinig. At ang mga mata nitong normal nang mapanuri ay nakatutok lamang sa bawat galaw niya habang ito ay nakaupo sa solong sofa na nasa pinakagitna. Tahimik at dahan-dahang humakbang si Elijah patungo sa naghihintay na lounge. Pinili niyang umupo sa tapat ng Lolo niya habang tatlo niyang nakatatandang kapatid ay pare-parehong nakatayo at si Cameron ay nasa wheelchair. Walang kibo ngunit dama niya ang galit ng mga ito. "L-Lolo..." bahagyang pumiyok ang tinig na usal ni Elijah nang makaupo.Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang bubble skirt at nilaro-laro iyon na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang kabang nararamdaman niya. "Why?" Napayuko si Elijah. Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Dama niya ang ngitngit ng Lolo niya. Simpleng "why" pero naroon ang bigat. "I-I'm so sorry, Lolo." mahina

  • ARMANI 1: FRACTURED HEART (ELIJAH)   WHAT HAVE YOU DONE?

    DAHAN-DAHANG BUMUKAS ang malaking gate na nasa harapan ng nakahintong kotse ng Kuya ni Elijah. at tuluyan iyong bumukas ay bumungad sa kanila ang mansyon ng kanilang Lolo Samuel na matayog na nakatayo sa gitna ng malawak na solar.Kaagad na nakaramdam ng panlalamig si Elijah. Hindi pa siya handang harapin ang Lolo niya. And judging by the cars that were parked around the driveway, she was sure as hell na naroon din ang iba pa niyang nakatatandang kapatid. Oh, dear Lord. Kung p'wede lang siyang tumakbo palayo. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema? Sa isiping iyon ay naphugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Elijah. It's now or never. Kailangan niyang harapin ang sitwasyon niya ngayon. Siya naman ang may gawa nito kaya kailangan niyang panindigan. Dahan-dahang umusad papasok sa malawak na solar ang sasakyan ng Kuya niya kaya wala sa loob na napakapit sa gilid ng bintana si Elijah. 'Oh, help me, Lord... ' piping dalangin niya habang papasok sila sa loob ng teri

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status