공유

Chapter 16

작가: Luffytaro
last update 최신 업데이트: 2025-02-28 12:35:09

PAGKALABAS NIYA NG silid ng matanda ay dumiretso siya sa baba. Dahil wala naman siyang gagawin ay naghanap na lang siya ng pwede niyang magawa at napunta nga siya sa garden kaya ang magdilig na lang ang napagdiskitahan niyang gawin.

Hindi pa man siya nakaka dami ng kanyang nadidiligan ay bigla na lang siyang napapitlag nang may marinig siyang isang pamilyar na tinig sa likuran niya. “Masaya ka na ba huh?” sarkastikong tanong nito sa kaniya.

Wala sa sariling napalingon siya rito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito ng mga oras na iyon. Wala siyang ideya. “Tinatanong kita. Masaya ka na ba na nagtagumpay ka sa plano mo at ngayon ay ipapakasal ako ni DAddy sayo?”

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang maisip niya ang sinabi nito. Iyon pala ang tinutukoy nito. Mabilis siyang umiling. “Hindi. Mali ang iniisip mo.” pagdedepensa niya at gusto niya sanang linisin ang pangalan niya rito.

Tumaas ang sulok ng labi nito at bahagyang natawa. “Hindi ko talaga lubos malaman kung anong ipin
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
analiza caguete
love the story. very nice
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 64

    SA TOTOO lang ay halos araw-araw niyang kwinekwestiyon ang halaga niya sa kapatid niya at sa kanyang ama. Hindi nawawala sa isip niyang itanong kung bakit siya? Bakit kailangang siya ang magsakripisyo para sa kanilang pamilya.Pero palagi niya rin namang sinasabi sa isip niya na pagkatapos niyang magawa ang inuutos ng mga ito, sa wakas ay makakalaya na siya mula sa kanila pero ang tanong ay kung makalaya nga ba talaga siya? Habang dumadaan ang araw ay palalim ng palalim ang nararamdaman niya para kay Adam at baka iyon na ang maging dahilan kung bakit ma-stuck siya doon. Napapikit siya ng mariin. “Minsan, hindi mo rin talaga pwedeng pagkatiwalaan kahit ang sarili mong pamilya.” mahina niyang sabi rito. “Pwede bang iba na lang ang pag-usapan natin at huwag na ang tungkol sa bagay na ito? Ayokong umiyak sa harap mo.” sabi niya na may halo namang katotohanan.Hindi naman ito umimik sa halip ay nanatili lang na nakatitig sa kanyang mukha. Maging siya ay napatitig sa mukha nito, kamukhang-

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 63

    NANG magising si Miri kinabukasan ay wala na siyang katabi at mag-isa na lang siya na nakahiga sa kama. Sa totoo lang y kagabi, akala niya pagkatapos siya nitong pagurin ng husto ay aalis na ito sa kanyang tabi ngunit hindi niya akalain na pumasok ito sa banyo at naligo lang pagkatapos ay muling tumabi sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya maintindihan talaga ang sarili niya kung ano ba ang nakita niya kay dam para mainlove siya rito. Pagkabangon niya ay kaagad siyang dumiretso sa banyo para maligo at nang matapos siya ay bumaba na siya sa baba. Noong araw na iyon ay wala namang pasok si Adam sa opisina ngunit napansin niya kaagad na tila wala. Nang makita niya ang isang kasambahay ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na magtanong dito. “Uhm, nasaan si Adam?” tanong niya rito.Nagulat naman ito sandali at pagkatapos ay sinagot din naman kaagad ang tanong niya. “Wala po siya Miss umalis. Sinamahan niya si Miss Yvonne.” sagot nito sa kaniya.“Yvonne?” a

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 62

    “WHAt the hell!” gulat na bulalas niya ngunit wala na siyang nagawa dahil tuluyan nang napunit ang damit niya. Tanging ang suot niyang bra na lang ang naiwan sa katawan niya upang takpan ang kanyang dibdib.Yumuko si Adam at hinalikan siya kaagad sa kanyang labi. Hindi pa man siya nakakabawi ay naramdaman na niya sa loob ng kanyang bibig ang dila nito na at ginagalugad ang kanyang bunganga. Wala na siyang nagawa pa kundi ang makipag-espadahan ng dila dito habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Napalalim ng ginawa nitong paghalik sa kaniya. Ang kamay nito ay unti-unti nang bumaba sa kanyang katawan patungo sa ibat-ibang maseselan niyang parte. Humahaplos at bahagyang humihimas. Isang ung0l ang bigla na lang kumawala sa aking labi ng wala sa oras dahil sa kilabot na binubuhay nito sa kaloob-looban niya. Tama na gusto niyang maging baliw din ito sa kaniya ngunit hindi niya akalain na sa kama lang ito magiging possessive sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumaba na ang mga labi ni A

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 61

    NAPAIKTAD si Miri nang bigla na lang kagatin ng marahan ni Adam ang kanyang tiyan. “Bakit ayaw mong sumagot?” Tumitig ito sa kanyang mga mata, may apoy pa rin ang mga mata. “Kung may gusto ko sa akin ay bakit mo pa kailangang pumunta sa ganung klaseng lugar?” tanong nito sa kaniya. Akala niya ay nakalimutan na nito iyon ngunit mukhang hindi pa rin pala. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napalunok siya. Alam niya na kapag hindi niya ito sinagot ay siya lang din naman ang mahihirapan. Pumikit siya ng mariin. “Dahil, dahil… ayoko sa nararamdaman ko! Ayokong, ayokong kontrolin mo ako dahil lang sa kung ano ang nararamdaman ko.” sagot niya rito. Hindi niya sinabi ang lahat ngunit totoo pa rin naman iyon.Ayaw niyang mabaliw siya at lamunin ng nararamdaman niya dahil baka hindi na niya tuluyan pang makontrol ang sarili niya, natatakot siya. Natatakot siya sa totoo lang. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Hindi pa ba kita nakokontrol?” balik nitong tanong sa kaniya.Natahimik siya sandali.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 60

    NATAHIMIK siya sandali. Dahil na rin sa sobrang saya niya na inisin ito ay halos nakalimutan na niya ang tungkol sa bagay na iyon. “Sa tingin mo ba ay matutuwa ang iyong ama kapag napabalita na ang nag-iisa niyang anak na babae ay pumupunta sa ganitong klaseng lugar?” muli niyang narinig ang tinig ni Adam.“Wala siyang pakialam sa akin. Tyaka pwede bang huwag mo na siyang isali sa usapan?” sabi niya na may halong hinanakit ang tinig. Kapag naalala niya ang kanyang ama ay mas lalo lang sumasama ang loob niya. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala sana siya sa sitwasyong katulad nito. “Wala siyang pakialam sayo? E bakit mo pa ginagawa ang lahat ng ito?” tanong nitong muli sa kaniya. Natahimik na lang siya. Isang mahabang buntong hininga ang muli nitong pinakawalan. “Gusto mo bang subukan kung may pakialam siya sayo o wala?” tanong nito sa kaniya na para bang may naisip ng plano ngunit mabilis siyang umiling.“Ayoko.” “Kung ganun naman pala ay huwag na huwag ka ng babalik pa sa ganitong

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 59

    BIGLANG tumunog ang cellphone ni Miri dahilan para tumingin siya rito, nakita niya ang ilang chat ni Adam sa kaniya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. “Layuan mo ang lalaking katabi mo ngayon din Mirabella.” “Kapag hindi ka pa lumayo sa lalaking yan at baka kung ano ang gawin ko sa kaniya.” Nang mabasa niya ang mga iyon ay dali-dali siyang lumayo rito. Ilang sandali pa ay naramdaman niya nang may tao sa likod niya kaya nang lingunin niya ito ay nakita niyang si Adam na ito. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya at pagkatapos ay biglang hinila patungo sa tabi nito. Ang mga mata nito ay tumingin sa kaniya habang nag-aapoy sa galit. “Anong pumasok sa kokote mo at nagpunta ka sa ganitong klaseng lugar?” salubong ang makakapal na kilay na tanong ni Adam sa kaniya. Napalunok lang siya at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. “Na-bobored kasi ako sa bahay.”Nagtagis ang mga bagang nito. “Sapat na ba iyong dahilan mo para pumunta sa gantong klaseng lugar?” tanong pa r

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status