Share

CHAPTER 2

Author: May Poblete
last update Last Updated: 2023-05-14 11:39:27

AVA POV

It's sunny sunday, nagising ako na tirik na ang araw kahit kulong yung apartment ko dahil sarado pa lahat ang bintana ko at pinto, ramdam ko na kasi ang init na nagmumula sa araw tagaktak ang pawis ko hindi ko na namalayan kung ano oras na ako nakatulog kanina madaling araw. Tumungo na ako sa maliit na kusina ko para makapagluto na alas diez na pala magluluto na lang ako ng caldereta tutal malapit na mag lunch.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng makarinig ako ng kalabog. Nanlaki mata ko nung nagsink in sa akin na may kasama nga pala ako dito sa bahay at mukha nalaglag ito sa maliit ko kama.

Habang papunta sa kwarto ko natatawa na ako sa madadatnan ko. At pag bukas ko nga ng kwarto ko hindi ako nagkamali nakabulagta si TG sa sahig ng kwarto ko pero mahimbing pa rin ang tulog nakapulupot ang comforter ko na maroon sakanya, komportable matulog dito sa kwarto ko bukod sa malinis at mabango last sahod ko pinakabitan ko ng aircon ito yung sakto lang naman sa budget ko kaya hindi mabigat sa bulsa nung binili ko. Hindi ko rin alam kung bakit sobra ng limang libo palagi napasok sa atm ko kada sahod kaya naman nakakaipon ako ng malaki laki. Hindi ako sigurado kung pinapasadya yun ni Sir Hector katulad na lang din nung may outing kami sampung libo ang sobra parang sinadya para may pocket money ako madala noon sa outing at hindi magalaw ang sahod ko.

Dahil naamoy ko na yung niluluto ko hinayaan ko na lang nakahandusay si TG sa sahig ng kwarto ko, sayang naman yung niluluto ko pag nasunog hindi mapapakinabangan. Sobrang higpit ko pagdating sa budgeting sa sarili ko marami ako pangarap sa pamilya ko at sa sarili.

Pagkatapos ko lutuin yung pork caldereta nagprepare na ako sa pang dalawahan table set ko, natutuwa ako nakikita ko madami na ako napupundar sa sarili ko plus nakakapagpadala pa ako kila mama.

Isang guro sa pampublikong paaralan si mama akala ng nakapaligid sa amin tao may kaya kami sa buhay pero ang totoo marami pinagkakautangan si mama simula ng iniwan kami ng tatay namin sundalong babaero.Kaya naman kaming tatlong magkakapatid ay nagsusumikap para mabayaran lahat ng pinagkakautangan ni mama at mapagawan siya ng malaking bahay para pagreretired niya sa serbisyo bilang guro maayos na ang buhay namin hindi na niya poproblemahin ang pagkain sa pang araw araw. Kung sweswertehin nga ako mag aabroad ako sa mga susunod ko na lang yung ipupursue pag nakaipon na ako pagpapaasikaso. Tutal wala naman na sa amin nag aaral sa aming tatlong magkakapatid puro utang na lang ni mama ang nilalaanan namin by the way puro kami babae yung panganay under grad siya pero may trabaho ito sa korea bilang secretary sa isang advertising company at yung ikalawa ko naman kapatid ay isang guro din sa pampublikong paaralan ng thailand kaya naman nagsusumikap ako para makapag-abroad din makasunod sa mga kapatid ko.

Nang matapos ko ayusin ang pagkain sa maliit na lamesa ko tumungo ako ulit sa kwarto ko. Naabutan ko pupungas pungas pa si TG doon. "Gising ka na pala nakahain na ang pagkain tara na kain na tayo." anyaya ko dito tumango lang ito, mukha kakagising pa wala pa sa mood makipag-usap.

Ilang minuto lang ay sumunod na ito nanlaki ang mata ko ng makita ko na nakaboxer short lang ito. "HOY ANONG KAHALAYAN YAN?" pilit ko tinatakpan ang dalawa kong mata.

Feeling virgin te?

"Ang OA mo naman akala mo naman hinalay kita sa reaksyon mo." natatawa nito turan na kinapula lalo ng buong mukha ko, tinanggal ko na ang kamay ko sa mata ko panindigan na walang hiya naman ito kaharap kong lalaki. "Hubadero!" pinagpatuloy ko na pagsandok ng pagkain pati pinggan niya nilagyan ko na rin ng ulam at kanin.

"Sarap pala matulog dito kahit maliit lang." tumingin ito sa akin ng nakangiti. "Narecharge tuloy ako."

"Gala tayo." aya nito na kaagad ko inilingan. "Hindi ka pa nga naliligo dyan e' " pangaalaska ko dito sinimangutan lang ako nito. "Edi makikiligo din ako dito problema ba yun ang selan mo naman."

"Yuck maliligo pero yung kagabi mo damit pa rin susuotin mo ang dugyot mo naman TG."

"Grabe naman kaselanan mo Av baka nga may crush ka sa akin e' " sabay kindat nito.

"FYI... hindi kita type saka sabi ni Ella nagpaparamdam ka daw sakanya no? Hindi tayo talo--" natutop ko bibig ko ng narealize ko mga pinagsasabi ko.

Sh** lagot ako kay Ella

"Ha?" tila puzzle sakanya ang mga sinabi ko.

"Kako lumamon ka na dyan para makapaghugas ka na ng pinagkainan natin."

"Bakit ako?" may paduro pa sa sarili.

"Tamo to ako na nga nagluto ako pa rin maghuhugas mahiya ka naman sa akin TG."

"Bakit naman ako mahihiya sayo." at napansin ko ang pagbilis ng subo nito nabigla ako ng tumayo ito at kumaripaa ng takbo sa maliit kong banyo. "Aba't--"

Narinig ko pa ang malutong nitong halakhak sa loob ng banyo.

Badtrip naman oh!

Nang matapos ako pagkain nilagay ko na yung mga pinagkainan namin sa lababo yung natira naman ulam ay tinabi ko na. Pwede ko pa naman ulamin mamaya yun.

Mukha seseryosohin nga ng walanghiyang TG na yun ang paggagala namin.

Actually simula ng mapadpad ako dito sa syudad hindi pa ako nakakagala nakaraan pa nga ako inaaya ng kabatchmate ko nung college kaso tinatamad naman ako. Siguro it's about time para makagala pag naggogrocery ako sa riverbanks mall nadadaanan ko yung plaza masarap siguro tumambay dun bukod na marami street foods may ilog pa matatanaw habang naka upo ka presko din doon kasi marami puno.

"LET'S GO!" muntik ko na mabitawan yung baso hinuhugasan ko. "Takte! TG para kang kabute sumusulpot na lang bigla."

Nilingon ko ito na nanliliit ang mata at ang loko humalakhak lang habang ng pupunas ng basang buhok kaya hindi ko maiwasan mapataas ang kilay ko. "BAKIT GAMIT MO TOWEL KO?" histerikal ko sigaw dito

"Alangan tissue gamitin ko." napaface palm na lang ako sa lalaki kasama ko.

Bakit kasi pumayag ako makitulog ito dito kanina napakakulit naman pala ng isang to! edi sana tahimik buhay ko ngayon.

"Ilang beses ka ba inire ng nanay?" nakita ko nag-isip pa ang loko "Hmm.. isang lang magaling nanay ko e'." nanlalaki na butas ng ilong ko abnoy na kausap ko.

Pigilan mo manakal ng tao Av. Kalma!

--

Nasa plaza na kami malapit sa tapat ng ilog dito sa marikina medyo kumalma na ang pangigil ko kay TG kasi binilhan niya ako ng ice cream sandwich kay manong.

Nag inabot sa akin yung ice cream sandwich ko kaagad ako umupo sa bakante upuan na katapat sa ilog iniwan ko na yung loko na nakangising parang aso sa tabi ni manong magiice cream kaagad ko nilantakan ang hawak ko.

"Ito pa." nagning ning ang mga mata ko ng abutan niya ako ng mr chips na sitsiriya na favorite ko. "Thanks." nilalagyan ko ng ice cream yung chips ko napapikit na lang ako sa sarap.

"Ang takaw mo pala." kaagad ng pantig ang tenga ko. Sabi ko okey na ako kasi nilibre niya ako pero wait lang isang kotong lang.

"Aww!" hindi ko na napigilan panggigilan ang dalawang pisgi nito. "Av ang sakit." nagmakita ko namumula na buong mukha nito saka ko binitawan mga pisngi niya na may matamis na ngiti sa mga labi. "Nakakagigil ka abnoy ka."

"Sus crush mo lang ako e'." natameme ako sa kahanginan ng kausap ko at ang mokong kumindat pa. "Kadiri ka!" nilayasan ko ito sa kinauupuan namin medyo na iilang na ako sa titig niya pero kahit naiilang ako sakanya inubos ko pa rin yung pagkain ko.

Pumunta ako sa may ihawan pumili ako ng hotdog, betamax at isaw ipipili ko na rin sana si TG kaso nakasunod pala siya sa akin. Dumampot na rin siya ng ulo ng manok kaagad ako napatingin dito na nakangiwi. "Arte!" pinisil niya lang ang ilong ko at nagpatuloy sa pamimili.

"Oh!" inabot niya yung hotdog na luto sa akin. "Nguso mo nang hahaba." tinanggap ko naman kaagad

Nang marealize na ngayon lang ako nakaencounter na lalaki kasama sa mga ganitong lakaran si TG ang unang nakabonding ko ng ganito sa probinsya kasi puro babae mga barkada at kaibigan ko, kahit mga nanliligaw sa akin hindi ko pinagbibigyan pag nag-aaya makipagdate. Napalingon sa akin si TG nginitian ko na lang ito ang gaan lang ng pakiramdam ko ngayon dahil komportable din kasama si TG.

Umupo ulit kami sa pwesto bangko kanina malapit na namin maubos yung mga inihaw ng makita ko umiilaw yung cellphone ni TG nakasilent siguro kaya wala tunog nakita ko ang pangalan ni Ella hudyat na nagchat ito dito, kaya namabln nagising ako sa katotohanan. Hindi ko alam kung legal ba na pwede kaming magkasama ni TG ng ganito.

Matatawag na nga M.U sila dahil parehas nila gusto ang isa't isa. Stop this Av kaibigan mo si Ella.

Nanghina ako bigla parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng paggala namin. "Uwi na ako." matabang ko sabi.

"Ha? Bakit?" pagtataka nito tanong "Diba sabi mo gusto mo kumain sa mang inasal yung unli rice hahaha--" pinutol ko masiyahan nito sa walang gana ko sagot. "Hindi na nabusog naman na ako sa nga pinagkakain natin." pilit ako nito tinitingnan pero umiwas na ako ng tingin, sa reaksyon nito hindi ito kumbinsido sa sagot ko.

"Okey hatid na kita."

"No need na." kaagad ko turan.

"Nasa apartment mo jacket at susi ng sasakyan ko remember huwag ka na makipagtalo pa Av. Ang weird mo din e'."

Palinga linga lang ito sa akin habang naglalakad kami pa uwi ng apartment ko sakto ang paglalakad namin presko na ang hangin mag-aalasais na kasi ng gabi kaya bumababa na ang araw.

"Hoy seryoso mo naman." may kasama pang pagsundot sa tagiliran sanhi ng paglingo dito ng blanko. "May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin."

"Wala pagod lang."

"Lakas tama naman pala ng pagod mo."

"Manahimik ka na lang dyan. Kakaubos ka ng energy."

"Sus paano pa kaya pag--" natigil ito sa pagdadaldal ng bigla ko ito sinakal sa leeg. "Manahimik ka o sasampalin ko bunganga mo." at ang moko mukhang tuwang tuwa pa sa pagkakasakal ko.

"Hahahahaha.. An..o..ba naki..kiliti ako." tinanggal ko naman kamay ko sa leeg ng mokong mukhang ng enjoy pa sa pagkakasakal ko abnormal talaga, binilisan ko ang paglakad para hindi na ako kausapin ni TG.

"Hoy!"

"Av!"

Dirediretso lang ako hindi ko pinapansin tawag nito. Hindi ko mawari ang sarili bakit nagtatampo ako dito ng makita ko nagmessage sa kanya si Ella. Ano kaya pinag-uusapan nila madalas?

Sh** Av stop your sound like his girlfriend ngayon nga lang kayo nagkasama, halos hindi ka nga noon pinapansin.

---

"Ahhhh!" mahaba kong hikab maaga pa lang pumasok na ako sa opisina magsubsob na sa mga papeles na pinapagawa ni Ma'am Joy may meeting daw kasi kami kaya naman kagabi pa lang tumawag na ito sa akin para maaga kami pumasok at matapos namin kaagad yung report namin.

Seryoso ako pageencode ng mga papeles. "Av!" mahina tawag sa akin ni Mike.

"What?" pinanlisikan ko siya ng mata kung si TG hindi ko close nung weekend lang talaga kami nakapag-usap ng matino pero si Mike kabiruan ko siya palagi kalog kasi ito kaya marami na gusto siya palagi kasama siya ang isa nagpasaya ng grupo namin sa bar nung weekend

"Sungit naman nito sasabihin ko lang naman na lalo ka gumaganda e'.kumindat muna ito bago kumaripas ng takbo sa pwesto nila ni TG saktong kakapasok lang nila ni Ella nagtama ang aming mata kaagad naman ako umiwas ng tingin dito.

Tama ka na Av huwag ka magkagusto sa tao may Ella yun.

Binalewala ko na ang mga tao nasa paligid ko nagfocus ako sa report na kailangan na namin mapasa before lunch.

"Av tara na lunch monday pa lang subsob ka na dyan sa trabaho." saad ni Ella napaiwas na lang ako ng tingin dito ng makita si TG sa likuran nito.

"Mauna na kayo hindi pa kasi ako tapos." pagtanggi ko dito, actually kanina pa ako tapos sa report kanina ko pa napasa kay Ma'am Joy.

Nginitian ko na lang ang kaibigan ko para maniwala kaagad itong sumuko at umalis kasama ang katrabaho namin at si TG. Limang minuto pa lang nakakaalis sila Ella nilapitan na din ako ni Ma'am Joy may inabot siyang white folder. "Av sorry pabigay mo kay sir Hector ngayon need niya daw kasi ng hard copy pagkatapos niya sunod ka na sa amin ah ieextend ko lunch break mo. Thanks."

Ano naman pakulo to? Naemail naman na namin yung report gusto may hard copy pa? Tsk nagugutom na ako.

Labag sa loob ako umakyat sa floor ng opisina ni sir Hector nang makarating kaagad ako lumakad sa may pinto puro matataas na posisyon ang mga nag-oopisina dito kaya napakaganda dito hindi mo aakalain nasa opisina ka para ka nasa luxury hotel marami kwarto may mga kanya kanya label bawat matataas na ng mamay-ari ng opisina na yun. Nang makarating ako sa dulo ng pasilyo kaagad ako kumatok. Nagulat ako ng sumiwang ito kaagad at may humablot sa akin. "Sir!" gulat turan kaagad nito inatake ang mga labi.

"Hmm.. Sir.. wa..wait... yung...re...report po..na..min." tinulak ko ito ng marahan para makuha yung mga papeles na ng kalat na sa sahig. Matatapos na ako pagpulot ng sinioa nito yung isang pirasong papel. "Sir!"

"What? That piss of crap." turo nito sa mga papeles ko hawak.

"What do you mean sir pinaghirapan ko po ito gawin."

"Just leave nakakawalang gana."

Nagtataka ako sa inaasal ni Sir Hector kaagad ako sumakay ng elevator.

May mali ba sa report na ginawa ko? Tatlo beses ko naman iyon chineck tapos pinafinal check ko pa kay Ma'am Joy. How come?

Hayss bahala siya sa buhay niya nagugutom na ako.

Nang makarating sa baba nakita ko na ang table nila Ma'am joy katapatan lang nila ang table nila TG. Kainis

Namili na muna ako ng pagkain, pinili ko na lang yung nilaga para naman makahigop ako ng mainit na sabaw hindi kasi ako ng almusal kanina kamamadali pumasok.

Naglakad ako papunta sa table nila Ma'am Joy hangga't maari kailangan ko iwasan ang umuusbong na pagkakagusto ko kay TG kaibigan ko si Ella ayako naman masira ng dahil sa isang lalaki lang.

"Hey Av dito ka na umupo." nakita ko na may bakantemg upuan nga sa tabi ni Ella bale kung papayag ako doon magtable sa kanila nasa gitna namin ni TG si Ella awkward para sa akin.

Sorry friend a big NO

Nginitian ko ito ng napakatamis hindi ko maiwasan mapasulyap sa katabi nito na nakatingin din sa akin napakaaliwalas ng awra nito nakawhite polo ito ng floral, naka-black pants at rubber shoes lang. Napaangat ang tingin ko sa mukha nito. "Sorry Ella may kailangan pa kasi sa akin idiscuss si Ma'am Joy." nakita ako ang pag-iba ng ekpresyon ng mukha nito.

"Sige Ella bukas sa inyo na ako sasabay promise." napakunot ang noo ko ng makita din ang ekpresyon ni TG lumiwanag ito.

Maaga na ako dinismiss ni Ma'am alas kwatro pa lang kaya naman dumiretso muna ako sa riverbanks mall dito ko napili maghapunan. Tinatamad na kasi ako magluto napagod ako bigla sa nga nangyari buong maghapon.

Pinili ko na lang sa chowking para naman makaorder ako ng may sabaw sakto sa maulan araw buti na lang may dala ako payong.

Habang nagaantay ng order dinungaw ko muna ang aking cellphone nakita ko may message sa akin si TG.

TG:

Hey maaga ka umuwi?

Pinatay ko na lang yung data ng cellphone ko mamaya na lang pag nasa bahay na ako gusti ko muna magrelax.

Pagkatapos ko kumain sa mall ng hapunan umuwi na din ako baka abutin pa ako ng baha ang lakas pa naman ng ulan. Naligo na ako pagdating sa apartment nabasa na rin kasi yung dulo ng skirt ko puti pa naman kailangan ko malabhan.

Nang matapos ako naligo kaagad ako humilata sa kama sarap na matulog ang lamig kahit hindi na bukas ang aircon.

Nagsimula na ako magscroll sa cellphone binalewala ko ulit at message ni TG.

TG:

Av

Limang minutong natahimik ang messanger ko sa message ng TG na yun nakarinig naman ako ng katok sa pinto. Nangtataka man dahil gabi na imposoble yung may ari ng paupahan yung kumakatok pinuntahan ko na lang yung pinto inaantok na rin ako.

Nagulanta ako pagbukas ko ng pinto.

"TG?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AVA'S DARK SECRET   CHAPTER 78 - SPECIAL CHAPTER

    AVA POVAfter three months ng kasal namin bumalik na ako sa trabaho samantalang si TG ay tumutulong sa ama nito sa pagbubukas ng branch ng kumpanya nito dito sa pilipinas. Si Rae naman ay pumapasok na sa day care sa isang exclusive school dito sa syudad.Bago kami pumasok ni TG sa mga trabaho namin hinahatid namin ito doon at pag uwian kung sino una makapag-out sa amin sa trabaho siya ang sumusundo sa anak namin."Hey my love nandito na ako sa baba ng building ng office niyo." masaya ako ng ayos ng mga gamit.Excited ako bumaba hinihingal pa ako pagkapasok sa sasakyan. "Excited to see our Rae.""Of course ngayon na lang ulit natin siya masusundo ng magkasama."Nang makarating kami sa school ng anak namin tumakbo ito sa kinaroroonan namin saka hinalikan kami sa pisngi. "Ang sarap naman ng kiss big boy namin ni mommy." malambing na bulalas ni TG kay Rae.Nangiti ako naglalambingan kong mag-ama.Hindi ako mapakali kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo.---Lumipas pa ang isa pang

  • AVA'S DARK SECRET   CHAPTER 77

    AVA POVPapalubog na ang araw ng makalabas kami ng kwarto ni TG. Hindi ko na magawa maglangoy dahil sa pagod sa ginawa namin.Buong maghapon lang kami nasa kwarto kahit antok na antok na ako sinabayan ko ang kasabik ni TG. Nakatanaw lang ako dito habang naglalangoy."Hindi ba siya napapagod?" bulong ko sa sarili.Nakita ko ang pagtanaw nito sa pwesto ko kahit medyo malayo kita ko ang kapilyuhan sa mukha nito.Parang sinasabi "Be ready tonight, hindi kita pagpapahingain." hindi ko kinaya ang kapilyuhan nito kaya sinimangutan ko ito at agad ko iniwas ang tingin dito.Nang lumubog muli ito kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si mama, wala pa isang segundo sumagot ito sa tawag.Maingay ang background sa kabilang linya mukhang nagkakasiyahan pa sila. Hindi nakaligtas sa akin tenga ang cute na hagikhik ng anak ko."Ma pasuyo po pahatid po dito si Rae. Thank you!" magalang kong pakiusap dito. "Pero nakiusap si TG na sa amin muna si Rae hangga't hindi pa tapos ang isang linggo niyo honey

  • AVA'S DARK SECRET   CHAPTER 76

    AVA POVMadaling araw na nang makaakyat kami sa kwarto ni TG dito sa resthouse niya samantalang si Rae ay kasama nila mama sa kabilang kwarto.Dahil sa pagod pagkaligo namin nakatulog kami kaagad. Kinabukasan tanghali na ako na gising wala na sa tabi ko ang mister ko.Hindi ako makapaniwala kasal na ako kay TG.Ang dami namin pinagdaan bago marating namin ito. Ito ang bagong simula ng buhay namin.Nagpalit ako ng damit bago lumabas. Natanaw ko na si TG at Rae sa dalampasigan may hinanda doon lamesa na puno ng pagkain.Nagtataka ako kung bakit tahimik ang bahay. "Good morning!" bati ko sa mag-ama ko sabay sila lumingon sa akin nang makalapit ako agad ko silang pinatakan ng halik sa pisngi."Nasaan sila mama at mommy mo?" curious kong tanong dito."Nasa bagong resthouse ko binili. Mamaya kukunin nila si Rae para masolo kita." kumindat pa ang malanding TG habang pinagsasandok ako ng pagkain sa pinggan ko.Muntik ko na mabato sa kanya ang kubyertos ko hawak. Bago ko pa bayolenteng mahampa

  • AVA'S DARK SECRET   CHAPTER 75

    AVA POVMy dream wedding with my TG.Para ako nakalutang sa alapahap. Hindi ko mawari ang nararamdaman, parang isang panaginip na akala ko hanggang doon lang mangyayari ito.But here I am nakasuot ng pinasadya pa namina wedding dress.We choose all items for this day.Gusto namin lahat ng makikita namin sa kasal namin ay kami mismo ang pumili para mas maging memorable."Mommy!" maligalig na bungad sa akin ni Rae. "My mommy. So beautiful!" pambobola sa akin nito na tinura sa kanya ng tatay niya.Gwapong gwapo ito sa suot niyang itim ng suit pero lilac purple ang panloob."Ang ganda mo talaga Miss Ava." tuwang tuwang puri sa akin ng baklang nag-ayos. "Ay soon to Misis Thatcher na pala. By the way ma'am baka may kapatid yung future husband mo pakilala mo naman sa akin." natawa na lang kami nila mama sa sinabi ng make up artist ko."Naku beks solong anak lang yun. Bawal na si TG baka sakalin ka niyan." turo sa akin ni Ate Masha agad naman lumayo ng eksaherada si bakla. "By the way this is

  • AVA'S DARK SECRET   CHAPTER 74

    THOMAS GEORGE (TG) POV"Advance Happy Anniversary sa inyo ni daddy." malambing ko bungad sa video call namin ni mommy."Anak pupunta ngayon sila Ava at Rae sa bahay. Pwede ba dito ka na dumiretso at saka ka magpropose." iritang sagot ni mommy sa tawag ko."Mom sunduin mo ako sa airport. Mamaya na natin pag-usapan yan." kita ko ang pagkairita lalo sa magandang mukha ni mommy.Gustuhin ko man umuwi sa bahay kaso andoon sila Ava masisira lang ang plano ko pag nagkataon. Pagnakita ko ito baka hindi ko mapigilan kaladkarin ito sa simbahan para magpakasal."Buti naman maayos na ang kaso ng kumpanya iho. Finally makakauwi ka na. Kami naman ng daddy mo ng lilipad sa france hayaan namin maayos mo ang pamilya mo." maluha luha saad ni mommy.Napakamot na lang ako sa pabago bago nitong emosyon. Naalala ko dito si Ava.I miss her so bad.Tumakbo kaagad sa kinaroroonan ko si mommy ng makita ako. "Jusko TG anak!" natataranta ito hindi alam ang gagawin kung yayakapin ako o kukunin yung iba ko gamit.

  • AVA'S DARK SECRET   CHAPTER 73

    THOMAS GEORGE (TG) POVNaghahanda na ako para sa flight ko mamaya nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa likuran ko. May kinuha ako tsinelas dito sa may harapan ng bahay namin."Andyan po ba si TG?"Nagkatinginan kami ni mommy ng lumabas ito ng bahay.Sinenyasan ko ito para mapaalis niya kaagad si Ava.Nang marinig ko ang malamyos nito gusto ko lumabas sa pinagtataguan para mayakap muli ito."Umalis na si Ava anak. Bakit hindi mo ba sa kanya pinaliwanag ng maayos. Para hindi ganito ang sitwasyon niyo." tiningnan ko si mommy sandali. "Ayako mangako sakanya ng hindi ko agad matutupad mommy mas masasaktan ko lang siya.""Pero babalik ka naman.""Still hindi ko alam kung kailan mommy. Paano kung abutin ako doon ng limang taon baka mas mawala lang sa akin si Ava.""Paano ang mag-ina mo pag nasa ibang bansa ka na?" kita ang lungkot sa magandang mukha ni mommy kahit may mga kulubot na ang mga balat hindi pa rin maiikaila ang kagandahan nito."Do me a favor mommy. Take care of them habang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status