Share

Chapter 5

Seat #69

[Ashton's POV.]

TONY and I were having relaxation in the Bar Manila after our tiring hours of duty in our company.

"I'm getting married, soon," I said as I shook the contents of my wine into my glass.

Biglang naluwa ng kaharap ko ang iniinom nitong alak, saka tumingin at pahid ng labi nito.

"What, Ash?"

"Tony, are you with me? Kanina ka pa-what ng what." I said, then sip my wine.

"Nakakabigla ka kasi, Parekoy." Nginisihan ko ito. "Sa ngising 'yan, parang totoo nga."

"Yes. It's true. I am getting married. Soon." Paguulit ko rito.

He frowned. "Kanino? Kay Shan-Shan? O doon sa isip bata mong kababata na si Caren?"

"None of them, of course." He just mentioned my co-pilot, Ara Shayne, and my childhood Caren Aldover who is one of the Ducati flight attendants. "Alam mo na kanino."

"Ah, doon sa modelo mong ayaw pa magpatali sa 'yo? Kung hindi mo pa sasadyain sa labas ay hindi mo pa makakasama at maka-date. Kay Yvette?"

"Why so rude to my girlfriend?" Natanong ko na naman muli rito, even if I know what his response is.

"I'm not, of course. Bakit kasi pare nahumalin ka sa kanya? Ang dami namang iba na handang ibigay sa 'yo ang buong oras nila, hindi katulad ng Yvette Balmes mo na ikaw pa itong habol ng habol kung saan ang venue ng fashion show niya?"

"Because, maybe... I love her."

"Maybe?" hinarap ako nitong may pagtataka. "Pambihira, papakasalan mo tapos maybe lang? Hay nako sa 'yo, Ash."

Ngumisi ako rito. "Okay, okay. I love, Yvette, and I want to spend my life with her, I want to have a kid with her, and I want to build a family with her. Look," inilabas ko ang isang velvet box sa black coat ko. "It's time for my proposal." I get the ring inside the box. Kuminang ang malaking bato ng singsing ng ilabas ko iyon.

"Wow, how much is that ring, dude?"

"Worth millions."

Napatampal ito sa noo na ipinagtaka ko. "Are you sure of your decision, Ashton Gustavo Ducati? I thought you were just kidding, dude."

"Do I look like I'm kidding, Tony?"

Kinuha nito sa kamay ko ang singsing at pinagmasdang maigi. "This ring, hindi bagay kay Yvette. This is not suited for her ring finger."

"Sira," I smirked and get the ring to Tony's finger. Ibinalik ko iyon sa kahon nito.

"Kung magpo-propose ka na, saan at kailan?"

"Yvette promise that after a year, pwede na kaming lumagay sa tahimik. Next week is the exact date as I remember. So, I'll fly to New York and I will ask her hands for marriage."

"May kutob akong hindi matutuloy." Pag kontra nito.

"My flight to Brooklyn? No, I already have my schedule. Nasabihan ko na rin si Kuya na siya na muna ang bahala sa Ducati Airlines habang nasa bakasyon ako ng 2 weeks. So, next week is my sure flight to New York. Sasabay ako sa Ducati 1st class plane."

"Yes, you can go there. Pero ramdam ko hindi tatanggapin 'yan ni Yvette. You know her, ayaw na ayaw non sa commitment."

"Napaka negative mo. Will you stop it? Imbis maging supportive na kaibigan ka na lang, diba?" I sighed. "I'm running 30 years old and I want to build my own family at this moment. Palibhasa may sariling pamilya at anak ka na, kaya hindi mo na kailangan mag-habol."

Ngumisi ito. "Choosy ka kasi. May Caren at Shan-shan naman na anytime ay pwede, ayaw mo lang. May iba pang umaalihid sa 'yo, ayaw mo rin. Gusto mo talaga LDR, yung tipong ikaw yung aso na sunod ng sunod sa girlfriend mo. Parang walang ibang choice," nakangising wika nitong muli na napapailing pa.

Lumagok ako ng alak at tumingin rito. "I don't care about your opinion, dude. Alam mo na lahat ang sagot sa tanong mo saakin."

"Feeling ko naman slight lang ang pagkaka-gusto mo doon sa Yvette na 'yon. You are just eager to build your own family, at siya lang ang napili mo."

Nagkibit balikat lang ako at tumunga muli ng alak. "Waiter," pagkalapit ng waiter ay umurder pa ako ng ilang shot ng wine para sa amin dalawa ni, Tony.

"Pero sure ka ba talaga na gusto mo ng magpatali na kay Yvette?"

I frowned and then smiled. "You are asking it for how many times, Tony. Wala ka na bang ibang tanong at paulit-ulit ka diyan?"

Huminga ito ng malalim, wari'y ito ang stress sa gagawin kong planong pagpapakasal.

"Okay," he shrugged. "If it's your final decision. Well, good luck. I still support you. Again, good luck with your wedding proposal to, Yvette."

"Thanks, pare."

****

[Amber's POV.]

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sinasakyan kong kotse, tahimik at nagiisip ng malalim.

"Huy, Amber." Tawag pansin sa akin ni Iris, kinalabit pa niya ako habang nagmamaneho ito.

"H-huh?"

"Kanina ka pa tahimik. Dapat nga maging masaya ka."

"May iniisip lang ako."

"Nako, alam ko na kung sino. Sila Tita mo, right?" Napapailing ito. "Hindi ko rin maintindihan 'yang mga tiyahin mo e, they should be happy for you and support what's your decision. Katulad na lang ng pagkikita ninyo ng Daddy mo. Minsan ang bitter talaga nila."

Bumuntong hininga ako.

"Hindi ka pa rin ba nila kinibo?"

"We're okay nila Mama. Pero malamig pa rin ang pakikitungo nila. I feel they are against my decision to fly to New York. Hindi ko naman mahindian si Dad because he was expecting me there and his wife, Tita Cel."

"Tama naman ang gagawin mo. Minsan mo lang naman kikitain ang Tatay mo. Ilan lang ba naman yung 1 month stay mo doon. Grabe, feeling talaga ng mga Tita mo ay mawawala ka na sa kanila. Para isang buwan lang e."

"Ayon na nga. Isang buwan lang pero hindi nila ako maintindihan. I still tried to explain and to make them understand my decision, pero no comment sila. Ayaw na lang daw nilang magsalita para hindi na ako mas lalong sumagot at magdahilan sa kanila." Huminga ako ng malalim.

Iris tsked. "Ang hirap nilang maging Tita na taga pangalaga. 25 years mo silang natiis ano? Tibay mo, sis."

"I love them with all my heart, I also respect them. Utang na loob ko sa kanila ang buhay ko kasi hindi nila ako hinayaan bilang pamangkin nila. Pero minsan, nakakapagod na rin sila. Nakakapagod ng intindihin ang mga gusto nila. I want a break."

"So, bakit ka naglulungkot-lungkotan ka riyan kung gusto mo pala ng break? Heto oh, we are going to Ducati Airlines. Ito na ang simula ng break na gusto mo. Huwag mo munang isipin masyado ang mga tiyahin mo. Let them realize na mali ang masyadong mahigpit sa 'yo, also let them realize that you are old enough to decide in your life. At isa pa, ipa-realize mo rin na ama mo yung pupuntahan mo sa doon sa New York at hindi ibang tao lang. Hindi naman dahil sa gusto mo lang lumayo ang loob mo sa kanila. Isipin sana nila na wala silang pamangkin na Amber sa ngayon kung hindi dahil sa semilya ng Tatay mo." Mahabang litanya ni Iris na nagpangiti sa akin ng bahagya.

"You are really my best friend. Thank you, pero nakakainis ka kasi parang against ka sa mga Tita ko."

"Baliw, hindi kaya. I also love your Titas. Kaso minsan nakakairita rin ang paghihigpit nila sa 'yo. So, si Mark, kamusta. Sinagot mo na ba?"

Umiling ako rito. "I attempt, but no. Hindi ko tinuloy. Ang hirap kasing mapasubo. Wala e, ayaw talaga tumibok ng puso ko sa kanya."

"Ang hirap mong magka-gusto. Kaya wala kang jowa e." Sabi nito habang nakatingin sa daanan namin. "Ewan ko na lang kung hindi pa titibok ang puso mo doon sa mga Papa Americano."

I laughed. "Baliw. Mas lalo na ayaw ko sa kanila. Tatangkad nila, isa pa, walang mga feelings ang mga 'yon."

"Ewan ko na lang talaga sa 'yo. Tingnan na lang natin sa isang buwan mo doon." Sabi nito na nakatawa na rin. "Ayan, napatawa na kita bago ka pa man umalis ngayon. Amber, I hope you will find your match in that big and luxurious country."

"Sana nga dahil hindi na rin ako bumabata. I am already 25. At my age now, dapat may sariling pamilya na rin ako."

"Tama 'yan. Huwag na huwag mong tularan ang mga tiyahin mo na parehong bitter sa ama mo kaya tumandang dalaga na lang."

I smiled again and shook my head. "I did not wish to be like them. Gusto ko maranasan ang totoong may pamilya. Gusto kong magkaanak at magka-asawa. Yung simpleng may-bahay at magaalaga ng mga anak at asawa. Kung magkakaanak man ako, sisikapin kong may-ama ang anak ko. Kaya sana yung lalaking mapapangasawa ko... sana yung tipong mabait, mapagmahal, maalaga at kuntento sa anumang maibigay kong pagmamahal para sa kanya. That is my birthday wish." Pumikit ako at nangarap. "I hope, God will grant my wish."

"God might hear you... Amen." Irish whisper.

Pagmulat ko ay pareho kaming napatawa ng malakas ni Iris.

"Woo... I finally ran away." Hiyaw ko ng malakas.

"Woo, go Amber. Shout out with your freedom."

"Wooo... I am free..."

"Louder..."

"I am free..." at mas nilakasan ko pa.

Para kaming mga tanga sa kakahiyaw sa kalayaan ko mula sa tahimik na mundong pinagmulan ko. That time, para akong nakawala sa isang hawla, yung tipong lahat ng kilos ko ay wala ng naka-bantay, lahat ng sasabihin ko ay hindi na limitado. Para akong nabunutan ng tinik sa pagalis ko ng pansamantala sa puder ng mga tiyahin ko.

*****

Good morning to all passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 72B to New York. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes. Thank you.

Hinarap ko ang kaibigan kong si Iris na matiyagang sinamahan ako sa pagaantay ng flight ko. "Oh, it's time to go now, my friend."

"Mamimiss agad kita ng isang buwan." Sabi nito na tinulungan ako sa mga bagahe ko. "Ingat ka doon huh, huwag kang magpapaloko sa mga foreigners."

"Of course,"

"Magpakasaya ka doon. Gawin mo lahat ang gusto mo at damhin mo ang kalayaan mo. Enjoy your vacation sa Brooklyn."

"Thank you, Iris." Yumakap ako rito ng mahigpit at ganoon rin ito.

"Finally, yung pangarap mong mag Brooklyn ngayon matutupad mo na. Enjoy the Manhattan Bridge. Mag picture ka ng marami huh, saka I post mo sa I* and also mag-live ka, huh?"

"Oo. Ipapakita ko lahat ng magagandang views sa 'yo. Promise."

"Okay. Basta ang bilin ko sa 'yo?" I nod at her. "Always take care, Amber."

Kumalas ako rito saka may hinugot sa bulsa ng maong skirt ko. "Pwede bang pakiabot ito sa mga Mama ko?"

"Oo naman." Tinanggap nito ang envelope na may sulat kamay ko.

"Tell them that I love them so much, na hindi mapapantayan yung pagmamahal ko sa kanila kahit pa makikilala at makikita ko na si Daddy sa personal. Paki sabi rin, babalik ako at ako pa rin yung anak nila na buong-buo na babalik sa kanila."

"Makakarating, sasabihin ko mamaya pagkauwi ko galing dito."

"Thanks again, Iris."

"You are welcome, Amber."

"So, bye for now. Ingat sa paguwi at salamat sa paghatid sa akin rito."

"Enjoy your vacation, sis." Sabi nito at humalik sa pisngi ko.

*****

Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 72B with service from the Philippines to New York. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Ducati Airlines. Maligayang Paglalayag.

It's my first time traveling using Airbus. Oo, nakapag-travel na ako but I am with my Tita's going to Mindoro, at ang sinakyan namin ay barko. Tumungo kaming apat roon dahil taga roon ang Nanay ni Mama Joan.

One of my moms said, para hindi mahilo sa byahe ay uminom muna ng bonamin. So, I did, kaya hindi ako masyadong nahihilo.

Nang nasa himpapawid na ang airplane, doon naman ako nakaramdam pag-gamit ng banyo. Nagtataka ako kung bakit wala akong katabi sa dalawahang upuan, not like those passengers na may mga katabi.

"Where is the comfort room?" Tanong ko sa flight attendant.

"This way, ma'am." Magalang nitong sagot saka itinuro sa akin ang way papuntang banyo.

Dahil first time ko, hindi ko alam anong klase C-R ang meron sa eroplano. But if you know how to read and understand the instructions, malalaman mo rin naman.

Oh, nakaka-bobo kapag first time. Pero nakaka-enjoy naman.

I wash my hands before leaving the comfort room.

Sa pagbabalik ko, nagtataka na lang ako kung bakit bigla na lang na may katabi ako. I stand in the exact row of my seat number. Napapasulyap sa akin ang iba kung bakit hindi ako umupo.

"Excuse me,"

Humarap sa akin ang isang lalaking naka-shade. Inalis nito ang shade at umangat ang tingin sa akin.

I was immediately stunned by the man's handsome face.

"Yes, miss?"

Ipinilig ko ang aking ulo. "A-ah, you occupy my seat, Mr-. Upuan ko kasi 'yang inuupuan mo ngayon."

"Ah, ito. But this is seat number 69. I thought this is my space, Miss."

"Excuse me, pero ako ang nakaupo diyan kanina." Maayos kong sagot rito.

"Hm," napapatango ito. "May I see your boarding pass, Miss?"

Nagtaas ako ng kilay. "At bakit?"

Ngumisi ito ng bahagya. "Baka lang kasi magkapareho tayo ng number of seats."

"Um, pwedeng umalis ka na lang diyan at lumipat dito sa kabilang upuan. Kasi diyan talaga ako. I am seating alone there-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng itinaas nito ang passenger pass nito na number 69.

"Sir, Ma'am-"

"There is no problem here, and let me handle this."

"But- are you sure, Sir?"

"Yes." Sagot nito.

"Yes, Miss. Walang problema rito. You may leave us now." Pati ang iba ay napapasulyap sa aming direksyon.

Nagdesisyon na lang akong maupo sa tabi ng lalaking pilit 'kong pinapaalis sa upuan niya kanina. Bigla kasi akong nahiya sa ginawa kong pagpapaalis sa kanya, e yun pala talaga ang upuan niya.

"Bakit kasi hindi mo agad sinabi na upuan mo pala 'yan? Pinahiya mo pa ako sa mga tao."

"So, it's my fault now?" tanong nito.

Humarap ako rito. "Yes. Your fault."

"Oh, nasa tamang upuan naman ako."

"Pero kanina wala ka. Ako lang ang mag-isang nakaupo rito."

Tumingin ito sa akin na parang naaaliw sa pagtataray ko. Umiling-iling ito at napapangiti.

"But the fact is, this is my space, Miss. Well, if you want to ask about this seat. Ibibigay ko sa 'yo." Sabi nito sabay kindat sa akin.

My chest suddenly skipped the moment I saw him wink at me. I ignore it and frown. "I will never do that, sa 'yo na 'yang upuan mo! Tse!" Sabi ko sabay irap rito.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Sabel Estillore
unlock pls....
goodnovel comment avatar
Marianita Azuelo
ay nlo ang hina ng cignal nmin ang ganda panman ng story.
goodnovel comment avatar
Fatima Lopines
unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status