Share

Chapter 2

Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagtingin ko sa orasan  na nasa side table ng kama ko, 5:11 am pa lang. Hindi pa siguro umalis sina Mommy't Daddy. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kakahilata sa kama, agad akong naligo at ginawa ang iba ko pang ritwal. Wala pa akong school uniform so nagsuot muna ako ng white t-shirt tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals.

Pababa ko sa hagdan, nakita ko si Keith na nakaupo na sa sala kasama si Daddy.

"Hi Raya. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Keith nang nakita niya ako.

"Good morning din."

Lumapit ako gawi nila at umupo sa tabi ni Daddy.

"Good morning, Dad." Hinalikan ko pa sa pisngi si Daddy.

"Good morning too, Baby. How's your sleep?"

"Hindi ko po alam, tulog po ako, eh."

Narinig ko pang mahinang tumawa si Keith habang si Daddy naman... he looked peeved.

"Hehe. Okay lang po, Dad," bawi ko sa kaniya.

Nakahinga ako ng maluwag nang biglang sumulpot si Mommy galing sa kusina. Buti naman at hindi ko makikita ang bangis ng isang naasar na Rome Digo.

"Good morning, Baby. Good morning, Keith." bati niya sa amin ni Keith at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Good morning too, Mom."

"Good morning too, Tita."

Sabay naming bati pabalik sa kaniya.

"Breakfast is ready. Kumain muna kayo bago pumasok sa school. Kumain ka na rin do'n Keith," nakangiting ani Mommy at tumabi kay Daddy. 

Sabay naming tinungo ni Keith ang kusina para mag-agahan. Pagpasok namin sa kusina, nakita namin kaagad ang dining table na puno ng pagkain.

Habang kumakain kami, panay ang kwento sa 'kin ni Keith about sa mga karanasan niya rito sa Laguna noong mga panahong nasa Batangas ako. He's hoping na kasama niya ako sa memories na 'yon. Close kami ni Keith to the point na gagawan kami ng issue ng mga taong nakapaligid sa 'min.

After naming mag-breakfast, napagdesisyunan naming umalis na at baka ma-late pa kami sa klase. Hindi na kami nagpahatid kay Kuya Dan papuntang school dahil may dalang sasakyan naman daw si Keith.

"Alis na po kami, Mom, Dad," paalam ko sa kanila at hinalikan silang pareho sa pisngi.

"Mag-ingat kayo," nakangiting paalala ni Mommy.

"We will, Tita." ani Keith at tumalikod na.

Isang magandang motor ang bumungad sa 'kin pagkalabas namin. Iyong Ducati na motor.

"Bago ba 'to?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Oo, bigay 'yan sa 'kin ni Lolo kahapon. Hindi na nila ako pinayagang magkotse, kaya motor na lang daw."

"Ay, dahil pa rin ba do'n sa nangyari noon?"

Tumango si Keith at napakamot sa ulo.

Naaksidente kasi iyang si Keith dati dahil umalis siya ng bahay nila dala ang kotse ng Daddy niya para umattend ng party nang hindi nagpapaalam. Nalasing siya no'n kaya pag-uwi niya, nakabangga siya, buti na lang at okay na raw ngayon ang nabangga niya.

"Hindi ba delikado mag-motor?" kinakabahang tanong ko sa kaniya habang sinusuotan niya ako ng helmet habang siya ay nakasakay na sa Ducati niya.

"Hmm, don't worry... marunong na akong mag-drive," natatawang tugon niya.

"Okay, siguraduhin mo lang at baka masapak kita." tugon ko at umangkas na.

Tawa lang ang sinagot niya sa 'kin at pinaandar iyon palabas ng village. Hindi nagtagal at nakarating na kami sa school. Isang malaking parking lot ang bumungad sa 'kin.

"Ang laki naman ng parking Lot dito." Bumaba na ako sa Ducati niya at ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng  parking lot.

Karamihan sa mga nakita kong sasakyan na naka-park ay mga motor. Iilan lang ang kotse na nakita ko.

"Oo nga, eh. Pinasadya raw talaga ito para iwas disgrasya."

"Ah, kaya naman pala."

Nasa gano'n kaming sitwasyon nang makarinig kami nang tunog ng bell.

"Shit," mura ni Keith.

"Keith, anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Tara na. Late na tayo." Hinila pa niya ako papasok sa gate.

Lakad-takbo ang ginawa namin ni Keith habang tinungo ang building kung nasaan ang classroom namin. Buti na lang at magkaklase kami ni Keith dahil kung hindi, baka kung saan-saan na ako ngayon napadpad kakahanap sa classroom ko.

Hinihingal kaming huminto sa isang classroom na may nakalagay na 'GRADE 10 Section A' sa pintuan. Nakompirma kong ito na nga ang classroom namin nang hilahin ako ni Keith papasok. Buti na lang at pagpasok namin ay wala pang Lecturer.

Pinagtitinginan ako ng mga 'new classmates' ko. May iba na ngumiti pa sa akin, may iba namang inirapan ako at may iba na parang wala namang pakialam. Yumuko na lang ako habang hila-hila pa rin ako ni Keith papunta sa likurang bahagi.

"Upo ka na," hinihingal na saad ni Keith.

Kumuha pa muna ako ng bottled water sa bag ko at iniabot sa kaniya. Tumanggi pa siya no'ng una pero sinabihan ko siya na dalawa naman ang dala ko, kay tinanggap niya na lang din. Aba'y mahirap tanggihan ang grasya lalo na kung galing sa 'kin dahil kukulitin ko talaga siya hanggang tanggapin niya.

Umupo na rin ako sa katabing upuan ni Keith.

"Siya ba 'yong transferee?" rinig ko pang bulong ng katabi kong babae.

Bulong na nga lang, rinig na rinig ko pa. Haha chos!

"Siguro," sagot naman ng isa na naka-upo sa armchair.

"Mga Bobo. Siya lang naman 'yong nakikita nating bago, 'di ba? So siya 'yong transferee," singit naman ng isang lalaki.

"You're so mean," nakangusong sagot naman ng katabi ko.

Umiling na lang ako at kinuha ang cellphone ko. Abala rin kasi si Keith kaya hindi ko na lang siya dinisturbo. As usual, scroll lang ako nang scroll sa f******k dahil wala naman akong ka-chat.

Napaangat ako ng tingin nang may lumapit sa akin at nagpakilala.

"Hi, miss. I'm Jaypee Licardo," nakangiting pakilala sa 'kin no'ng lalaki at inilahad pa ang kamay. Simple lang siya, matangkad, maputi, sakto lang ang katawan at medyo singkit.

Tumingin pa ako sa gilid ko pero wala na ro'n si Keith. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Tumayo  muna ako at nakipag-shakes hand sa kaniya at nagpakilala na rin.

"Uhm, Hi Jaypee. I'm Raya Digo," 

"Hi, Raya. I'm Franzen Basilan," anang babaeng kasama niya. Maganda siya. Para siyang anghel. Maputi, simple, matangkad, sexy, mahinhin at maamo ang mukha.

"Hi, Franzen," naiilang na bati ko sa kaniya at tinanggap ang kamay niya.

"Sige, Raya. Mamaya na lang ulit," wika ni Franzen at tumalikod na silang dalawa sa 'kin.

Hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin sa 'mamaya na lang ulit'. Pero hinayaan ko na lang. Umupo na ako at bumalik ang atensyon ko kaka-online.

"Good Morning, Class." 

Napaangat ako nang tingin nang may biglang nagsalita sa harap. Napaayos ako nang upo nang mapagtantong Lecturer pala iyon.

"Good morning, Mr. Leron," bati ng lahat.

Tiningnan niya pa ang lahat bago dumako ang tingin niya sa akin at nagkatinginan kami.

Wag kayong assuming. Nagkatinginan lang kami ni Sir. Walang malisya do'n. Hindi kami puwede... may pagka-girl kasi si Sir base sa kilos niya. Hindi ako judgmental niyan ah, great observer lang.

"Oh! You have a new classmate. Please stand up new student and introduce yourself." utos pa sa 'kin ni Sir.

Tumingin muna ako kay Keith at tinanguan niya ako, tila sinasabing 'wag akong kabahan.

"Good Morning, Everyone. I'm Raya Digo." 

Nakita ko pang tumango-tango si Sir Leron.

"Raya, nice name," puri niya sa pangalan ko. "Kaano-ano mo si Mayor, Ms. Digo?"

"He's my father, Sir." taas-noong sagot ko sa kaniya. 

Well, proud naman talaga ako sa parents ko kahit napabayaan nila ako noon dahil sa trabaho nilang pareho. May iilan pang nagulat dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero siguro dahil hindi ako rito lumaki kaya hindi nila ako kilala.

"Okay, you may now take you—" hindi na natapos ni Sir Leron ang dapat niyang sabihin dahil may biglang pumasok sa classroom.

"Sorry, Sir. Im late." Nagbaba pa ito ng tingin kay Sir Leron. Pagkatapos ay tumingin sa gawi ko dahil nanatili pa rin akong nakatayo.

Hindi ko itatanggi na gwapo siya, matangkad, medyo may pagka-mestiso at singkit.

Uso ba ang matatangkad dito? Hiyang-hiya naman ang height ko.

Nang nagtama ang mga mata namin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko 'yong feeling na 'yon dahil naranasan ko na rin ito noon.

Is this love at first sight?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status