CHAPTER 2
We are currently on the Library. Wala ang prof namin ngayon araw, due to a personal problem daw, kaya imbis na dumiretso sa cafeteria ay dito na lang ako tumambay kasama si Ariana. Kung pupunta ako ng cafeteria ay may devil na naman akong makikita.
Naibagsak ko ang mukha ko sa libro. May isang subject pa, at paniguradong maiinis na naman ako. Buong klase ay walang ginawa si Damon kung hindi bumulong sa tabi ko ng kung ano anong kabalbalan na words. Muntik na nga kaming mapalabas na dalawa nang pumatol ako.
"Matutulog ka?” tanong ni Ariana.
Iniangat ko ang ulo ko at inayos ang buhok na nakaharang sa mukha ko bago sumagot sa tanong niya.
“Hindi, may iniisip lang.”
Kita ko sa gilid ng mata ko ang naniningkit na mata ni Ariana kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Sino? Si kuya?” nang-aasar na tanong niya.
Ang kaninang mataray kong mukha ay napalitan ng pandidiri. Ngumisi ako.
“Oo iniisip ko kuya m, iniisip ko kung paano siya imu-murder,” pagkasabi ko non ay pinakitaan ko siya ng nakakatakot na mukha.
“Atleast iniisip mo pa din siya.”
Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa libro.
“Bakit ba iritang irita ka sa kupal kong kuya?” tanong ni Ariana
"Because," huminga muna ko ng malalim bago sundan ang sasabihin, “He's mayabang. Feel na feel niya ang pagiging feelingero. Proud na proud siya sa sarili niya. He's not that handsome for me. Baliw na lang ang mahuhumaling sa kuya mo,” inis kong sabi.
"Really? I am not that handsome to you?”
Napairap ako. Speaking of the devil.
Ano na naman bang ginagawa ng isang 'to dito? Lumingon ako sa kaniya, as usual kasama na naman niya si marco na hindi alam ang salitang 'salita'.
"What are you doing here?" inis na tanong ko sa kaniya.
“Nasinok kasi ako. So I assume someone is talking about me?” pagkasabi non ni Damon ay umupo siya sa tabi ko.
Kita ko ang pag-ngisi ni Ariana kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Alis ka nga dito, shoo!” itinaas ko pa ang kamay ko na parang hinahawi siya.
"Sayo ba to?”tanong niya
"Hindi, pero bawal ka dito, "sabi ko at inirapan siya.
Napakagat ako sa labi nang sawayin kami ng librarian.
“Umalis ka na nga dito, ang ingay mo,” bulong ko sa kaniya.
“Ayoko,” bumelat pa siya sa mukha ko.
“Dito muna ako,"sabi nya at mas lumapit pa sakin, lumayo naman ako, kita ko sa tabi ni Ariana si Marco.
"You're both crazy,"sabi ni marco, gulat naman akong tumingin dito at 'saka siya nginisian.
"One point," I said and licked my lower lip.
Napabaling ang tingin ko kay Damon, tiankpan ko ang bibig ko nang makita kong nakatingin siya sa labi ko.
“Anong tinitingin-tingin mo?” inis man ay mahina pa rin ang pagkakasabi ko non. Umiling siya at nginisian ako, bumaling siya sa kaibigan.
Napa-tingin ako kay Ariana nang bigla niya akong kalabitin.
"Anong one point ang pinagsasabi mo diyan?" Tanong niya.
"One point, kase first time ko lang siya narinig na magsalita," Sabi ko at tumingin kay marco.
"Weird."
"Two points!" Sabi ko at humagalpak ng tawa.
Napahawak ako sa bibig ko nang sawayin ako nang librarian.
"You're crazy. Tara na nga Marco," Pagkasabi non ni damon ay tumayo siya at naglakad.
Napangiti naman ako, finally, aalis na din ang masamang espirito.
"Edi go! Walang pumipigil sayo," Ani ko habang kumakaway kahit na nakalayo na siya
Masaya kong ibinaling ang tingin ko sa libro. Finally, inner peace.
“Amber, nagugutom ako, samahan mo 'ko bumili ng pagkain,” naka-ngusong ani ni Ariana habang hinihimas ang tiyan.
“Kakakain mo lang, nagugutom ka na naman?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Mahigit thirty minutes na ang lumipas, matagal na 'yon, nagugutom ulit ako, samahan mo 'ko sa cafeteria,” pangungulit ni Ariana.
Mabilis akong umiling, “Ayoko may makikita lang akong masamang espirito don.”
Inirapan ko ni Ariana, “Ikaw nga sinamahan ko dito kahit na naboboring ako. Kahit saan ka magpunta sinasamahan kita. Tapos 'pag ako na nagpapasama ayaw mo 'kong samahan,” kunyaring nagtatampong aniya.
Ibinaba ko ang libro, “Fine, nangonsensya pa,” inirapan ko siya nang makita ang malaki niyang ngiti. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Masaya siyang kumapit sa braso ko bago kami sabay na lumabas ng library.
Kakatapak pa lang namin sa Cafeteria ay kitang kita ko na agad ang nang-aasar na mukha ng Devil.
Naka-cross arms ako habang naghihintay kay Ariana na matapos bumili ng pagkain nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko. Hindi pa man ako lumingon ay alam ko na agad kung sino 'yon dahil sa itim na awra na bumabalot sa buong cafeteria.
“Bakit ka nandito? Sinundan mo 'ko?”
Hindi ko siya nilingon, bahala siya diyan. Nang makuha ni Ariana ang binili ay kinuha ko sa kaniya ng pinabili ko at naghanap ng mauupuan. Tinuro ni Ariana ang bakanteng upuan malapit sa salamin ng Cafeteria.
Nagsimula na kaming kumain, maya maya ay bigla na lang ulit may nagsalita sa gilid likod ko
“Are you here because you want to see me?”
Nilingon ko siya, kita ko ang nang-aasar na ngisi sa labi niya. Pero agad na nawala ang tingin ko sa kaniya at napatingin doon sa babaeng nasa likod niya.
"Baby dun ka na lang sa table namin,"boses ng babaeng pinakakainisan ko sa Campus.
BOOBY CHEON, feeling maganda na walang ibang ipagmamalaki kung hindi ang boobs nyang fake. BOOBITA
"Dun ka mag-isa,"
sabi ni damon."Ang harsh mo naman sa'kin," maarteng sabi nya at panay ang kulit kay damon.
Napa-irap ako. Tahimik lamang naka-tingin sa kanila si Ariana, pero mahahalata ang inis sa mukha.
"Ano ba?!dun nga kayo mag kulitan nakakairita kayo," sabi ko sa kanila at parehas silang inirapan.
Napabaling ang tingin ko kay Marco na papalapit sa table namin, inilapag niya ang tray sa lamesa at tumabi kay Ariana. Napataas ang kilay ko
"Pakielam mo ba kung dito kami nagkukulitan?"maarteng tanong nya.
Tumawa ako ng kunyari at nagsalita, "Ako walang pakielam pero yung tenga ko naririndi sa kaingayan mo, alis nga, sama mo na yang mahangin mong boyfriend,"
sabi ko at 'saka tinignan si damon.Napa-kunot ang noo ko nang makita ko siyang nay nakakalokong ngisi habang naka-tingin sa'kin.
“Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya nang hablutin niya ang burger ko.
“Salamat sa Burger,” aniya habang sarap na sarap na kinakain ang burger.
Hihingan ko sana ng tulong si Ariana nang makita kong mukhang nag-eenjoy pa sila sa panonood sa'min, inilibot ko din ang paningin ko sa buong cafeteria at lahat sila ay naka-tingin samin.
Tumabi sa'kin si Damon at bumulong sa tenga ko.
“Selos ka?”
CHAPTER 73Mariin akong pumikit, yumuko ako at sunod-sunod na umiling. I can't believe what's happening.Damon is here. He's fucking here!"Amber," narinig ko ang tawag ni Nikki sa'kin. Dumilat ako at tinignan siya."Nikki. I-I...." I don't know what to say. Marami akong iniisip, marami akong tanong noon pero ngayon ay nablangko ang utak ko. Walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko."Amber," napabaling ang tingin ko kay Damon. He's calling me. It feels so real. His voice, I can't forget that voice. I missed that voice.I am not dreaming. I know it's not a dream. Kung sakaling panaginip man ito, h'wag na sana akong magising. I want to be with him again. Kahit sa panaginip na lang.Tinitigan ko siya. He's looking at me with different emotion. He's smiling but it doesn't reach his eyes.He's Damon, I am sure of that now, but
CHAPTER 72"What makes you think na papayag akong maging kaibigan kita?" Malamig na tanong ko.Even if we broke up, parang ang awkward naman kung magiging kaibigan ko siya sa kabila ng pinagdaanan naming dalawa.Nakita ko ang pag-iling niya. "I-I'm just hoping that we can be friends despite of the things that happened between us. I want to be your friend. Kahit ayun na lang. I-I will not force you again on things that you don't want, I promise" sambit niya, parang siguradong-sigurado siya na hindi niya talaga gagawin ang ipinangako niya.I sighed and slightly nod. "Pag-iisipin ko. Sa ngayon, let me rest, okay?" sambit ko. Nakita ko ang pag-tango niya kaya tumalikod na ako at lumakad paalis.Somewhat, may kung anong nabunot na tinik sa dibdib ko. Ramdam ko ang kaginhawaan sa pakiramdam ko. Buti na lang ay mabilis akong naka-alis doon. That house suffocates me. Kapag nandoon ako ay parang sumisikip ang dibdib ko. I can't stand that house and th
CHAPTER 71"What do you need?" galit kong tanong."You don't give me that kind of tone, Amber," aniya, may pagbabanta sa boses, napa-irap ako dahil doon."Kung tungkol sa engagement namin ni Aeron ang itinawag mo, h'wag ka na mag-abalang magsalita, hindi ako magpapakasal sa kaniya. Never," sambit ko, ibababa ko na sana ang tawag pero narinig ko ang halakhak niya. Nangunot ang noo ko dahil doon at napa-tingin ang sa nagtataka at naga-alalang mukha ni Jake at Nikki."Hindi mo ako tatanggihan, Amber. Now, go to my house, we will have a dinner with Aeron's fa
CHAPTER 70Naluluha akong tumitig kay Marco. Napanood ko kung paano nanlaki ang mata niya at bahagyang nataranta. Parang hindi niya alam ang sasabihin. Umiwas ako ng tingin at bahagyang natawa. He's lowkey funny."Why are you laughing?" he asked at umupo sa tabi koUmiling ako at mas lalong natawa. Nababaliw na yata ako. "Nothing," sagot ko at ngumisi."You look drunk," he said. Ramdam ko ang titig niya sa'kin."Really?" I asked and chuckled. "Hindi ako lasing," dagdag ko. Hindi ako lasing, nahihilo lang ako pero alam kong hindi ako lasing. "What are you doing here?" I asked him. Kinuha ko ang alak na nasa lamesa at ininom."Ako dap
CHAPTER 69It's been months since Damon left. Nothing new, it's still hurt, and I'm still waiting for him every single day.I sighed. I stopped crying everytime I remember him, but it still hurts. Kahit hindi lumuluha ang mata ko ay ramdam ko naman ang pagluha ng puso ko. It still hurt everytime I remember how he left me. Palagi ko ring naaalala ang pinagsamahan namin ni Damon.Yumuko ako. Walang araw na hindi ko naisip si Damon. Umaasa ako na isang araw ay babalik siya kaya patuloy ang paghihintay ko, umaasa ako na babalikan niya ako at magpapaliwanag siya sa'kin kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon. Na aayusin niya ang problema sa pagitan namin. I'm hoping that he will pursue me again so he can fulfill his promises.But I don't think it's possible. Ilang buwan na siyang wala at hindi man lang niya ako tinatawagan o text man lang. May mga oras na gusto ko ng sumuko pero natitigil lang iyon dahil sa pagmamahal ko sa kaniya.I didn't know
CHAPTER 68It's been a week since Damon left but it felt like years.Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. I can't believe it. I can't accept it. Damon left me. He left me for what reason?I tried calling him multiple times but he's not answering. Lahat ng kaibigan niyang kilala ko ay hindi rin alam kung nasaan siya. Marco is my only hope, but like Damon I can't also contact him.Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sobrang urat. Naghalo-halo ang emosyon at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. I don't know what to do or what to think anymore. Parang mababaliw ako dahil sa dami ng iniisip."Amber you should eat," rinig kong sambit ni Nikki at tumabi sa'kin.Naiiyak akong umiling. Sa nangyayari ngayon ay kahit pagkain hindi ko na magawa. Wala rin naman akong gana kaya hindi na ako nag-abalang kumain pa."You need to eat, isang linggo ka ng hindi kumakain. Magkakasakit ka niyan," wika ni Nikki, mahihimigan ang paga-alala.