Share

Chapter 16

Pagkalabas nito ng silid ko hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa aking sinapit. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganito sa akin na tila pinagkakaitan ako ng tadhana ng karapatan upang maging masaya. Pero pinangako ko pa rin sa sarili ko na balang araw makakaahon din ako.

"Basta anak, kumapit ka lang diyan, ha. Huwag kang bibitiw. Kaya natin 'to." Muli kong hinawakan ang aking tiyan.

Nagdadalawang-isip ako kung uuwi na lang ba ako ng probinsiya o ipagpatuloy ko pa rin ang pakikipagsapalaran ko rito? Nahiya rin akong tawagan si Mira dahil alam kong buntis din iyon at ayokong mag-alala siya sa akin.

Kung uuwi naman ako lalo lang maghihirap ang buhay namin doon ng anak ko dahil sa akin pa rin umaasa ang aking mga magulang at kapatid. At least dito hangga't kaya ko pang magtrabaho may kikitain pa rin ako at makapagpadala pa rin ako sa kanila. Naisipan ko na lang din na mag-apply bilang kasambahay upang kahit papaano wala akong babayaran na bahay buwan-buwan at libre rin ang pagkain.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status