Share

Chapter 17

Nang umalis si Winona kaagad na pumasok ako sa kuwarto ng kaniyang tiyahin. Nakapagtataka lang talaga dahil halos wala rin mga gamit sa loob. Kahit na ang aparador ay wala ring kalaman-laman pero may iilang kahon na naka-tape na nakatago sa ilalim ng higaan. Siguro nga baka kagamitan iyon ng kaniyang tiyahin kung kaya't hindi ko na pinakialaman pa iyon. At may isang picture frame rin na nakapatong sa itaas ng tukador na hindi ko napansin kanina. Isang babaeng may edad na, baka iyon na nga 'yong tiyahin ni Winona.

Upang matanggal ang mga negatibong iniisip ko sa aking utak ay minabuti ko na lamang na lumabas ng bahay at magpahangin muna saglit.

Sobrang sarap sa pakiramdam ang hangin na aking nalalanghap, na-miss ko tuloy ang buhay namin sa probinsiya.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan. Minsan naisip ko na sana naging ibon na lang ako upang malaya akong makalipad at walang iniisip na problema.

Hindi ko namalayan ang oras at malapit na pal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status