Kinabukasan, maaga ulit akong gumising dahil unang araw ko sa bago kong trabaho. Nag-almusal muna ako bago umalis at nakapagbaon na rin ng pagkain upang hindi na ako bibili pa sa labas. Hindi na rin ako gaanong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Mukhang nakisama rin ang aking anak sa aking sinapupunan. Muli kong nadatnan si Lolo Berto na nagdidilig ng mga halaman. Minsan gusto ko nang akuin dito ang paglilinis at pagdidilig, ngunit hindi ito pumayag dahil sayang daw ang sasahurin niya rito at kaya pa naman niyang magtrabaho. At isa pa hindi pa rin naman daw siya pinapatigil ng amo niya. Dahil hangga't walang sinasabi sa kaniya, itutuloy pa rin niya ang kaniyang ginagawa. Laking pasasalamat ko dahil nakatagpo ako ng tao na mabait katulad ni Lolo Berto. "Magandang umaga po." Bati ko sa kaniya sabay mano."Magandang umaga rin sa iyo. Ang aga mo yata?" Bumaling muna ito sa akin bago pinatay ang gripo ng hose. "Bihis na bihis ka yata?""Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga dahi
Hindi ko ito tiningnan kung sino ito. Nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata ko. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko nang hawakan nito ang magkabilang braso ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang mga kamay sa aking balat kahit na long sleeve ang suot kong damit. Maya't maya ang paglunok ko lalo na, nang marinig ko ang yabag ng mga paa at pagbukas-sarado ng pintuan. Parang gusto ko na lang magpalamon sa semento lalo na ng marinig ko itong tumikhim. At naramdaman ko rin ang unti-unting paglayo ng katawan ko sa katawan niya habang mariin pa ring nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba dapat ang mararamdaman ko para rito. "Yuyuko ka na lang ba habang buhay?" seryosong wika nito.Muli akong napalunok sa itinuran nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Kung babatiin ko ba siya o ano? Alam ba niya na ako ang bago niyang sekretarya? "Sorry, sir," mahinang tugon ko rito. Unti-unti ko namang iniangat ang ulo ko sabay mulat ng aking mga mat
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakayakap dito. Madilim na nang magising ako. Nakayakap pa rin ito sa akin kung kaya't nahirapan akong kumilos. Akmang aalisin ko ang braso nitong nakapulupot sa aking baywang, ngunit lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Sinubukan kong alisin ulit ang kamay niya kaya lang mas lalo pa itong sumiksik sa akin. Kaagad na sinalat ko ang noo nito. Wala na itong lagnat at hindi ko na rin naramdaman ang panginginig ng katawan niya, pero ang weird ng kinikilos niya. Ano kaya ang nangyayari sa taong ito at nagkakaganito?Maya maya ay naramdaman ko na medyo lumuwag ang pagkayakap nito sa akin kung kaya't nagmadali akong bumangon. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo nang hapitin niya ang aking baywang kung kaya't napahiga ulit ako."Dito ka lang. Huwag mo akong iwan," mahinang wika nito habang nakapikit ang mga mata. "Hindi na kita hahayaang makalayo pa."Napalunok ako sa huling sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin nitong hindi niya
Muli ako nitong inihiga at masuyong hinahalikan sa aking mga labi. Aaminin kong may nararamdaman na rin ako sa kaniya noon pa kahit na palagi itong nagagalit sa akin, ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang mayaman ay para sa mayaman lang, at ang mahirap ay para sa mahirap lamang. At hindi rin ako naniniwala na mamamahalin ako nito sa maikling panahon. Muli nitong sinakop ang aking mga labi. Pinaghahalikan ako nito sa aking pisngi, sa aking ilong, sa aking mata at sa aking noo. Doon ko naramdaman kung gaano ako kahalaga sa kaniya. "Kapag ready ka na saka na natin gawin," ani nito ng matapos niyang halikan ang aking noo. Naintindihan ko ang nais niyang sabihin kung kaya't lalo akong humanga sa kaniya.Tumango lang ako rito. Pakiramdam ko ako ang nahiya sa ginawa kong paghalik sa kaniya.Tumayo ito upang buksan ang ilaw ng kuwarto dahil tanging ilaw mula sa labas lamang ang nagsilbi naming ilaw sa loob.Bigla akong nahiya rito dahil sa
Lumipas pa ang mga araw at buwan. Palaki na rin nang palaki ang aking tiyan.Tuloy pa rin ang trabaho ko sa KS Pasalubong Center bilang supervisor sa isang sangay nito, sapagkat hindi ko na itinuloy ang pagiging sekretarya ni Kenneth upang makaiwas sa mga mapanuring mata ng mga taong naroon. Umalis na rin ako sa bahay na tinutuluyan ko na 'di umano ay sa tiyahin ni Winona, iyon pala ay sa lola niya. Lumipat ako ng tirahan hindi kalayuan sa KS Pasalubong Center. Isang bagong gawa na apartment ang aking nilipatan na pagmamay-ari niya rin. Ako ang kauna-unahang tumira rito. Sa akin niya na rin iniatas ang paniningil ng mga uupa rito upang hindi malaman ng mga ito na siya ang may-ari at para makaiwas na rin sa mga chismosa sa paligid.Halos araw-araw rin siya kung pumupunta rito at halos dito na rin siya kung tumira. Balak niya rin sana na sa villa na lang ako umuwi ngunit mas pinili kong dito na lamang manatili dahil ayokong maging pabigat sa mga taong nandoon. At ayoko rin na wala akon
Pumunta kami sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa opening ng isang branch ng KS Pasalubong Center. Magkahugpong ang aming mga kamay habang naglalakad kami papunta sa isang botique nang makasalubong namin ang isang babae."Kenneth?" tila gulat na tanong ng babae. "Oh my gosh, it's really you!" Sabay yakap nito sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. "How are you? Kailan ka pa rito?" muling tanong nito nang nakangiti kay Kenneth kahit mukhang walang balak magsalita itong si Kenneth. Bumaling naman ang tingin ng babae sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Who is she?"Kaagad na hinapit naman ni Kenneth ang baywang ko upang idikit ito sa katawan niya. "She's my wife!" malamig na wika nito sa babae.Tila nag-iba naman expression ng mukha ng babae dahil sa pagpapakilala ni Kenneth sa akin na asawa raw ako nito. Nais ko sana siyang pigilan ngunit pinisil nito ang aking kamay na tila nagpapahiwatig na sakyan ko na lamang ang naisipan nitong palabas kung k
Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"
Habang nagmamaneho ito, halos hindi pa rin ito mapakali. "Baby, huwag ka muna lumabas ha, hintayin mo muna na makarating tayo ng hospital. Kalma ka lang muna diyan sa tummy ni mommy," anito habang marahan nitong hinihimas ang aking tiyan gamit ng isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napangiti naman ako kahit na ang pakiramdam ko ay parang lalabas na ang aking anak. Minsan nasasabi ko sa aking sarili na sana ay siya na lang ang naging ama ng aking anak, dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang mabuting ama para rito. Katamtaman lamang ang pagpapatakbo nito ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng ospital na kaagad din naman akong dinaluhan ng mga nurse at doctor.Ilang saglit lang at ipinasok na nila ako sa delivery room. At dahil first baby ko ito, ay medyo nahirapan akong ilabas ang anak ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kenneth, at hindi niya ako pinabayaan hanggang sa mailabas ko na nga ang aking anak. "It's a healthy baby boy!" wika ng doctor. Muli