Share

Chapter 1.1

ANNALISE

Pagod akong napaupo habang pinupunasan ang aking sarili. Kakarating ko lang dito sa s‘yudad kahapon para maghanap ng trabaho. Mas malaki raw kasi ang kitaan dito kaysa sa probinsya kaya agad na akong lumuwas dito. 

Uminom ako ng tubig at tiningnan ang resume ko. Kaninang umaga pa ‘ko naghahanap ng trabaho, pero ni isa walang tumanggap sa ‘kin. First year college lang ang natapos ko dahil sa kahirapan, pero kahit gano‘n ay may alam naman ako. 

Bumuga muna ako ng marahas na hininga bago magpasya nang tumayo at mag-pa-tuloy na sa paghahanap ng trabaho.

“Sorry, wala na kaming bakante.” 

Bumagsak ang balikat ko at nakasimangot na tumalikod. Gusto ko ng lumupasay dito sa sobrang inis na nararamdaman. Pero sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Hoo! Kaya ko ‘to. Para sa pamilya ko kakayanin ko ‘to! 

Akmang maglalakad na ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Napaigtad naman ako dahil sa gulat at agad na nilingon ito. Nakita ko ang lalaking naka-shade at nakaitim. Ang creepy ng itsura niya.

“A-ano pong kailangan niyo?” kinakabahan na tanong ko. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

“Naghahanap ka ba ng trabaho?” tanong nito. Agad na nagliwanag ang aking mga mata at tinanguan ito.

“Opo!” 

“May offer ako sa ‘yo,” pormal na sabi niya. Napangiti ako ng malaki. 

“Ano po ‘yon?” nakangiting tanong ko. Feeling ko talaga trabaho ang iaalok niya sa ‘kin, tapos may malaking sweldo! 

“‘Wag tayo dito mag-usap, masyadong ma-tao,” seryosong sabi niya habang lumilinga sa paligid. Napatango ako at sumunod sa kan‘ya. Mahigpit na hinawakan ko ang strap ng aking bag. Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong saya at kaba. 

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa marating namin ang isang mamahaling restaurant. Natulala ako, dito talaga kami mag-uusap?! Bigla akong napatingin sa damit ko at biglang nahiya. Out of place talaga! 

Bago pa kami makapasok ay kinulbit ko siya. Kunot-noo itong tumingin sa ‘kin. Napangiti ako ng hilaw.

“D-dito ba talaga tayo mag-uusap?” alinlangan kong tanong. Tumango ito. “A-ano, ahm w-wala kasing akong p-pam-bayad dito. Baka pwedeng sa iba na lang?...” 

“‘Wag kang mag-alala, ako ang mag-babayad,” anito. Hilaw ulit akong napangiti at sumunod na sa kan‘ya. Hindi ko maiwasang manliit nang makapasok na kami. Ang gara ng loob. 

Sumunod lang ako sa lalaki hanggang sa tumigil ito sa isang pan-dalawahang lamesa. May tinawag ito at may lumapit na lalaki na naka-uniporme. 

“What is you order, Ma'am, Sir?” tanong nito. Napatingin ako sa lalaki, naintindihan naman niya iyon at siya na ang nag-order. 

“Anong pangalan mo?” Umayos ako ng upo. Interview na ata ito. 

“Annalise Reyes, po,” pormal na sabi ko. Napatango-tango ito. 

“May boyfriend?” 

“Wala po.” 

Umayos ito ng upo at may kinuha na papel. Bigla nalang namawis ang aking mga palad. Kinakabahan ako.

“Here, read this,” anito at inilahad sa ‘kin ang papel. Agad ko naman itong tinanggap at tiningnan. Unang linya palang ay halos manlaki na ang mga mata ko. 

W-wedding ruiner?! Anong klaseng trabaho ‘to?! 

Nang bumaba ang mga mata ko ay nanlaki na talaga ang mga mata ko. Ang laki naman ng sahod! 50,000?! Maninira lang ng kasal?! 

Nanginginig kong ibinaba ang papel at tiningnan ang lalaki na humihigop na ng juice. Sa sobrang lutang ko ay ‘di ko na namalayan na dumating na pala ang in-order ng lalaki. 

“W-wedding ruiner? Wala po bang kayong ibang mai-i-offer?” tanong ko. Binaba nito ang kan‘yang iniinom at tiningnan ako. 

“Down payment pa lang ang nakalagay diyan. Makukuha mo ang kalahati kapag nagawa mo na ang nakasulat diyan,” mahinahong sabi niya.

D-down p-payment?! Ang laki naman! Halos hindi pa maproseso ng mga brain cells ko sinasabi niya ngayon. Sinong makakatanggi sa offer na ‘to?! 

Pumikit ako ng mariin at bumuga ng marahas na hininga. “Sige po, payag na ako.”

Tumango ito. “Kumain ka na,” sabi niya. Napatingin naman ako sa mga pagkain na nasa mesa, parang masarap lahat. Nag-alinlangan man ay unti-unti kong kinuha ang kutsara at tinidor na nakalagay sa gilid ng aking plato. 

“Bukas na ang kasal. May ihahatid kaming mga susuotin mo at mga pampaganda na kailangan.” 

Bigla akong nabilaukan, bukas agad?! Agad naman nitong inilahad ang juice, tinanggap ko ito at dire-diretsong ininom. 

“Simple lang naman ang gagawin mo, sisirain mo lang ang kasal ng aking boss,” anito. Napalunok ako ng mariin. 

“Wala namang magagalit ‘di ba? I-i mean, kapag sinira ko ang kasal, wala namang p-papatay sa ‘kin?” medyo kinakabahan na tanong ko. Natigilan ito bago ako tiningnan ng mariin. Hindi maganda ang kutob ko rito.

“May mga bodyguards naman na mag-pro-protekta sa ‘yo,” seryosong sabi niya habang nakatingin sa ‘kin. Nalaglag ang panga ko. Mapapanganib talaga ang buhay ko?! 

“T-teka! Ibig mong sabihin may magtatangka talaga?!” gulat kong tanong. Mahinahon itong tumango. Bigla namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. 

“Malaking tao ang boss ko, kaya maraming magtatangka sa kan‘ya,” anito. H-hindi ko maintindihan! Sisirain ko lang naman ang kasal pero bakit pati ako?!

“B-bakit kasali ako? Maninira lang naman ako ‘di ba?” naninigurado kong tanong. 

“Bukas mo malalaman,” anito at may kinuha na isang sobre. “Ito ang down payment,” dagdag niya. Unti-unti ko itong kinuha at tiningnan ang laman. Halos mag-ningning ang mga mata ko nang makita ang makapal na pera. Hindi na naisip kung ano ang kahihinatnan ko bukas.

“Salamat po, asahan po ninyo na aayusin ko ang offer na ibinagay niyo. Napakalaking tulong na po nito,” masayang sabi ko. Hindi naman ito sumagot at tumango lang.

“Ibigay mo sa ‘kin ang address at cellphone number mo,” anito. Agad akong kumuha ng papel at ballpen, agad kong isinulat ang aking address at number. Nakangiti ko itong binigay sa kan‘ya. 

“Magkita na lang tayo bukas,” anito at tumayo na, agad din akong tumayo at bahagyang yumuko. 

“Sige, salamat po,” masayang sabi ko. Tumango ito at tumalikod na. Napabuga ako ng hininga at nakangiting lumabas sa restaurant. 

Nang makalabas na ako ay agad na akong pumunta sa Palawan at ipinadala ang pera sa aking nanay. Twenty thousand lang ang aking itinira at ang thirty thousand ay ipinadala ko na kay nanay. Nang matapos na ako ay agad ko ng tinawagan si nanay. 

“Hello, nay!” bati ko. 

“[Oh anak, kumusta ka na riyan?!]” 

Napangiti naman ako ng malaki. Si nanay talaga.

“Ayos na ayos lang po! Nga pala, nay, may pera na po akong ipinadala diyan,” nakangiti kong ani.

“[Talaga anak?! Hindi ka ba nahihirapan diyan?]” 

“Hindi po, atsaka ikaw na pong bahalang mag-budget niyan, nay. Trenta-mil po ‘yan,” 

Nakarinig naman ako ng kalabog. Agad akong ginapangan ng kaba.

“Nay?! Nay, okay lang po ba kayo?!” kinakabahan kong tanong. Gosh, sana walang masamang nangyari kay nanay.

“[ANNALISE REYES?!]” Nailayo ko ang cellphone sa ‘king tenga. “[Sa‘n ka kumuha ng ganyan kalaking pera?!]” 

Nakamot ko ang kaliwang kilay ko. Hindi ko man nakikita pero alam kong magka-salubong na ang mga kilay niya ngayon. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko.

“May nag-offer po kasi sa ‘kin, nay, kaya tinanggap ko na,” marahan kong sabi. Narinig ko naman ang marahas niyang hininga mula sa kabilang linya.

“[Anong offer ‘yan?!]” 

“Nay, sa ‘kin nalang po iyon,” ani ko. 

“[Siguraduhin mong hindi ka mapapahamak diyan!]” singhal ni nanay. Napangiti ako.

“Opo, nay.” 

“[Sige, ibababa ko na, nagluluto pa kasi ako,]” aniya. 

“Sige po! Ba-bye!” 

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nagpasyahan munang bumili ng grocery para may stock ako. Sinunod ko ang mga damit dahil kaunti lang ang nadala ko. Nang matapos na akong mamili ay agad na akong umuwi.

Pagpasok ko sa apartment ko ay agad akong napahilata sa sofa, ang bigat ng katawan ko. Ilang minuto akong nakahilata at nagpasyahan ng bumangon. Inilagay ko ang mga grocery sa kabinet at inayos ang mga damit ko. 

Nang matapos na ako ay nakaramdam ako ng pag-ka-gutom. Niluto ko ang biniling isda, pagkatapos maluto ay agad na akong kumain. Habang kumakain ay naisip ko naman kung ano ang mangyayari sa ‘kin bukas. 

B-baka kapag nasira ko ang kasal ay babarilin ako! Napalunok ako ng mariin at napainom ng tubig. Napailing ako at iwinakli na iyon sa ‘king isipan. Gumagana na naman ang pag-a-advance ng utak ko. 

Habang nag-de-daydream ako ay kumunot ang noo ko nang makarinig ng katok sa pinto. Taka akong tumayo at binuksan ito.

“Annalise Reyes?” tanong nito. Tumango ako. 

Nagulat naman ako nang may pumasok na mga lalaki, may dalang puting w-wedding dress?! Ito na ba ang sinasabi ng lalaki kanina?

“Pinapabigay po ni boss,” anito. Napatango-tango ako habang pinapanood sila na may pinapasok na kung anu-ano. 

Nang matapos na sila ay agad na silang umalis habang ako naman ay nakatunganga lang habang nakatingin sa mga bagay na pinasok nila. Ang garbo ng wedding dress! Parang ako ‘yong ikakasal. Binuksan ko ang isang box at nakita ang isang puting sapatos na may mataas na takong, kumikinang pa ito. Sinunod ko ang isa na may lamang kwintas at korona, para sa veil ata ito. 

Pagkatapos ko sa mga box ay iyong mga plastic na naman ang tinitingnan ko. Pag-ka-bukas ko ay nakita ko ang mga iba't ibang klase ng make-up, halatang mamahalin. Sunod kong tiningnan ang wedding dress na kumikinang. Off-shoulder ang design nito at talagang makikita ang cleavage ko. Kagat labi ko itong ibinaba, sigurado akong malaki ang nagastos nila sa mga ito. Napabuga ako ng marahas na hinga bago itinabi ang mga binigay nila sa ‘kin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status