Mag-log inSa gitna ng pagrampa ko di ko namalayang nasa kalsada na ako napunta. Halos mapatili ako ng malakas ng may nakita akong humaharorot na sasakyan patungo sakin at malaflash akong tumabi sa kalsada na kinatapon ng mahal kong kwek-kwek at isaw.
Lumipad ang ibang hibla ng buhok kong lumampas ito sa harapan ko. Sa sobrang gulat at humalo dito ang kumukulo kong gintong dugo. Napasigaw ako. Lintek talaga. “WALANGHIYA KA! KUNG SINO KA MAN, SINUSUMPA KONG HINDI KA MAGKAKAROON NG LOVELIFE! PISTE!” sigaw ko sa papalayong kotse at binato ko pa ito pero waley! Ang bilis talaga ng h*******k mag-drive. At kapag malaman ko talaga kung sino yun—huh! Lagot siya sakin. Wala akong paki kung mayaman. Mukha naman talagang mayaman ang gago dahil ang kotse bruha. Ang kotse! Pero paki ko! Hanapin niya paki ko sa kabilang kanto. Napasimangot akong makita ang kawawang kwek-kwek at isaw sa kalsada. Mga inosente sila. Walang alam sa mundo ng mga tao at ganun lang ang mangyari nila?! Tigok agad?! Mangiyak-ngiyak akong napaupo habang nakatingin parin sa nakalampusay at nagkalat na kwek-kwek. “Why? Why lord?! Bakit kinuha mo agad ang mga yan? Alam mo ba na ang bait-bait ng mga yan? Hindi nila ako sinaktan o inaway bagkos ay binigyan nila ako ng masarap at maliwanag pa sa buwan na buhay. Bakit?Bakit Lord?” pagdadrama ko.Madami-dami na rin ang napapatingin sakin pero hindi ko sila pinansin. Nag-eemote ako. Bahala sila! “Ay sayang! Ang ganda pa naman pero mukhang baliw. Takas sa mental ata.” “Oo nga! Sana sakin nalang ang biyaya ng may kapal niya. Grabe! Kumakaway sakin ang cleavage beh. Tignan mo oh! Ang puti.” “Tsk! Tatanungin ko sana kung anong number niya pero mukhang—wag nalang.” “Ganda ng tattoo niya hah!” “Sayang talaga.” “So? Magdadrama kalang dyan, lele?” Mabilis akong napalingon dahil dun. At nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito. Dali-dali akong tumayo at nagpagpag sabay lapit sa kanya. “Harley babes! Anong ginawa mo dito?” nakangiti kong sagot na para bang walang ginawang nakakabaliw kanina. Kalimutan niyo na yun hindi ako yun! “I’m just passing by and I saw you. Akala ko hindi ikaw. Kung hindi ko nakita ang tattoo mo aalis na sana ako.” anito at tumawa. Si Harley babes! Leader ng Dance Corp. ng School namin at isa sa mga crush ko kaso kay Selene siya may gusto! Saklap besh! Ako yung mas malapit sa kanya pero sa malayo siya nagkakagusto. Bakit ganun? Kung sino pa yung nasa malapit yun pa ang sawi. Hay buhay parang lyf. By the way high way! Iba ang crush sa kabet at sa boyfriend at sa asawa ko. Okay?! Abot langit na ata ang listahan ko. “Ah ganun ba? So, magpapasalamat na ba ako sa tattoo ko ganern?” aniko. Tumawa naman siya at inakbayan ako. Di tuloy mapigilan ng anit ko na kiligin. Meges! Napasingot pa ako dahil ang bango talaga ni Crush. Ewan ko ba kay Selene masyadong patay na patay kay Cha Eun Woo. Ayan tuloy hindi niya napapansin ang mga taong may gusto sa kanya tulad ni Harley babes!Babaeng yun sarap batukan. “Absent ka na naman kanina.”tanong niya while nasa gitna kami ng walking. May napapatingin pa samin at kinukunan pa kami ni picture. Nasanay na ako sa kanila dahil minsan din kaming magkasama ni Harley babes at pinagkamalang magsyota. Ayos lang naman kay Harley babes at of course sakin din. Go na Go talaga! I told you bawal tanggihan ang grasya kapag ito na ang lalapit sa iyo. “Alam muna ang rason ko.”nakasimangot kong sabi. “I told you I will teach you but you always declined me.” sabi niya. Oo na! Siya na ang matalino sa math sabagay ABM ang kinuha niyang kurso. May math din yan. Ako na mas matalino pa ang matsing kesa sakin ay ayun Cookery. Magaling naman ako magluto,tamad nga lang. “Porket crush kita dadaanin mo ako sa ganyan-ganyan? Wag kang ganyan baka mafall ako ng sobra. Alam ko pa naman na hindi mo ako sasaluhin, pre.” aniko. Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko. Totoo naman ah! Pafall itong mga crush natin tapos sa huli di pala tayo sasaluhin dahil hanggang FRIENDS lang daw ang kaya nila. Neknek nila! Akala mo pogi hindi naman. Pero pogi naman si Harley babes eh. Pack na pack na nga eh. “How’s Selene?” tanong niya. Ayan na siya! Nagsisimula na. “Nakita mo bang kasama ko si Selene? Hindi diba? Di nga ako pumasok kanina eh.” sambit ko. Totoo naman. Don’t tell me may nakita siyang hindi ko makita? "Oo na. Oo na.” sumusuko niyang sabi. “Tanong-tanong pa kase.”sabi ko. Huminto kami sa tapat ng kotse niya na kinangiti ko. Isa din ito sa dahilan kung bakit nasa unang listahan siya ng mga crush ko. Gentleman kase. “Ihahatid na kita baka mabastos ka pa sa daan. You’re just wearing like that. Wala ka bang dalang jacket?” tanong niya. Nagkibit-balikat ako na kinailing niya. Sanay naman ako sa ganito. Di na nga ako nilalamig eh. Napaisip nga ako baka ako ang nawawalang anak ni Jack Frost at Elsa. Tinaasan ko naman siya ng kilay ng hinubad niya ang kanyang jacket at inilahad sakin. Kinuha ko nalang ito at binigay sa kanya ang bag ko kung saan ay pinasok niya sa kotse. Pagkatapos ko itong maisuot ay pinagbuksan niya ako at agad naman akong pumasok dito. Pagpasok niya agad akong dumaldal. Ewan ko ba may lahing manok ata ako.Putak ng putak. “Hay salamat! Andito sasakyan mo kesa naman magjejeep pa ako sayang utso ko pang checherya na yun. Habang ikaw libre. Babayaran na lang kita kapag may asukal de papa na ako.” Tumawa naman siya sa sinabi ko.THIRD PERSON POINT-OF-VIEW "I won." "Tsk! Mandaraya." himutok pa ni Zuhair at inabot ang bente sa nakalahad na palad ni Cain. Kumunot ang noo niya at napasuklay sa buhok. 20?! Seriously? Naghihirap ba sila at bente lang ang kaya nila? My goodness! "Bente? Ang ano niyo naman!" bulalas niya at akmang hahablutin ang bente sa kamay ni Cain biglang malakas na bumukas ang pintuan ng kanilang room. Sumandal ulit siya at kunot noong lumingon sa lalaki na halos hindi makilala dahil sa sobrang gulo ng ayos ng buhok nito ganun din ang suot nitong suit. Basa run ito dahil tumutulo ang tubig mula sa dulo ng mga buhok nito. Mariin niyang tinitigan ang lalaki na ngayon ay sunod sunod na suntok ang pinakawalan sa pader. Sumulyap siya sa kasamahan niya na ngayon ay tahimik na nakatitig rin kay Daemon kagaya niya. Nasa bandang pintuan nakasandal si Heros habang naninigarilyong hindi manlang binigyan ng pansin
THIRD PERSON POINT-OF-VIEW Everything in the room screamed that he likes it damn much. The stairs were crumbling, the rowdy patrons were shoulder to shoulder, and the air was a medley of sweat, blood and mold. Voices blurred as they yelled numbers and names back and forth, and arms flailed about, exchanging money and gestures to communicate over the noise. It was enough para patumbahin ang kalaban sa gabing ito. His friends are no here to support him because they have something to fix quickly. He understands that and know he need to knock all of fucking being of his opponent. Katulad niya ay nasa dulo ito ng ring habang mariin itong nakipagtitigan sa kanya. He knows him. He encounters him na hindi niya na matandaan kung ano ang dahilan ng bagay na yun. Maybe fights again? Or because of women? He meant, maraming galit sa kanya na mga lalaki dahil inagaw niya daw ang girlfriends nila. He's not fault. Kusa silang lumalapit
Urania's POV"Oh my gosh! Quit na kayo you made our minds into green."maarteng saway samin ni Hestia natutuwang umirap ako sa kawalan at tumawa ng may naisip akong milagro."What if the guy who kidnap our Selene punish her? Punishment that bring heaven to her?"natatawa kong tanong sa kanila.Napadaing naman ako ng hinila ni Narnia ang buhok ko mula sa pagponytail. Napanguso ako at mangiyakngiyak na pinalo sa kamay niya ang hawak hawak kong tungkod."How dare you to make my ponytail into messy." madrama kong away sa kanya."Putangina you! Gawin ko yang kabayo tangena ka! Imbes na mag alala kayo kay Selene mga milagro pa inuna niyo. Tampalin ko kayo dyan." masungit na banta samin ni Narnia my tigress twin. "And anong sinabi mong nakidnap si Selene? Huli ka na talaga sa chismis." mariin niyang dugtong. Napakurap kurap ako sa sinabi niya at inayos ang ponytail ko. Si Hestia my best friend pa naman nag ayos sakin tapos gani
Urania's POVAfter the incident, I thought di na ako makakalabas ng buhay sa mall. What the heck? What's happening? At bakit sa mall pa talaga? How's the innocent people there? Ayos lang ba sila? I never knew that I will encounter this kind of hell. Di ko akalaing mas matindi pala ang takot na mararanasan mo kapag nasa situation ka na. Dami ko pa namang rant about sa story kapag may barilan na magaganap but you see, it's freaking dangerous. Kaya napaisip ako, as long I have my second chance of life I should do what I want. Fullfil my wild imagination dahil hindi natin alam na naghihintay na pala si kamatayan. I'm blinked many times and glancing in Azura's direction, who's talking nonstop with a guy who is our driver for tonight. Nasa loob kami ng isang itim na van and I'm hundred percent sure that we are safe here. Kahit maraming pumapasok na tanong sa isipan ko sinawalang bahala ko nalang yun. That's not my problem anyway mastress lang ako lalo. Again,
Urania's POV Hestia. My bestfriend since I was in 4th year, di pa natupad ang k-12 that time. So ayun, nakilala ko siya when I'm in the airport while waiting with someone. Siya naman ay tila na lost sa loob ng airport. Mangiyak ngiyak pa siya that time with her Cinderella outfit. Kahit mas bata pa siya kesa sakin naging magaan naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Start with that accident, naging magkaibigan kami hanggang sa naging bestfriend. Nagulat pa ako that time na nalocate niya ang address namin. And thinking of that action, she's a rich kid. Halatang galing sa angkan ng mayayaman pero hindi halata sa kilos niya dahil hindi naman siya maarte at nakisasalamuha samin. Medyo oa nga lang magsalita. Since birth ata yan. "Sasali tayo, okay? And I will make sure that we will won tonight." Magsasalita sana si kambal ng may umepal sa kanya. "Uuyy Narnia ikaw pala yan?"ngiti-ngiti sambit na kararating lang sa pwesto namin.
Urania's POV"Ito ang bayad. Salamat ng marami po. Keep safe and healthy." nakangiti kong lahad kay maning driver pagkatapos niyang tanggapin ito ay doon pa ako kumaway sa kanya. Napakamot siya ng ulo at alanganing ngumiti sakin."Ikaw din hija. Salamat din."Napakurap kurap ako bago tinahak ang daan tungo sa inuupahan naming bahay. Yakap yakap ang aking mga braso ay tahimik kong pinagmasdan ang paligid. Maingay.Yan ang napansin ko. Kung sabagay maingay naman talaga sa Tondo. Kahit anong oras walang humpay ang ingay dito. As an introvert person— char! Oh sige half introvert and half extrovert di naman nila nabubulabog ang buhay ko. Pwera nalang may bibisita sa bahay namin which is our friends ni kambal. Sa sobrang kapal ng mukha doon pa talaga kakain at matulog. Ayos lang sana kung malaki ang inuupahan namin at may pandagdag sila sa upa. Susmiyo kahit piso wala talaga. Mayayaman pa naman pero buraot. "Hi ate Urania. Ganda niyo po sa suot niyong kulay puti na nurse ka ba po?" "Oo n







