Share

Chapter 40

last update Last Updated: 2025-07-03 21:28:35

Later that night, mahimbing akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin dalawin ng tulog. Nakatabi si Atticus, nakatalikod sa pinto pero alam kong gising pa rin siya. Pareho kaming alerto, parehong naghihintay ng kung ano.

“Atticus,” tawag ko sa mahinang boses.

“Hmm?”

“Do you regret bringing me here?”

Bumaling siya sa’kin, marahang humawak sa mukha ko. “Never. If anything… I wish I brought you here sooner.”

Tahimik. Walang tunog kundi ang hum ng aircon at tibok ng puso naming pareho.

“Do you think…” bulong ko, “…this will ever end?”

Tinapik niya ang kamay ko, hinawakan iyon ng mahigpit. “I think… it already started to end the day I met you.”

Hinawakan ko ang dibdib niya, dun sa parte kung saan ramdam ko ang tibok ng puso niya.

“I want our daughter to grow up far from this.”

“She will,” sagot niya. “Because I’ll burn every bridge behind us if I have to.”

Nagising ako kinabukasan sa mainit na halik sa sentido. Marahan lang, parang pag-amin sa dami ng hindi niya masabi.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 55

    Tahimik ang buong bahay, ngunit sa bawat hampas ng hangin sa bintana ay tila may kasamang bulong na hindi ko mawari. Nasa kwarto ako, yakap ang unan, habang nakatingin sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog.Mula sa crib sa tabi ng kama, nakasabit ang maliit na mobile na may mga bituin at buwan, marahang umiikot sa ihip ng hangin mula sa bukas na bintana. Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Atticus, ngunit ang kaba sa dibdib ko ay tila hindi lumuluwag.Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, pero bumabalik-balik ang mga imahe kanina. Ang malamig na metal ng bar*l sa kamay niya, ang matalim na tingin niya habang inilalagay iyon sa loob ng jacket, at ang paraan ng kanyang pagsabi.“Kailangan ko ito, Ceila.”Ano bang mundong ginagalawan mo, Atticus? Ano bang hindi mo sinasabi sa akin?Huminga ako nang malalim at hinaplos ang tiyan ko.“Baby… Daddy will come home. He promised.” Mahina kong bulong, bagama’t ang boses ko’y nanginginig. Hindi ko alam kung para bang ipinaaalala ko iyon

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 54

    “Mga taong may atraso sa pamilya namin. Mga taong hindi sumusunod sa batas na alam mo. Ang batas nila, dugo at arm*s.” Pinikit niya ang mga mata, huminga nang malalim. “Hindi ko pinili na maging bahagi nito, pero pinanganak ako sa mundong ‘yon. Ang nag-iisa kong magagawa ngayon ay siguraduhin na kahit anong mangyari, ligtas ka at ligtas ang anak natin.”“Atticus…” humikbi ako, nilapitan siya at hinawakan ang kamay niya. “Hindi ko alam… hindi ko alam kung paano ko matatanggap na ganito pala kabigat ang dinadala mo.”Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang marumi pang kamay na kanina lang ay may hawak na bar*l.“Huwag mong tanggapin kung ayaw mo. Ang hiling ko lang… pagtiwalaan mo ako. Huwag mong isipin na dahil sa mga ito, magiging masama akong ama o asawa pagdating ng panahon. Ginagawa ko ‘to dahil wala akong ibang alam na paraan para protektahan kayo.”Napatingin ako sa mga mata niya, at doon ko nakita ang katotohanang ayaw kong aminin, ang mundong ginagalawan niya ay hindi basta-basta

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 53

    Tahimik ang buong penthouse. Tanging mahinang hampas ng hangin mula sa bukas na bintana at ang pag-ikot ng ceiling fan ang maririnig. Mag-iika-apat na ng madaling-araw pero hindi ako makatulog. Siguro dala na rin ng bigat sa tiyan ko at ng mga salitang naiwan sa isip ko kagabi.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, siniguradong hindi ako makakagising sa kahit sino man. Alam kong nasa kabilang kwarto si Emma, mahimbing ang tulog, at si Atticus, sinabi niyang babalik lang siya sandali sa opisina. Pero mahigit dalawang oras na ang lumipas.Lumabas ako ng kuwarto, dala ang maliit na baso ng tubig. Habang pababa ako sa hagdan, napansin ko ang bahagyang bukas na pinto ng isa sa mga silid na bihira kong makita na ginagamit, ang study room ni Atticus.Kumunot ang noo ko. Karaniwan itong nakasara, at madalas niyang sabihin na may mga confidential na papeles doon. Pero ngayong bukas… hindi ko alam kung bakit parang may pumipilit sa akin na silipin.Lumapit ako, maingat ang bawat hakbang. At

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 52

    After that happened, mas lalong mahigpit si Atticus lalo na sa seguridad. Hinayaan ko siya dahil alam kong sa pakanan namin ito lalo na sa akin. He's calm, serious, and frighteningly focused sa bawat galaw ng mga tao niya sa paligid. Makikita ko kung paano niya pinaplano ang lahat mula sa dagdag na mga bodyguard na pumuwesto sa bawat sulok ng building, hanggang sa mga security camera na bigla na lang nadagdagan sa hallway at sa parking area. Hindi na siya katulad ng dati na palaging may biro, palaging may lambing. Ngayon, tahimik siyang nakaupo sa isang sulok ng opisina niya sa penthouse, hawak ang cellphone at may kausap na mga tao na kahit hindi ko marinig ang mga salita ay ramdam ko ang bigat ng bawat utos niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, suot ang maluwag kong bestida at may hawak na baso ng gatas.“Atticus?” mahina kong tawag, ayaw ko siyang gambalain pero ramdam ko na kailangan niyang malaman na nariyan lang ako. Paglingon niya sa akin, saglit na nabura ang seryosong

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 51

    Wala akong imik na uminom ng tsaa habang nasa sala, nakatanaw sa malayong bintana kung saan unti-unti nang lumulubog ang araw. Mainit ang tasa sa aking mga palad, pero mas malamig pa rin ang pakiramdam sa dibdib ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Ate Athena. “You know what kind of family Atticus came from. You know what kind of world he runs, right?” Alam ko… oo, alam ko na hindi basta-basta ang pamilya ni Atticus. Noon pa man ay may naririnig na akong mga usap-usapan. Mga aninong bumabalot sa apelyidong Koznetsov, mga lihim na hindi basta naibubunyag sa publiko. Mula sa kwento ni Atticus noong minsang naglakas-loob akong magtanong, nalaman kong ang pamilya niya ay hindi ordinaryong negosyante. Ang kanilang yaman ay galing sa mga kumpanyang mahirap pasukin, mga kontratang para bang pinipilit manatiling nasa dilim. Ang mga Koznetsov ay kilala sa larangan ng real estate, shipping, at high-end investments pero may mga bulung-bulungan din tungkol sa underg

  • Accidentally Yours, Mr. Billionaire!   Chapter 50

    Lumalim ang gabi ngunit hindi pa rin kami umaalis sa nursery. Tahimik lang kami ni Atticus habang magkatabi sa maliit na sofa roon. Nakasandal ako sa kanya, at ramdam ko ang mahinhing paghinga niya sa may ulo ko. Paminsan-minsan ay hinahaplos niya ang tiyan ko na para bang kinakausap niya si Lily sa pamamagitan ng dulo ng kanyang mga daliri. “Alam mo,” mahina niyang simula, “hindi ko akalaing darating sa buhay ko ‘tong ganito. I thought I’d spend my days drowning in board meetings and contracts… walang kahit anong bagay na mas mahalaga kaysa sa kompanya.” Napatingin ako sa kanya. “Pero?” “Pero dumating ka.” Huminga siya nang malalim, saka ngumiti. “And suddenly, none of those things mattered as much as this. As much as you… and her.” Pinisil ko ang kamay niya. “Atticus… hindi rin naging madali sa’kin ‘to. You know that. Pero ngayon… ngayon ko lang naramdaman na may lalaking totoong handang sabayan ako sa kahit anong mangyari.” Umiling siya, seryoso ang mukha. “Hindi lang sabay, C

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status