Masuk(Ava pov)
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at walang ingay na pumasok sa loob. Nasa opisina na kasi si Sir Elijah, dumating na daw ito ang sabi sa akin ng guard. Kahapon natakasan ko pa ang paghaharap namin, hindi kasi ito pumasok kahapon. Pagkaupo ko ay bumuga ako ng hangin. "Relax, Ava. Isipin mo nalang hindi mo naka-bembang si Sir!" Bulong ko sa sarili ko para kumalma naman ako. Para kasing lalabas ang puso ko sa sobrang kaba ko na makaharap ito. Sinimulan ko ng ihanda ang mga gagawin ko ngayong araw. Napalunok ako ng laway ng maalala na marami ako kailangan papirmahan na papeles rito. So, no choice din pala ako kundi puntahan siya. Napahawak ako sa dibdib ng biglang tumunog ang telepono sa desk ko. Ang siste pa, mukhang magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil kay sir. "Hello?" "Come to my office, Miss Ava. Now!" Utos ni Sir Elijah sa akin. Hinanda ko ang mga papeles na dadalhin ko bago kumatok sa pinto. "Come in" daw kaya pumasok na ako. Nakita ko si Sir Elijah pagpasok ko na nakahawak sa baba habang nakatanaw sa labas ng bintana na mayro'ng magandang tanawin sa labas. As usual, ang gwapo talaga ni Sir. Kapansin-pansin ang matangkad nitong pigura at magandang pangangatawan. Bagay dito ang dark blue suit, black pants at black shoes. Maihahalintulad ito sa mga nagagwapuhang mga modelo sa ibang bansa. Matangos ang ilong, manipis ang mamula-mulang labi, bagay ang matapang na features ng mukha nito sa pangahan nitong mukha. Baka mahuli ako nitong nanunuri ng tingin kaya yumuko ako. "Sir, ito nga pala ang mga papeles na kailangan mong pirmahan. Ipapaalala ko din sayo ang business meeting mo mamayang hapon kay Mr. Kang sa Palace Restaurant." Inabot ko sa kanya ang mga papeles, nakita ni Sir na medyo awkward ang kilos ko, tapos nanginginig pa ang kamay ko sa nerbiyos, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. Buti nalang hindi na inungkat ni Sir ang nangyari sa amin kaya nakahinga ako ng maluwag. Magpapa-alam na sana ako na lalabas, pero pag angat ko ng tingin ay nahulo ko siyang nakatingin sa leeg kong nababalot ng scarf, tinatago ko kasi ang kiss mask na nilagay niya, mas lalong nakakahiya kung ibabalandra ko ito para makita ng iba. Nahuli kong umangat ang sulok ng labi nito, mukhang naaliw pa ito sa ginawa kong pagtago ng marka sa leeg ko. "That's all, Sir. Lalabas na ako!" Ani ko. Patalikod na sana ako ng may ilapag ito sa ibabaw ng desk. Basahin ko daw kaya kinuha ko ito at binasa. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko kung ano ito. Baka nagkakamali lang ako kaya binasa kong muli para makasiguro, pero isang taon ng kontrata talaga ng kasal ang nababasa ko at para ito sa akin. "Sir, ano ang ibig sabihin nito? Gusto mo ako maging asawa sa loob ng isang taon?" Tanong ko sa kanya. Baka mamaya isang uri lang ito ng biro. Hindi na kasi ito 'sex' lang kundi kasal na. Doon pa nga lang sa nangyari sa amin halos hindi na ako makamove on, sa kasal pa kaya? Pero hindi naman si Sir Elijah ang tipo na marunong magbiro kaya hindi ko masatinig ang pagdududa ko na binibiro niya ako. Pinagsalikop no Sir Elijah ang dalawang kamay habang nakapatong ang dalawang siko sa desk at pinaliwanag ang gusto niyang mangyari, parang nakikipag-business deal lang ito sa akin. "Isang "one year marriage contract" ang papel na 'yan. Nalaman kong nasa hospital ang nanay mo at nangangailangan kayo ng malaking halaga para sa operasyon niya. Kung papayag ka sa inaalok ko sayo, tutulungan kitang bayaran ang medical bills ng nanay mo sa hospital, hindi lang 'yon, babayaran ko rin ang pagkakautang ng pamilya niyo." Nagulat ako at the same time ay nainis sa ginawa nitong panghihimasok sa personal kong buhay. Pati ang problema namin ay inalam nito. "Isang taon lang ang kontrata. Kailangan mo lang tapusin ang nakasaad sa kontrata, ayoko din na may ibang makakaalam ng kontrata nating ito, lalo na sa trabaho, ayokong malaman nila na mag asawa tayo. Pagkatapos ng isang taon ay bibigyan kita ng 20 million para may panimula kayo ng pamilya mo. Hindi ka na lugi sa alok ko, bukod sa matatanggap mong bayad pagkatapos ng isang taon, masasalba mo pa ang buhay ng nanay mo at mababayaran pa ang mga utang niyo. Magdesisyon ka na ngayon bago ako humanap ng ibang babae na willing tumanggap ng offer ko." Sabi ni Sir na hindi man lang nagbigay ng panahon para mapag isipan ko ang offer nito. Ayokong magpadalos-dalos at pangunahan ng pride ko, hindi naman mapapagaling si mama ng pride ko, hindi nga ako lugi sa alok ni Sir. Galing na ako sa mga bangko kahapon para magloan pero hindi ako makapagloan dahil marami pa akong hindi tapos bayaran. Tumanggi din ang mga kakilala ko na pautangin ako, masyado daw malaki ang hinihiram ko, kaya ang alok nalang ni Sir ang option ko. Kumuha ako ng ballpen at pumirma. Halatang natuwa naman si sir at mukhang hindi nagulat, mukhang alam nito kung gaano ko kakailangan ng pera kaya mapapapirma niya ako sa kontrata. Bago ako lumabas ay binilinan pa niya ako na maghanda na sa paglipat sa penthouse nito, kasama kasi iyon sa kontrata naming dalawa, kailangan namin tumira ni sir sa iisang bahay ng magkasama para maging convincing ang pagiging mag asawa naming dalawa. Hindi ko maiwasan na kabahan sa pagtira sa penthouse dahil makakasama ko siya... bukod sa amo ko siya ay nagsex na kaming dalawa. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ako papayag sa marriage contract na ito. Iisipin ko nalang si mama para tumibay ang loob ko, para naman sa kanila ang gagawin ko. Iisipin ko nalang na hulog ng langit si sir para makatulong sa mga problema ko.Hindi ako makapaniwala na pati ang bunso namin na kapatid ay magagawa niyang saktan. Siya pala ang taong sumagasa sa kapatid namin... planado pala ni ate ang lahat. Akala ko ako lang ang kaya niya saktan, pati pala sila Lola ay kaya niyang saktan. Walang patid ang pagdaloy ng luha namin habang pinapanood ang kabaong ni ate na unti-unti ng binabaon sa kailaliman ng lupa. "Paalam, Ate Dixie. Hindi ka man naging mabuting kapatid noong lumaki na tayo, ikaw pa rin ang nag iisang ate namin at kapatid na maaasahan noong mga bata pa tayo. Sana kung nasaan ka man ngayon ay maging payapa pa kasama ang lalaking minamahal mo." Kahit sa huling sandali lang siya nagsisi, nagpapasalamat pa rin ako dahil naramdaman ko na kahit sa huli lang ay bumalik ang dating ate na minahal at nakikala ko. Sayang nga lang dahil hindi na nito makikilala ang mga anak ko. "A-Ate, pinapatawad na kita... mahal na mahal ka namin. P-Pero inaamin ko nasasaktan pa rin ako. K-kasi hindi ko talaga akalain na magagawa mo
(Demi pov) "H-hindi.... D-Dixie!" Ang bilis ng pangyayari. Nagimbal na lang kami ng matumba si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Marami ang dugo na dumadaloy mula sa sugat nito galing sa tama ng baril na naggaling sa lalaking dumating. Binaril nito si Lola pero nahila ito ni Anya kaya si Ate Dixie ang tinamaan ng magpaputok ito. Sa leeg ni Ate Dixie tumama ang bala niyon. Napaluhod si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Nawalan ng kulay ang mukha ng lalaking nakabaril dito. Gimbal na gimbal ito at parang natuod ng makita ang babae nitong minamahal na duguan ng dahil sa kanya. Nakarinig kami ng isa pang putok. Nanlaki ang mata ni Ate Dixie. Tumulo ang luha niya ng makita niyang bumagsak si Theodore. Binaril ito ni Eliot sa dibdib. "T-Theodore..." naghihingalo na tawag ni ate dito. Lumuluhang tumakbo si Lola kay Ate na duguang bumagsak. Lumalabas na ang dugo sa bunganga ni Ate ng mga oras na 'yon. Hindi ako makagalaw. Nabigla din ako sa bilis ng nangyari. Sa isang iglap lang ay
(Demi pov) Pawis na pawis ako ng magising ako. Naghahabol ako ng hininga habang sapo ang dibdib ko. "Mhie, may masakit ba?" Nag aalalang tanong ni Eliot. Pipindutin sana nito ang emergency button doon ng pigilan ko ito. "Ayos lang ako. Dhie. Nanaginip lang ako ng masama." Pawis na sagot ko. Niyakap niya ako. Nanginginig pa ako sa takot ng yakapin niya ako. Hinigpitan niya ang yakap sa akin ng umiiyak na nagsumbong ako. "Dhie, namatay daw kayo ng mga bata sa panaginip ko. P-Parang totoo kaya takot na takot ako." "Shhh, it was just a dream. Ligtas ako at ang mga bata kaya wag kang mag alala." "Paano ako hindi mag aalala. Hindi ko alam kung kailan darating ulit si Ate Dixie para guluhin ang pamilya natin. Hindi natin alam kung kailan ulit siya magpapakita para saktan ako." Naalala ko ang karumal-dumal na ginawa ni Ate Dixie sa mga anak ko sa panaginip ko. Binaril daw nito ang mga anak ko sa dibdib, sa tapat mismo ng kanilang puso. Muling dumaloy ang luha ko. "D-Dhie, pwed
(Dixie pov) Hinintay ko muna na umalis sila Annaliza bago ako bumaba ng sasakyan. Hindi ko magawa ang plano ko dahil ang dami ng nagbabantay sa kapatid ko. Bago ako makababa ay hinawakan ako ni Theodore sa braso ko. "Mag ingat ka. Hindi ka pwedeng pumalpak dahil mabubuko tayo kapag pumalpak ka sa plano. Bago matapos ang buwan kailangan na natin makaalis ng bansa. Mainit na tayo masyado sa batas. Kapag nagtagal pa tayo sa Pilipinas ay sigurado ako na mahuhuli tayo. Wag ka magpadala ng init ng ulo mo sa kapatid ni Eliot. Imposible ang sinasabi mo na pinagdududahan ka ng babaeng 'yon. Hindi ka naman niya kilala at hindi rin niya personal na kilala si Katty." "I know what I feel, Theodore. Malakas ang kutob ko na may alam ang babaeng 'yon!" giit ko. Hindi naman ako babarahin palagi ng Annaliza na 'yon kung hindi ito nagdududa sa akin. Binanggit pa nito na baka nadukot sila Din. Nakita ko na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Kumulo ang dugo ko ng maalala ulit ito. Gusto ko itong
Paano niya nagawa iyon sa amin na kadugo niya at kapatid? "Apo, tumahan ka na. Wala na tayong magagawa pa. Hindi na magbabago ang ate mo kahit ano pa ang gawing pakiusap natin. Nilamon na siya ng inggit at galit." "Alam ko, Lola. Pero ganon na lang ba 'yon? Pipiliin niya na mapahamak kami kaysa ang pakawalan ang inggit sa puso niya? Lola, wala naman akong inaagaw sa kanya. Waka akong kasalanan sa kanya." "Iha, tama na. Magpahinga ka muna." singit ni Mommy. Napansin nito na bigla nag iba ang kulay ng labi ko. Sumenyas ito kay Eliot. Nang makita ni Eliot ang kulay ng labi ko ay sinabi niya kay lola. Ngumiwi ako dahil sobra ang sakit ng dibdib ko. Hindi pa hilom ang sugat ko kaya sumasakit pa din ito. Narinig ko na sinabi ng Doktor kanina na aabutin daw ito ng buwan bago tuluyang maghilom. Kaya kailangan ko ng dobleng pag iingat sa sarili ko. Dinala nila Mommy sila Eliana sa labas at iniwan kami ni Lola. Nang makalabas sila ay umiiyak na hinawakan ni lola ang kamay ko. "Sa tin
(Demi pov)Si Eliot agad ang unang nakita ko ng magmulat ako ng mata. Nakita ko ang pagdaloy ng luha ng asawa ko. Naramdaman ko may mainit na likido din na umagos sa pisngi ko. Akala ko hindi na ako magigising at hindi ko na sila makikita."Shhh." pinahid niya ang luha ko pero hindi ko pa rin magawang huminto. Nang yakapin niya ako ay pareho kaming emosyonal. Alam kong masaya si Eliot na makita na gising na ako at ligtas. Luminga ako sa paligid. Ang mga bata ang agad na hinanap ko. "They are safe, nasa bahay sila kasama si Mommy."Tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilang umiyak habang nasa dibdib niya ako. "I'm glad you're awake, Mhie.""Ako din, Dhie... ako din. Akala ko hindi na ako magigising." Para akong nasa isang mahabang panaginip noong natutulog ako. Wala ako kasama at nag iisa kaya kinain talaga ako ng lungkot at takot na baka hindi ko na sila makasama. Kaya thanks god dahil nagising ako at makakasama ko pa ang mag ama ko.Napangiwi ako ng kumirot ang dibdib ko. Naalala ko n







