Share

Chapter 48.1

Third Person's POV

Dahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid. 

Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?

"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.

Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.

Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon. 

"Anong plano mo sa ka

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status